Nang makapasok na ako sa campus, narealize ko na ilang buwan na lang pala at makaka-graduate na ako. Ang mga pasilyo, ang mga classroom, ang mga puno sa quadrangle, ang mga mukha ng mga kaklase ko, ang mga tunog ng tawanan at usapan—parang lahat ay unti-unting naglalaho, parang panaginip na unti-unting nawawala.Maya-maya ay nakarating na ako sa room namin at dumiretso na agad akong naupo sa pwesto ko sa may gilid ng bintana. Pinagmasdan ko lang ang mga kaklase ko, ang mga mukha nila ay parang mga larawan ng kabataan, ng pag-asa, ng mga pangarap. Mula noong nag-break kami ni Kaizer, doon ko lang narealize na masyado niya pala akong kinulong sa mundo niya, halos wala pala akong naging kaibigan noong college days. Masyado akong naging umaasa sa kanya, parang nakakapit lang ako sa isang piraso ng kahoy sa gitna ng dagat.Napahinto naman ako sa pag-iisip ng may tumawag sa akin.“Serenity! Namissed kita!” Bigla akong niyakap ni Lea. Isa siya sa mga kaklase kong lagi kong kasama.“Lea, nami
Nagsimula na siyang magturo. Lahat kami nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya, pero parang blangko ang utak ko. Ang dibdib ko nag-uumapaw sa halo-halong emosyon: gulat, kaba, at isang kakaibang pagnanasa na hindi ko maipaliwanag. Pero sa ilalim ng lahat ng iyon, nararamdaman ko pa rin ang galit—ang galit sa taong nagdurog ng puso ko anim na taon na ang nakakaraan.Hindi ko maiwasan na mapatitig sa kanya habang nagle-lecture siya. Ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalo siyang gumwapo, mas naging matipuno din ang pangangatawan niya. Siguro nag-gym siya. Parang hindi ko na siya nakikilala, pero ang bawat kilos niya parang isang pamilyar na musika na tumutugtog sa puso ko—isang musika ng sakit, ng pagkakanulo.“Ms. Dela Vega,” biglang naputol ang pag-iisip ko ng marinig kong tinawag niya ako.“Yes, sir!” Sagot ko sabay tayo.“Kanina pa kita tinatawag pero parang tulala ka,” sabi niya, nakakunot ang noo, halatang naiinis.“Sorry po,” napayuko ako dahil nahihiya ako. Pero sa loob-loo
“Hay naku ..Kung alam mo lang,” napailing nalang ako dahil kung alam lang niya ang pagnanais ko na maiwasan si sir Miguel. After class, nagtungo na agad ako sa office ni Kuya Miguel dito sa school. May sarili siyang office dito sa university namin dahil big sponsor nga daw siya ng school namin. I had to brace myself for the internship. I walked down the hallway, past the brightly colored student posters and bulletin boards, to the far end of the building. It felt like a million miles away from the classroom. Kinakabahan ako pero naglakas loob nalang akong kumatok sa pinto ng opisina niya at dahan dahang binuksan ito. Sumilip muna ako at nakita ko namang nakaupo si Kuya Miguel habang tutok na tutok sa laptop niya, halatang busing busy siya. The office was sleek and modern, unlike the other faculty offices, with a large, polished desk and walls lined with expensive-looking artwork. May sofa set na nakalocate sa center at nasa dulo ang lamesa nya. I felt a wave of anxiety wash over me
Habang nag eexplain sya napapatingin na din ako sa mukha niya kahit nakakainis siya hindi ko parin mapigilang mapahanga dahil sa magaganda at mapupungay nyang mga mata, sa matangos niyang ilong, mapulang labi na akala mo ay nakalip gloss. Sinaway ko ang sarili ko sa pagpapantasya. Hindi na niya ako mauuto dahil sa pagiging pogi niya. “Ms. Dela Vega, nakikinig ka ba?” nabasag naman ang iniisip ko dahil masama na ang tingin niya sa akin at halatang naiinis na siya dahil nakakunot na ang mga kilay niya. “Yes s-sir,” pautal utal kong sagot pero nakasalubong pa din ang mga kilay niya. Ang totoo di ko talaga naiintindihan ang mga explanation niya dahil naiinis ako at hindi ako makapag focus. “Then explain it,” masungit niyang pagkakasabi sabay bagsak ng papel na hawak niya sa mesa na ikinagulat ko naman. First time ko siyang makitang magsungit sa akin dahil dati naman napakagentle lang niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng bigat sa puso ko. “So ito na ba ang totoong Miguel? Yung dating
Nag-commute na ako pauwi sa condo na nirent ni Uncle Azriel para sa akin. Habang nasa jeep, medyo kinakabahan ako. First time kong mag-isa sa ganito kalaking lungsod, pero sinabi ko sa sarili ko na kaya ko 'to, kailangan kong matuto na tumayo sa sarili kong paa. Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa condo dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko. Nang makapasok ako sa lobby, amoy na amoy ko ang sariwang hangin at bagong pintura. Ang ganda ng condo building, parang galing sa isang pelikula. Malaki at mukhang pang-mayaman talaga. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang view ng lungsod mula sa bintana. Ang ganda ng mga ilaw sa gabi, parang mga bituin na kumikislap sa lupa. Alam ko, may mas malapit pang condo sa school ko, pero dito pa rin siya kumuha. Kaya kailangan ko pang mag-commute. Pero hindi naman masyadong malayo, ilang minutes lang naman ang byahe. Pumasok na ako sa lobby. Ang ganda ng lobby, malinis at maaliwalas. Nakita ko agad ang receptionist area na may mga m
Maya-maya’y nakita kong nakarating na ako sa floor ko at nagsilabasan na rin ang ilan mga nakasakay kaya medyo lumuwag na at bahagya ko siyang itinulak para makadaan ako. Nakataas noo akong lumabas ng elevator at hindi ko siya pinansin at nagpatuloy akong maglakad sa hallway pero napansin kong parang may sumusunod sa akin kaya namah lumingon ako at nakita kong sumusunod siya sa akin kaya nainis ako. “So nang-iistalk na rin siya ngayon?” bulong ko, feeling a surge of anger. “Sir, sorry po ha pero wala akong gusto sa inyo, hindi po ako pumapatol sa professor ko atsaka sa mas matanda sa akin. Mas gusto ko yung ka age ko lang”pagtataray ko sabay crossed arm. Natawa uli siya nang bahagya na parang nangaasar. “Is there something you need, Sir?” dagdag ko, sinusubukan kong panatilihin ang aking boses na kalmado at huwag ipakitang naiinis ako. “You’re blocking my door, You’ve been standing outside my door this whole time.” sagot niya, ang boses ay parang malambing na kulog. Napako ako sa
Napabangon ako nang tumunog nang malakas ang alarm clock ko. Dumeretso agad ako sa banyo at habang nagsisipilyo, bigla kong naalala ang nangyari sa elevator. “Halatang nainis nga siya sa sinabi kong matandang binata siya,” bulong ko sa sarili ko.Naalala ko rin na napagkamalan ko siyang stalker. Napahampas ako sa noo ko. “Ang tanga mo naman, Serenity!” sabi ko sa sarili ko.Pinilit kong kumilos para hindi ako mahuli sa school. Pero sa tuwing naaalala ko ang nangyari, napapapikit nalang ako sa kahihiyan.Habang naglalakad papunta sa bus stop, nakita ko na naman si Sir Miguel. Nakasakay siya sa mamahaling kotse niya, isang convertible na wala nang bubong. Kitang-kita ko tuloy siya. Magtatago na sana ako, pero biglang huminto ang kotse na nasa harap niya. Napahinto rin siya, at sa sobrang malas, sa tapat ko pa siya napahinto.Napatingin siya sa akin. Todo iwas ako ng tingin, pero nahuli niya ang mga mata ko. Inirapan lang niya ako, tsaka binilisan ang takbo ng sasakyan niya at umalis.“Ts
“Sir,” ang sabi ko, pero hindi niya ako pinansin. Umalis nalang siya sa kinaroroonan namin.Napasapo nalang ako ng ulo ko sa pagkadisappoint ko sa sarili ko. Nakakarami na talaga ako sa kanya. Though kulang pa ‘yon sa panloloko niya sa akin six years ago, ayoko namang magkaroon ng bad impression sa kanya dahil siya ang professor ko. Baka mamaya idamay pa niya ang grade ko.Dahil sa pag-aalala, natapos na ang klase ng hindi ko namamalayan. Para akong nakatulala sa buong oras, paulit-ulit na naiisip ang reaksyon ni Sir Miguel. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon, pero kahit ayaw ko, pumunta nalang ako sa opisina niya. Kumatok muna ako bago ko ito binuksan at naabutan ko naman siyang kumakain. Napahinto siya saglit pero itinuloy lang niya ang pagkain niya.“Hello po,” bati ko, pero hindi niya ako pinansin.Di ko naman mapigilang mapasulyap sa kanya dahil sa angking kakisigan niya. Nakawhite long-sleeve kasi siya ngayon at nakatupi ang mga sleeves nito. Naka-unbutton naman an
Pababa na sana ako ng narinig kong dalawang boses na pamilyar na ang uusap. Parang may mali.“Tell me Ava, what did you say to Serenity? Bakit nya ako iniiwasan?” Bulyaw ni Miguel, na halatang galit na galit.“I just told her the consequence kung magiging malapit kayo. Na possible na ma issue ka with her and machisms,” paliwanag niya, na parang nagtatanggol sa ginawa.“I don’t care if ma issue man ako sa kaniya, alam mo ba sa ginagawa mo pinapahirapan mo ako! You know how important Serenity to me,” singhal niya, na parang desperado na.“Paano naman ako! I love you, bakit ba hindi mo ako magawang mahalin?” Saad ni Ava. Bigla naman silang natigilan ng biglang tumunog ang cellphone ko at napatingin sila sa gawi ko kaya dahil sa taranta ay napatakbo ako pero naramdaman kong hinabol ako ni Miguel.“Serenity, wait!”“Serenity! Let’s talk,” tawag niya pero dirediretso pa din ang takbo ko hanggang makarating ako sa may hallway. Wala ng mga estudyante dahil nagsiuwian na sila. Sinubukan kong bi
“Pero pakiramdam ko, parang iniiwasan niya ako,” sabi ko naman, na parang nanghihina.“Akala ko ba okay na kayo? Akala ko ba super close na kayo?” Pagtataka ni Nagi habang inaabot ang mga pulutan sa lamesa.“Akala ko nga din eh, pero biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Tapos lately kasama niya na lagi yung Aaron,” naiinis kong sabi.“Bro, baka maunahan ka na naman ah, ewan ko nalang talaga sayo,” pang-aasar ni Nagi.“Siraulo ka ba, kaya nga ginagawa ko ang lahat para maging close kami at iparamdam yung feelings ko sa kaniya,” sabi ko naman.“Kelan ba nagbago yung treatment niya sayo?” usisa naman ni Dylan.“Siguro nung dumating si Ava, mula nun nagbago na ang pakikitungo niya sa akin,” saad ko, na parang nalulungkot sa naisip.“Paano mo ba pakitunguhan si Ava sa harap niya?” usisa ni Nagi, na parang interesado sa kwento.“Alam nyo namang magkababata kami ni Ava diba? Pero kahit ganoon naglagay ako ng boundary between us dahil ayokong mag isip ng kung ano ano si Serenity. Ine
“May tinatapos lang kami sa thesis namin,” pagdadahilan ko, at nag-iwas ng tingin kay Miguel dahil sa hindi ko maipaliwanag na kaba.“Hayaan mo na sila Miguel, baka naman mailang silang gumawa ng dapat nilang gawin pag andun ang teacher nila,” kontra naman ni Ms. Ava na halatang nakikisawsaw sa usapan.“Oo nga po sir, okay lang ihahatid din naman ako ni Aaron,” saad ko.“Hi sir Miguel, hi maam Ava,” bati ni Aaron ng makababa na siya ng sasakyan.“Wow Aaron, ikaw ba yan? Grabeng glow up ha,” puri ni Ms. Ava kay Aaron, at halatang interesado sa amin.“Naku, di naman po. Thanks to Serenity siya ang dahilan,” paliwanag naman ni Aaron habang nakangiting nakatinginn sa akin.“Naku ha, I feel something. Bagay kayo ni Serenity,” kantyaw naman ni maam. Parang mas lalo lang tumaas ang kilay ni Miguel sa narinig.“Ava, stop it,” sabay kaming napatingin sa reaksyon ni Miguel. Mukhang naiinis siya sa sinabi ni Ava.“Okay, sige ingat na kayo ha,” ani Ms. Ava, na halatang nag-eenjoy sa pagti-tease s
“Is it okay if bilhan ko siya saglit?” tanong ni Miguel habang nakatingin sa akin kaya nagtaka ako kung bakit siya nag papaalam sa akin.“Ha? Oo naman.. bakit ka nagpapaalam sa akin. Of course you can,” aniko.“Okay, then aalis muna ako,” saad nya kaya tumayo na siya umalis at naiwan kaming dalawa ni Ms Ava at nagsimula siyang magtanong.“So, how’s Miguel? I mean your professor?” Usisa nya.“Okay naman po, mabait po si sir, lagi po niya akong tinutulungan,” tugon ko naman habang tinutusok-tusok ang steak na nasa plato ko.“Yeah, mabait talaga yan si Miguel. Kaya nga madalas namimisinterpret ng iba yung ginagawa niyang kabutihan. Akala nila special na sila for Miguel, but ang totoo ganun lang talaga siya.. minsan pinagsasabihan ko nga yan baka naman na-fall na sa kanya ang mga students niya.” Napakuyom ako sa sinabi niya. Parang gusto kong i-counter ang sinabi niya pero hindi ko alam kung pano ko sisimulan.“Ah oo nga po super bait ni sir,” tiim bagang sabi ko pero pinilit kong i-compos
Serenity’s Pov“Ouch” sabi ko sabay hawak sa ulo ko. Iminulat ko ang mata ko at nakita kong nasa kwarto na pala ako. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na. “4am na pala, ang sakit ng ulo ko. “ bulong ko sa sarili ko. Napakababa talaga ng tolerance ko sa alak. Nagtungo agad ako sa CR at tinignan ang sarili sa CR. Bigla ko nalang naalala ang nangyari kagabi. Biglang nagflash back ang pinag gagawa ko kagabi.(Flashback)“A-laaam mooo nakaaakakainisss kahh! Pina-asaaahh moooo koooh! Kung kelaaaann mahal naaa kitaaa sakaaa mo akoo iiiiwaaannn!” sabi ko habang hawak hawak ang bote ng alak.“Serenity, lasing ka na . Tama na yan,” sabi naman ni Miguel habang inaalalayana ko kasi pagewang gewang na ako na naglalakad sa loob ng bahay. “Nooo! Alaam mooo baaang sinaaktan mo ako? Bakittt kaasiii 16 years old laaaang akoooo noon? Kaaasii akaaalaaa mooo utooo utooo akooooh??”“Seren-” magsasalita pa sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya“Shhhhhhh!! Maaakiinigg kaaah saa akkkinn!
Miguel’s POVNang matapos na kaming magready, nag-decide kaming magkwentuhan muna sa may terrace. Gusto naming sulitin ngayong gabi dahil bukas ay babalik na siya =sa unit niya. Nakaramdam ako ng lungkot, kung pwede lang dito nalang sana siya.“Teka, naubos na yung pagkain natin, gagawa langa ko saglit atsaka kumuha ka na rin ng beer kasi naubos na pala natin yung ilang can ng beer,” sabi ko kaya nagtungo muna ako sa kusina para magprepare ng snacks at sinundan naman niya ako para kumuha ng beer. Naupo siya sa highchair at pinanood akong habang naghihintay sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan niya akong magluto. Medyo nakainom narin ata siya dahil namumula na ang mukha niya.“Mukhang mamimiss ko ang luto mo,” sabi niya habang nakapangalumbaba na nakatingin sa akin kaya naman napatingin rin ako sa akin. Parang nag-init ata ang pisngi ko, nakakahiya naman.“Pwede naman kitang ipagluto pa rin kahit na hindi ka na dito nag-stay,” sabi ko habang nag-preprepare ng p
Naglibot kami sa iba't ibang tindahan, nag-shopping ng mga bagong damit at sapatos. Bumili rin kami ng mga pang-skin care at contact lenses para sa kanila. Na-enjoy namin ang paglalakad-lakad at pagkukuwentuhan. Una naming hinatid si Celine sa bahay nila. Pagkatapos, nagpahatid naman ako kay Aaron sa tapat ng building ng condo ko.“Dito ka pala nakatira,” ani Aaron.“Oo, salamat sa paghatid,” saad ko.“Walang problema, pag kailangan mo ng masasakyan or driver, magsabi ka lang,” wika niya.“Thank you,” sambit ko.“Salamat din ngayong araw. Feeling ko mas naging mukhang tao na ako,” pagbibiro niya.“Gwapo ka naman, kunting make-over lang. Wag mong kalimutan isuot ang contact lens mo ha. Mas gusto ko pag wala kang salamin, mas gwapo ka atsaka for sure madaming magugulat sayo bukas pag nakita ka. Baka madaming magka-crush sayo,” pagbibiro ko.“Hindi ah, sige na alis na ako. Ingat ka,” sabi niya sabay sakay na ng sasakyan at umalis na.Papasok na sana ako ng building ng bigla akong mabunggo
“Ang harsh mo naman sa kaniya,” sabi ko nalang.“Gusto mo bang maging sweet ako sa kaniya?” Wika niya. Natahimik naman ako kasi syempre ayoko naman ng ganun.“Galit ka pa ba?” Tanong niya uli. Kinuha ko nalang yung burger na bigay niya at kinain sabay iling.“Bakit ang sungit mo sa kaniya? Di ba close friend mo siya?” Usisa ko.“I don’t want to confuse you. Nung sinabi ko na sa iyo lang ako ganito, totoo yun,” Hindi ko alam kung anong iisipin sa sinasabi niyang ‘to. Gusto niya rin ba ako? O iba ang ibig niyang sabihin.“I mean, I don’t want you to think na may something sa amin ni Ava. I’m just being honest with you. I’m not into her. “ dagdag pa niya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Miguel ngayon pero nalilito na ako sa kaniya. Bakit pakiramdam ko may feelings din siya sa akin, o baka naman nag-aassume lang ako. Natapos ang araw na punong puno ng tanong ang isip ko.Miguel’s POV“Pare, sa wakas nagpakita ka rin,” bulalas ni Nagi habang may hawak na beer. Nasa private bar ka
Natapos na ang klase kaya nasa canteen na kami nila Celine at umoorder naman ng pagkain si Aaron. Bigla namang sumama ang mood ko uli nang makita ko na namang magkasama na naman si Miguel at Ms. Ava kaya lalo akong nainis.“Oh, bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa sa itsura mo?” Usisa ni Celine.“Naiinis lang ako,” sabi ko.“Nagseselos ka noh?” Usisa niya.“Anong nagseselos?” Tanggi ko.“Halata naman crush mo si Sir, kanina ko pa nakikita yung mga tinginan mo kay Ms. Ava, parang kanina mo pa siya pinapatay sa mga nanlilisik mong mata,” sabi niya.“Tsk, tumigil ka nga dyan,” saway ko sa kaniya.“Pero girl, obvious, ka eh.” Dagdag pa ni Celine.“Celine, tumigil ka na nga dyan,” saway ni Aaron habang inilalapag ang mga pagkaing inorder niya.Pinilit kong i-compose ang sarili kaya iniba ko na ang topic.“This weekend pala may pupuntahan tayo ha bawal tumanggi.” sabi ko. “O sige wala naman akong gagawin” ani Celine“Ako rin” tugon naman ni Aaron.Natapos na ang buong maghapong k