Share

Chapter 04

Author: Ate Nyang
last update Last Updated: 2021-10-19 19:43:43

Atarah Klyte

YUMUKO ako ng bahagya at inaayos ang suot kong facemask. God, please sana po hindi niya ako mamukhaan. Hindi maaring makilala niya ako, masisira buhay ko.

Lumunok muna ako bago ako nagsalita. "Alis na po ako." kinuha ko ang mga gamit na ginamit ko then bahagya akong yumuko.

"Wait..." naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Rare sa balikat ko kaya napako ako bigla sa kinatatayuan ko.

"P-po?" pinilit kong wag mautal pero nabigo ako. Hayz self, bakit 'di ka marunong umarte.Mahuhuli ka n'yan sa ginagawa mo, e.

"New?" sobrang lamig ng boses niya na sobrang lalim. Bakit angpogi pakinggan ng mga lalaking gano'n? Oh d-mn.

"N-no."

"Ah, I see." inalis niya na ang pagkapatong ng kamay niya sa balikat ko. Kaagad akong umalis sa pwestong 'yun. D-mn. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Muntik na 'yun!

Habang naglalakad ako palayo sa Kwartong 'yon ay namataan ko si nurse Jaycee, ang nurse na papalit saakin kaya nabuhayan ang loob ko.

Thank you Lord at makakauwi na rin ako.

Tinignan ko ang wristwatch ko and 6:15 palang pala. Buti maaga si Jaycee ngayon. Thankful talaga ako!

"Hey Jaycee! Ang aga mo ah? Hahaha." masayang bati ko sakanya.

"Oo eh, bumabawi lang, last time kasi lagi ako late ih. Oh sa laboratory mo ba dadalhin 'yan?" tanong niya sabay turo sa dala ko.

"Ah, oo eh." tumatangong sambit ko.

"Oh sige na, Ako na magdadala. Mag out ka na. Halatang pagod ka na eh." nginitian niya ako habang naiiling iling pa.

Mas lalong sumaya ang kabuuan ko dahil sa sinabi niya."Hala thank you!" masayang pasasalamat ko dahil mukhang dininghin na ng Diyos ang kahilingan ko.

"No prob!" kinuha niya na saakin ang tray na hawak ko and naglakad na siya saakin palayo.

Napabuntong hininga naman ako dahil makakauwi na ako, makakapahinga na ako kung saang walang Rare na iniisip.

Kaagad akong pumunta ng staff room. para kunin ang mga gamit ko at pagkatapos ay pumunta ako ng nurse station para mag log out na.

Habang papunta ako doon ay nakasalubong ko naman si Kristan na kakalabas lang ng elavator.

"Oh baby Ath, uwi ka na?" mapungay pungay na tanong nito. Halatang pagod na pagod ito pero ang gwapo niya pa rin tignan. Well, that's my bestfriend.

"Oo, eh ikaw ano oras out mo?" tanong ko.

"Mamaya pang 7:30, kakatapos lang nga ng surgery ko eh." pinatunog niya kamay niya na halatang nangalay.

"Oo nga daw balita ko successful ulit congrats doc, mang treat ka niyan." biro ko pa rito saka hinampas ng pagkalakalas ang kaniyang braso.

"Thanks Baby, oh sige ba. Kailan ka ba pwede?" natatawang sambit nito. Dati palang tinatawag na ako nitong Baby. Walang malisya dahil boy bestfriend ko siya.

"Bukas. Oh sige na alis na ako. Magpapasukat pa ako ng damit. Kitakits nalang bukas." kiniss ko siya sa cheeks at kaagad na iniwanan na siya roon.

Nagmadali akong dumiretso sa Nurse Station at kaagad nag logout saka

dumiretso ako patungo ng parking lot para kunin ang kotse ko.

Sumakay na ako at mabilis ang oras, ilang minuto na ako ngayon na nag d-drive papunta sa botique upang magpasukat na ng damit para sa party ni Ate Akisha.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko ay biglang nag ring ang phone ko.

Kring! Kring!

Kee is Calling...

Sinuot ko ang earphone na nakakonek sa phone ko bago sinagot ang tawag na mula sa kaibigan ko.

"Hello?"

[ Ath? Kamusta naman sa p agbabalik trabaho mo? Nakita mo ba siya? ]

Si Rare ang tinutukoy niya. Sinabi ko na sakanya kaaagad nung araw na nalaman kong si Rare ang doctor na galing ibang bansa at simula nun bukambibig niya na ang tadhana na raw ang naglalapit saamin. Posible raw na si Rare ang Forever ko. Lol. F-ck forever lang wala ako pake doon! Hindi totoo 'yun.

"Buong araw ko sana siyang 'di makikita dahil succesful 'yung pagiiwas ko sakanya pero before akong mag out. Nakita ko siya and sobrang lapit naman and kinausap niya pa ako. Naka facemask ako nun. Sobrang kaba ko Kee. Grabe."

[ Ano sinabi sayo? ]

"Tinanong niya kung bago ba raw ako dun sa hospital sabi ko hindi." napabuntong hininga pa ako at inalala ang mga senaryo kanina.

[ Hala? Panigurado namukhaan ka nun, I mean nabosesan. ]

"Argh! Hindi pwede 'yun." frustrated kong sambit. Nakakainis naman kasi si Tadhana eh! Kala n'ya maganda pa 'yang ginagawang pang aasar saakin.

[ Pwede 'yun Ath! Kahit ako naman siguro ih, hinding hindi ko makakalimutan ang babaeng desperada na magpabuntis saakin. Duh! ]

Natahimik naman ako sa sinabi niya kasi narealize ko na tama naman siya. Eh 'yung mga tao ngangdesperadong awayin ako dati natatandaan ko pa.

[ Ewan ko ba kasi sayo Ath, kung gusto mo magkaanak

dapat alam mong 'yung anak mo kailangan

magkaroon ng kumpletong

Pamilya. He or she needs father, A Father who will protect them! ]

Napangiwi nalang ako at napasuklay sa buhok ko gamit ang kamay ko.

"No! I can protect my child naman ih. I can hire a guards !" giit ko pa dahil ayoko talaga magkaroon ng kahit anong relasyon sa kahit kaninong lalaki lalong lalo na sa makakabuntis saakin.

[ Iba kasi 'yung Tatay

Ath, ibang

Iba. Princess or Prince deserve to have a king in their life. ]

"Kee kasi, hindi ko siya gusto or mahal. Mahirap pakitunguhan kapag gano'n ikaw na rin naman nagsasabi hindi ba?And isa pa ang kapal ng mukha kong magpabuntis tapos pa papa ako ko lang sakanya, paano kung may girlfriend o asawa na pala 'yun diba? Ayoko na siyang mastress dahil ako lang may gusto nito." ''diba tama naman? Maganda ang magiging desisyon ko para sa kapakanan niya rin naman ang ginagawa ko. Ayoko na siyang magisip ng kung ano ano at problemahin 'tong magiging anak namin dahil ako lang may gusto nito.

[ Ath! Ngayon mo lang ba naisip na possibleng may girlfriend or baka asawa na 'yang si Rare pagkatapos mong magpapabuntis sakanya? Malaking gulo kapag gano'n! STUPIDO ATARAH! ]

Pinaikot ko ang mata ko kahit hindi niya naman makikita. "Oh kaya nga hindi niya na ako kailangan makita or malaman nito na buntis ako para walang gulo. Gets mo na?"

[ Wow Ath, grabe 'yang mindset  mo ha, grabe. Napaka impossible 'yung hindi ka niya makikita pero eto pa, paano naman kung wala siyang girlfriend or wife? Paano kung gusto ka niya panagutan? Paano kung willing ka niyang mahalin? Paano 'yun? Gusto mo ba 'yun? Matutunan mo naman siyang mahalin. ]

Sarkastiko niyang saad siguro kung magkausap kaming dalawa sabay na kaming napapairap o 'di naman kaya nagsisitaasan ang nga kilay. "Hays. Ewan ko sa'yo. Mamaya nalang. Nandito na ako sa Botique. Babush! Lab u!" Inalis ko ang ear phone na suot ko saka ko pinark ng kotse.

•••

BUMABA ako ng kotse ko para pumasok dito sa loob ng hotel Venue. Ngayon na ang araw ng kaarawan ni Ate Akisha labag man sa loob kong dumalo rito pero wala na akong choice.

Tinignan ko ang orasan, Its already 8:20 pm. Kanina pang 7:30 nag start ang party and eto ako kadadating lang. Late ako pero I don't care pasalamat pa nga sila dumating ako sa party nila.

Oo nga pala nakasuot ako ng black matte dress, backless. Bahagya rin naka reveal ang Clevage ko. Witwiw I'm so chix.

Pagpasok ko sa Hotel ay inasist din ako kaagad ng isang babaeng staff. "This way po Ma'am." taas noo akong naglakad papunta sa garap ng isang malaking pinto. Nung nakadating na ako ay agad nila itong binuksan at ako naman'di na nagpatumpik tumpik pa pumasok na ako sa loob na taas noo kaya agad pansin ang presensya ko.

Maraming nagsitinginan saakin,

Including Mom, Dad, Ate Akisha and Si Charl. Nginitian ko sila nang matamis, wew plastic. I know right.

Hindi ko sila pinuntahan dahil dumiretso ako sa table nina Mikee. Mababadtrip lang ako at baka mahaggard ako kaagad kung doon ako didiretso.

"Oh buti dumating ka pa babaita!" nakangusong sambit ni Mikee. She's with her Boyfriend, Si Prince. Alam ko rin na nandito family nina Prince and Mikee ih. Family friend namin sila eh.

"No choice syempre." kibit balikat na sambit ko. Kanina pa talaga ako ginugulo nyan. Text ng text, call ng call na kesyo nasaan na ba daw ako? Dadating pa ba ako. Kairita.

"So ano na ganap? Inanounce na ba nila na buntis Si Ate?" sambit ko sabay upo at chineck ang face ko sa phone ko.

"Ha what? Buntis siya?" gulat na tanong ni Mikee.

"Oh yes, 'yun yung announcement nila." tamad na sambit ko. Spoiler ako bakit ba, tss.

"Hindi pa pero mukhang ikaw na nag announce ih, look lakas lakas ng boses mo nakatingin 'yung iba dito." Napatingin naman ako sa mga kalapit table namin dito, At nakatingin nga sila. Napairap nalang saka binaling muli ang tingin kina Mikee.

"Hey Ath, Si Ate mo papalapit dito oh." nginusuan ni Prince ang direskyon ni Ate Akisha and He's right papalapit nga siya rito.

"I'm glad you came, Kala ko 'di ka na pupunta ih." nakangiting sambit ni Ate Akisha. She look so gorgeous today, gusto ko umirap pero h'wag nalang birthday niya naman, gift ko na 'yon.

"Yeah right. Happy birthday." walang ganang sambit ko.

"Thank you Ath." Akmang y-yakapin niya ako pero pinigilan ko na siya.

"Hey tawag ka na ni Charl. Mag a-announce na ata kayo." malamig kong sambit. Ngumiti nalang siya ng mapait saka tumango then bumalik nalang siya sa table nila. Nag roll eyes ako sa binalik ko ang tingin kina Mikee and Prince.

"You're so mean Ath. Dapat niyakap mo nalang siya tutal birthday niya." kunot noong sambit ni Mikee.

"Nah, Ayoko. She's plastic and I'm hot baka masunog pa siya ngayon birthday niya." umiiling at nakangisi kong sambit.

"Still Ath? 'di mo pa rin napapatawad Ate mo?" tanong naman ni Prince kaya natawa ako ng sarkastiko.

"Nah, I already forgive her. Matagal na but 'di ko na kaya ibalik 'yung dati naming samahan." mapait kong sambit at nagkibit balikat nalang.

Masakit na idulot niya pati na rin ni Charl sakin eh.

"Ladies and Gentleman. It's time for us to know the announcement of Mrs. And Mr. Aquian! Once again let's welcome the birthday lady and her husband, give them around of applause."

Hindi ko pinansin ang mga sasabihin dahil nakakabored lang. "Kee, kumain na ba kayo?" I asked.

"Yes kanina pa." sagot ni Kee na nakatingin ngayon sa stage kung nasaan sina Ate.

"I'm hungry." nakanguso kong sambit.

"Pakuha nalang tayo. Hey Waiter!" tawag pansin ni Prince sa staff.

"Yes, Sir and Ma'am?"

"I want tempura, pasta and red wine pakibilis, I'm hungry na kasi ih." mariin kong sambit habang humihikab na nakakaantok naman 'tong party na 'to.

"Ok po ma'am, wait a minute."

"My wife, Akisha is 7 weeks Pregnant!" rinig kong masayang announce ni Charl dahilan kaya nagpalakpakan naman ang mga tao.

"Bilis kumayod nitong si Charl ah, Nakadalawa na nga. Ikaw Ath? Nga nga hahahaha."pangaasar ni Mikee kaya nginisian ko lang siya.

Magkaanak din ako, malapit na.

"Wala naman ngang Boyfriend si Ath, love eh, So what do you expect 'diba talagang nga nga pa rin si Ath. Siguro kapag mag a-asawa na rin siya baka dun mabilis din sila kumayod, lol. Ikaw ba Love gusto mo bang magsimula na akong kumayod?" napangiwi ako sa sinambit ni Prince habang umiinom ng wine.

Yak.

"Hahaha enebe pwede nemen." umakto ako sa parang nasusuka dahil naman sa naging reaksyon niya.

"Yak lalandi n'yo naman." Cringe!

"Ma'am eto na po." inilapag ng waiter ang pagkain ko sa table namin pero biglang, umikot ang sikmura ko nang makaamoy ako ng 'di kaaya-aya.

"Eck~." napahawak ako sa bibig ko. naramdaman ko ang pagbaling ng tingina nina Mikee saakin.

"Where's your restroom? Please assist me." sambit ko. Nakahawak ako sa bibig ko upang pigilan pa ang paglabas ng suka ko. May mga napatingin saakin pero hindi ko na ito pinansin at nagmadaling maglakad.

"Ma'am dito po." tinuro ng waiter ang daan papuntang restroom kaya halos tinakbo ko na ito dahil puputok na talaga pero biglang may bumanga saakin kaya napaupo ako at napayuko. 'Di ko na napigilan ang aking sarili at nasuka na ako sa harapan nito.

"What the hell, Are you ok Miss?" Parang biglang gustong bumalik ng sinuka ko ng sikmura ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun. F-ck no! Si Rare. Boses ni Rare 'to.

Yumuko pa ako at humanap ako nang tyempo na makatakbo palayo dun. At nung makahanap na ako ay tinulak ko siya at kumaripas ng takbo.

Imagine, Nakatakbo ako habang nakahills. Amazing!

"Hey Miss!" nagmadali akong tumakbo at nung mamataan ko na ang restroom ng babae ay kaagad akong pumasok dun. Hingal na hingal ako habang nil-lock ko ang pintuan ng restroom.

Bakit siya nandito? He's invited? What the ef? Bakit gano'n! So Ininvite ni Ate ang first love niya or EX niya for what reason? Just f-ck? Bakit? Bakit han'to? Bakit lagi nalang nagtatagpo landas namin nun.

Anong gagawin ko!? Baka sumunod pala siya, vaka nasa labas siya. D-mn. Hindi ko pa dala 'yung phone ko!

Naghilamos ako ng mukha, simple lang Naman make up ko, and it's waterproof kaya 'di pa rin siya nabubura.

Tadhana! Ano ba talaga plano mo saakin! Pinapahamak mo naman ako ih, the more na ayaw ko siyang makita, the more naman na lagi mong pinag tatagpo landas namin.

Tumulala pa ako sa salamin ng mahigit 20 minutos bago biglang may kumatok sa Pinto.

"Hey Ath?" rinig kong tawag mula sa labas ng restroom.

"Mikee!"

"Open this door, Ath."

"Wala bang ibang tao d'yan?" kinakabahan kong tanong.

"Wala, why?" binuksan ko kaagad ang pinto at hinila siya papasok sa Loob.

"Ok kalang ba? Ha?" nagaalalang Tanong ni Mikee.

"No Hindi! Nandito si Rare. Nakabangaan ko siya sa harap niya pa mismo ako nasuka."

"What?! Seryoso ba 'yun? Eh? Ansabi niya?"

"Buti nalang nakayuko ako nun, tapos tinakbuhan ko siya tinawag niya ako pero dire-diretso ako dito. Ayoko lumabas baka nasa labas pala siya, tapos nakita niya ako edi sayang effort ko sa pagtakbo 'diba?"

"Buti nalang pala talaga pinuntahan kita dito kasi ang tagal mong wala dun, Hinahanap ka na din ni Mommy mo."

"Ayoko na bumalik dun, baka nandun si Rare!"

"Eh paanong nandito kasi 'yung lalaking 'yun? Ininvite siya ni Ate mo? 'Diba sabi mo saakin Ex siya ng Ate mo?"

"Oo baka siguro, ano ng gagawin natin?"

"Gan'to, diretso ka na sa labas then punta ulit ako dun sa party para kunin 'yung phone and bag mo, Ok?"

"Oh sige, doon ako pupunta sa parking lot sasakay na ako ng kotse."

"Oh sige Tara." si Mikee ang nagbukas ng pintuan ng restroom then luminga linga siya para makumpirma kung may tao ba.

"Tara, walang tao." naunang lumabas si Mikee kasunod ako. Binilisan namin ang paglakad at sa kasamaang palad ay may nakasalubong kaming alagad ng magulang ko.

"Ma'am Atarah. Hinahanap ka po ng Mommy and Daddy n'yo." sambit ni Manang Olivia na mayordoma namin sa Bahay.

"Ahm, pakisabi po. Hindi nyo ko nakita, At umuwi na ako."

"Ma'am, mainit ulo ng Daddy n'yo po. Papagalitan po ako kapag hiindi ko kayo nadala sakanya." mapayuko ito dahil halatang ayaw natatakot siyang mapagalitan.

"Ako bahala sayo Manang." nagtitiim bagang na usal ko.

"Ma'am please po? Ayoko pong matangal sa trabaho eh." napabuntong hininga naman ako at napa kagat sa labi.

"Oh sige na po, una ka na po. Sunod po ako. Promise po." sumusuko kong usal.

"Talaga po? Thank you po Ma'am. Sige po hinihintay ka na po nila doon." Tinanguan ko siya. Naglakad na siya palayo, tapos nagkatinginan naman kami ni Mikee.

"Oh ano? Babalik ka do'n?" tanong nito.

"Oo saglit lang. Tara na." nagmadali kaming maglakad pabalik dun sa Party.

Nilibot ko ang paningin ko at sa kabutihang palad ay wala namang Rare akong nakita kaya nakahinga ako ng maluwag, nawala ang kabang nararamdaman ko.

Dumiretso kaagad kami sa table namin, kung saan nakalagay ang phone and bag ko para diretso na ang pag alis ko mamaya.

"Ath, napano ka? Ayos ka lang ba? By the way kanina ka pa hinanap dito ng Ate mo." salubong ni Prince saamin.

"Ok lang ako. Sige, sige."

"Ye----."naputol naman ang sasabihin ni Prince nang biglang may tumawag saakin.

"Atarah!" napalingon naman ako sa tumawag. Si Ate Akisha, napairap nalang ako at napailing. Tutal birthday niya pagbibigyan ko siya ngayob.

"Wait lang. Puntahan ko lang si Ate." nakamake face ako nung lumapit ako dun sa pwesto ni Ate.

"What?"

"Kala ko umuwi ka na, eh." mapait na sambit niya kaya binigyan ko siya malamig na tingin.

"Pauwi palang actually." cold na sambit ko.

"Ambilis naman. Kumain ka na ba?"

"So, She's Atarah?" nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na 'yun na likuran ko.

Oh no. Baka hindi naman, baka mali lang ako. Hindi siya, 'to. Hindi pwede.

"Ahm, Yes. She's my sister." nakangiting usal ni Ate kaya napalunok ako at di ko magawa siyang harapin.

"Hey Atarah, nice meeting you..." hindi pa rin ako gumalaw at pakiramdam ko kinakapos na ako sa paghinga.

"Ath, hey? Are you ok?" nagaalalang sambit ni Ate nang mapansin niya ang reaskyon ko.

Napatango nalang ako atahan dahan akong lumingon sa likod ko."S-shit." nauutal na mura ko nang makita ko ang kabuuang mukha ng lalaki.

Si Rare nga.

Nakangisi ito, At nakatingin nang diretso saakin mga mata na para bang sinasabi na. 'Hey, remember me?'

"Hey Ath." napaiwas ako ng tingin kay Rare at nagbaling ng tingin kay Ate.

"Ahm, Yes. Ah nice meeting you too Rare." inilahad ko ang kamay ko at nakipag kamay sakanya apra hindi halata. Kailangan ko nalang umarteng 'di ko siya kilala.

Nangilabot ako nang dumampi na ang kamay niya sa Kamay ko. Wth!

"Kilala mo siya Ath?" nagtatakang tanong ni Ate.

Sh-t, nahuli ako do'n ha! Bakit ko sinabi ang pangalan niya? Nasaan na 'yung sinasabi kong a-arte ako? Eh, bigla kong nabanggit ang pangalan niya.

"Ofcourse, She know me. Very--very much.."nakangisi na sambit ni Rare at biglang gumalaw ang panga niya.

Gusto ko nalang magpakain sa lupa, wala na akong kawala ngayon. Paano na 'to?

Comments (5)
goodnovel comment avatar
Yen
hahahahaha
goodnovel comment avatar
Pacita Gabriel
wow nagkita n rin kau s wakas beautiful story
goodnovel comment avatar
Juvilyn Pascua Abril
oa ka nmn pahalata ka mmn ikaw lang nmn ang nakakakilala sa kanya e..hayst oa ka bala d ka nga nya maalala eh...pa obios ka...d kalang kumalma...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 05

    Atarah Klyte"BUT how?" tanong ni Ate. Eh, bakit gusto niya pa malaman? Masyado siyang kuryuso, ano 'to nagseselos ba siya? Tss."Ask her." nakangising sambit ni Rare. Ah! Naiinis ako sa ngisi niyang 'yan. Asar na asar ako."Gotta go, pakisabi nalang kay Daddy. Nahihilo kasi ako ih." sambit ko nalang kay Ate Akisha at hindi sinagot ang tanong nito. Napansin ko ang pagtaas ng kaliwang kilay ni Rare pero hindi ko na rin ito binigyan pansin at nagmadali akong umalis doon pero bago pa ako makalayo sakanila ay narinig ko pang nagsalita si Rare." I'm an exchange Doctor. I'm working at St Calisha as of now, and beside your sister is a close friend of mine." what? I know him daw kasi sobrang close namin?! At wait, Oh my god! Mukhang namukhaan niya ako sa hospital kasi nabangit niya nga 'yung St. Calisha.Napailing iling ako at halos tinakbo ko na palabas ang hotel. Nang mak

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 06

    Atarah Klyte"HMMM...Rare." tawag ko rito."Yes?" napalingon naman ito saakin. Kasalukuyan kasi siyang nagluluto. Yes oo nagluluto siya ng snack namin such as fries, popcorn and many more 'coz we've decided to watch a movie.Mag m-movie marathon daw kami para raw hindi boring and besides maaga pa naman. "I have only here a pink big t-shirt, If you want to change your clothes you can use this, uhmm. Ang init kasi ng suot mo ih." bakayuko kong sambit. D-mn, I felt so embarrassed. He just chuckled then inilahad ang kamay niya.Imbes na ibigay ko ang damit ay natulala lang ako sa kamay nitong nakalahad. Ang puti, kinis at medyo maugat ang kaniyang kamay."Is this yours?" tanong nito kaya napatingin muli ako sakanya perpektong mukha at saka marahan na tumango."Cool. Akin na." kinuha niya saakin ang T-shirt na ma

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 07

    Atarah KlyteNAKATULALA lang ako habang hinahalo-halo ang kape na tinimpla ko. Hindi pa din ako maka move on sa nangyari kahapon. How dare him! Ang gago ng Rare na 'yun.Hindi ako buntis at hindi ako pinagbigyan ni Rare na maging masaya. Damn him! Paasa siya.Hindi ko lang maintindihan kung gumamit naman siya ng protection nun alam niya na hindi ako buntis so bakit siya nag act na parang naghahabol sa baby ko? Bakit parang inaalagaan niya ako. Hindi ako nag assume ha pero totoo talaga.Pinaglalaruan niya ba ako? He's so jerk!May pa this is not the right time baby pa siyang nalalaman kala mo talaga may susunod pa. Kala mo talaga pipilitin ko pa rin siyang buntisin ako. Pwes nagkamali siya. Ang kapal ng mukha niya. Sinayang niya ang chances na binigay ko. Maghahanap nalang ako ng ibang sperm donor. Tss.Wala siyang silbe! Nagpakasasa lang siya sa katawan ko

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 08

    Atarah KlyteNAPAKAGAT ako sa labi dahil feeling ko gusto ko siyang halikan pa ulit. Kainis lang kasi hina-hanap hanap ng labi ko ang labi niya.Ang cringe ko, why am I acting like this? Jusko, I'm not like this talaga.Sabay kaming lumabas ng kotse ko. Ni park ko muna sa labas ang kotse ko 'di ko na ipapasok sa loob aalis din naman ako agad."Hoy pindutin mo doorbell." utos ko rito habang inaayos ng sarili ko. Pinindot niya naman ang doorbell at wala pang halos isang minuto ay lumabas na si manang Josie, ang kasambahay namin."Nandito ka na pala hija, maganda gabi sainyo." yumuko pa ito kaya nginitian ko si Manang."Good evening too." bating pabalik ni Rare."Napakagwapo mong bata, teka lang Boyfriend mo ba siya hija?" tanong ni manang habang nakakunot ang kaniyang noo kaya nginitian ko lang ito.

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 09

    Atarah KlyteUNTI UNTI kong binuksan ang mga mata ko at bumungad agad saakin ang puting kisame. Amoy palang ng paligid alam kong nasa Hospital ako.Nilibot ko ang paningin ko nagbabakasaling may tao rito sa loob ng kwarto ngunit wala akong natagpuan.Gumalaw ako ng kaunti talagang napangiwi at napa ' aray' ako sa sakit ng katawan ko. Napatingin ako sa magkabilang braso ko puno ito ng sugat at pasa.Napadako rin ang tingin ko sa bandang dibdib ko na nakabenda. Ramdam ko rin na nakabenda ang ulo ko kaya hinawakan ko ito ng dahan dahan para makumpirma and tama nga ako nakabenda nga ito. Samantalang sa kaliwang kama ay nakasalpak roon and akin dextrose.Kahit masakit ay pinilit ko pa ring umupo sa kama. Sino kaya ang nagdala saakin rito? Kamusta na kaya si Ate? Kamusta na kaya ang pamangkin ko?Napapikit ako ng mariin at inala

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 10

    Atarah KlyteTUMAGAL ng halos 3 minuto ang 'halikan session' namin ni Rare bago ako nagising sa kalokohan na pinagagawa ko.What the ef, self ? Harot mo. Pumapayag kang halik-halikan ng pesteng Rare na 'yan. Nasan na 'yung pagiging dalagang pilipina mo?"Ikaw lang ang bukod tanging manliligaw ang nakikipag torrid kiss sa nililigawan nya."nakakunot noo kong sambit.Bwiset kasing labi ko. Taksil amp. Kapag lumapat na kasi labi ni Rare automatic hahalik ako pabalik. F-ck lust talaga. Hayz."I'm not courting you. It is only for our show, remember?" nakangising sambit nito kaya napairap lang ako. Wow. Oo nga pala fake courting wannabe ang gaming."Ok fine, nakikipag torrid kiss sa hindi naman 'GIRLFRIEND' or 'NILILIGAWAN' " Kalalaking tao maharot. Ang manyak niya, ang kapal ng mukha niyang halik halikan ako.Pero kasalanan ko din naman, hinahay

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 11

    Atarah KlyteSA Dalawang araw kong pag stay ng mansyon ay wala naman masyadong ganap. Still boring. Kung hindi ako nakahiga, Nag p-phone, Nagbabasa ng libro, Nanonood ng movies, nag a-alalaga kay Akeila at kung ano ano pa.Si Mikee naman hindi pa nagawi sa bahay kasi She's busy with her work. She's Veterinarian. Doctor for the animals. Kahit hindi halata sa babaitang 'yun kasi mukhang puro party and pasarap lang sa buhay ay desente naman ang work niya.Si Ate Akisha madalas nagpapahinga lang siya pero syempre malaki ang Mansyon. Iniiwasan ko na magtagpo kami or 'di kaya makipagusap sakanya baka kasi hindi ko mapigilan sarili ko at baka magkasagutan nanaman kami.Si Charl, Busy 'yun sa paghahandle ng Hotels and other business nila dito sa Pinas habang narito ito kasi nga 'diba bakasyon lang naman sila nina Ate dito. Sa Canada talaga sila nakatira.

    Last Updated : 2021-10-19
  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 12

    Atarah KlyteNAGHIHINTAY ako ngayon dito sa parking lot ng St. Calisha. Hinihintay ko si Rare well napapayag niya akong sumama sakanya kasi nagu-guilty ako kapag hindi ko siya sinamahan parang kailangan n'ya ng kadamay ngayon.I already text manong Lando na h'wag na muna ako sunduin dahil kasama ko naman si 'Rare' my manliligaw wannabe.'Di ko kasi alam kung saan 'yung kotse niya dito. Nauna na akong lumabas sakanya para walang issue sa loob may inayos pa kasi siya saglit doon."Speaking of devil," bulong ko ng mamataan ko si Rare na kakalabas lang. He's wearing white long sleeve na naka fold and a pans. Dala niya rin 'yung bag niya na pang koreano. I think Korean mens briefcase 'yun.Gad I love seeing him wearing that kind of clothes like dude para siyang Model .Napaka gwapo niya and linis tignan.Hindi porket na ayaw ko na

    Last Updated : 2021-10-19

Latest chapter

  • MAKE ME PREGNANT   Epilogue

    Rare's POVTHERE are people you just want to keep forever, those whom you want to be in your life for as long as possible.For some, there are a lot but for me there's only one, that person who will be with you for the rest of your life, your special someone, the one you want to proudly be with like you just want to shout to the world or universe that you are in love or that you have found the person that you want to spend forever with.Falling in love with her was like entering a house and finally realizing I'm home. When she smiled at me I feel invisible hands wrapping around me making me feel safe. When her eyes are locked on mine, it's like I can see galaxies instead of just toxic cenery. Having her in my life makes me feel like everything's possible in this world, like I can conq

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 70

    Atarah's POVNANGINGINIG ang mga tuhod ko habang nakatungo ako sa mga 'to dahil wala akong tigil kaiiyak hanggang sa naramdaman kong may humahaplos haplos sa likuran ko.Inaangat ko ang paningin kong nanlalabo na dahil nahaharangan ng mga luha ang mata ko. "A-aida?" nauutal na saad ko dahil hindi ako makapaniwala na ngayon ay nakikita ko na naman siya."Bakit ka umiiyak? Inaaway ka na nan ng ipaktang Presh na 'yan? Ano gusto mo, resbakan natin? Patulong tayo sa

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 69

    Atarah's POVGALIT na galit kong sinugod si Presh. Sinakal ko siya na may ngiti sakaniyang labi pero agad din naman akong nilayo ng mga tauhan niya sakaniya."Anong ginawa mo sa anak ko?!" galit na turan ko at pilit na pumupumiglas sa hawak ng mga tauhan niya."Hulaan mo kung paano siya namatay.." mapangasar na saad nito kaya nagsituluan ang luha ko habang nanginig ang mga labi ko dahil sa kawalang hiyaan niya."Papatayin kita!" galit na sigaw ko dahil nagagawa niya pang matuwa na may napatay siya. Umiiyak akon

  • MAKE ME PREGNANT   Chapterr 68

    Atarah's POVMINULAT ko ang mga mata ko nang marinig kong may nagsasalita. Napakagat ako saaking labi dahil sa nakaramdam ako ng matinding lamig at pananakit ng ulo."Atarah! Atarah!" napatingin ako sa katabi ko kung saan nanggagaling ang boses na tumawag na 'yun."Aida?"nagtataka kong sambit lalo na ng makita kong nakatali ang magkaliwang kamay at paa niya sa mismong pader habang maka lingerie siya na kulay red.Nababa rin ang tingin ko sa sarili ko at kagaya niya pareho kami ng sitwasyon. Parang nakaattach kami sa pader. Magkabilang kamay at paa namin ay nakaposas ng isang bakal, naka lingerie rin ako ng kulay black.Kaya pala malamig dahil halos nakahubad na kami. Nilibot ko ag paningin ko sa kwartong 'to.Walang kahit ano akong nakikita bukod sa puro kulay p

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 67

    Atarah's POVMABILIS ang naging pagakyat ko sa hagdan at naglakad papunta ng kwarto ko. Pagpasok ko ay agad kong sinipat ang bawat sulok ng kwarto ko at natagpuan ko ang phone ko sa gilid ng lampshade.Napataas ang kilay ko nang may notification na may nag email saakin pero hindi ko nalang 'to binuksan at dumaretso sa contact saka sinubukang tawagan si Amirah.Ilang beses nag ring pero walang sumasagot. Mahigit sampung ringing ang phone ko pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag hanggang sa mag out of coverage.Hindi pa rin 'to nagpapalit ng sim dahil ringing pa rin naman sa kabilang linya. So maaring matrack namin 'to dahil gamit niya pa rin naman ang dating phone number niya. Pero hindi naman sila Tanga eh lalong lalo na 'yang si Presh. T'yak alam nilang mat-track sila dahil sa number. So may mali, halatang sinadya nila na h'wag palitan pero bakit? Utos ba 'to ni Pres

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 66

    Atarah's POVHINDI ako makasagot sa sinabi niya dahil parang biglanalang akong napipi na animo pinutol ang dila ko dahil sa nakikita ko ngayon kung gaano siya ka miserable.Nakakapangsisi na sinisi ko s'ya sa lahat na nangyari saamin ng anak ko noon. Ang sama sama ko na pinagbintangan ko siyang manloloko at papatay sa anak ko. Kasalanan mo talaga lahat 'to Atarah, galit na galit ang puso mo noon habang siya durog na durog."Sorry.." lagi nalang sorry ang tinutugon ko kahit alam ko namang hindi sapat ang sorry ko sa lahat ng sakit sakaniya. Ang akala ko pinaka masakit at mahirap na ang pinagdaanan namin pero mali ao dahil saaming dalawa ni Rare ay siya ang mas nahirapan pero hindi 'to sumuko."I've always been good at fixing and healing things or people. I fixed you, I heal your broken heart every time it shattered into pieces and once I

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 65

    Atarah's POVKINABUKASAN, ay uuwi na ako nang mansyon dahil ok naman daw ako sabi ng doctor ko. H'wag lang daw ako magpaka stress at dapat h'wag masyadong mapagod.Kanina pa ng madaling araw nagsimula ang engkwentro nina Roks sa mga tauhan nina Presh. At hanggang ngayon ay wala pa kaming balita sa mga nangyayari sakanila.God, sana walang masaktan sakanilang lahat lalo pa't kasama si Roks, Kenji at Rare na pumunta doon.Papunta kami sa ICU ngayon para sumilip sa kalagayan ni Tan, naging maayos naman ang operation pero comatosw daw ito at maaring hindi na magising pa dahil halos makina nalang ang bumubuhay sakaniya ngayon. "Mabuti nalang talaga

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 64

    Atarah's POVHINDI ko inalis ang tingin ko kay Rare habang iyak pa rin ako ng iyakpero hindi ko naman siya magawang lapitan. Natatakot ako lalo na't sobrang frustrated niya at umiiyak habang kausap niya si Kenji.Gustong gusto ko siyang yakapin dahil pareho naming kailangan ang isa't isa sa mga oras na 'to pero nanghihina akong lumapit sakaniya.Wala akong pakialam kung paano n'ya nalaman ang tungkol saamin ang mahalaga ay alam n'ya na buhay ang anak namin. Alam kong galit siya, dahil kanina nang unang magtama ang mga mata namin ay sari saring emosyon ang nakita ko sa mga mata niya pero galit at lungkot ang nababasa ko ang pinaka nababasa ko."Anak. Mauwi na tayo.." pagod akong tumingin kay Mommy. Nandito pa rin kami sa labas ng hospital dahil ayaw ko pang umuwi hanggat hindi nakikita ang anak ko.

  • MAKE ME PREGNANT   Chapter 63

    Rare's POVI WAS looking at my Atarah's picture cherishing each memory. I'm struggling to let go of the our precious memories.She is every man's dream.It's really hurt to leave her but I know I will hurt her more if she stays with me. I should admit that I couldn’t make her happy anymore.Letting go of someone you trulylove is one of the most difficult things in the world.Thepain of a lost love lingering like a subtle poison. I can’t be the best for her anymore, Someone better is waiting for her.She deserve to be happy with the right one. A useless guy like me did not deserve a girl like her. She was the first girl I fell in love with, I grew in love with. She made me believe in love. I loved her more than I could possibly imagine loving someone.My life is sweet because she's part

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status