AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Hindi ako agad kumilos pinalipas ko muna ang ilang araw bago ako gumalaw. Nag paalam ako na aalis muna ako dahil pupunta ako sa Tita ko pero hindi yun totoo. Okay lang naman din na umalis dahil day and off ko din ito nasakto. Bumaba ako ng motor ko at kinabit ko sa tainga ko ang earpiece saktong nagsalita si Bryant. “Matatagalan pa bumalik sila Eloy, marami pa silang kalaban..” pag babalita nito. “Okay lang basta may dala sila na magandang balita..” sagot ko at pumasok na ako sa loob ng casino. Pinakita ko ang VIP card ko at agad akong pinapasok ng guard. “Hindi ka ba natatakot na may maka kilala sayo? Alam ko na alam mo din na pinasusundan ka na nila..” tanong ni Bryant. Ngumiti ako sa babae at dumeretso na ako sa loob ng bagong bukas na elevator. Pumasok ako at nang mag sara pinindot ko ang 20th floor button. “Alam ko, pinapahanap nga nila si Olivia yung batang ako..” sagot ko at tinanaw ko ang labas ng elevator dahil gawa naman ito glass kaya n
CHARLES ANTONIO “Guys may bangkay sa loob ng ladies room, kasamahan ni Dimagiba sa pagiging police si San Diego!” Pagbabalita ko sa kanila. “Ano? Sino daw gumawa?” Tanong ni Steve sakin. Umiling ako bago mag salita. “Hindi tukoy, dahil sira ang lahat ng cctv sa buong building mula entrance. Ang nakakalibot dito, tinadtad ng bala ng walang nakakarinig, sound proof din kasi ang mga cr dito. Tapos ito pa pinutol ang ari at sinubo sa bibig..” kwento ko at pinakita ko sa kanila ang nakuha kong litrato. Napa duwal pa si Britney ng makita ang bangkay. Kulay violet na ito at halatang may katagalan na itong walang buhay. Ang masaklap dito talagang hindi binigyan ng pagkakataon pang makaligtas. “Butas din ang lalamunan nito, at ang nakasulat sa dingding. Mag babayad kayo paunti unti. Mas lalo kana Dimagiba..” pag basa ko sa nakasulat. “Target ng taong yan ay si Dimagiba pero bakit ang kasamahan nito?” Tanong ni Clinton sa akin. “Umalis na tayo muna dito..” suhistyon ko sa kanila na
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Maaga pa lang bumalik na ako sa mga Clemenza, mabuti at pinag buksan naman nila ako ng pinto at gate kanina. Na-meet ko na si ang chef nila dito, medyo may edad na rin sa pag kakasabi sa akin ay nasa 40 years old na ito. Tinuturo nito sakin ang mga bawal kainin ng mga matatanda dito. Dahil siya ang nakakatanda kaya ngayon tinuruan niya ako and i accept that.. “Alam mo, Chef Ciara? Bagay kayo ng anak kong lalaki, sabi ko nga sa kanya kung mag girlfriend ka lang yung mabait at katulad din niya chef din..” naka ngiti nitong pag ku-kwento. “Naku Chef Randy, huwag po natin pangunahan ang mga Millennials ngayon,” sagot ko habang kino-kopya ko ang list niya. Pina kopya niya sakin kasi need niya ang original. “Mahirap kasi pag pinangunahan sila, saka Chef Randy wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay..” sagot ko dito. Nang matapos ako mag copy ay inayos ko ito at binalil sa kanya ang mga notes niya. Kahit paano ay binigay niya sakin, pero naka depende pa
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Isang linggo na ang lumipas ng mangyari ang ambush na ‘yun nagulat ako ng makita ko ang mukha ko sa news at sinasabi na ako daw ang third party sa relasyon ni Sir Clinton at Britney. Napa ngiwi naman ako at umiling na lang ako. “Tang*na! Kahit si Sir Clinton na lang natitirang lalaki sa mundo? Hindi ko papatulan yan! Hindi na bale hindi mag asawa no thank you na lang!” Asik ko habang umiiling. Hanggang marinig ko na may nagtatawanan na sa likod ko na kina lingon ko. “Kahit kailan, hindi ka marunong mag dahan dahan sa pananalita mo..” wika ni sir Charles. Doon ko napag tanto na kasama pala nila si Sir Clinton. “Totoo naman! De bale na! Sir linawin mo yang balita na yan ma-kukutusan talaga ako ni Tita niyan!” Utos ko kay Sir Clinton na tinuro ko pa yung tv. “Alam mo mas bagay kayo? Pwede naman na si Ciara na lang pakasalan mo pare, matapang na magaling pa mag luto, hindi tulad ni Britney alagain..” wika ni Sir Charles na kina asim ng mukha ko. “Hi
STEVE MORGAN Naka tingin lang ako kay Ciara ng makita ko itong niyukan ang malaking portrait ng isang babae, naka side view ito pero kita naman kung sino ito. Walang iba kundi ang destroyer ng underground. Siya si Flame.. Ngunit bakit yuyukuan ng isang ordinaryong babae ang mafia boss na yun? Tinapik ko si Charles at lumapit ako kay Ciara na naka upo na ito dahil may binabasa ito. AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Anong binabasa mo? Kilala mo ba ang babaeng yan?” Tanong ni Steve, tumingala ako at tumango. Nakita ko na nanlaki ang mata nito kaya sumagot na ako, “Matunog ang pangalan niya sa mafia, marami siyang kalaban..” sagot ko at binasa ko pa rin ang nakasulat. Last year lang pala ito nailagay dito upang idiplay ang napaka gandang wedding gown na ito, hindi agad pumayag si Flame sa ideya na ito pero.. napapayag din naman basta hindi yung actual na gown. Kumbaga replika lang pala ito. Base sa nakasulat milyon ang ginastos dito, dahil ito daw ang pinaka malaking event na nagan
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Nakita ko na maayos na ang lahat sa pag gaganapan ng party. Pumayag ang isa sa mga malaking angkan ng bansa na gamitin namin ng private hotel nila sa gaganapin na 30th wedding anniversary ng magulang ko. Kasama ko si Britney, ang dalawa kong kaibigan sila mommy at daddy. Kasama naman nila ni Ciara, ang kambal kong kapatid ay nasa eskwela ngayon kaya hindi sila makakasama. “Hampas lupa talaga!” Narinig kong wika ni Britney habang masamang nakatingin kay Ciara na busy naman kumain ngayon. “Ang lakas niya kumain pero hindi naman tumataba!” Natatawang wika ni Steve. Tama malakas nga kumain ito, kanina pa kasi ito kumakain lahat ng pagkain na pina test sa amin na ihahanda sa party ay kinain nito. “Masaya lang siya na nakaka-kain ng ganyan, wala naman masama sa ginagawa niya. Mabuti nga yun hindi nasasayang yung pagkain na hinanda.” Singit ni Charles na kararating lang nito. “Busog na ako! Pero gusto ko pa yung isa!” Napa lingon kami ng mag taas ng bose
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Nang magising ako parang sinuntok ang ulo ko sa sakit at kirot nito, naramdaman ko na ang malamig na hinihigaan ko. Kaya unti unti kong dinilat ang mata ko, hanggang nakita ko ang isang bakal na rehas, kaya napabalikwas ako ng bangon at doon ko napag tanto na naka kulong ng talaga ako. “Hoy! Pakawalan niyo ako ano ba ito?!” Pag wawala ko at kinalampag ko ang bakal na rehas. “Pasensya kana hindi kasi pwede, marami ka kasing alam tungkol sa pamilya. Makakaalis ka d’yan pero may condition..” napa lingon ako sa taong pababa ng hagdan, walang iba kundi si Charles. “Na ano maging babae ng kaibigan mo?” Pagtatanong ko dito. Doon ko napansin na iba na ang suot ko nakasuot ako ng mamahaling dress. “At dinamitan pa talaga ako ng ganito? Ano ito pakunswelo de bobo?” Sarkastiko kong tanong dito. “Yup, para pumayag ka sigurado ako na hindi ikaw ang ikalawang asawa o babae man lang, napansin kasi namin na kakaiba ang yaman mo na wala namang pinagmulan..” sagot
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Binigyan ko sila ng masamang tingin ng sabihin nila sakin ang plano nila. Sa oras na mapatunayan na ang ginawa ni Britney ay totoo. Ako ang sasalo ng kasal, inshort ako ang ipapakasal nila sa anak nila. “Alam niyo kung hindi ko kayo amo? Iisipin ko na ginagawa niyo ito dahil sa pera ko..” sagot ko na kina tahimik ng buong paligid. Sino bang sinusubukan nilang lokohin? Isang Mafia na katulad ko? Oo maaaring wala ako sa posisyon dahil sa umalis muna ako pansamantala pero hindi naman ako pinanganak kahapon.. “Tama ba ako? Base kasi sa mukha niyo tama ako..” natatawa kong tanong sa kanila. “Hija, ayaw lang namin mapahiya saka alam naman namin na attracted ang anak namin sayo. Ayaw mo ba nun hindi ka magiging taga pag luto lang..” mahinahon na sagot sa akin ni Donya Amelia. “Mas gugustuhin ko pa habang buhay maging tagapag luto kesa pakasalan ang anak niyo. Period.” Sagot ko at tumayo na ako iniwan ko na sila sa opisina ni Don Amir. Hindi naman ako ta