24th of September, 2002South China Sea, 2200 Hours |INGAY ng barko ang naririnig ng batang si Jakie sa boung paligid at ang mahina nitong iyak. Hindi nya alam kung nasaan siya at bakit at sa anong dahilan kung bakit siya kinuha ng mga taong itong hindi niya kilala na sa di kalayuan mula sa kinalalagakan niya ay nagtatawanan pa ito.Habang umiinom ng alak na nasa bote at humihit-hit ng sigarilyo. Hit-hit buga ang ginagawa napapa-ubo rin ito minsan dahil sa usok ng sigarilyo na nanangagaling. Nag-iisang ilaw lamang ang nasa kinaruruonan niya dahilan para hindi niya maaninag ang mga ito.Napaigtad si Jakie sa gulat ng biglang hampasin ang mesa ng isa sa mga lalakeng nagbabantay sa kanya at tumayo ito at lumapit sa kanya na madilim ang mukha.Lumuhod ito sa harapan niya para magkapantay sila at mahigpit na hinawakan ang pisngi nito at inilapit sa mukha ng lalake. Napangiwi ito sa sakit."Tumahimik ka!" Sigaw nito sa mukha niya na mas lalong ikinahagulgol nito ng iyak."Aahh!" Daing ni J
NAKAKRUS lang ang mga braso ko at paa habang matiim ko siyang tinitigan sa harapan ko habang nakaupo pati rin siya dito sa coffee shop ng school. May coffee shop dito but for employees only pero dahil empliyado na ang gagunh ito ay nakapasok ako. At ang gagu nakangiti lng na parang walang nangyare at binabati ang mga estudyanteng bumabati rin sa kanya.Ang sarap hampasin nito. Binalingan niya ulit ako ng tingin pagkatapos niyang batiin ang mga malalanding babaeng empliyado sa kabilang table."What?" Anito sa inocenteng tuno. "Bakit ganyan ang mukha mo para kang pinagsakluban ng langit at lupa?" Dugtong niya."Anong ginagawa mo dito hayup ka?" Iritadong tanong sa kanya. "Ano bang trip mo sa buhay? At nandito ka?"Itinaas niya ang dalawa niyang kamay sa ere bilang pagsiko. "Woah! Bakit ba ang big deal nito sa'yo?"Tinaasan ko siya ng kilay "Kani-kanina lang kausap pa kita, tapos ngayon, anong trip mo sa buhay at naging teacher ka dito?"He chuckled. "Wala naman, may hinahanap lang kasi
NAGISING ako dahil sa ingay ng boses sa intercom ng private jet na sinasakyan namin na pagmamay-ari ni Hilaw. Hudyat na lalapag na ang aming sinasakyan sa destinasyon namin. I groaned dahil sa na bitin ako sa pagtulog ko, ilang oras ba ako nakatulog? Napadako ang tingin ko sa iba kong kasamahan na ngayon ay naghahanda at napaayos ng upo nila. Nang makalapag ang eroplano ay nagsitayuan na sina Vicente at nakita ko pang nag-inat ng braso si Jayson. Ako. Parang bangag dahil hindi ko alam kung papaano ako napunta sa kalagayang ito. Nakaupo pa rin ako at tinatanaw sina Vicente na ang saya-saya ng mukha papalabas ng eroplano. Inilipat ko ang tingin sa katabi kong bintana. Nasa isa kaming International airport ng bansang ito, I assume. First time kong makapunta rito sa TV ko nga lang nakikita ito tapos sa isang iglap napunta ako ng walang hirap. Nakatanaw parin ako sa mga kasamahan ko mula rito sa kinauupuan ko at naghihintay ng himala. Bwisit! Paano nga ba ako napunta rito? Sa pagka
MADALIM na ang paligid ng marating namin ang aming destinasyon, napakaliwanag ang nasa ibaba nito, napakaganda ng tanawin na nagkikislapang mga kabahayan kung maitatawag man ito.Sa pagkakaalam ko nasa isa itong mabundok na bahagi ng Italya hindi ko alam kung nasaang bahagi kami basta ang alam ko lang ay napakaganda ng tanawin dito pag-gabi. Paano pa kaya pag-umaga.Halos isang oras ang byahe namin mula sa airport hanggang dito.Nalipat ang tingin ko sa harapan ng bumukas ang bakal na gate sa harapan manin. Kulay itim na may halong ginto ito kung tama ang nakikita ko. May torch din sa magkabilang dulo ng poste nito.At kung malinaw ang paningin ko, Casa di Alfa ang nababasa ko sa may bandang itaas nito na naka-ingrave sa kulay ginto.Nagpatuloy ang pag-andar ni hilaw papasok sa isang napakagandang mansyon kasabay ang iba na ngayon ay nasa harapan na ito ng mansyon. Kung gaano kaganda ang mansyon nila sa Pilipinas mas idinoble naman dito sa lugar na ito.Napakaliwanag ng paligid. Para
PUT*NG*NA! yan lang ang lumabas sa isip ko ng makita ko ang kabuohan ng kwarto niya.Tama nga naman siya. Isa lang itong kwarto pero hindi ito isang ordinaryong kwarto mas malaki pa ito sa kwartong tinutulugan ko. Inilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Pero may nagpapaiba sa kwartong ito.Napakagat labi ako at pilit na pinipigilan ang emosyong lalabas. Parang gusto kong maihi dahil dito. Gusto kong sumigaw, matae, mautot, mambunot, at manuntok.Para akong mawawalan ng hangin dahil sa pigil hiningang ginagawa ko.Napakagat labi ulit ako ng maramdamang hindi ko na kayang pigilan at gusto ko ng ilabas ang emosyong ito."Pfftt!! Bwahahahaha!!" Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa lakas ng tawa ko. Para akong mawawalan ng ulirat dahil sa malakas kong tawa.Hindi ko na talaga kaya ang napalakas kong tawa.Napalingon naman ako kay hilaw na pulang-pula ang mukha na parang kamatis."Pfft..tangina lang talaga! Haha!..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko sana dahil sa pagtawa."Shut up" mahina
IBINABA KO ang binocular na gamit ko pagkatapos kong tignan mula rito ang taong halos isang araw na naming sinubaybayan. Pero ang nahalata ko lang sa taong ito ay makati siya!Paano ba naman apat na lalake sa isang araw? May ganon pa lang babae. Sa pagkakaalam ko mga lalake lang ang ganun pero hindi rin magpapahuli ang babaeng ito. Hanep rin 'e. Leche!Kanina pa ako nagmamatyag sa babaeng yan, makipag-landian lang ata ang alam nito.Napailing nalang ako at sumandal ng maayos ulit sa shotgun seat at napabuga ng marahas na hangin.Napabaling naman ako sa katabi ko mahina itong tumatawa. Sinamaan ko naman ito ng tingin at inabutan naman ako ng Sandwich."Oh!" Saad niya habang may ngiti ito sa mga labi."Kung punitin ko kaya yang labi mo?" Saad ko sa kanyasa walang emosyon pero may bahid sa mukha ko ang magkaasar."Natatawa lang kasi ako...""Bakit naman?" Iritado kong tanong sa kanya at nagsimulang kagatin ang sandwich na bigay nito.Nakatuon pa rin ang paningin ko sa babaeng malindi na
"WHAT ARE YOU TALKING ABOUT?" naguguluhan ako. Bakit sino ba ang lalakeng ito at ano ang ibig-sabihin ng lumalabas sa bibig niya.Maingay ang paligid lalong-lalo na ang sa labas ng tinatayuan namin ngayon. Putok ng mga baril at ibang sigawan ng mga tao. Napapangiwi sa tuwing kumikirot ito.Sabay nun ang mabilis na alaala na hindi ko alam kung kanino iyon ang lumabas sa utak ko. Kahit may konting kirot ay binaliwala ko ito.Pero nakatuon lang ang atensyon ko sa matandang lalake sa harapan. Sa tinig pa lang nito ay hindi makikitaan ng pagkakatanda. Sa porma at pagdadala sa sarili ay karespitadong-respitado itong tao.Nakakunot-noo ko siyang tinitigan habang mahina itong humalakhak. Ginagago ba ako ng lalakeng ito na tinawag ni hilaw na Black?"Now...now...Jakie, You want the whole truth right?""Anong katotohanan ang binagsasabi ng pota mong bibig?" Hindi ko na mapigilan ang bibig kong magmura dahil naiirita na talaga ako sa presensya niya.Hindi ako komportable sa presensya niya. Lalon
"OO NGA PALA..." nalipat ang tingin ko sa harapan ng basagin niya ang malalim na aking pag-iisip.Nakaupo ito sa harapan na kaharap ko ngayon at may kung anong ibinigay sa kanya ang kasa-kasama niyang lalake pagkalapag ng private plane nito.Nasa himpapawid na kami papauwi sa Pilipinas at iniwan ang mga kasamahan ko sa Italya ng walang paalam. "Here..." inabot niya sa akin ang isang brown envelope na nagpakunot sa noo ko."What's this?" Bahagyang tanong ko habang pinagmasdan ko ito."Hmm...your favor?" Patanong na sagot niya.Pinukulan ko ito ng masamang tingin."Wag mo akong iniisin...badtrip ako ngayon..." saad ko na lang at pinagmasdan muli ang brown envelope."Edi wow! Ikaw pa nga itong tinulungang sinundo rito ikaw pa ang may ganang magalit..." he paused. "Your welcome Jakie.." sarkastikong wika niya habang nakangiti at napahalumbaba sa katapat nitong mesa at nakadungaw sa labas ng bintana."Tss" sinimulan ko na itong buksan ng magsalita ulit ito."Kung talagang bubuksan mo yan,
DREXEL'S POVTRUSTING someone can destroy you. That's what my father says. Kinalakihan ko na ang mga salitang binanggit niya sa akin.Tiwala ang pumatay sa ina ko sa mismong harapan ko mismo. And I curse that day.At ang mga hulang ito ay hindi sapat para bumalik si Mom. At sa oras na iyon ay nagbago na ang takbo ng buhay ko.In a very young age, dapat ay nasa labas ako ng bahay at nakikipaglaro at nakikipagsaya sa mga batang katulad ko pero hindi ako ang batang iyon ngayon.Killing people is just a normal thing to do. Every day, I killed hundredths of people with no mercy.Trusting someone can destroy the hell out of you.Oo, bitbit ko ang mga katagang iyon hanggang sa lumaki ako.But, one day I transferred in another school and I saw her seating at the swing while a lollipop in her mouth. Hindi ito ang unang kita ko sa kanya. Unang nakilala ko siya ay noong kaarawan ko.Napakaganda niyang tignan noon sa kulay asul niyang dress at kulay light blue na ribbon nito sa beywang at nakalug
JAYSON'S POVDAMMIT! Hindi ko inaasahan na mangyayare ito. At dito pa talaga naisipan sa mismong university. I already know what the reason kung bakit dito mismo sila sumugod dahil nandito ang bagay na gusto nilang makuha and we have to protect that thing. Kung hindi namin mismo maprotektahan, iyon mismo ang papatay sa amin at sa lahat ng tao dito sa kinalalagyan namin.Fuck it! Hindi ko talaga inaasahan ang bagay na ito. Kung alam ko lang ay sana nakapaghanda na ako.Muli kong binigay ang atrnsyon ko sa taong nakaharap ko ngayon-ngayon lang. Hawak ko ito sa pagkabilang uluhan bahang nakaluhod ito na nakatalikod mula sa akin. Without a doubt I twisted his head until his last breathe.I fetch my phone in my pocket then dialed Jix number. Three rings after he pick up."Hey dude!" Sagot niya sa kabilang linya habang naghihikahos ng hinga siguro ay may kaharap pa ito ngayon."Where are you, f ucker?" Tanong ko imbis na bumati."Oh! I'm fine here dude!" He said in sarcasm na muntik ko ng
"YOU'LL PAY what did you've done to me, bvtch!"Kasabay nun ang sabay-sabay na pagbalik ng ilaw sa paligid at ang malakas na putok na baril ang umalingaw-ngaw sa paligid. Mabilis akong humarap sa kanya at hinampas ang mga kamay nito dahilan para mabitawan at tumalsik ito sa gilid ko. At kasabay din nun ang ingay ng buong paligid dulot ng sunod-sunod na ingay ng putok ng mga baril nito. Sigawan din ng mga tao sa paligid dahilan din ng mga pagpanic nila. Sheeet! Akala ko ako kataposan ko na."Ugh!" Malakas ko siyang sinipa sa tagiliran upang siya ay mapaatras ng bahagya.Shit! This is not good! Bakit dito pa!Maraming madadamay na mga walang muwang na mga tao dito sa school. Naririnig ko parin ang sigawan at putok ng baril sa kung saan man dapit iyon. Nakikita ko rin ang mga ito na nagtatakbuhan sa iisag lugar. In my pirepheral vision I can all the students running away in different direction. At may gumagabay sa kanila na mga malalaking tao. Napapansin ko rin na may putinh earpiece sa
"WOAH!" Halos malaglag ang panga ko pagkapasok na pagkapasok ko sa dito sa school. Sa entrance palang ay ang dami na ng mga estudyante ang sabik na pumasok. At makipagsalamuha sa iba.Shocks! Parang na-e-excite na tuloy ako sa mangyayare ngayong gabi.Kasalukuyan akong naglalakad papasok na ngayon sa school at siksikan pa talaga. Nakakabanas ng balakubak! Tsk!At atsaka, nao-op ako sa mga suot nila ngayong gabi. Yung ibang mga babae ang iiksi ng mga short shorts na tinirnohan ng crop top ata ang tawag. Yung mga lalake pormang-pormado sa mga suot nila na parang magmo-model kung maglakad. Pinaghandaan talaga.Napahinto ako at napatingin tuloy sa suot ko. Nahiya ata ang suot ko sa mga suoy nila. Naka-plain white t-shirt na keropee printed, denim jeans at sketchers na kulay maroon. Sus! Hindi ako pumunta dito para makipag fashion show. Pumunta ako rito para makita kung anong magaganap dahil nae-excite ako sa mga sinabi ni Vicente sa akin kahapon.Nagpatuloy akong pumasok at makipagsiksika
BUKAS na ang huling araw ng school fest. at ilang araw na rin ang nakakalipas matapos ang nangyari pagpatay sa isang estudyante dito sa university na si Roshell Greene. Para ngang walang nangyari dahil ang mga estupidents ay abala sa mga pagchichikahan o kaya ang pagchi-cheer sa mga kaibigan o ang tinatawag na kras nila.Parang wala lang sa kanila na may nangyare noong isang araw. At walang kahit na sino ang nagtangkang pag-usapan ito sa labas ng school. Wala ding balita patungkol dito sa media. Siguro, sinisigurado nila na walang makakalabas na balita tungkol aa nangyare at ayaw nilang masira ang magandang pangalan ng eskwelahan."Nakikinig ka ba sa akin, Jakie?"Napalingon ako sa katabi ko na ngayon ay nakakunot na ang noo nito. At tumigil kami sa paglalakad sa hallway na ngayon ay puno ito mga estudyanteng nagkakasiyaha.Napakamot ako sa batok. Ngayon ko lang napagtanto na kasama ko pala si Vicente."Ano nga iyong sinasabi mo?"Pinaikot nito ang mata."Tsk! You're spacing out Jakie
NANG makalabas na ako sa cctv room at iniwan ang dalawa sa loob dahil na-o-op na ako sa kanila. Dahil sila na ang nag-uusap tungkol sa Helium ba yun? Ay! Ewan.Tinahak ko ang daan papunta sa canteen ng school. Sana bukas pa ito ng dahil sa nangyare. Atsaka, gutom na talaga ako. Wala siguro silang balak na kumain kaya iniwan ko na lang ang mga damuhong yon.Marami pa namang estudyante dito sa parang wala ngang nangyare kanina. Nakikipag-chikahan pa sila pero yung labang kanina na Business Ad. vs Engineering Dept. ay pinahinto nila.Papaliko na sana ako ng magkabanggaan kami ng isang babae dahilan para magkanda hulog ang mga gamit nito."Shit!" Bulong ko sa sarili."Sorry..." Aniya dahilan para manayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa malamig na boses nito.Tinitigan ko lang siyang nagpupulot ng mga gamit niya. Masama na kung masama pero para kasing pamilyar ang boses nito. Parang narinig ko na kung saan, hindi ko lang matandaan.Nang matapos ito sa pagpupulot ng gamit ay tumayo s
HALOS nakatulala lang ako sa wala ng buhay na katawan ni Roshell Greene. Na ngayon ay pinagkukompulan na ng maraming mga tao. Naging maingay narin ang paligid dahil sa nangyari.Ang mga security guard naman dito sa school ay pinipigilan ang ibang mga studyanteng lumapit sa katawan ni Roshell Greene.Parang masusuka ako sa hitsura sa nakakaawa niyang katawan. Bali-bali at lasug-lasog ang mga buto nito dahil na rin sa malakas na pagkabagsak nito mula sa itaas. Ginilitan din ang leeg nito. Nagkalat rin sa sahig ang dugo nito and she is coated all over with her own blood.Lumapit kay hilaw ang school dean at may sinabi ito na itinango niya.Napakaseryoso ng mukha nito. Para bang anumang sandali ay papatay ito ng tao sa kaseryosohan ng mukha nito. Nasa kabilang bulsa ang kanang kamay nito na lumapit sa gawi."Let's go," saad niya sabay hinawakan ang palapulsohan ko. At kinaladkad kung saan. Hindi na ako umangal pa dahil alam kong napaka-importante ng sinabi sa kanya ng dean.Lumabas kami n
PAGKALABAS ko sa pula kong Tesla Model S P85D ay bumungad agad sa akin ang napakarami at maiingay na tao. May dala-dala pa silang mga banner. Napakunot ang noo ko sa nakikita sa paligid.Bakit ang dami yatang tao tao ata ngayon sa school?Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na nakakunot ang noo. Nagtataka kung anong nangyayare sa school ng wala ako."Sigurado akong mananalo ang Business Ad. laban sa Engineering!"Rinig kong sabi ng nasa harapan ko. Anong laban? May suntukan at patayan ba ngayon sa school?Tinapik ko ang mga lalakeng nag-uusap sa harapan dahilan para lingunin ako nito na magkasalubong ang dalawang kilay nito."Bakit?" Tanong niya na may inis sa boses nito.Tinaasan ko ito ng kilay. Suntukin ko ito 'e."Anong meron?" Tanong ko sa kanila.Nagkatingin silang magbabarkada at pinagtawanan pa ako ng mga loko."Hahaha! Saang lupalop ka ba nanggaling at hindi mo alam kung anong meron ngayon?" Si boy one yun na tinanungan ko. Blonde ang buhok nito na akala siguro nito na ikinagwa
KANINA PA ako palakad-lakad sa kinatatayuan ko habang kagat-kagat ang kuko ko sa kanang daliri. Ilang oras na akong naghihintay dito sa kwarto hindi parin sila tapos sa pag-uusap. Daig ang cabinet member kung makapag-usap sa tagal! Tapos hindi pa ako sinali sa usaping iyon. Unfair talaga!Pati ang asong si Sebastian ay nahihilo na sa kakasunod ng tingin sa akin. Siguro kung nakakapagsalita lang ang asong ito ay kanina pa ako binalyahan. Nakatitig lang sa akin si Sebastian habang nakaupo sa kama ko."Ano kaya pinag-uusapan nila doon Sebastian?" Tanong ko sa aso na animoy sasagot. Napairap lang ako ng mga mata ng seryosong nakatitig lang ang mga asul na mga mata nito sa akin. Saan kaya nagmana ang asong ito? Uurrghh!! Para akong tanga nito!Napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto dahilan para mapahinto ako at mapalingon sa gawing iyon. Iniluwa nun si hilaw. Para akong nabunutan ng tinik ng makita ko siya."Anong pinag-uusapan niyo?" Pambungad ko agad na tanong sa kanya. Napalingon pa