"Bakit kaya tayo pinatawag lahat?" inosenteng tanong ni Red sa kanilang dalawa ni Spike.
Nasa airbase headquarters sila ngayon dahil sa biglaang pagpapatawag sa kanila.
"Aba malay ko!" balewalang sagot ni Spike.
Magkasama silang tatlo sa airforce at parehong kapitan ang ranggo.
Magkaiba man ang team nila, nagkakasama pa rin silang tatlo kapag may mga mission sila.
"Good day gentlemen," bati ng kanilang heneral na s'yang kapapasok lang sa conference room kung nasaan silang lahat.
Kasama din nila sa meeting room ang mga kasamahan sa buong tatlong team.
"It looks like we are going to deal a very big mission. Tatlong team ang pinagsama-sama sa meeting na ito, that only means one thing," puna si Spike.
"That we are going to the mission together and it's not just an ordinary mission but a massive one," dagdag si Red.
"Tama!" pag sang-ayon n'ya dito.
"Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag ng sabay-saby.
We'll our department received an order from the president to take down the syndicate operating a huge factory of the weapons using a vibranium l, which is known as the most dangerous element in the world," pagsisimula ng kanilang heneral.
Nagulat ang lahat sa sinabi nito.
Hindi nila inakala na may factory ng mga gumagawa ng armas sa Pilipinas gamit ang elementong vibranium.
"This syndicate sell the weapons made from vibranium to the terrorists group from Afghanistan, Nigeria, Iraq and Syria, para gamitin laban sa mga malalaking bansa na gusto nilang ipailalim sa kanilang pamamahala," mahabang paliwanag ng kanilang heneral.
"Sir, is it only the airforce received the order from the government? Or may iba pang departamento ang kasama sa operasyong ito?" seryosong tanong ni Red.
Kilalang maloko itong si Red pero pagdating sa trabaho sobrang napaka seryoso ng kaibigan na halos lahat ng mga under sa team nito ay nanginginig sa takot kapag nasa paligid ang lalaki at nagmamasid.
"Only the airforce Capt. Cole! Tayo lang ang pwedeng lumusob sa balwarte ng mga sindikato. We will attack them via air dahil mahirap makapasok kapag sa lupa tayo dadaan," sabat ng ikalawang heneral ky Red.
"But even via air, masyado pa ring delikado ang gagawin nating pagpasok sa loob. They install a programmed missiles everywhere," ang heneral.
"Ang mga missiles na ito ay naka program para mag detect ng mga kalaban. Once na ma detect nito ang mga sasakyan sa himpapawid na gustong pumasok sa balwarte nila, automatic nitong e lock ang system ng inyong jet fighter plane para hindi kayo makagalaw at madali sa kanila ang pag punterya sa inyong mga sasakyan," segunda ng ikalawang heneral.
"The missiles will automatically fly towards your lock jet and will blow you up," anang heneral.
"So we need to find ways how to counter attack this programmed missiles that this syndicate have," sabay ni Spike sa usapan.
"You're right Captain Collins! But for now we can't hack the system they used to programmed this missiles.
Ang kailangan nating gawin ngayon ay kung paano pag aralan na maiwasan ang mga missiles na ito, " sabat ng heneral ky Spike.
Nagpatuloy ang kanilang meeting at napagka sunduan na gagawin nila ang mission sa mas lalong madaling panahon bago pa makapag release ng mga armas na gawa sa vibranium ang mga sindikato.
Nakipag meeting muna s'ya sa mga kaibigan since silang tatlo ang mamumuno sa naturang mission.
Pagkatapos nilang mag usap ay nakipag meeting din s'ya sa kan'yang mga taohan para pag planuhan ng maayos ang gagawing pagsalakay sa naturang planta.
Matapos ang mahabang usapan nakabuo sila ng plano at kailangan lang nila itong e coordinate sa team ni Red at Spike sa susunod na araw para ma finalise at ma organise ang naturang plano.
Nag desisyon muna s'yang umuwi sa Manila para dalawin ang ina bago sumabak sa gyera.
Ilang linggo n'ya ding hindi nakikita ang ina at tahimik din ngayon ang kan'yang lolo ngunit alam n'yang may binabalak itong hindi maganda sa mga susunod na araw.
Gamit ang sariling chopper lumipad s'ya pauwi sa Manila.
Naiwan ang dalawang kaibigan sa kanilang headquarters dahil mas gusto nitong pag aralan ng maigi ang sitwasyon sa naturang planta.
Red is a computer expert, kaya gumagawa ito ng paraan kung paano mapasok ang sytem na nag program sa mga naturang missiles.
Medyo delikado ang kanilang mission ngayon kung kaya kailangan nilang pag igihan ang trabaho.
Ilang oras din ang kan'yang b'yahe bago narating ang helipad ng mansion ng kan'yang lolo kung nasaan ang kan'yang ina at kapatid.
Hinarang agad s'ya ng mga taohan ng lolo n'ya at kinapkapan.
Kahit apo s'ya ng matanda hindi s'ya nakaligtas sa patakaran nito.
Well, hindi naman ito nagkakamali. Kumukuha lang talaga s'ya ng magandang oras para itakas ang ina sa kalbaryong kinasasadlakan nito ngayon.
Bumaba s'ya sa baba habang may nakasunod na mga taohan ng lolo n'ya sa kan'ya.
Hindi na bago sa kan'ya ang ganitong eksena.
Para s'yang criminal kung tratohin nito sa mismong pamamahay ng kan'yang ama.
Yes! Itong mansion na ito ay pagmamay-ari ng kan'yang namayapang ama na minana pa nito sa mga magulang.
Pero nag hari-harian dito ngayon ang kan'yang lolo na ama ng kan'yang ina.
Pagdating n'ya sa living room inilibot n'ya ang tingin at nagbabasakaling makita ang kan'yang kapatid.
At hindi naman s'ya nabigo dahil maya-maya lang lumabas ito ng kusina.
"Kuya!" masayang bati ni Niccos Allaister Evans.
Nakababatang kapatid n'ya ito, tatlong buwang buntis pa lamang ang kanilang ina ky Niccos ng mamatay ang kanilang ama, kung kaya hindi man lang ito nagkaroon ng pagkakataon na masilayan ang kanilang daddy.
Wala din itong larawan na nakikita sa bahay nila dahil pinasunog lahat ng kanilang lolo ang lahat ng kagamitan ng daddy nila.
"Hey bro!" masayang bati n'ya sa kapatid. Bente dos anyos na ito ngayon at may sarili na ring buhay.
Hindi katulad n'ya mas malaya nitong nagagawa ang mga gusto dahil hindi ito pinapakialaman ng kanilang abuelo.
Tanging s'ya lamang ang trip nitong pahirapan, diktahan at manipulahin ang buhay gamit ang kanilang ina.
"Napadalaw ka kuya? Hindi ka ba busy sa trabaho mo?" masiglang bati nito sa kan'ya sabay man hug sa kan'ya na sinuklian n'ya naman.
"Kagagaling ko lang sa headquarters, dumaan lang ako dito para dalawin kayo ni mama," pahayag n'ya sa kapatid.
Bigla namang nalungkot ang mukha nito ng mabanggit ang ina.
Malapit si Niccos sa mama nila kung kaya sobra itong apektado sa nangyayari sa buhay nila ngayon ngunit katulad n'ya wala din itong magagawa laban sa lolo nila.
"She's still in the basement," anuns'yo nito.
Bigla n'ya namang naikuyom ang mga palad dahil sa sinabi nito.
"That bastard!" igting ang mga pangang sambit n'ya.
"Kuya pwede ba? Huwag ka nang magsalita ng mga masasama laban ky lolo dahil si mama palagi ang napaparusahan," saway ng kapatid sa kan'ya.
"He deserves it! At kulang pa nga yan," nangangalaiting sagot n'ya dito.
"Naka monitor ang lahat sa bahay na ito kuya pati na rin ang mga usapan. Do you think, kapag marinig ka ni lolo mamaya na pinagsasalitaan mo s'ya ng hindi maganda, sino ang masasaktan? Sino ang mapaparusahan? Si mama kuya!" sigaw nito sa kan'ya.
Nakita n'yang namumula ang mukha at mga mata nito.
"I will bring mama out of this hell Niccos," mahina at igting ang mga pangang sabi n'ya sa kapatid.
"Puro ka lang naman salita kuya, hanggang ngayon wala ka nama'ng ginagawa.
Kailan ka pa kikilos? Kapag namatay na si mama sa pananakit ni lolo? At isa pa yang pagmamatigas mo kay lolo. Isa yan sa mga dahilan kung bakit palaging nasasaktan si mama!" mahina at madiin na sabi nito.
Nagsukatan sila ng tingin ng kapatid.
"Pareho lang tayo ng gustong mangyari Allaister, pero katulad mo wala pa akong magagawa sa ngayon dahil hawak n'ya si mama at delikado ang sitwasyon nito," galit na sabi n'ya dito.
"Then don't fight back! Alam mo naman palang wala kang magagawa nagmamatigas ka pa? Why don't you just follow what he wants para hindi masaktan ang ina natin!" galit na sigaw ng kapatid.
"I can't do what he wants Allaister at alam mo yan," galit na sikmat n'ya dito. His brother smirk and sarcastically smiled at him.
"Kung wala kang magagawa, ako meron kuya. May magagawa ako para kay mama."
"Don't you dare do stupid things Niccos Allaister!" banta n'ya dito.
"Then I won't tell you," matigas na sagot nito.
"Niccos!" igting ang mga panga at may pagbabanta na tawag n'ya dito.
"Even I become bad, mamamatay tao o kahit pa ako ang mamatay sa mga kamay ni lolo gagawin ko, maisalba ko lamang si mama."
"I'm warning you Niccos!"
I'm not like you kuya, I'm not like you na mas uunahin pa ang reputasyon sa gobyerno kaysa kaligtasan at kapakanan ng sariling ina!" malakas na sigaw ng kapatid sabay talikod sa kan'ya.
"Niccos Allaister Evans!" malakas na sigaw n'ya dito ngunit para lang itong walang narinig na nagpatuloy sa paglakad palabas ng mansion.
Naikuyom n'ya ang mga kamao dahil sa galit.
Ngayon pati kapatid n'ya galit sa kan'ya. Kung s'ya lamang ang mapapahamak matagal n'ya nang pinatay ang kan'yang lolo.
"Fvck!" mariing mura n'ya. He is useless, kaya n'yang isalba ang buhay ng iba, pero sariling ina hindi n'ya magawa.
"Damn it!" isa pang mura n'ya bago umupo sa sofa para pakalmahin muna ang sarili.
Napahilamos s'ya ng mukha at napatingala.
Marahas na napabuga ng hangin dahil sa problemang hinaharap.
If only he could do something para makuha n'ya ang ina.
"Napakasama mong matanda ka!" galit na bulong n'ya.
Tama ang kan'yang kapatid, kailangan n'yang sakyan muna ang trip ng matanda para hindi masaktan ang mama nila.
Nang tuluyan ng kumalma, tumayo na s'ya para puntahan ang ina sa basement.
Nakakulong lang ito sa basement ng mansion at hindi pwedeng umakyat sa taas o kahit makita man lang ang labas ng bahay.
Dati tinatanong n'ya kung anak ba talaga ito ng lolo n'ya, dahil kung tratuhin nito ang mama n'ya parang hindi nito kadugo ang ina.
Bumaba s'ya sa baba pero bago pa man s'ya tuluyang makababa sandamakmak na checking ang ginawa sa kan'ya ng mga taohan ng matanda.
Sobrang dami din ng mga bodyguard na pinapabantay ng kan'yang lolo sa mama n'ya, kaya mahihirapan talaga s'yang ilabas ang ina dahil sa mga ito.
Narating n'ya ang baba at nakita ang ina na gumagansilyo ng damit ng bata.
Ito na lamang ang tanging pinagkakaabalahan nito dahil halos lahat ng gagawin nito ay bawal sa lolo n'ya.
"Ma!" mahinang tawag n'ya dito. Naaawa s'ya sa sitwasyon ng ina.
"Nicollai, anak!" masaya ngunit may mga luha sa mga matang tumingin ito sa kan'ya.
"Kamusta ka dito ma? O hindi ko na pala dapat na tinatanong yan, alam ko naman na nahihirapan ka dito," malungkot na sabi n'ya dito.
Hinaplos naman ng ina ang kan'yang pisngi.
"I'm ok anak! Don't worry about me. Nasanay na ako sa ganitong buhay simula ng mawala nag daddy n'yo," mapait na sagot nito.
Kinabig n'ya naman ito at niyakap at ganon din ang ginawa nito sa kan'ya.
"I'm sorry ma! I'm so sorry kung wala akong nagawa para maalis ka sa empyernong lugar na ito," naiiyak na hingi n'ya ng tawad sa ina.
Naramdaman n'yang hinahagod nito ang kan'yang likod.
"Wala kang kasalanan anak at wala kang dapat na ihingi ng tawad. Ipangako mo lang sa akin na hindi mo hahayaang saktan kayo ng lolo mo, ikaw at si Niccos. Kayo na lang ang meron ako Nicollai, kayo na lang ng kapatid mo ang dahilan kung bakit pilit akong lumalaban sa sitwasyon ko ngayon," umiiyak na sambit ng ina habang haplos nito ang kan'yang pisngi.
"Pangako ma, poprotektahan ko si Niccos at iaalis kita dito. Pinapangako ko yan sa inyo. Just give me more time ma, kailangan ko lang isaayos ang lahat bago ang gagawin ko sa demonyong matandang iyon."
"Nicollai anak, mag ingat ka. Alam mo naman kung gaano ka makapangyarihan ang lolo mo," anang ina sa kan'ya. Tumango naman s'ya dito at hinalikan ito sa noo.
"Look at this anak, ang ganda di ba?" masayang sabi nito sabay pakita ng isang pink at blue na sapatos na gawa mula sa gansilyo.
"Ang cute ma, sa amin ba yan ni Niccos?" natatawang tanong n'ya sa ina dahil kita naman na para sa bata ang ginawa nitong sapatos.
"Naku para ito sa magiging mga anak mo iho," masayang sagot nito. Kita ang masayang kislap sa mga mata ng ina. Biglang lumitaw ang mukha ni Michelle sa kan'yang isip.
Napangiti s'ya ng maalala ang babae. Kamusta na kaya ito ngayon? Iniwan n'ya lang ito habang natutulog sa kan'yang condo dahil sa natanggap na tawag mula sa headquarters.
"Yang ngiti mo Nicollai alam ko yan. Ano meron na bang nagpapatibok d'yan sa puso mo anak?" masayang tanong ng ina sa kan'ya.
"Kind of ma," matamis na ngiting sagot n'ya. Kinuha n'ya ang cellphone sa bulsa at pinakita sa ina ang kan'yang wallpaper.
Napanganga naman ito ng makita ang magandang mukha ng babae na mahimbing na natutulog sa kan'yang mga bisig.
"She's gorgeous," masayang puri ng ina.
"Yes ma , she is. Partida tulog pa yan ha," natatawang biro n'ya na ikinatawa naman nito.
"I'm looking forward to meet her someday anak," anang ina sa kan'ya.
"Yes ma, you will meet her soon, pangako yan."
"What's her name?"
"Michelle Antonette Gelacio," masayang sagot n'ya sa ina.
Bigla naman itong natigilan at nararamdaman n'yang nanigas ang katawan nito.
"Ma, are you ok?" nag aalalang tanong n'ya.
"Ahmmmm! Yes anak, may naalala lang ako. Siguro ka apelyedo n'ya lang," sagot nito sabay iwas ng tingin sa kan'ya.
He sense something wrong pero hindi n'ya na lang ginawang big deal.
Nag usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay bago s'ya tinawag ng isang bodyguard at sinabihan na tapos na ang oras n'ya sa pagbisita.
Nagpaalam na din s'ya sa ina at nangakong babalikan n'ya ito para alisin sa lugar na iyon.
Umakyat na s'ya sa rooftop kung nasaan ang kan'yang chopper at naisipan na uuwi muna ng Cebu para makita ang babaeng tatlong araw n'ya ng hindi nakikita.
Hindi n'ya na din nakita ang kapatid ng umalis s'ya.
Hahayaan n'ya na muna ito, kakausapin n'ya na lang ito kapag may nabuo na s'yang plano kung paano makuha ang ina sa kamay ng kanilang lolo.
Pagdating sa Cebu, mabilis kang din s'yang nag drive papunta sa hospital na pinagtatrabahuan ni Michelle.
Nakaabang lang s'ya sa labas, alam n'yang nasa loob pa ito dahil sa tracker na ininstall n'ya sa cellphone ng dalaga noong inaalagaan n'ya ito ng lagnatin after nilang magtalik.
Maya-maya lang nakita n'ya itong lumabas.
Nilagpasan lang s'ya nito at nagptuloy sa paglakad kung kaya hinabol n'ya ang babae at malakas na tinawag ang buong pangalan.
Nagtagumpay naman s'ya na makuha ang atensyon ng dalaga ngunit kapalit ay ang pagtataray nito sa kan'ya.
Hindi pa sana ito sasama ng ayain n'yang mag dinner ngunit walang abeso na pinangko n'ya ito at mabilis na naglakad papunta sa kan'yang sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan.
"Fvck you! Adam put me down!" malakas na sigaw nito habang nagpupumiglas.
Natigilan s'ya sa tinawag nitong pangalan sa kan'ya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may tumawag sa kan'ya gamit ang first name n'ya.
Nang makabawi sa gulat bigla n'ya na lamang itong sinibasib ng halik na ginantihan naman agad ng babae.
Naglakad s'ya papunta sa sasakyan habang naghahalikan pa rin sila at mabilis itong deneposito sa passenger side at pinutol ang halik kahit na ayaw n'ya pa sana.
"We will continue this at home baby, " malokong sabi n'ya dito sabay kindat sa babae, at mabilis na tumakbo patungo sa drivers side.
Nakatingin lang ito sa kawalan nang makapasok s'ya sa sasakyan.
Inabot n'ya ang kamay nito at hinawakan habang ang isa ay nasa manibela.
They both quiet while on the way home. Wala ni isa ang nagsalita, nakahawak lang s'ya sa kamay nito at paminsan-minsan pinipisil ito.
Hindi naman nagtagal at narating nila ang kan'yang condo.
Nauna s'yang bumaba at inalalayan ang babae na hanggang ngayon tahimik pa rin.
Sumakay sila ng elevator na hindi nagkikibuan.
Pinapakiramdaman n'ya lang ang kasama at alam n'yang ganon din ito sa kan'ya.
Pagdating sa kan'yang unit, binuksan n'ya agad ito at hinila ang babae papasok.
Nagpatangay naman ito ng dalhin n'ya ito sa sofa at pinaupo.
Naupo din s'ya sa tabi ng dalaga at walang babalang niyakap ito ng mahigpit at isinubsob ang kan'yang mukha sa leeg ng dalaga.
Nararamdaman n'ya ang kapayapaan sa mga bisig ng babae.
Para s'yang idinuduyan habang nagyayakapan sila.
They didn't utter any words, only their actions speak for them.
"Are you ok?" maya-maya basag ni Michelle sa katahimikan.
"Yeah! I think so," mahinang sagot n'ya habang nakasobdob pa rin ang mukha sa leeg nito.
"I think you are not!"
"How can you say that?"
"I can feel it."
"Hmmmmm!" tanging sagot n'ya sa dalaga at bigla na lang s'ya ginupo ng antok at nakatulog na yakap-yakap ito at nakasobdob ang mukha sa leeg ni Michelle.