Michelle is grouchy when she entered the hospital where she work in.
Paano ba naman absent s'ya ng tatlong araw dahil nilagnat s'ya the next day after maararo ang vavajay n'ya.
Kapag naiisip n'ya si Nicollai nasisira ang araw n'ya dahil sa kabulastugan nito. But the good thing is,.. he took care of her for that three days that she's sick.
Hinatid s'ya nito sa kan'yang condo at doon na ito naglagi ng tatlong araw para maalagaan s'ya.
"Pssttttt! Beshy wait up," narinig n'ya ang matinis na boses ng kaibigan, biglang kumulo ang kan'yang dugo ng maalala ang pag iwan nito sa kan'ya sa bar.
Marahas n'ya itong nilingon at sinamaan ng tingin.
" Oh anong tingin yan Michelle?" tanong ng kaibigan.
Glory is her bestie slash beshy slash bff daw according sa dalaga, self proclaimed bestfriend ika nga.
"Bakit mo ako iniwan sa bar?" sita n'ya dito pero ang bruha kibit balikat lamang ang sagot.
"Eh nasarapan ka na man di ba?" sagot nito sabay hagikhik na parang kinikiliti.
"Eh kung sipain kaya kita d'yan para manahimik ka? " inis na sikmat n'ya sa kaibigan.
"Mananakit ganerrn? Pero beshy ano malaki ba?" pangungulit pa nito sa kan'ya.
"Anong malaki? Pinagsasabi mo Glorya? Pangalan mo nasa bible pero ugali mo mahadira at tsismosa." inis na sita n'ya dito. Inirapan naman s'ya ng kaibigan.
"Ay gaga to, nagtatanong lang eh, pa pangalan ko agad ang sinisiraan mo."
"D'yan ka na nga, magtatrabaho na ako, wala ka naman'g kwentang kausap." pang iinis n'ya pa dito.
"Hoy ang shaket mo magsalita ha, hindi porke't naararo ka, gan'yan ka na sa akin." pagda drama nito ?
"Ayaw mo pa ring tumigil?" sikmat n'ya dito.
"Sabi ko nga titigil na," sagot naman ng kaibigan.
Iniwan n'ya na ang kaibigan na bumubulong- bulong ng kung ano-ano. Dumeritso na s'ya sa nurse station at nagsimula nang magtrabaho.
Kinuha n'ya ang chart ng mga pasyente at nagsimula nang mag rounds.
Pinuntahan n'ya una ang paborito n'yang pasyente.
"Hi nurse Michelle!" bati sa kan'ya ng isang bata na pasyente n'ya.
He is suffering from leukemia.
Masyado pa itong bata para makipaglaban sa sakit na leukemia.
Araw-araw n'ya itong mino motivate para kahit papaano makatulong naman s'ya para lumakas ang loob nito.
Aside sa pag aalaga n'ya dito bilang na asign na nurse sa bata naging magkaibigan na din sila.
"Good morning Dave, how are you today?" ngiting bati n'ya dito.
"I'm good nurse Mich,I had a good sleep last night," nakangiting sagot nito.
Ginulo n'ya ang buhok nito at nginitan.
"That's a good sign Dave, kapag maganda ang tulog mo that means walang masakit na nang iisturbo sayo, which means your body is working well with the medicines na iniinom mo," masayang paliwanag n'ya dito.
"I am so happy nurse Mich! I also pray to God last night to heal me faster so I can go back home na and help my mum to look after my little sister," masiglang sagot nito sa kan'ya.
Naluha s'ya sa sinabi ng bata. Palaban s'yang tao pero madali s'yang umiyak lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
Naaawa s'ya sa bata,...he is only six years old, nag aaral na sana ito ngayon, pero instead of going to school he is in the hospital fighting for his life.
"Basta magtiwala ka lang at pray palagi. Gagaling ka Dave, nandito lang si nurse Mich aalagaan kita," maluha-luhang sabi n'ya dito.
Napalapit na s'ya sa batang ito,sobrang malambing kasi at kahit may iniindang sakit makikita mo pa rin na napaka positive ng pananaw nito sa buhay.
"Thank you nurse Mich, pareho po kayo ni daddy ninong ko, mabait sa amin ni mummy at baby Angel," nakangiting kwento nito.
Nginitian n'ya ito at hinaplos ang kaniyang buhok.
"Pahinga kana muna Dave ha, para mamaya malakas ka pag tinurokan ka ng gamot, kailangan strong ka mamaya," paliwanag n'ya sa bata. Tumango naman ito at ngumiti sa kan'ya bilang tugon.
"Babalikan kita dito maya-may kukuha lang ako ng food mo, may gusto ka bang pagkain?" masuyong tanong n'ya sa bata.
"Sige po nurse Mich medyo inaantok na din po ako, matutulog muna siguro ako," humihikab na sagot nito.
Inalalayan n'ya itong makahiga ng maayos at inayos ang kumot.
Hinalikan n'ya ito sa noo at hinaplos ang mukha, parang dinudurog ang puso n'ya sa batang ito.
Hindi n'ya alam pero sobrang gaan ng pakiramdam n'ya ky Dave.
Pumikit na ito para magpahinga, inayos n'ya na din ang mga gamit at lumabas muna ng room para pumunta sa nurse station at gawin ang mga dapat niyang gawin.
"Beshy!" matinis na tawag sa kan'ya ng balahurang kaibigan na si Glory.
"Bunganga mo Glorya labandera," sikmat n'ya sa kaibigan. Inirapan naman s'ya ng huli dahil sa pagtawag n'ya ditong labandera.
"Excuse me lang ha, nurse ako at hindi labandera. Your talking to a wrong person," maarteng sagot nito sa kan'ya.
"Magtrabaho ka na nga d'yan. Ang dami mo talagang kuda sa buhay. Dinaig mo pa si Vice ganda kung maka kuda."
"Ay bongga, sana all may pa Zion Perez din ako," kinikilig na sagot nito.
"Ambisyosa!" mahinang sabi n'ya sabay hablot ng chart na hawak nito at nagsimula nang mag encode ng mga data ng mga pasyente.
"Bakit ang sungit mo beshy? Hindi ko naman masasabi na kulang ka sa dilig kasi kakad----, " hindi na nito natapos ang gustong sabihin dahil sinalpakan n'ya ang bibig nito ng papel na nilamukos.
"Bunganga mong h*******k ka, masyadong eskandalosa," sikmat n'ya sa kaibigan.
"Pweeehh! Putang'ina ganon pala ang lasa ng papel besh?" parang tangang tanong nito.
"Magtrabaho ka nga Glory, puro ka kalokohan!" sikmat n'ya dito.
"Makaalis na nga dito,ang pangit ng ugali ng kasama ko sa trabaho. Mahanap na nga lang si Doctor Light at mapikot," bulong nito habang kinukuha ang mga papel sa mesa at walang paalam na umalis.
"Baka gusto mong mapaanak ni Ms.Shanang ng wala sa oras at hindi buntis?" pananakot n'ya dito.
Si Shanang ay isang midwife sa hospital na pinagtatrabuhan nila at ayon sa chismis kasintahan ito ni Dr. Light.
"Para namang takot ako? Oiiii sanay to sa erihan oi," pabalang na sagot ng kaibigan.
Napailing na lamang s'ya habang sinusundan ng tingin ang likod ng dalaga.
Malamang bubwesitin na naman nito si Dr. Light.
Nagsimula na s'yang magtrabaho dahil wala na s'yang kasamang asungot. Ginawa n'ya muna ang mga records ng mga pasyente, mamaya pa naman s'ya mag rounds ulit.
Naging nurse s'ya dahil sa kan'yang ina. Pangarap nitong magkaroon ng nurse na anak.
Naalala n'ya ang kan'yang kuya, kung kasama n'ya ito ngayon malamang isa din itong nurse o baka naging doctor na.
Masakit ang kan'yang kabataan.
Sampung taon pa lamang s'ya ng maulila sa pamilya.
Nawala ang kan'yang kuya ng muntik ng malunod ang sinasakyan nilang barko papuntang Manila noong limang taong gulang s'ya.
Ilang taon nilang hinanap ang kapatid ngunit magpahanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin nakikita ang kuya n'ya.
Sampong taong gulang s'ya ng pinaslang ng mga armadong kalalakihan ang kan'yang mga magulang.
Hindi n'ya alam kung ano ang dahilan ng mga ito para patayin ang mama at papa n'ya.
Hanggang ngayon hustisya pa rin ang sigaw n'ya para sa mga magulang.
Isang matinong pulis ang kan'yang ama at isa namang guro ang kan'yang ina. Simply lamang ang kanilang pamumuhay.
Hindi naman mayaman at hindi din ganon kahirap dahil parehong may trabaho ang kan'yang mga magulang.
Ngunit ng mawala ang mga ito, para na din s'yang namatay.
Wala nang natira sa kan'ya. Naging palaboy-laboy s'ya sa kung saan hanggang isang araw may isang lalaking nagkupkop sa kan'ya at pinag aral s'ya hanggang sa makatapos at makapag trabaho.
Isang napakalaking utang na loob ang atraso n'ya sa lalaki na nagkupkop sa kan'ya.
Pinahid n'ya ang mga luha na dumaloy sa kan'yang pisngi.
Hindi n'ya namalayan na umiiyak na pala s'ya.
Miss na miss n'ya na ang mga magulang at ang kuya n'ya.
Ipinangako n'ya sa puntod ng ama at ina na hindi s'ya titigil hangga't hindi nakikita ang kan'yang kapatid.
Napabuntong- hininga na lamang s'ya sa pagka- alala sa kan'yang nakaraan.
Masakit man ngunit kailangan n'yang harapin ang hamon ng buhay at labanan ang lahat ng kahirapan para makamit ang hustisya para sa mga magulang at makita ang kan'yang kapatid.
Tumayo s'ya dahil oras na naman ng pag rounds n'ya ulit sa mga pasyente.
Kinuhanan n'ya muna ng pagkain si Dave at sinilip ito sa kan'yang kwarto para pakainin.
"Hello Dave, nakapagpahinga ka ba?" nakangiting tanong niya sa bata.
"Opo nurse Mich, ang ganda ng tulog ko,nagising lang ako dahil napanaginipan ko si daddy," natigilan s'ya sa sinabi nito.
"Talaga?Anong napanaginipan mo tungkol sa daddy mo?" mabining tanong n'ya sa bata.
"Kinukumusta niya ako, sabi n'ya magpa galing daw ako para pagbalik n'ya maglalaro kami ng basketball," masayang kwento nito sa kan'ya.
Maluha-luha s'yang ngumiti sa bata, life is so unfair, kung sino pa yong talagang nangangailangan sila pa yong nawawalan.
Bumuga muna s'ya ng hangin bago inaya si Dave na kumain.
Ipagdadasal niya na lang na sana buhay pa ang daddy nito at makabalik pa sa kanilang pamilya.
Pagkatapos niyang pakainin si Dave, pinunasan niya na din ito at pinalitan ng hospital gown na malinis.
Patapos na siya sa ginagawa ng bumukas ang pinto at nakangiting mukha ng babae ang bumungad sa kanila.
Sobrang napakaganda nito kahit pa makikita sa mga mata ang lungkot.
"Mommy!" masayang tawag ni Dave sa ina, lumapit ito sa bata at niyakap ang anak at h******n.
"How's my handsome and brave son?Hmmmm!" malambing na tanong ng babae.
"I'm ok mum! I'm doing well and nurse Michelle helps me a lot and look after me very well," masayang kwento ni Dave sa ina.
Lumingon sa kan'ya ang babae at matamis na ngumiti.
"Maraming salamat sa pag aalaga sa anak ko Mich," pasasalamat ng babae sa kaniya.
Nginitian niya ito bilang tugon.
"Walang ano man Mrs.Alcantara, trabaho ko po ang alagaan si Dave, at ikinagagalak ko na ako ang naka asign na nurse sa kan'ya," magiliw na sagot n'ya dito.
"Trisha will do Mich, masyadong pormal ang Mrs. Alcantara," nakangiting sabi nito.
"Trisha it is," nakangiting pag sang'ayon niya.
"Thank you!" pasasalamat nito.
"Oh siya maiwan ko muna kayo ha, doon muna ako sa nurse station," paalam n'ya sa mag ina.
"Sige Mich salamat ulit."
"Walang ano man Trish! Bye Dave see you later ok?"
"See you nurse Mich and thank you," paalam ni Dave.
Lumabas na siya ng room at pumunta sa nurse station , nagpahinga muna siya saglit doon.
Maya-maya pa naman ang schedule niya para mag rounds ulit sa mga pasyente sa kabila.
Nag stay pa s'ya sa hospital ng ilang oras bago natapos ang kan'yang duty. Hindi n'ya na mahagilap ang mukha ng kaibigan.
Baka busy pa rin ito sa kan'yang duty.
Bukas pa ang out nito dahil naka straight duty ang schedule nito ngayong araw.
Inayos n'ya muna ang mga gamit at nag time out bago lumabas ng nurse station at bumaba sa lobby.
Deritso lang s'yang naglakad hanggang sa makalabas ng hospital ngunit nagulat s'ya ng masilayan ang gwapong mukha ng lalaking umararo sa kan'ya.
Biglang namula ang kan'yang mukha sa naiisip.
Umiwas s'ya dito dahil hindi pa naman s'ya nakikita ng lalaki ngunit nagulat na lang s'ya ng magsalita ito.
"Try to run away babe and I will punish you bigtime! " narinig n'yang banta nito sa kan'ya. Napalunok s'ya ng laway dahil ibang punishment ang pumapasok sa kan'yang isip.
Binalewala n'ya na lamang ang sinabi nito dahil baka hindi naman talaga s'ya ang kausap ng lalaki.
Nagpatuloy s'ya sa paglakad na hindi nilingon ang kinaroroonan ni Adam.
"Michelle Antonette!" malakas na sigaw nito. Napapikit naman s'ya at pinipigilan ang sarili na bulyawan ito.
Mahinahon s'yang lumingon sa lalaki at tiningnan ang gwapong mukha ng bwesit na lalaki na nasa harapan n'ya.
"What?" malditang sikmat n'ya dito. Ngumiti naman ito sa kan'ya na s'yang ikinakabog ng kan'yang dibdib.
"Lets eat dinner together," malambing na sabi nito sa kan'ya sabay hawi sa ilang hibla ng buhok na tumabing sa kan'yang pisngi.
Nararamdaman n'yang nag iinit ang kan'yang mukha dahil sa ginawa nito.
"Ayoko nga! May pagkain ako sa bahay," mataray na sagot n'ya. Gusto n'yang palakpakan ang sarili dahil hindi s'ya nautal sa pagsagot dito.
"You will come with me and that's an order!" striktong utos nito.
"At sino ka para utosan ako?" nakapameywang na sikmat n'ya sa lalaki.
Ngumisi naman ito at walang babalang binuhat s'ya ng pa bridal style at naglakad patungo sa sasakyan nitong nakaparada sa gilid ng daan.
"Fvck you Adam, put me down!" inis na sigaw n'ya sa lalaki. Natigilan naman ito at biglang huminto.
"What did you just call me?" tanong nito sa kan'ya.
"A-d-a-m," nauutal na sagot n'ya. Sandali itong natigilan ngunit ng makabawi bigla na lamang s'ya nitong siniil ng halik sa labi habang buhat- buhat.