Samantala sa bahay ng mga Espinosa, mahigit isang oras na ang lumipas ngunit hindi parin tumitigil sa pagwawala si Jeanly. Kahit mga magulang niya ay walang nagawa kundi ang tingnan na lamang siya habang hinahagis ang lahat na mga kagamitan na madadampot niya sa loob ng kanilang bahay. Ala-una na ng madaling araw nang dumating ito mula sa Twilight Disco Bar na palagi niyang pinupuntahan tuwing gabi. Sa tuwing umuuwi siya laging si Jayna ang hinahanap niya upang magtimpla sa kanya ng kape, tuwang-tuwa siya kapag ang kapatid ang inuutusan niya, ngunit nagtaka siya dahil ngayong gabi hindi na niya nakita si Jayna. Agad niyang tinapon ang kape ng mapansin na katulong nila ang nagtimpla nito para sa kanya.
“Jeanly! anak, tama na yan, huminahon ka, naubos mo na ang lahat ng mga gamit natin sa loob ng bahay!” saway sa kanya ni Mayor Enrique habang dahan-dahan na lumalapit ito sa kanya. “Ahhh! Kasalanan mo ito daddy! Bakit si Jayna pa ang pinili mo para ibenta doon kay Allaric, alam mo naman na matagal na akong may gusto sa kanya!” singhal ni Jeanly sa ama, at hinagis muli ang vase na dinampot niya mula sa center table ng kanila sala."Anak, pwede pa naman nating puntahan mamaya si Boss Allaric, at sasabihin ko sa kanya na ikaw na lang ang ipalit sa kay Jayna. Kung alam ko lang na gustong-gusto mo ang halimaw na yun eh di sana ikaw na lang ang binigay ko dahil ayaw naman ni Jayna sa kanya."Siguraduhin mo lang na papayag si Allaric, dahil kung hindi, papatayin ko talaga ang babaeng yun! Ahh, kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya!""Oo sige na anak pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga, mag-uusap pa kami ng daddy mo."Agad namang tumalima si Jeanly na pumasok sa kanyang silid at padabog na sinara ang pinto.Galit na binalingan ni Mildred ang asawang alkalde na ngayon ay namamawis na sa sobrang pagkabalisa. Naramdaman niyang hindi nito kaya na paki-usapan si Boss Allaric."Enrique, bakit ka na naman nangako sa anak mo gayung hindi mo pa alam kung papayag si Boss Allaric sa gusto mong mangyari!?"Susubukan ko pa rin Mildred, baka sakaling papayag din siya.""Baka sakali? Enrique nakalimutan mo na ba? Malaki ang kasalanan ni Jeanly dahil pinatay niya ang tauhan ni Boss Allaric! Alam mo kasalanan mo rin to eh, hinayaan mong magdala ang anak mo ng baril kahit saan! Tingnan mo ang nangyari, eh di sumasakit ang ulo natin ngayon!""Mildred pwede ba, huwag mo akong sigawan! Hindi na ako makapag-isip ng maayos dahil sa kangangalngal ng bunganga mo! Kaya ako pumayag sa anak mo na siya ang ipalit natin dahil matagal na silang magkakilala ni Boss Allaric! May posibilidad na mapapayag natin siya dahil si Jeanly naman talaga ang dapat magbayad ng kasalanan niya!"Ano!? At ipapahamak mo ang anak natin? Kilala ang lalaking yun sa pagiging halimaw! Sa tingin mo hindi niya pahihirapan si Jeanly!"" Ganun din yun Mildred! Anak din natin si Jayna, kaya walang pinagkaiba kung ipalit natin si Jeanly sa kanya!""Malaki ang pinagkaiba Enrique, dahil may sakit sa puso ang anak nating si Jeanly, samantala si Jayna wala siyang sakit, at isa pa kaya niyang lumaban kung pinapahirapan siya ni Boss Allaric!""Hayaan mo na muna ako sa desisyon ko Mildred. May omiba akong plano, kapag nagawang palambutin ni Jeanly ang puso ni Allaric, magiging mayaman na tayo!"Nagpupuyos sa galit si Midred dahil hindi na niya mababago pa ang desisyon ng kanyang asawa.**Samantala, nagising si Jayna dahil sa mga magkasunod na putok ng baril na nagmula sa labas ng mansion.Bang! Bang!Muli na naman siyang nasindak dahil sa mga putok. Mabilis siyang bumangon at sumilip sa bintana ng kanyang silid. Agad niyang tinakpan ng kanyang dalawang kamay ang kanyang bibig upang pigilan ang sarili na mapasigaw.Halos lumuwa ang kanyang mga mata ng makita ang dalawang lalaki na nakahandusay na sa lupa. Samantalang ang dalawa pang lalaki ay nakaluhod habang nakatali ang mga kamay sa kanilang likuran. Sa harapan nilang dalawa ay nakatayo si Allaric na may hawak na baril habang nakatutok ito sa kanilang ulo. Sa tabi nito ay nakatayo ang kanyang underboss na si Troy at may hawak itong hunting knife."Boss Allaric maawa po kayo, nagsasabi po ako ng totoo.""Sino nag-utos sa inyo na sunugin ang isla ko huh? Sagot!"Nang makitang hindi pa rin sumasagot ang lalaki ay muling binaril ni Allaric ito sa ulo.Bang! Napapikit si Jayna dahil sa nasaksihan ng kanyang dalawang mata. Nanginginig ang kanyang buong katawan at hindi niya namalayan ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Anong kapalaran ang naghihintay sa kanya sa piling ng lalaking ito na kahit kaunting awa ay walang natira sa puso nito?Muli siyang nagdilat ng kanyang mga mata at nakita niyang ang isang lalaki naman ang tinutukan nito ng baril."B..boss huwag po, may mga anak ako, aamin na po ako sa inyo Boss, huwag nyo lang akong patayin." Umiiyak na wika ng lalaki na nasa trentay singko lang ang edad."Magsalita ka!" Sigaw ni Allaric at halatang naubusan na ito ng pasensya."Si..si Niel Montenegro po,"Ganun na lang ang pagkasindak ni Jayna ng marinig ang pangalan ng kanyang nobyo. Nagtataka siya bakit siya ang tinuturo ng lalaking ito na mastermind sa pagtangkang pagsunog sa Isla.Mabilis ang kanyang mga hakbang na lumabas ng kanyang silid at patakbong tinungo ang kinaroroonan nina Allaric."Sandali, gusto ko siyang makausap,"Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ni Allaric ng marinig ang sigaw ng dalaga. Galit niya itong binalingan."Sinabi ko bang lumabas ka!? Bumalik ka sa loob!" Singhal niya dito at senenyasan si Troy upang dalhin ang dalaga sa loob ng mansyon.Subalit hindi hinayaan ni Jayna na mahawakan siya ni Troy. Bagkus ay humarap pa siya lalo sa lalaki na nakaluhod at tinanong ito." Bakit mo binanggit ang pangalan ni Niel? Kilala ko ang boyfriend ko, kailanman hindi niya magawang utusan ang mga taong katulad mo upang gumawa ng masama"Napatingin sa kanya ang lalaki at tumawa ito ng nakakainsulto."Nagkakamali ka kung ganun. Dahil kung Demonyo si Boss Allaric, mas demonyo si Boss Niel. Siya ang nag-utos sa akin upang sunugin ang islang ito, dahil galit na galit siya kay Boss Allaric.""Hindi totoo yan! Mabait ang boyfriend ko! Hindi niya magagawa ang sinasabi mo!"Nang makita ni Allaric na parang lalabas na naman ang tantrum ni Jayna, agad na niya itong binuhat na parang bata at sinampay muli sa kanyang balikat. Binalingan niya si Troy ng makahulugang tingin."Ikaw na ang bahala sa kanya! Siguraduhin mong makarating sa Boss niya ang mensahe."Agad na niyang tinalikuran si Troy at bumalik sa loob ng mansyon."Sandali, Bitiwan mo ako, ano ba!"Kahit anong sigaw ni Jayna, parang walang narinig si Allaric. Patuloy pa rin ang kanyang mga hakbang patungo sa kanyang silid.Galit niyang hinagis ang dalaga sa kama niya. Hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit naiinis siya sa tuwing binabanggit nito kanina ang kanyang boyfriend. Mas lalong kumukulo ang dugo niya dahil pinagtatanggol pa talaga nito ang kanyang boyfriend sa harapan niya.Namumula ang kanyang mga mata sa galit na tumingin sa dalaga habang nakaibabaw siya dito. Bumaba ang kanyang mga tingin sa nakaawang na mga labi nito na parang kay sarap halikan ngunit nanggigil siya at gusto niya itong parusahan."Why do you always measure my patience, woman, huh?" Madiin niyang pagkakasabi sa dalaga.Langhap na langhap na naman ni Jayna ang nakakahumaling na fresh aroma na nanggagaling sa hininga nito lalo pa't ilang inches na lang ang distansya sa pagitan ng mga labi nila ng binata."Hindi ko alam ang pinagsasabi mo!" Singhal niya dito at pilit ibinabaling ang kanyang ulo upang iwasang muli ang mga magpagparusang halik ni Allaric."I don't want to hear your boyfriend's name come out of your mouth again. Since I bought you, you're already mine. Only mine,"Hindi paman siya nakasagot ay agad na nitong tinawid ang pagitan ng mga labi nila. Akala ni Jayna, isang mapagparusang halik na naman ang ipapatikim nito sa kanya, ngunit hindi niya inaasahan na isang napakasarap at hindi malilimutan na halik ang iginawad nito, dahilan upang sa unang pagkakataon, nakalimutan niyang lumaban, mas lalo niyang ninamnam ang sarap ng mga halik nito na kahit sinong babae ay gustong matikman.Ang dahan-dahan na halik sa umpisa ay mas lalong lumalim ng maramdaman ni Allaric na gumaganti na rin ang dalaga sa mga halik niya. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang pagpapalitan ng halik muli na naman niyang naalala ang boyfriend nito kaya niya kinagat ang labi ng dalaga bago ito bitawan.Napaawang ang labi ni Jayna ng matauhan siya, sandali silang nagkatitigan ng binata, at kapwa ng-usap ang kanilang mga mata." You don't know what you got yourself into, woman. Because from the moment you laid down in my bed, you admitted that you were ready to be my wife. Just to let you know that you are the only woman who entered my room which was supposed to be for my future wife."Matapos sabihin yun ay agad ng lumabas si Allaric sa kanyang silid at iniwan si Jayna na hanggang ngayon ay nakatulala pa rin habang nakatingin sa kawalan.Ngayon pa lang nahimasmasan si Jayna, nang marinig niya ang padabog na pagsara ng pintuan ng silid ni Allaric. Nagbuga siya ng hangin, pilit pinapakalma ang sarili, hindi niya alam kung paano nakontrol ni Allaric ang tantrums niya kanina. Nadadarang siya sa masarap na halik nito, at kahit ngayon ramdam niyang nalulunod pa rin siya sa ulap.Bigla siyang napabalikwas ng bangon ng maalala ang sinabi ng binata bago lumabas ng silid. " Did he say, wife?"Knock! Knock!Maya-maya pa'y narinig ni Jayna ang magkasunod na katok sa pintuan. Agad niya itong binuksan at tumambad sa kanya ang mukha ni Aling Edna na may dalang sampung shopping bags.Magalang itong ngumiti sa kanya habang tipid siyang tinanong. "Ma'am good morning po, saan ko pwedeng ilagay ang mga ito mam?"Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa mga malalaking shopping bags na hawak ng matanda. "Ano po ang mga yan?" "Naku mam, hindi ko po alam eh, inutusan lang ako ni sir Allaric na dalhin daw sa kwarto niya dahil nandito ka raw. Para daw sa inyo lahat ito mam."Wala sa sarili niya na inabot ang mga shopping bags mula sa kamay ni Aling Edna. Ngunit nagtaka siya kung bakit hindi ito binigay sa kanya."Ay, hehe, ako na po mam, sabihin nyo lang po kung saan ko ilagay."Napakamot siya sa batok, dahil sa sobrang galang ng matanda. Halata pa itong parang natatakot sa kanya. Hindi niya naman ito masisisi, siguro natakot ito dahil sa ginawa niya kahapon na paghagis ng kahit a
Samantala, hindi alam ni Jayna sa sarili kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang init na nabubuhay sa loob ng kanyang katawan ng maramdaman niya ang higpit ng yakap ng binata sa kanya. Dati yumayakap din sa kanya si Niel na boyfriend niya, ngunit hindi pa niya nararamdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. Ang lalaking yumayakap ngayon sa kanyang likuran ay kakaiba ang dating para sa kanya. Pakiramdam niya ligtas siya kapag nakayakap ito sa kanya. Mas lalo pa siyang tumingkayad at binigyang laya ang lalaki sa pag-amoy sa leeg niya. Aaminin niyang nagustuhan niya ang ganitong pakiramdam na binabalot ang kanyang buong katawan ng mga maiinit na yakap ng binata. Maya-maya pa'y naramdaman na niyang nakaharap na siya sa binata habang ang mga kamay nito ay nanatili pa ring nakayakap sa baywang niya. Muling nagtama ang kanilang mga mata ng matagal hanggang sa sabay na bumaba ang kanilang tingin sa labi ng bawat isa. "Do you know that I want to kiss you even more every time you make me angry
"Pwede bang dumaan muna ako sa opisina? Marami pa kasi akong dapat tapusin na mga accounts na hindi ko pa na endorse sa kasama ko."Nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan habang kinakausap si Allaric. Sa front seat siya nakaupo dahil yun ang gusto ng binata. Baka daw kasi hindi siya nito mabantayan ng maayos kapag hindi siya tumabi sa kanya sa driver seat, at bigla na lang niyang maisip na tumalon. Nasa kalagitnaan sila ng traffic sa Edsa kaya nagkaroon si Jayna ng pagkakataon upang kausapin si Allaric. Nagbabakasakali siya na payagan siya nitong mag report sa kanyang opisina dahil parang maganda naman ang mood ng binata."No, malalate na tayo sa kumpanya ko. May emergency board meeting pa ako mamayang alas dyes." Seryoso niyang sagot kay Jayna, na para bang final na yung sinabi niya at hindi na magbabago pa kahit anong gawin ng dalaga.Nakita kaagad ni Allaric ang paghaba ng nguso ni Jayna ng mapatingin ito sa kanya."Kung ganun huwag mo akong sisihin mamaya kung gagawa na na
Nang bumalik si Jayna sa kanyang katinuan nasa loob na siya ng kotse ng binata. Habang tumatagal, lalong sumasarap ang mga paraan ng paghalik ni Allaric sa kanya kaya hindi na niya namalayan na sumasang-ayon na rin pati ang katawan niya sa mga nais nito. Mabilis siyang bumaba ng kotse ngunit nagtaka siya kung bakit hindi niya maigalaw ng maayos ang isang kamay niya. Bumaba ang kanyang paningin at ganun na lang ang kanyang pag kasindak nang makita na nakaposas na ang dalawang kamay nila ng binata. Umangat siya ng tingin upang makita ang madilim na anyo nito habang nakatingin sa kanya. "Anong ibig sabihin nito, Allaric? Pakawalan mo ako!" Singhal niya sa binata. Hindi niya kayang basahin ang tumatakbo sa isipan nito. "My sweet angel, sa susunod kapag tumakas ka, siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli na may kausap na ibang lalaki, dahil hindi mo magugustuhan ang magiging parusa ko sayo. Always remember, you are only mine," Matapos sabihin yun ay agad ng inapakan ni Allaric ang gas
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jayna ang bakas ng sobrang takot sa mukha ng mga shareholders. Agad namang sinimulan ni Allaric ang meeting nang makita na naka focus na ang atensyon ng lahat sa kanya. Matalim niyang tinapunan ng tingin si Mr. Clayton, na siyang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng emergency meeting. Kanina pa niya ito napapansin na namumutla at hindi makatingin ng diretso sa kanya."Mr. Clayton," tawag niya sa singkwenta anyos na matanda. "Totoo bang binenta mo ang shares mo sa Montenegro Airlines?"Umangat ng tingin ang matanda, at parang iiyak na nagpapaliwanag. "Mr. President, maniwala kayo, wala talaga akong balak na ibenta sa kanila ang shares ko, kaya lang hawak nila ang pamilya ko. Papatayin nila ang pamilya ko kung hindi ako papayag.""At sa tingin mo, hindi din kita papatayin ngayon? Ilan ang shares mo sa kumpanya ko?""30%, Mr. President." "Tangina, at naubos mo lahat ibenta 'yun sa Montenegro Airlines!?" Galit niyang tanong sa matanda. Kapag kasi nangyari
Hindi maintindihan ni Jayna ang kanyang nararamdaman, ngayong dumaan sila sa City Hall of Justice. Nilagyan, muli ni Allaric ng posas ang kamay nilang dalawa, upang masigurong hindi siya makatakas. Sobra na ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa opisina ng Judge na siyang magkakasal sa kanila."Hawak ngayon ng mga tauhan ko ang buhay ng boyfriend mo, kaya huwag mo na akong pahirapan pa." Madiin na bulong ni Allaric sa tainga ni Jayna nang makita niyang tumigil ang dalaga sa paglalakad. Ilang hakbang na lang at papasok na sila sa opisina ng kilala niyang judge. Tumutulo ang luha ni Jayna na tumingin sa binata. "Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Allaric? Hawak mo na ang buhay ko, bakit mo pa kailangan na pakasalan ako? Walang pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa!" Ramdam na ramdam ni Allaric ang pagsaksak ng mahabang patalim sa puso niya dahil sa sinabi ni Jayna. Oo, tama ang dalaga, walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang dalawa, kahit siya, naiinis na rin sa
Warning! These chapters are only for mature readers. This only contains sexually explicit scenes, so read at your own risk. If you don't like it, you can skip it.Nahuhumaling ang mga mata ni Allaric, habang nakatitig sa maamong mukha ng kanyang asawa. Muli ay bumaba ang kanyang malambot na labi sa mga labi nito, at sa unang pagkakataon, kusa nang bumuka ang mga labi nito upang bigyan siya ng dahilan na mas lalo pang palalimin ang paraan ng paghalik niya. Matagal silang nagpalitan ng mga maiinit na halik, hanggang sa kusa niya, pinakawalan ang labi nito upang tawirin pababa ang malulusog na dibdib ng asawa. Habang ang mga kamay naman niya ay gumagapang sa loob ng panty nito at minasahe ang malaking umbok ng hiyas nito doon. Hindi alam ni Jayna kung saan ibabaling ang kanyang ulo, dahil sa kakaibang sarap na ipinararanas ni Allaric sa kanya. Kahit pa gustong-gusto niyang tumutol, hindi niya magawa, dahil aaminin niyang sarap na sarap siya, sa ginagawa nito sa kanya. Hindi na niya kay
Nagising si Jayna na masakit ang buong katawan. Kahit ang bumangon man lang ay hindi pa niya magawa. Talagang ipinaranas sa kanya ni Allaric kung gaano ito ka halimaw pagdating sa kama. Tama nga naman, parang matatanggal na ang kaluluwa niya kahapon dahil sa sobrang sarap ng parusa sa kanya ng asawa. "Good Morning my sweet angel." Matamis ang mga ngiti ni Allaric, habang nakatunghay sa kanya. Siniil pa siya nito ng matamis na halik sa labi, bago umupo sa gilid ng kama, katabi niya. "Come, breakfast is ready." Sabay abot ng kamay niya upang tulungan siya sa pagbangon. Subalit tinatamad siyang i-unat ang kanyang mga kamay. Sobrang sakit talaga ng katawan niya. Pakiramdam niya, sampung lalaki ang gumahasa sa kanya, kahit ang mga hita niya masakit kapag igalaw. Sumasakit din ang parte ng pagkababae niya. Naiinis niyang tinapunan ng tingin ang lalaking asawa. Kasalanan kasi nito kung bakit parang latang gulay ang pakiramdam niya ngayon sa kanyang katawan. Ilang beses kasi siyang inangkin n
JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma
"Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng
Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta. “Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric.” Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. “Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya. “Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?” “Na kagagawan mo!” sigaw niya dahilan upang matigilan ito. “Neil ilang beses ko ng sinabi sa’yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!” Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. “At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Alla
“Kuya!”Sabay silang napalingon ni Jayna ng marinig ang boses ni Adira. Nakatayo ito sa tabi ng kotse na kanilang nadaanan. Halatang matiyaga itong naghihintay sa kanila na lumabas ng hotel.“Sa tingin ko babe, kailangan niyo munang mag-usap. Mauna na ako sa kotse.” paalam ni Jayna. Ngumiti lang siya kay Adira at hinayaan na mag-usap ang dalawang kambal.“Kuya,” Naluluhang yumakap kay Allaric si Adira. “I’m sorry Kuya. Kasalanan ko dahil hinayaan kong mag leave si Glee. Hindi ko alam na may itim pa la siyang binabalak.”Tinapik tapik ni Allaric likuran ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Don’t cry in front of me dahil hindi bagay sa’yo. Lalo kang pumapangit.” Tuluyan ng kumalas ng yakap si Adira sa kanya. Bahagya siyang tinadyakan nito dahil sa inis sa tinuran niya. “Kuya naman eh. Nakakainis ka. Sinusubukan ko lang naman sana kung may panlaban din ako sa pag-aartista. Sinira mo ang momentum ko.” Naiinis na wika ni Adira bagamat nakan
Mahal ko siya, Adira! Mahal na mahal ko si Allaric!” 'SLAP!' Nabaling ang pisngi ni Glee sa kabila dulot ng malakas na sampal ni Adira. Ramdam niya ang sobrang galit mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong sirain ang pagkakaibigan natin at ang pamilya ni Kuya dahil lang sa dahilan mo na mahal mo siya? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, mamahalin ka ng kambal ko? Simulat-sapul kilala mo na ang ugali ni Kuya, Glee! For God sake, sa lahat naging kaibigan kong babae, ikaw lang ang pinansin niya dahil naniwala siyang mabuting kang babae! Pero wala kang pinagkaiba sa—” Hindi na tinuloy ni Adira ang gusto sanang sabihin kahit pa na gusto na niyang saktan ang kaibigan. Nakuyom niya ang kamao, habang naluluhang nakatingin kay Glee na nakaupo sa kama sa loob mismo ng silid pahingahan ng kambal niya. Kararating niya lang mula New York at dito siya dumeritso sa Dela Vega Empire. Pagdating niya hindi niya naratnan ang kanyang Kuya Allaric at si Jayna. Ang sabi ni Troy, n
Ilang beses nag ring ang cellphone ni Jayna ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Hindi na mapakali si Troy. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayaring ito. Nagtaka siya kung bakit at paano napunta rito si Glee gayung ang alam niya nasa New York ito at sa main branch ng Amarah Hospitals nagtatrabaho. Sinubukan muli niyang kontakin ang numero ni Jayna. Ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Kinulong muna niya si Glee sa loob ng pribadong silid ni Allaric. Hindi niya hahayaang makaalis ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong masamang laro sa likod nito. Binalingan niya ang batang boss na kasalukuyan nakapikit ang mga mata habang nakababad sa lamig sa loob ng bathtub. "I need my Wife." Mahinang wika nito. Alam niya ang asawa lang nito ang may kakayahan na gamutin ang init na nararamdaman."Yes boss." Muli niyang tinawagan ang numero ni Jayna ngunit naka out of coverage na ito. Naisip niyang tawagan ang telepono sa mansyon.
“Pagsisisihan mo ito Mr. Dela Vega!” Impit na sigaw ni Mr. Balcuba habang hawak ang kamay na nabutas ng bala ng baril ni Allaric. Kinuha ni Allaric ang wet tissue na binigay ni Troy upang punasan ang kamay niya na natalsikan ng dugo. Halatang sanay na sanay ito sa ginagawa dahil hindi man lang mababakas ang anumang takot, pagsisisi ang aura nito. Nasa mukha pa rin nito na kayang ilarawan ang orihinal na pagiging Demon King sapagkat wala itong kinatatakutan. Kung mayroon man, iyon ay ang madamay ang pamilya niya. They are his bottomline, at sinumang gumalaw ng isa sa mga kapatid niya, asawa o mga anak, siguradong mayroon siyang buhay na ibabawas sa mundo. Sinulyapan ni Allaric ang hourglass sand na nakapatong sa kanyang sariling table na sa loob din ng conference room. Gumalaw ng matigas ang muscles sa panga niya. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at matiim na tinitigan si Mr. Balcuba. “Leave! Huwag mo ng hintayin na maubos ang buhangin sa loob ng hourglass na yan, dahil ganyan na lan
“Oh, Glee, nandito ka pala.” Bahagyang nagulat si Adira ng makita si Glee na prenteng nakaupo sa couch sa loob ng opisina niya."Yes sis. May gusto sana akong hingin na favor sa'yo." Kunyaring nahihiya na wika nito.Hinubad ni Adira ang puting Doctor's Coat niya at sinampay iyon sa likuran ng kanyang swivel chair. "Coffee?" Nakita niyang tumango si Glee kaya kumuha siya ng dalawang tasa at isinalang iyon sa coffee maker. Dinala niya iyon sa center table na sa harapan ni Glee."Ano bang favor iyan at mukhang seryoso ang mukha mo?" Tanong niya."Narinig ko kasi na naghahanap ka ng General Surgeon na ilipat mo sa philippine branch ng Amarah Hospital. I'm planning na ako na lang ang ipapadala mo doon since balak ko din naman na magbakasyon upang bisitahin si Mommy."Natigilan si Adira sa pag sip ng Coffee ng marinig ang favor na hinihingi ng kaibigan niya."Hmmm..kilala kita Glee, hindi ka basta-bastang magpalipat ng hospital kung wala kang malalim na dahilan." Nakagat ni Glee ang ibaban
BAM! BAM! SLAP!“Sige, laban! Gusto mong maghiganti? Labanan mo ako!” Galit na galit si Master Alen habang sinisigawan si Neil. Kasalukuyan silang nasa loob ng mansion nito sa New York. Kakauwi lang nila at agad niyang binato ito ng kanyang suntok. Hindi na niya mapigilan ang galit sa kanyang dibdib. Lahat ginawa na niya para tumigil ito sa paghihiganti. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa pamilya niya laban sa pamilya Dela Vega. Pagod na siya sa pakikipaglaban simula pa sa panahon ng kanyang asawa. Tiningnan niya ang apo, alam niyang mahal siya nito kaya hindi nito magawang lumaban sa kanya kahit pa may kakayahan itong gawin iyon. Matanda na sya at naghihintay na lang ng panahon niya na mawala sa mundong ito. Ngunit paano niya lisanin ang mundo gayung nakikita niya ang galit sa puso ng apo niya. Buong buhay nito ay nakatuon sa paghihiganti kay Allaric. Tiniis niya ang sarili na saktan ito ngayon para malaman na galit siya sa ginawa nito. Nanatili lamang nakatayo si Neil, hab