"ALAS DIYES NA NG GABI, nasa kalagitnaan na si Allaric ng kanyang hapunan, ng maalala niyang may babaeng bihag pala siya na ikinulong sa guest room sa itaas.
"Aling Edna," tawag niya sa matanda."Bakit po Senyorito?""Binigyan mo ba ng pagkain kanina ang bisita ko?"Tumango-tango lang ang matanda at halatang parang iiyak ito."Oh, bakit ganyan ang itsura mo Aling Edna?""Eh..hehe..Pagpasok po kasi namin kanina sa silid niya sir, maraming nakakalat na mga mamahaling figurines mo na nabasag. Tapos hindi po siya kumain. Gusto na daw niyang mamatay. Tapos hanggang ngayon po hindi pa rin siya nagigising. Tulog pa rin po siya."Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Allaric matapos marinig ang sinabi ni Aling Edna."Hayaan mo siya, kung ayaw niya kumain. Kung gusto niya mamatay, eh, di ilibing."Naiirita niyang sagot sa matanda, gayunpaman may bahagi ng kanyang isipan na gusto niya rin itong puntahan sa itaas upang suyuin. Ngunit ayaw niyang gawin yun. Hindi pa ipinanganak ang babae, na siyang makapag paluhod sa kanya.“Nasaan ako?” mahinang tanong ni Jayna sa sarili ng magising siyang madilim ang buong paligid. Bumangon siya sa kama, napangiwi siya ng biglang tumunog ang kanyang tiyan. Nakaramdam siya ng hapdi ng sikmura, naghahanap na ng makakain ang mga bulate niya sa tiyan. “Ouch” sambit niya ng sumagi ang likod ng mga kamay niya sa headboard ng kama ng bumangon siya. Saka niya pa lang naalala na sa loob pala siya ng lungga ng demonyong lalaki na nagkulong sa kanya. Sinuntok niya pala ang salamin kanina kaya nagkaroon ng sugat ang kamao niya. Bumaba siya sa kama at kinapa ang ilaw, agad na lumiwanag ang buong paligid ng mapagtagumpayan niyang mahanap ang switch sa gilid ng pintuan.Malaki ang kanyang mga hakbang na tinungo ang maliit na table kung saan nilagay ng katulong kanina ang pagkain niya. Nasipa niya ang ang upuan ng makitang plato na lang ang natira. Wala na ang kanin at masasarap na mga ulam kanina na hinanda para sa kanya. Nagngingitngit ang kalooban niya, alam niya na pakana na naman ito ng demonyong lalaking yun. Talagang sinadya nitong hindi siya makakain para tuluyan na siyang mamatay.“Arrrrgh” muli na naman siyang napangiwi ng maramdaman ang muling pag alburoto ng kanyang sikmura.Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at bahagyang sumilip sa maliit na siwang nito. Nakita niya ang oras sa malaking antigong orasan na nakasabit sa wall malapit sa hagdan. Past midnight na, kaya wala ng tao na gumagala sa loob ng mansion. Malamang ang mga katulong ay tulog na rin kapag mga ganitong oras. Parang magnanakaw na lumabas siya ng silid, maingat ang kanyang mga hakbang na bumaba ng hagdan at hinanap kung saan ang kusina.Agad siyang nadismaya ng wala siyang mahanap na pagkain. Parang lalabas na naman siya sa kanyang balat, talagang pinapahirapan siya ng lalaking yun. Binuksan niya ang laman ng ref, nadagdagan ang inis niya dahil wala man lang natitirang pagkain na pwedeng initin. Kailangan pa niyang lutuin ang laman ng ref. Paano kung maabutan pa siyang nagluluto, eh, di mas lalo siyang hindi makatakas.Umupo siya sa harap ng mesa na tubig lang ang iniinom. Sandali siyang nag-isip kung paano niya matatakasan ang mga gwardya sa labas ng gate. Alam niyang hindi tanga ang demonyong lalaking yun upang hindi pagsabihan ang mga gwardya niya na bantayan siya. Kailangan niyang kabisaduhin muna ang loob at labas ng mansion na ito bago siya magpadalos-dalos sa kanyang desisyon. Hindi pwedeng basta-basta niya lang gagalitin ang binata, siya din ang talo, dapat maka-isip siya ng magandang plano kung paano makakatakas dito. Hindi pa niya alam kung saan ang cellphone niya, malamang itinago ng demonyong yun. Baka nagaalala na sa kanya si Neil, ang boyfriend niya.“Akala ko ba gusto mo ng magpakamatay? Isang araw pa nga lang na hindi ka kumakain, hindi ka na makatiis?”Napapikit siya ng marinig ang baritong boses ng binata mula sa kanyang likuran. Pilit niyang pinakalma ang sarili, nagbuga siya ng hangin upang ma bawasan ang galit sa dibdib niya. Lumingon siya sa binata, muntik pa siyang mahulog mula sa pagkakaupo ng makitang naka boxer shorts lang ito, at naka white sando.“Bastos!” singhal niya sa binata at muling tumalikod dito.Napatingin din si Allaric sa kanyang kasuotan sa katawan. Kunot-noong hinarap niya ang dalaga na ngayon, umiiwas na makatingin sa kanya.“Ano naman ang bastos sa pananamit ko? Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki na naka boxer short?” mapang-uyam niyang tanong sa dalaga.“Masyadong mahalay ang suot mo, diyan ka na nga, nakakahiya naman sayo!” sagot niya sa binata at agad na siyang tumayo upang talikuran ito.“Wait,”“Ouch”Halos magkasabay pa nilang wika sa isa’t-isa.Napangiwi si Jayna ng biglang hinawakan ng binata ang kamay niya upang pigilan siya sa pag-alis. Ganun na lang ang pagsalubong ng dalawang kilay ni Allaric ng masapo ng kanyang kamay ang natuyong dugo mula sa kamao ng dalaga. Tiningnan niya ito, napailing na lang siya dahil sa mga sugat na tinamo ng kamao nito. “Ganito ba talaga siya kapag naiinis? Sinasaktan ang sarili niya?” sa loob-loob niya. Nakaramdam siya ng awa sa dalaga, kung tutuusin pwede na niya itong pakawalan, ngunit may bahagi sa isipan niya na hindi niya maintindihan, kung bakit gusto pa niya itong manatili sa tabi niya.“Teka saan mo na naman ako dadalhin?” kinakabahan na tanong ng dalaga ng makitang hinila ng binata ang kabilang kamay niya na walang sugat at dinala siya sa isang silid. Nilibot ng kanyang mga mata ang kabuuan ng silid, agad niyang napansin ang isang malaking kama at stretcher sa loob. May mga iba’t-ibang uri ng gamot, at gamit na karaniwan niya lang makikita sa ospital.“Doctor ka pala.” Nakita niyang ngumiti ang binata dahil sa sinabi niya. Agad siyang namesmerize ng lumitaw ang malalim na dimple nito na siyang nagpadagdag ng kagwapuhan niya. Pakiramdam niya biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso ng pilyong humarap ito sa kanya.“No, Cardiologist ang kambal ko, siya ang nakaisip na maglagay ng maliit na clinic dito sa bahay bakasyunan namin.” Sagot nito sa kanya habang kinukuha ang gamot mula sa medicine cabinet.“Umupo ka,” mahinang utos nito habang pinapa-upo siya sa couch. Tumalima din siya sa sinabi nito. Napabaling ang kanyang tingin sa malaking larawan ng magandang babae na nakasabit sa wall. Nakasuot ito ng puting damit, magkamukha sila ng binata, pinagkaibahan lang nila dahil wala itong dimple sa pisngi. Napaisip siya, hindi niya inakala na babae pala ang kambal nito.“Saan naman ang kambal mo?” curious niyang tanong sa binata.“Sa New York, kasama ang iba pang mga kapatid ko.” balewalang sagot nito bago umupo sa tabi niya.“Mga kapatid? Ibig sabihin ang dami nyo?” nagugulat niyang wika sa binata dahilan upang ngumiti ito.“Oo, masyadong mahal ng daddy ko si Mommy kaya, dumami kami.” malokong sagot ng binata habang nililinisan ang sugat sa kamay ng dalaga.“Ouch” sambit ng dalaga ng makaramdam ito ng hapdi dahil sa alkohol na pinahid niya.“Oops, Sorry,” agad din nitong sagot. Nagulat pa ang dalaga ng masuyong hinihipan ng binata ang sugat sa kamay niya. Ngayon niya lang napansin na may nakatagong kabutihan din pala ang demon beast na ito. Hindi niya alam kung bakit mayroong bahagi sa puso niya na gustong titigan ito. Kung hindi lang siguro demonyo ang pag-uugali nito, sigurado siyang kahit siya pipila din katulad ng ibang mga babae na gustong makuha ang atensyon nito.Natigil din si Allaric sa kanyang ginagawa ng mapansin niya na nag sorry siya sa dalaga. Mabilis niyang nilagyan ng bandage ang kamay nito at agad ng tumayo. Muli naman siyang nagseryoso ng mukha at naunang lumabas ng silid. Habang palabas siya kinakapa niya ang sarili. Napapalambot na ba ng babae ang puso niya?Mabilis naman na sumunod ang dalaga sa binata, upang humingi sana ng pagkain, bago pa mag-iba ang modo nito.Ngunit nagulat siya dahil sa kusina ito dumeretso. Umupo siya sa upuan sa harap ng mesa at nagmasid lang sa ginagawa ng binata. Hindi niya alam kung ano ang niluluto nito, nahiya naman siyang magsabi na nagugutom siya at gusto niyang humingi ng pagkain, baka sungitan lang siya. Nakaramdam na nga siya ng pagkainip dahil ilang minuto na ang nakalipas parang hindi pa rin ito tapos sa kanyang ginagawa sa kusina. Akmang tatayo na siya ng maamoy niya ang sarap ng amoy ng chicken steak. Napalunok siya ng laway, na bumalik mula sa pagkakaupo. Mas lalong nanuot ang sarap ng amoy nito ng ilapag ng binata ang kanyang niluto sa harapan niya at may kasama pa itong kanin.“P..para sa akin ba to?” nahihiya niyang tanong sa binata.“Hindi, para sa akin. Nakita mo na ngang nilagay ko sa harapan mo diba?”sarkastikong sagot nito sa kanya.“Hmmmp, nagsusungit ka na naman, parang nagtatanong lang e
Samantala sa bahay ng mga Espinosa, mahigit isang oras na ang lumipas ngunit hindi parin tumitigil sa pagwawala si Jeanly. Kahit mga magulang niya ay walang nagawa kundi ang tingnan na lamang siya habang hinahagis ang lahat na mga kagamitan na madadampot niya sa loob ng kanilang bahay. Ala-una na ng madaling araw nang dumating ito mula sa Twilight Disco Bar na palagi niyang pinupuntahan tuwing gabi. Sa tuwing umuuwi siya laging si Jayna ang hinahanap niya upang magtimpla sa kanya ng kape, tuwang-tuwa siya kapag ang kapatid ang inuutusan niya, ngunit nagtaka siya dahil ngayong gabi hindi na niya nakita si Jayna. Agad niyang tinapon ang kape ng mapansin na katulong nila ang nagtimpla nito para sa kanya.“Jeanly! anak, tama na yan, huminahon ka, naubos mo na ang lahat ng mga gamit natin sa loob ng bahay!” saway sa kanya ni Mayor Enrique habang dahan-dahan na lumalapit ito sa kanya. “Ahhh! Kasalanan mo ito daddy! Bakit si Jayna pa ang pinili mo para ibenta doon kay Allaric, alam mo nam
Knock! Knock!Maya-maya pa'y narinig ni Jayna ang magkasunod na katok sa pintuan. Agad niya itong binuksan at tumambad sa kanya ang mukha ni Aling Edna na may dalang sampung shopping bags.Magalang itong ngumiti sa kanya habang tipid siyang tinanong. "Ma'am good morning po, saan ko pwedeng ilagay ang mga ito mam?"Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa mga malalaking shopping bags na hawak ng matanda. "Ano po ang mga yan?" "Naku mam, hindi ko po alam eh, inutusan lang ako ni sir Allaric na dalhin daw sa kwarto niya dahil nandito ka raw. Para daw sa inyo lahat ito mam."Wala sa sarili niya na inabot ang mga shopping bags mula sa kamay ni Aling Edna. Ngunit nagtaka siya kung bakit hindi ito binigay sa kanya."Ay, hehe, ako na po mam, sabihin nyo lang po kung saan ko ilagay."Napakamot siya sa batok, dahil sa sobrang galang ng matanda. Halata pa itong parang natatakot sa kanya. Hindi niya naman ito masisisi, siguro natakot ito dahil sa ginawa niya kahapon na paghagis ng kahit a
Samantala, hindi alam ni Jayna sa sarili kung bakit nakaramdam siya ng kakaibang init na nabubuhay sa loob ng kanyang katawan ng maramdaman niya ang higpit ng yakap ng binata sa kanya. Dati yumayakap din sa kanya si Niel na boyfriend niya, ngunit hindi pa niya nararamdaman ang ganitong klase ng pakiramdam. Ang lalaking yumayakap ngayon sa kanyang likuran ay kakaiba ang dating para sa kanya. Pakiramdam niya ligtas siya kapag nakayakap ito sa kanya. Mas lalo pa siyang tumingkayad at binigyang laya ang lalaki sa pag-amoy sa leeg niya. Aaminin niyang nagustuhan niya ang ganitong pakiramdam na binabalot ang kanyang buong katawan ng mga maiinit na yakap ng binata. Maya-maya pa'y naramdaman na niyang nakaharap na siya sa binata habang ang mga kamay nito ay nanatili pa ring nakayakap sa baywang niya. Muling nagtama ang kanilang mga mata ng matagal hanggang sa sabay na bumaba ang kanilang tingin sa labi ng bawat isa. "Do you know that I want to kiss you even more every time you make me angry
"Pwede bang dumaan muna ako sa opisina? Marami pa kasi akong dapat tapusin na mga accounts na hindi ko pa na endorse sa kasama ko."Nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan habang kinakausap si Allaric. Sa front seat siya nakaupo dahil yun ang gusto ng binata. Baka daw kasi hindi siya nito mabantayan ng maayos kapag hindi siya tumabi sa kanya sa driver seat, at bigla na lang niyang maisip na tumalon. Nasa kalagitnaan sila ng traffic sa Edsa kaya nagkaroon si Jayna ng pagkakataon upang kausapin si Allaric. Nagbabakasakali siya na payagan siya nitong mag report sa kanyang opisina dahil parang maganda naman ang mood ng binata."No, malalate na tayo sa kumpanya ko. May emergency board meeting pa ako mamayang alas dyes." Seryoso niyang sagot kay Jayna, na para bang final na yung sinabi niya at hindi na magbabago pa kahit anong gawin ng dalaga.Nakita kaagad ni Allaric ang paghaba ng nguso ni Jayna ng mapatingin ito sa kanya."Kung ganun huwag mo akong sisihin mamaya kung gagawa na na
Nang bumalik si Jayna sa kanyang katinuan nasa loob na siya ng kotse ng binata. Habang tumatagal, lalong sumasarap ang mga paraan ng paghalik ni Allaric sa kanya kaya hindi na niya namalayan na sumasang-ayon na rin pati ang katawan niya sa mga nais nito. Mabilis siyang bumaba ng kotse ngunit nagtaka siya kung bakit hindi niya maigalaw ng maayos ang isang kamay niya. Bumaba ang kanyang paningin at ganun na lang ang kanyang pag kasindak nang makita na nakaposas na ang dalawang kamay nila ng binata. Umangat siya ng tingin upang makita ang madilim na anyo nito habang nakatingin sa kanya. "Anong ibig sabihin nito, Allaric? Pakawalan mo ako!" Singhal niya sa binata. Hindi niya kayang basahin ang tumatakbo sa isipan nito. "My sweet angel, sa susunod kapag tumakas ka, siguraduhin mo lang na hindi kita mahuhuli na may kausap na ibang lalaki, dahil hindi mo magugustuhan ang magiging parusa ko sayo. Always remember, you are only mine," Matapos sabihin yun ay agad ng inapakan ni Allaric ang gas
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jayna ang bakas ng sobrang takot sa mukha ng mga shareholders. Agad namang sinimulan ni Allaric ang meeting nang makita na naka focus na ang atensyon ng lahat sa kanya. Matalim niyang tinapunan ng tingin si Mr. Clayton, na siyang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng emergency meeting. Kanina pa niya ito napapansin na namumutla at hindi makatingin ng diretso sa kanya."Mr. Clayton," tawag niya sa singkwenta anyos na matanda. "Totoo bang binenta mo ang shares mo sa Montenegro Airlines?"Umangat ng tingin ang matanda, at parang iiyak na nagpapaliwanag. "Mr. President, maniwala kayo, wala talaga akong balak na ibenta sa kanila ang shares ko, kaya lang hawak nila ang pamilya ko. Papatayin nila ang pamilya ko kung hindi ako papayag.""At sa tingin mo, hindi din kita papatayin ngayon? Ilan ang shares mo sa kumpanya ko?""30%, Mr. President." "Tangina, at naubos mo lahat ibenta 'yun sa Montenegro Airlines!?" Galit niyang tanong sa matanda. Kapag kasi nangyari
Hindi maintindihan ni Jayna ang kanyang nararamdaman, ngayong dumaan sila sa City Hall of Justice. Nilagyan, muli ni Allaric ng posas ang kamay nilang dalawa, upang masigurong hindi siya makatakas. Sobra na ang kabang nararamdaman niya habang papalapit sila sa opisina ng Judge na siyang magkakasal sa kanila."Hawak ngayon ng mga tauhan ko ang buhay ng boyfriend mo, kaya huwag mo na akong pahirapan pa." Madiin na bulong ni Allaric sa tainga ni Jayna nang makita niyang tumigil ang dalaga sa paglalakad. Ilang hakbang na lang at papasok na sila sa opisina ng kilala niyang judge. Tumutulo ang luha ni Jayna na tumingin sa binata. "Bakit mo ba ito ginagawa sa akin, Allaric? Hawak mo na ang buhay ko, bakit mo pa kailangan na pakasalan ako? Walang pagmamahal na namamagitan sa ating dalawa!" Ramdam na ramdam ni Allaric ang pagsaksak ng mahabang patalim sa puso niya dahil sa sinabi ni Jayna. Oo, tama ang dalaga, walang pagmamahal na namamagitan sa kanilang dalawa, kahit siya, naiinis na rin sa
JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma
"Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng
Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta. “Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric.” Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. “Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya. “Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?” “Na kagagawan mo!” sigaw niya dahilan upang matigilan ito. “Neil ilang beses ko ng sinabi sa’yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!” Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. “At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Alla
“Kuya!”Sabay silang napalingon ni Jayna ng marinig ang boses ni Adira. Nakatayo ito sa tabi ng kotse na kanilang nadaanan. Halatang matiyaga itong naghihintay sa kanila na lumabas ng hotel.“Sa tingin ko babe, kailangan niyo munang mag-usap. Mauna na ako sa kotse.” paalam ni Jayna. Ngumiti lang siya kay Adira at hinayaan na mag-usap ang dalawang kambal.“Kuya,” Naluluhang yumakap kay Allaric si Adira. “I’m sorry Kuya. Kasalanan ko dahil hinayaan kong mag leave si Glee. Hindi ko alam na may itim pa la siyang binabalak.”Tinapik tapik ni Allaric likuran ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Don’t cry in front of me dahil hindi bagay sa’yo. Lalo kang pumapangit.” Tuluyan ng kumalas ng yakap si Adira sa kanya. Bahagya siyang tinadyakan nito dahil sa inis sa tinuran niya. “Kuya naman eh. Nakakainis ka. Sinusubukan ko lang naman sana kung may panlaban din ako sa pag-aartista. Sinira mo ang momentum ko.” Naiinis na wika ni Adira bagamat nakan
Mahal ko siya, Adira! Mahal na mahal ko si Allaric!” 'SLAP!' Nabaling ang pisngi ni Glee sa kabila dulot ng malakas na sampal ni Adira. Ramdam niya ang sobrang galit mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong sirain ang pagkakaibigan natin at ang pamilya ni Kuya dahil lang sa dahilan mo na mahal mo siya? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, mamahalin ka ng kambal ko? Simulat-sapul kilala mo na ang ugali ni Kuya, Glee! For God sake, sa lahat naging kaibigan kong babae, ikaw lang ang pinansin niya dahil naniwala siyang mabuting kang babae! Pero wala kang pinagkaiba sa—” Hindi na tinuloy ni Adira ang gusto sanang sabihin kahit pa na gusto na niyang saktan ang kaibigan. Nakuyom niya ang kamao, habang naluluhang nakatingin kay Glee na nakaupo sa kama sa loob mismo ng silid pahingahan ng kambal niya. Kararating niya lang mula New York at dito siya dumeritso sa Dela Vega Empire. Pagdating niya hindi niya naratnan ang kanyang Kuya Allaric at si Jayna. Ang sabi ni Troy, n
Ilang beses nag ring ang cellphone ni Jayna ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Hindi na mapakali si Troy. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayaring ito. Nagtaka siya kung bakit at paano napunta rito si Glee gayung ang alam niya nasa New York ito at sa main branch ng Amarah Hospitals nagtatrabaho. Sinubukan muli niyang kontakin ang numero ni Jayna. Ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Kinulong muna niya si Glee sa loob ng pribadong silid ni Allaric. Hindi niya hahayaang makaalis ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong masamang laro sa likod nito. Binalingan niya ang batang boss na kasalukuyan nakapikit ang mga mata habang nakababad sa lamig sa loob ng bathtub. "I need my Wife." Mahinang wika nito. Alam niya ang asawa lang nito ang may kakayahan na gamutin ang init na nararamdaman."Yes boss." Muli niyang tinawagan ang numero ni Jayna ngunit naka out of coverage na ito. Naisip niyang tawagan ang telepono sa mansyon.
“Pagsisisihan mo ito Mr. Dela Vega!” Impit na sigaw ni Mr. Balcuba habang hawak ang kamay na nabutas ng bala ng baril ni Allaric. Kinuha ni Allaric ang wet tissue na binigay ni Troy upang punasan ang kamay niya na natalsikan ng dugo. Halatang sanay na sanay ito sa ginagawa dahil hindi man lang mababakas ang anumang takot, pagsisisi ang aura nito. Nasa mukha pa rin nito na kayang ilarawan ang orihinal na pagiging Demon King sapagkat wala itong kinatatakutan. Kung mayroon man, iyon ay ang madamay ang pamilya niya. They are his bottomline, at sinumang gumalaw ng isa sa mga kapatid niya, asawa o mga anak, siguradong mayroon siyang buhay na ibabawas sa mundo. Sinulyapan ni Allaric ang hourglass sand na nakapatong sa kanyang sariling table na sa loob din ng conference room. Gumalaw ng matigas ang muscles sa panga niya. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at matiim na tinitigan si Mr. Balcuba. “Leave! Huwag mo ng hintayin na maubos ang buhangin sa loob ng hourglass na yan, dahil ganyan na lan
“Oh, Glee, nandito ka pala.” Bahagyang nagulat si Adira ng makita si Glee na prenteng nakaupo sa couch sa loob ng opisina niya."Yes sis. May gusto sana akong hingin na favor sa'yo." Kunyaring nahihiya na wika nito.Hinubad ni Adira ang puting Doctor's Coat niya at sinampay iyon sa likuran ng kanyang swivel chair. "Coffee?" Nakita niyang tumango si Glee kaya kumuha siya ng dalawang tasa at isinalang iyon sa coffee maker. Dinala niya iyon sa center table na sa harapan ni Glee."Ano bang favor iyan at mukhang seryoso ang mukha mo?" Tanong niya."Narinig ko kasi na naghahanap ka ng General Surgeon na ilipat mo sa philippine branch ng Amarah Hospital. I'm planning na ako na lang ang ipapadala mo doon since balak ko din naman na magbakasyon upang bisitahin si Mommy."Natigilan si Adira sa pag sip ng Coffee ng marinig ang favor na hinihingi ng kaibigan niya."Hmmm..kilala kita Glee, hindi ka basta-bastang magpalipat ng hospital kung wala kang malalim na dahilan." Nakagat ni Glee ang ibaban
BAM! BAM! SLAP!“Sige, laban! Gusto mong maghiganti? Labanan mo ako!” Galit na galit si Master Alen habang sinisigawan si Neil. Kasalukuyan silang nasa loob ng mansion nito sa New York. Kakauwi lang nila at agad niyang binato ito ng kanyang suntok. Hindi na niya mapigilan ang galit sa kanyang dibdib. Lahat ginawa na niya para tumigil ito sa paghihiganti. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa pamilya niya laban sa pamilya Dela Vega. Pagod na siya sa pakikipaglaban simula pa sa panahon ng kanyang asawa. Tiningnan niya ang apo, alam niyang mahal siya nito kaya hindi nito magawang lumaban sa kanya kahit pa may kakayahan itong gawin iyon. Matanda na sya at naghihintay na lang ng panahon niya na mawala sa mundong ito. Ngunit paano niya lisanin ang mundo gayung nakikita niya ang galit sa puso ng apo niya. Buong buhay nito ay nakatuon sa paghihiganti kay Allaric. Tiniis niya ang sarili na saktan ito ngayon para malaman na galit siya sa ginawa nito. Nanatili lamang nakatayo si Neil, hab