LIKE 👍
(Kiray pov) Hinabol ako nila Mariz ng lumabas ako ng istasyon. “Kiray, kumalma ka. Hindi naman tayo sigurado kung siya talaga ang kumuha kay Mumu. Saka bakit kukunin niya ang anak mo. Isang taon na rin kayong hindi nagkikita.” Tama. Isang taon na rin simula ng huli kaming magkita. Nabalitaan ko kay manang noon na ikakasal na ito sa tunay na Rayana. Siguro nga ay kasal na ito sa babaeng iyon. Kaya ano ang rason nito para kunin ang anak ko? “Sigurado ako na siya ang kumuha sa anak ko, Mariz. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para kunin si Mumu pero hindi ako papayag na magtagal sa kanya ang anak ko!” “Kiray, sandali!” Hinabol ako nito. “Sasamahan ka namin ni nanay na pumunta doon. Kung siya nga ang kumuha sa anak mo, ano ang gagawin mo? Sigurado na may dahilan siya kaya kinuha niya si Mumu.” “Wala akong pakialam kahit ano pa ang dahilan niya. Simula ng laitin niya ang anak ko at talikuran niya ay inalisan ko na siya ng karapatan sa anak ko. Ang kapal ng mukha niya na kunin
Umatras ako ng humakbang ito palapit sa akin. Ayoko maging emosyonal, pero sumasabay ang luha ko sa galit ko. “Sa’yo na mismo nanggaling na wala kang pakialam kung bubuhayin ko o ipalaglag ang anak ko. T-tapos ngayon susulpot ka para pag usapan ang tungkol sa custody na parang hindi mo siya tinalikuran at sinuka! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa aming mag ina!” “Kiray…” dumaan ang pagsisisi sa asul na mata nito. “Please let’s talk—“ “Wala na tayong dapat pag usapan pa, Mr. King.“ sumigok ako sa sobrang pag iyak. Awang-awa na niyakap ko ang anak ko at may poot sa mata na tumingin sa kanya. “O-okay lang sana kung ako lang ang tinalikuran mo eh… k-kung ako lang ang sinuka mo matatanggap ko dahil may kasalanan ako. P-pero bakit pati ang anak natin? S-sinuka mo siya at nilait pa. H-hindi pa siya sinisilang sa mundo pero tinalikuran mo na siya. D-Dinamay mo siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. T-Tapos ngayon babalik ka para kunin siya sa akin? Ikaw na ang nasabi na binura m
(Kiray pov) “Good morning, madam, welcome back!” Nakangiting bati ni Jigs ng mapagbuksan ako ng gate kinabukasan. Maging si manang ay nakangiting binati din ako. Hindi ko magawang suklian ang paggalang nila dahil sa magkahalong kaba at takot ko. Baka kasi hindi ako pagbigyan ni Laxus sa gusto kong alok. Kapag nangyari ‘yon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Dasal ko nalang na sana ay hindi atakihin ng kademonyohan ang lalaking ‘yon. Nag thumbs up si Jigs. “Lalo kayong sumarap gumawa ng cupcakes, madam. Nagustuhan naming lahat ang binake niyo—“ natahimik ito ng sikuhin ni manang. “I-ibig kong sabihin dumaan ako sa bakery niyo at bumili… a-ang sarap! Pasadong-pasado sa panlasa ni boss, ibig kong sabihin sa panlasa ko!” “Tama si Jigs, madam… masarap nga at walang kupas ang mga bake mo. Nagustuhan naming lahat, i-ibig kong sabihin ay naminni Jigs!” Segunda ni manang na mayrong tabinging ngiti. “Salamat ho.” Sumunod ako sa dalawa papasok. Grabe ang kabog ng dibdib ko, mas nangingi
Sumandal ito at mataman ang mata na tiningnan ako ng diretso. “I’m a busy man, Kiray, you know that. Wala akong oras para makihati ng schedule sa’yo pagdating sa anak nating dalawa. Kilala mo ako, ayoko ng may kahati.” “Ano?!” Tuluyan na akong sumabog sa sinabi nito. “Busy din ako pero naisip ko ‘to para sa ikakatahimik nating dalawa at ng anak ko! Kung ayaw mo ng may kahati bakit hindi ka nag-anak sa asawa mo at tantanan mo kami ng anak ko! Ang kapal ng mukha mong mag demand pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko!” Ayokong umiyak… hindi ako iiyak. Sawa na akong umiyak dahil sa lalaking ‘to. Pumikit ako at ilang beses na huminga ng malalim. Kahit ayokong sabihin at gawin ito ay wala akong choice. “P-Payag ako na mas lamang ang araw na nasa’yo si Mumu, Mr. King. B-basta wag mo lang kukunin ang anak ko sa akin.” Yumuko ako para itago ang nagbabadya kong luha na tutulo anumang sandali. “W-wag ka naman maging malupit sa akin. A-alam kong malaki ang naging kasalanan ko sa’yo, pero hind
(Kiray pov) “Kiray, umupo ka nga, ako ang nahihilo sayo eh.” Sita ni Mariz sa kanya. Kanina pa kasi siya paroon at parito habang kagat ang kuko niya. “Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Kinakabahan ako sa pesteng kingkong na ‘yon. Paano kung bigla nalang niyang ipadukot ang anak ko? O kaya naman ipatawag na ako sa korte?” “Sa palagay ko naman ay tinanggap niya ang proposal mo. Kung hindi eh di sana nong nakaraan pa may dumating na sulat galing korte na matutuloy ang kaso niyo.” “Iyon na nga ang nakakakaba, Mariz. Wala pa rin dumadating. Ibig sabihin may ibang plano ang lalaking ‘yon.” Naalala ako ang sinabi nito sa akin no’ng huli kaming magkita. Balak pq akong anakan at gawing palahiang bab0y ng pesteng unggoy na ‘yon! Nakakagigil! Simula ng manggaling ako ro’n may dalawang linggo na rin ang nakakalipas ay hindi na ito nagparamdam. Lalo tuloy akong kinakabahan. Sa klase ng pagkatao ng lalaking ‘yon imposible na hindi ito kumilos. “Ate Kiray, si Phil nasa labas!” Kilig
(Kiray Pov) BUMUGA ako ng hangin bago ko kinuha sa crib si Mumu. “Kiray, hindi na ako makapaghintay! Sigurado ako na mananalo ka sa contest. Ikaw pa. Eh ang galing galing mo kaya!” “Salamat, Mariz.” “Tama si Ate Mariz, Ate Kiray. Sigurado rin kami nila Kuya Larry at Nene na mananalo ka. Good luck po! Para sa Mumu’s bakery!” Maging sila Aling Marites at mga kapitbahay ay binati ako at pinalakas ang loob ko kaya kahit paano ay nabawasan ang kaba ko. Ito kasi ang unang beses na sasali ako sa contes. Dati kasi ay hindi natuloy ang pagsali ko. “Salamat sa inyo ha… wag kayong mag alala dahil iuuwi ko ang panalo!” Nagulat ako kasi lalo pang lumakas ang kita ko, nag doble ito simula ng gumawa ako ng kalabasa bread. Nadagdagan din ang mga private school na nagpapadeliver araw-araw sa bakery namin ng mga healthy bread. Kaya naman matutubod ko na ang bahay namin ni lola. Kinakailangan ko na rin magdagdag pa ng mga bagong tao. Hindi na kasi namin kinakaya ang trabaho sa dami ng mga
(Kiray pov) DAPAT maaga akong magpahinga para makapaghanda sa contest bukas pero heto ako at dilat pa rin habang nakatingin kay Laxus na nakaupo sa harapan ko karga si Mumu. Hindi ba ito nangangalay na buhat si Mumu? Kanina pa kasi ito nakaupo at hindi gumagalaw. Nakatingin lang ito sa akin ng nakangiti. Ngiting nakakainis! Inirapan ko ito bago patagilid na umismid dito. Matapos lang talaga itong contest hindi na ako papayag na makalapit siya sa amin ng anak ko. “Hindi ka pa ba inaantok?” “Bakit? Inaantok ka na? Bakit hindi ka pa matulog? Hindi ‘yung nakatingin ka sa akin na parang tanga di’yan. Ngayon ka lang ba nakakita ng may ekis sa mukha?” Napipikang tanong ko. Bumuntong hininga ito bago tumayo. “Kung inaantok ka na pumasok ka na sa kwarto, ibababa ko na si Mumu.” Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman. Iyon lang kasi ang hinihintay ko para makapag pahinga na ako. Akala ko ay lalabas ito ng silid pagkalapag kay Mumu pero hindi ‘to lumabas. Humiga ito sa tabi ng
“Sigurado ka na sa amin ka sasabay?” “Oo naman… bakit?” “Eh nagluto pala siya para sa’yo.” “Ano naman?” Natigilan si Mariz sa sagot ko. “Mariz, hindi ako nando’n dahil gusto ko okay? Saka may asawa na yung tao. Hangga’t maaari ayokong dumikit sa kanya. Baka kasi mamaya mag isip pa ng hindi maganda si Rayana. Buti nga at dumating kayo ni Zues. Pwede bang sa suite niyo kami tumuloy?” “H-ha? H-hindi pwede!” Pulang-pula na sagot nito. Oo nga pala. Naalala ko na pang honeymoon suite ang kinuha ng dalawa. “Di bale na nga, maghahanap nalang ako ng ibang suite sa ibang hotel bukas.” “Sige sasamahan kita. Pero pagkatapos na ng first round ng contest.” Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga lang kami sandali habang nagkukwentuhan bago bumalik sa hotel. “Kiray, mauna na kami ni Zues sa suite namin, si Philip na ang bahalang maghatid sayo.” Sabi ni Mariz sabay kindat sa aming dalawa. “Phil, lumaban ka… tandaan mo ikaw ang manok namin ni mahal.” Ani naman ni Zues na tumatawa.
“Salde, halika ka, anong oras na.” Madilim na ang langit kaya tinawag na ni Letty ang asawang si Salde, na ngayon ay nakatanaw sa lumang bahay nilang mag asawa. Bumuntonghininga ang ginang. “Wala na tayong magagawa pa, Salde. Kasalanan natin ‘to. Kung hindi tayo naging ganid ay hindi masisira ang pamilya natin. Hindi rin sana magagalit sayo ang mga anak mo.” Nang muntik ng makunan si Saddie at nalaman ni Stephanie ang ginawa nilang mag asawa ay nasuklam ito. Lalo na nang malaman nito na noon ay naging kabet siya ni Salde at dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. All this time, buong akala ng kanilang anak ay anak lamang sa pagkabinata ni Salde si Saddie. Nagsingaling si Letty at hindi naman siya itinama ni Salde. Kaya lumaki ang kanilang panganay na hindi alam ang totoo. Nakadama ng kalungkutan si Letty ng maalala ang anak, maging si Salde ay puno ng pagsisisi na naluha. “Wag mo akuin ng mag isa ang kasalanan, Letty. Bilang ama ay napakalaki ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi lang
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo