LIKE 👍
Nang makita ko ang nakalarawang awa sa mata ni mommy Nissa para sa akin ay kinain ng malaking takot ang dibdib ko. H-hindi… sana mali ang iniisip ko. “Gusto ng bawiin ng anak ko ang posisyon niya, Kiray. Gusto na nang anak ko na bawiin ang buhay niya na pinahiram ko sayo. Patawad, Kiray, pero hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito. Mahal ko ang anak ko at bilang ina, gusto kong makabawi sa kanya at ibigay ang lahat ng gusto niya. Sana maintindihan mo ako.” Makikita ang paghingi ng tawad sa mata ng matanda, paghingi ng tawad sa pagpili sa sarili nitong anak. Umiling-iling ako. “M-mommy Nissa, nagmamakaawa ako…” yumakap ako sa binti nito. “N-noong kailangan niyo ng tulong ko ay pumayag ako. K-kahit kapalit nito ay kalayaan ko at mabuhay sa totoong pagkatao ay pumayag ako. Kaya nakikiusap ako parang awa mo na tulungan mo ako na mabalik sa akin ang asawa ko. M-mahal na mahal ko po siya, hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya kasama.” Humahagulhol na hinawakan ko ang tiyan ko..
Ang lalaking mahal ko… nalaman na ang totoo, na isa akong huwad at may malahalimaw na mukha noon. Gusto kong lapitan siya at yakapin, sabihin na heto pa rin ako, ang babaeng minahal nito, na ako pa rin ito. Pero ito na mismo ang lumapit sa akin at humawak sa braso ko. Napaigik ako sa sakit sa diin ng hawak nito, pakiramdam ko ay madudurog ang buto ko. Ngunit hindi ang sakit niyon ang ininda ko, mas masakit na makita ang pandidiri sa mata nito. Pandidiri dahil isa akong napaka panget na babae noon. Ang sakit! Walang-wala ang sakit na ito sa naramdaman ko sa tuwing nakakatanggap ako ng panlalait sa iba noon. Sampong doble pala ang sakit kapag nanggaling ito sa taong mahal mo. Noon pagmamahal ang nakikita ko at pag aalaga ang natanggap ko mula sa kanya. Nakakadurog ng pusong makita na napalitan na iyon ngayon ng pandidiri dahil totoo kong itsura. Dumiin ang kamay nito sa braso ko at halos bumaon ang kuko sa balat ko kaya napangiwi ako sa sakit. Naggagalawan ang panga ni Laxus at
“Kung may halimaw man sa inyong dalawa, ikaw ‘yon at hindi anak ko!” Puno ng pait at pagkamuhi akong tumingin sa kanya. “Oo, Laxus… oo napakalaki ng kasalanan ko. Pero hindi kasalanan ang pagiging panget! Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin! At lalong hindi kasalanan ng anak ko ang naging kasalanan ko para tawagin mo siyang halimaw at talikuran mo siya. N-napakasama mo, Laxus… napakasama mo!” Sobrang sakit. Sa sobrang sakit parang hindi ako makahinga. Akala ko ang anak namin ang magpapatibag sa galit niya pero hindi pala. Hindi lang nito tinalikuran ang anak naming dalawa, sinuka at nilait pa niya. Nang mapagod sa pagsuntok sa dibdib at pagsampal sa kanya ay lumayo ako sa kanya. Nang makita ko ang boteng naroon ay dali ko itong binasag at dumampot ng bubog mula sa basang na piraso nito. “Kiray!” Natigilan ako… sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako ni Laxus sa totoong pangalan ko. Noon ko pa pinangarap ito. Gusto kong makilala at tawagin ako ng asawa ko sa tu
(Kiray pov) “CONGRATULATIONS, Kiray! Masaya ako para sa’yo! Tama nga ang matatanda, swerte talaga ang mga buntis!” “Sinabi mo pa, nay.” Segunda ni Mariz sa kanyang ina na si Aling Marites bago hinaplos ang tiyan ko. “Ano kaya kung mag-baby na rin ako? Para naman swertehin rin tayo—aray aray ko naman, nay!” “Baby? Paano ka magkakaanak eh wala ka namang nobyo? Ayaw mo kasi patulan si Chef Zues!” “Nay naman!” Nauwi kami sa tawanan dahil sa pamumula ni Mariz. Nagbukas-sara ang ilong nito sa inis ng marinig ang pangalan ng manliligaw nitong si Chef Zues. Oo. Nanliligaw na rito si Chef Zues. Kaya pala palagi nitong inaasar ang kaibigan ko. Nagpapapansin lang pala ito. Lumapit sa akin sila Jayson, Mariz, aling Marites at ipa naming kabarangay para batiin ako. Simula ng magbalik ako at nalaman nilang buhay ako ay bumuti ang lahat ng mga tao rito sa akin. Nadamay lang daw ako sa galit nila sa mga magulang ko na malaki ang mga utang sa kanila. Hindi naman ako mapagtanim ng sama
“I-iha…” “Pakiusap, Mrs. Solante. Wala ng dahilan para mag usap pa tayo. Kung binabagabag ka man ng konsensya mo, kasalanan mo na ‘yon. Wag mong hilingin sa akin na patawarin ka dahil wala kang mapapala sa akin. Makakaalis ka na!” Wala itong nagawa, bakas ang kalungkutan na umalis ito habang bagsak ang balikat. Nang makaalis ito ay kumuyom ang kamao ko. May konsensya pa pala ang matandang iyon? Mapait akong ngumiti. Pagkatapos ng panlilinlang nito sa akin ay may kapal pa ito ng mukha na magpakita sa akin. Hinimas ko ang tiyan ko ng kumirot ito. “Relax ka lang, anak… hindi na galit si mama. Tumaas lang ang dugo ko dahil may hindi ako inaasahang bisita.” Nakangusong sinundan ni Mariz ng tingin ang ina ni Rayana. “Mukhang sincere naman ang mommy ni Rayana, Kiray.” “Sincere? Eh ganyan din siya noong nakiusap siya sa akin noon. Akala ko tutulungan niya talaga ako na mapakulong sila Joffrey. Pero wala siyang ginawa..” hindi lang ‘yon, nilihim nito sa akin ang tungkol sa totoong
(Laxus King pov) NILAGOK ko ang lamang alak ng basong hawak ko bago nilingon ang kapapasok lang na si Jigs. “Umiinom ka na naman, Mr. King.” Hindi ako kumibo at patuloy na lumagok ng alak. Araw-araw akong umiinom, hindi ako nakakatulog ng hindi nilulunod ang sarili ko sa alak. Gusto kong uminom hanggang sa mamanhid ang buo kong katawan at kusang sumuko ito. Napasabunot ako sa buhok ko. “D-Damn.” Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat maging masaya ako dahil wala na sa buhay ko ang babaeng nagpaikot sa akin pero hindi ko magawang maging masaya at bumalik sa dati. Is something wrong with me? Ito ang palagi kong tanong sa tuwing mapag isa ako. Hindi naman mahirap na kalimutan ang babaeng iyon, lalo na’t hindi ko naman talaga siya kilala. Isa lang ito sa taong sumubok na paikutin ako at sumubok na hawakan ako sa leeg. Wala itong pinagkaiba sa iba. Nakarinig kami ng katok sa pinto. Mula roon ay nakangiting pumasok si Rayana. “Laxus, nag iinom ka na naman?” Kumandong ito sa
Pinanlisikan ko ng mata ang matandang babae na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko talaga nagustuhan ang matandang ‘to kahit kailan. Ang gaspang ng ugali at trato sa akin, kung umasta akala mo ay kung sino. Eh isa lang naman itong mutchacha. Bago sumakay ng kotse at umupo sa tabi ni Laxus ay nagpaskil ako ng magiliw na ngiti sa labi ko. Umabrasyite ako sa braso nito ng makaupo sa tabi nito. “Thank you, Laxus ha. Akala ko hindi mo ako sasamahan ngayon at walang halaga sayo ang paghahanda sa kasal nating dalawa. I’m sorry dahil pinag isipan kita ng masama.” Malambing na sabi ko sabay sandal ng ulo ko sa matigas na braso nito nito. Sinadya ko pang idaiti ang dibdib ko sa kanya. Kahit na hindi ko makitaan ng excitement si Laxus habang sinusukatan kami ay binalewala ko nalang. Ang mahalaga ay sinamahan niya ako at matutuloy ang aming kasal. Marami pa namang panahon na magkakasama kami. Sigurado ako na magbubunga din ang pagsisikap ko na mahalin niya. Ang panget na ‘yon
(Kiray pov) “Kiray, dumating na pala ang mga harina at margarine kanina. Dinala ko na rin yung inventory ng kita kagabi. Teka ayos ka lang ba?” Nag aalalang tanong ni Mariz ng mapansin na namumutla ako. “Ayos lang ako, pagod lang ako.” Ani ko habang buhat si Morgan na pinapatulog ko. Bumuntonghininga ito. “Magpahinga ka naman kasi, Kiray. Hindi ka naman robot, saka nandito naman kami nila nanay. Pagkalabas mo ng ospital ay wala ka ng ginawa kundi ang magtrabaho. Balak mo bang patayin ang sarili mo? Buti nalang at hindi ka nabinat.” Hinayaan kong kunin nito si Morgan sa bisig ko. Hindi na ako sumagot dahil tama ito, wala na akong ginawa kundi ang magtrabaho. Gusto ko kasing matubos agad ang bahay namin ni lola kaya nagdodoble kayod ako. Ang bilis ng araw. Pitong buwan na ang nakalipas buhat ng ipanganak ko ang anak ko. Sa loob ng panahon na ‘yon ay napatunayan kong hindi pala talaga madali ang maging single mother. Napakahirap pala talaga. Kailangan kumayod ng doble at kung mi
“Salde, halika ka, anong oras na.” Madilim na ang langit kaya tinawag na ni Letty ang asawang si Salde, na ngayon ay nakatanaw sa lumang bahay nilang mag asawa. Bumuntonghininga ang ginang. “Wala na tayong magagawa pa, Salde. Kasalanan natin ‘to. Kung hindi tayo naging ganid ay hindi masisira ang pamilya natin. Hindi rin sana magagalit sayo ang mga anak mo.” Nang muntik ng makunan si Saddie at nalaman ni Stephanie ang ginawa nilang mag asawa ay nasuklam ito. Lalo na nang malaman nito na noon ay naging kabet siya ni Salde at dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. All this time, buong akala ng kanilang anak ay anak lamang sa pagkabinata ni Salde si Saddie. Nagsingaling si Letty at hindi naman siya itinama ni Salde. Kaya lumaki ang kanilang panganay na hindi alam ang totoo. Nakadama ng kalungkutan si Letty ng maalala ang anak, maging si Salde ay puno ng pagsisisi na naluha. “Wag mo akuin ng mag isa ang kasalanan, Letty. Bilang ama ay napakalaki ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi lang
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo