LIKE 👍
“Sir, totoo ba ang sinabi ng lalaking iyon? Ama siya ng fiancee mo?” Usisa ng sekretarya ko ng makaalis ang mag asawa. “Yes.” Tipid kong tugon. Matagal ng nagtatrabaho sa pamilya namin si Miss May Ann kaya may tiwala ang pamilya namin sa kanya. Kaya panatag ako na sabihin sa kanya ang tungkol sa pagkakaroon ko nf fiancee. Hindi ko naman gustong ilihim ito pero iyon ang gusto ni Saddie. Tumango-tango ang matanda ng marinig ang sinabi ko, hindi ito nagtanong ngunit may panunudyo ang ngiti nito. Ngayon ay may hinala na ito kung bakit ko gusto palaging umuwi ng maaga. Pagkatapos akong i-congratulate ay magalang na nagpaalam ito at lumabas. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Saddie. Maingay ang background nito ng sagutin ang tawag ko. Napangiti ako ng marinig ang boses nito. Sigurado ako na sumasayaw ito dahil hingal pa ito ng sagutin ako. “Hello, Mumu… napatawag ka?” “Why? Masama bang tawagan ang future misis ko?” Kumunot ang noo ko ng marinig ko itong tumawa. “Why?” “
Halatang nagulat ito ng makita ako, dali-dali nitong nilinis ang dugo sa gilid ng labi nito. Sinubukan nitong itago ang sugat sa gilid ng labi pero nakita ko na ito. “What happened to your lips?” Tanong ko kahit may hinala na ako kung sino ang may gawa nito. Halatang ayaw nitong sabihin sa akin na ang papa nito ang may gawa sa kanya nito pero hindi ito nakatiis. Si Saddie kasi ang tao na ayaw na naglilihim sa akin. Kaya nga lalo akong nahuhulig dito. May pagpapahalaga ito sa relasyon at tiwalang binuo naming dalawa. “N-nagkaroon lang kami ng kaunting pagtatalo ni papa—“ Niyakap ako nito sa bewang ng akmang aalis ako. Puťa gusto kong sugurin ang ama nito at balaan ito na huwag idadampi ang kamay sa magiging asawa ko. “P-Please, Mumu… palagpasin mo na ‘to. A-ayokong lumala pa ito. A-alam mo naman na gusto kong maglakad sa altar ng kasama si papa di’ba?” Natauhan ako. Nang humarap ako ay parang dinurog ang puso ko ng makita ang napipintong luha nito sa mata, para itong batang nakik
(Saddie pov) Tuwang-tuwa sila Mama habang binubuksan ang mga pasalubong ko galing ng Korea. Oo, sa Korea ako dinala ni Morgan. Akala ko nga ay saan lang kami papasyal, iyon pala ay sa ibang bansa pala niya ako ipapasyal. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis ang tuwa at kilig ko sa effort na ginawa nito para mapasaya ako. Napangiti si Mama ng makita ang malaking ngiti sa labi ko. “Masaya ako na makita kang masaya, anak. Kampante na ako na makita kang masaya dahil nakatagpo ka ng lalaking mamahalin ka ng sobra.” Tama si Mama, ang swerte ko talaga. Naalala ko ang nangyari noong nakaraan. Akala ko ay binisita ako nila Papa para kamustahin. Ang saya ko noong araw na ‘yon. Iyon pala ay pinuntahan lang nila ako para utusan na pakiusapan si Morgan na bigyan sila ng pera. Nasaktan ako at nabura ang saya ko dahil mali pala ang inakala ko. Hindi ko naman maatim na sundin sila dahil kalabisan na ang gusto nila kaya tumanggi ako. “Wala kang silbi! Pera lang ay ipagdadamot mo pa sa amin!
“Nagpadala ako sa kayabangan ko at nagpasilaw sa malaking pera. Pasensyahan mo na kami ng Tita Letty mo.” Tumango si Tita Letty ngunit hindi nagsalita. “Sige aalis na kami. Pero bago ‘yon,” inabutan ako ni Papa ng invitation letter. “Malapit na ang birthday ni Stephanie, sana makapunta ka, anak. Sige aalis na kami.” Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ang sinabi ni papa. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan at naiiyak na yumakap rito. “W-wala ‘yon, pa. Napatawad na po kita. A-ang mahalaga po ay humingi ka po ng tawad.” Lahat naman ay nagkakasala at nakakagawa ng kasalanan. Kung magkikimkim ako ay wala din mangyayari. Saka alam ko naman na mahal ako ni papa. Anak ako nito at hindi matitiis. Parang bata na humikbi ako ng pahirin ni papa ang luha ko. Nang mapatingin ako kay Tita Letty ay umirap ito at inismiran ako pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Alam ko naman noon pa na hindi ako nito gusto. Ang mahalaga ang relasyon namin ni papa bilang mag ama. “Aasahan
(Saddie pov) Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay humiga na ako sa kama. Parang bata na sininghot ko ang unan ni Morgan. Hindi pa ito nagtatagal sa kanina pero miss na miss ko na ito. Hindi na ako sanay na wala ito sa tabi ko. Kinabukasan ay maaga ako gumising. Sanay ako na maaga gumising. Kung hindi pagjojogging ay pagsasayaw ang exercise ko bago kumain ng almudal. Pero ngayong umaga nagtataka ako kung bakit ang bigat ng katawan ko at parang kulang pa ako sa tulog. Maaga naman ako natulog kagabi. Nangalumbaba ako habang nakatingin sa gatas na tinimpla ko. Wala rin akong gana. Pagkacharge ng phone ko ay binuksan ko ‘to. Napangiti ako ng pagkabukas nito ay tumambad sa akin ang sunod-sunod na text ni Morgan. “Good morning, my love. I love you.” Kilit na kilig na humalik pa ako sa screen ng phone ko, para akong teenager na ngayon lang nakabasa ng text messages sa unang nobyo. Sana walang magbago sa amin ni Morgan. Manatili sana itong mahal na mahal ako sa paglipas ng marami
“Nasaan ang anak ko?” “Ho?” Gulat na gulat na react ko. “Pwede ba wag ka na mag maang-maangan! Nasaan ang anak ko?! Alam kong tinatago mo siya sa akin!” Naguluhan ako sa tanong at bintang nito. Pero naunawaan ko agad ang ibig nitong iparating. “Mawalang galang na ho. Pero matagal na ho kaming hiwalay ng anak niyo. Kung nawawala man ho siya ay labas na ako doon, wag niyo siyang hanapin sa akin.” Sumingasing ang ilong nito sa galit. Nawalan ito composure at galit na dinuro-duro ako. “Wag mo ako gawing tanga! Alam ko na binilog mo ang ulo ng anak ko para samahan ka at layasan ka! Siguro ay gumaganti ka sa amin kaya pinapili mo siya at iwan kami ng daddy niya! Ilabas mo ang anak ko, Saddie! Magkakagulo tayo kapag hindi mo nilabas ang anak ko!” Maang ko itong tiningnan. Walang puwang ang pagpapaliwanag dahil halatang sarado ang isip nito sa mga sasabihin ko dahil naniniwala ito na ako ang may kasalanan. Huminga ako ng malalim. Nakakakuha na kami ng atensyon sa mga kapitbahay
(Saddie pov) Inayos ko ang suot kong blue sleeveless dress habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Binigay pa ito ni Tita Letty sa akin para suotin ko sa birthday party ni Stephanie ngayong araw. Regalo daw ito bilang pagbawi sa kagaspangan na pinakitq nito sa akin. Saka ito rin unang beses na dadalo ako ng birthday ng anak nito kaya gusto nito na presentable ako at maganda. Nagtatakanga nga ako dahil bigla nalang itong bumait pero sinawalang bahala ko nalang ‘yon. Lahat naman kasi ng tao ay pwedeng magbago. Saka asawa ito ni papa, nararapat lang na matanggap ako nito bilang anak ni papa. Umikot ako sa tapat ng salamin. Maikli ito dahil above the knee lang ang haba ng dress. Mababa din ang neckline kaya kita ang cleavage ko. Three inches ang takong ko kaya humaba tingnan ang legs ko. Simple lang ang make up ko pero nangibabaw ang ganda ko, lalo na at malagatas ang makinis na balat ko. Napaisip tuloy ako. Mukhang agaw pansin ang suot ko. Hindi kaya nakakahiya kay Stephanie? B
(Saddie pov) Nang makapasok si Stephanie sa loob ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Morgan wt ipaalam rito na nakarating ako ng ligtas sa hotel para hindi ito mag alala. Pero hindi nakatatlong tawag na ako ay hindi ito sumasagot. Baka kasama nito si Lola Juliana at inaasikaso kaya nagtext nalang ako para mabasa nito. “Nandito na ako, Mumu. I love you!” Pagkatapos ko itong itext ay sumunod na ako kay Stephanie papasok sa hotel. Namangha ako sa sosyal at ganda ng buong lugar—engrande at halatang pinaghandaan talaga. Sigurado ako na malaki ang nagastos nila papa sa selebrasyon na ito. ‘Pero ang sabi ng mga ito ay wala na silang kapera-pera. Eh saan galing ang pinanggastos nila dito?’ Hindi naman sa nangingialam, at lalong hindi ako naiinggit. Pero nagtataka lang ako. Saan kukuha sila papa ng pera para sa ganito kaengrande na party? O baka naman nagsinungaling lang ito na walang natira sa 20M para makahiram ulit kay Morgan? Pinilig ko ang ulo ko at inalis ang iniisip ko
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo
Hindi pala madaling magbuntis. Noong una ay nagki-crave lang ako sa mga pagkain. Pero ngayon ay palagi na akong nahihilo at sumusuka tuwing umaga. Mabuti nalang at nandiyan sila mommy Kiray. Ito ang nagpapakalma kay Morgan at nagsasabi na normal lang ang pinagdadaanan ko. “Bye, my love. Babalik din ako asap. Kailangan ko lang i-close ang deal na ito for the company.” Tumingin si Morgan sa ina pagkatapos nitont humalik sa labi ko. “Mom, ikaw na muna ang bahala sa asawa ko. Pagkatapos ng meeting ko ay babalik agad ako.“ tumingin ito sa akin. “Ano ang gusto mong pasalubong pag uwi ko?” Ngumuso ako. Lahat kasi ng gusto ko ay nandito na sa bahay, mapa pagkain man ‘yan o kung ano. Wala na akong hahanapin pa. Palagi kasi nitong sinisiguro na makukuha ko ang lahat bg gusto ko. “Basta umuwi ka lang ng ligtas ay masaya na ako, Mumu. Ingat ka ha…. I love you!” “I love you more, my love. I’ll go ahead, mom!” Humalik din ito sa noo ng mommy nito bago tuluyang nagpaalam. Nakangiti naman na