LIKE 👍
“Iha?” Untag ng ginang sa akin. “Uhm, maayos naman po ang business ko.” Ayokong magsinungaling pero kapag hindi ko ito ginawa ay mapapahiya si Navy, at ayokong mangyari ‘yon. Naging maganda na ang takbo ng usapan pagkatapos nitong marinig ang sagot ko. “Excuse me, magrerestroom lang po ako.” Magalang na paalam ko sa mga ‘to bago nagmamadali na nagtungo sa restroom. Saka ko lang napansin na nanginginig pala ang kamay ko ng makapasok ako sa loob. Kaya pala ayaw ni Navy na magresign ako bilang Dance instructor at sa dorm dahil nagsinungaling ito sa magulang niya tungkol sa tunay kong trabaho. Hindi ko kinakahiya ang trabaho ko o ang buhay ko, pero sa mga sandaling ito ay nanliliit ako. Malinaw naman ang dahilan kaya ginawa ‘yon ng nobyo ko—para matanggap ako ng magulang nito. Alam kong para ito sa relasyon namin, pero bakit ang sakit? Bakit nilihim niya sa akin ang tungkol sa bagay na ‘to? Kinakahiya ba niya ako? Nagsimulang mag init ang sulok ng mata ko. “Wag kang ii
Pumasok agad ako sa kwarto pagkarating namin ng bahay. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan at dito binuhos ng luha ko. Akala ko uuwi ako ng masaya pagkagaling ko sa family dinner na ‘yon dahil sa wakas ay makikilala ko na ang magulang niya pero mali ako. Sakit lang pala ang matatamo ko. Naging mabuti naman akong nobya sa loob ng tatlong taon. Bakit hindi niya ako mapanindigan? Gano’n lang ba kadali na bitiwan ang tatlong taon na relasyon namin? Hindi man lang niya ako hinabol. Sumisigok na tumayo ako. Oo nga pala nakalimutan kong gawin ang trabaho ko. Halatang nagulat si Morgan ng makasalubong ako sa hagdan. Hindi ito manhid, alam kong nakita at narinig nito ang tahimik kong pag iyak sa kotse kanina. Hindi yata nito inaasahan na lalabas ako ng kwarto. “Pasensya ka na, nakalimutan kong ipagluto ka. Mag aalas nuwebe na, kumain ka na ba?” Naaala ko, dapat nga pala nakakain na ito pagtuntong alas otso. “No. I waited someone earlier, so I forgot to eat.” Tugon nito. “How about yo
“Maupo ka, iha. Pasensya ka na kung nangialam ako sa kusina mo. Napadaan lang naman ako dito para kamustahin kayo dito. Tamang-tama dahil nalaman ko sa anak ko na nanggaling ka sa party kagabi at nalasing ka. Kaya heto at pinagluto kita ng bulalo.” Pinaghila pa ako nito ng upuan. “Kumain ka na, masarap ang sabaw sa may hangover.” Nahihiya na umupo ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sinabi ni Morgan na naglasing lang ako kagabi. Nakakahiya. Ano ang mukhang ihaharap ko sa Mommy nito? Hindi ko na natandaan kung kailan ako huling pinagluto ng Mama ko. Kaya ng matikman ko ang masarap na luto nito ay nag init ang sulok ng mata ko. Ganito pala ang pakiramdam ng gumising na may nag aasikaso sa’yo… masarap at mainit sa puso. Dati galit ako sa kanya. Oo, galit ako sa kanya. Narinig ko kasi sa magulang ko noon na ang bakery nito ang dahilan kaya pinasara nila ang bakery na pinatayo pa ng mga kalo-lolohan ko. Nawalan kami ng customer dahil bukod sa masarap ang mga binibenta nila ay m
(Saddie pov) “Ganda! Ganda!” Tawag sa akin ni Aling Marites. “Bakit ho?” Tanong ko habang nagbobomba sa poso. May inaayos kasi sa linya ng tubig dito ngayon sa barangay namin kaya pansamantala na walang tubig. Bukas pa daw maaayos ang linya kaya nakapila ang lahat ngayon dito sa poso para mag igib ng tubig. Kumunot ang noo ko ng itulak ng matanda ang isang lalaki. Sa palagay ko ay mas matanda ito sa akin ng dalawa o tatlong taon. Mas mukha itong namumutla sa takot kaysa nahihiya. “Ito nga pala si Angelo, apo ng kumare ko. Single at nagtatrabaho sa Government. May bahay siya di’yan sa kabilang kanto.” Lumapit ito sa akin at mahinang bumulong. “Mabait na bata ‘yan, hindi ako mapapahiya di’yan.” Balak ko sanang magtanong kung ano ang ibig nitong sabihin ng ilahad sa akin ng lalaki ang kamay nito. “H-hi, Saddie. A-ako nga pala si Angelo. T-taga diyan lang ako sa kabilang kanto. Sana pwede tayo na maging magkaibigan.” Utal na pakilala nito. Mukhang harmless naman ito kaya tinan
Hindi ito kumibo. Nagulat ako ng buhatin nito ang timba sa tig isang kamay ng walang kahirap-hirap hindi katulad ni Angelo kanina. Nahihiya na tinapik ko ang kamay niya. “Ano ka ba, hindi mo kailangan gawin ‘yan.” Naalala ko na sinabi ni Ma’am Kiray na hindi nila pinadapuan ng insekto si Morgan ng palakihin nila, ibig sabihin ay hindi naghirap. Kaya nakakahiya na pagbuhatin ito ng timba. Hindi nito binaba ang timba hanggang sa makarating kami sa banyo sa kusina. Pagkababa nito ng timba ay humarap siya sa akin. “I told you that if you need anything ‘just tell me, right?” Hinilot nito ang sintido. Napansin ko na parang pagod ito at walang tulog. Balak ko sanang tanungin siya kung okay lang siya ng mapaapak ako sa tubig na natapos sa tiles mula sa timba. Kakapit sana ako sa kanya pero huli na dahil hindi ko na siya maabot. Akala ko mababagok ang ulo ko pero mabilis niya akong nayakap bago pa ako mahulog. “Fvck!” Hingal na mura nito na bakas ang pagkataranta sa mukha. “Are you hur
(Saddie pov) Simula ng sabihin ni Morgan na attractive siya sa akin ay hindi ko alam kung paano siya pakikisamahan ng hindi naiilang. Mas lalo akong nailang sa mga titig niya simula ng sabihin niya sa akin ‘yon. Bawat hawak niya sa akin, tingin, pagkausap, hindi ako makatingin sa mga mata niya. Maraming umamin sa akin noon pero hindi naman ganito ang naging epekto. Habang hawak niya ang bewang ko habang tinuturuan ko siya ng tamang pagsayaw ng Slow dance ay ramdam kong nakatingin na naman siya sa akin. Parang tumatagos ang mga tingin niya… hindi ko kayang tagalan. “Saddie…” tawag niya sa akin, ng hindi ako tumingin sa kanya ay narinig ko ang pagbuntong-hininga nito. “Did I scare you last night?” “H-hindi naman sa gano’n, Sir. N-nabigla lang ako.” Tatlong taon kasi umikot sa trabaho at kay Navy ang buhay ko. Hindi ko alam kung paano mag entertain ng bagong lalaki sa ngayon. “I’m sorry about that. I'm not the only one who likes to beat around the bush. I've never liked anyone a
Pinahid ng daliri niya ang laway namin na lumampas sa gilid ng labi ko. “This is how I want to court you, Saddie. This is how I become when I landed my eyes on you… I became sweet, possessive and territorial. Now, let me show you my sweet side.” Simula ng sabihin niyang liligawan niya ako ay nagbago siya, palagi niya akong hinahalikan kapag may pagkakataon, kahit sa oras ng pagtuturo ko ay pinagsasawaan niya ang labi ko. Ewan ko ba, imbes na suwayin ko ito dahil hindi ko pa naman siya sinasagot ay hinahayaan ko na gawin niya sa kin ‘yon. “Ikaw pala, Aling Marites. Bakit ho? May problema po ba?” Tanong ko ng mapagbuksan ko siya ng pinto. “Ayos ka lang ba? Halos isang ka na kasing hindi lumalabas. Nag aalala kami sayo kaya heto dinalaw ka namin ng mga kumare ko.” Sabi nito na may pag aalala. “Ayos lang po ako, busy lang po ako sa pagtuturo. Pasok po muna kayo.” Anyaya ko sa kanilang walo, magkakasama na naman kasi ang mga ito. Nang makapasok ay naghanda ako ng meryenda para sa
Mabilis na lumipas ang dalawang buwan, si Morgan, hindi siya mahirap magustuhan. Habang nagluluto ito ay pinanood ko siya. Bumisita si Tita Kiray no’ng nakaraang linggo, nabanggit nito sa akin na nagpapaturo si Morgan na magluto. Tinanong nga ako nito kung ano ang nagtulak sa anak nito para matuto pero ngumiti lang ako. Ayoko kasi pangunahan si Morgan sa pagsasabi sa magulang niya na nililigawan niya ako. Hindi ko kasi sure kung ako ba talaga ang dahilan o ibang tao. Alam ko na tuwing umaga ay nagluluto siya gamit ang natutunan niya. Gumigising ito ng alas singko ng umaga para sinusubukang magluto ng wala ang tulong ko. Hindi na ako nakatiis kaya bumaba na ako para mapanood ito. Nagulat ito ng paglingon ay nakita niya ako. Halatang nahiya ito ng makita ko ang kalat sa kusina. “I’m sorry, I will wash it after I cook.” “Naku ayos lang, ako na ang maghuhugas. Sige na magluto ka na.” Pagkatapos kong maghugas ay pinanood ko ito, hindi na siya katulad noong una na halatang nangangapa
“Salde, halika ka, anong oras na.” Madilim na ang langit kaya tinawag na ni Letty ang asawang si Salde, na ngayon ay nakatanaw sa lumang bahay nilang mag asawa. Bumuntonghininga ang ginang. “Wala na tayong magagawa pa, Salde. Kasalanan natin ‘to. Kung hindi tayo naging ganid ay hindi masisira ang pamilya natin. Hindi rin sana magagalit sayo ang mga anak mo.” Nang muntik ng makunan si Saddie at nalaman ni Stephanie ang ginawa nilang mag asawa ay nasuklam ito. Lalo na nang malaman nito na noon ay naging kabet siya ni Salde at dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. All this time, buong akala ng kanilang anak ay anak lamang sa pagkabinata ni Salde si Saddie. Nagsingaling si Letty at hindi naman siya itinama ni Salde. Kaya lumaki ang kanilang panganay na hindi alam ang totoo. Nakadama ng kalungkutan si Letty ng maalala ang anak, maging si Salde ay puno ng pagsisisi na naluha. “Wag mo akuin ng mag isa ang kasalanan, Letty. Bilang ama ay napakalaki ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi lang
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hin
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Saddie pov) Halatang kinakabahan si Stephanie na makaharap si mama kaya hinawakan ko ito sa kamay. “Wag kang matakot, hindi nangangagat si mama.” Biro ko dito. Natawa ito ng bahagya. Pagkabukas ng pinto ay nakangiting sinalubong kami ni mama. Halatang nagulat pa si Stephanie dahil sa mainit na pagsalubong dito ng mama ko. “M-magandang hapon po, tita. P-para nga po pala sa inyo, herbal tea. Nalaman ko po kasi na kagagaling niyo lang sa sakit.” “Maraming salamat, iha. Nag abala ka pa. Halika maupo muna kayo ng kapatid mo.” Sumunod kami kay mama ng magpatiuna ito sa paglalakad. Habang naglalakad kami ay panay ang siko sa akin ni Stephanie. Halatang kabado pa rin ito na harapin ang mama ko. Hindi ko ito masisisi. Kasi kung ako ang nasa kalagayan nito ay baka gano’n din ako. Pagdating namin sa sala ay umupo kami. Naabutan pa nga namin na naglalaro ang mga stepbrother ko. Wala si tito ngayon dahil nasa trabaho ito kaya sila lang ang nasa bahay ngayon. “N-naku tita maraming s
“Hindi mo ba sasagutin?” Tanong ko kay Stephanie. Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain. Bigla nalang kasi ito nag alok na ililibri ako ng lunch. Gusto daw nito makabonding ako kahit minsan sa labas. Hindi na ako nagpasama kay mommy Kiray at mama dahil sinundo naman ako nito kanina sa bahay. Bumuntonghininga ito. Kanina pa kasi nagriring ang cellphone nito sa tawag nila papa at tita Letty. Mukhang hanggang ngayon ay wala itong balak makipag usap sa magulang nito. “Saddie, hindi kasi madaling gawin ‘yon. Hindi pa sa ngayon. Teka nga pala. Diba may lakad ka ngayon? Samahan na kita.” “Ah oo nga pala. Sigurado ka ba? Baka kasi mamaya makaistorbo ako sa pasok mo.” “Naku hindi. Day off ko ngayon. Saka naboboring ako sa inuupahan ko eh. Kaya sasamahan na kita.” Kinawit nito ang kamay sa braso ko. “May gwapo ba sa pupuntahan natin? Baka meron, single ako at pwedeng-pwede ireto.” “Lokoloko ka. May dadalawin lang ako. Saka may kukunin ako sa bahay.” Tingnan mo ‘tong bab
“Happy birthday, Mumu!” Natawa kami nila mommy ng sumimangot ito. Paano ay sinuprise namin ito gamit ang kids party. Eh wala kasi kaming ibang maisip ni mommy Kiray. Kaya ito ang naisip namin para maiba naman. “Happy birthday, Mumu… happy birthday, Mumu… happy birthday happy birthday… happy birthday to you!!!” Sabay naming kanta ni Mommy, habang sila daddy Laxus at Kirl ay natatawang umiiling sa gilid. “Hipan mo na ang kandila anak. Pero bago ‘yon ay mag wish ka muna.” “Mom!” “Oh bakit? Sasabihin mo na naman na hindi totoo ‘yon? Aba tingnan mo, nakapag asawa ka ng katulad ni Saddie dahil ‘yon anh wish mo noong bata ka. Hindi lang maganda ang naging asawa mo, mabait at mapagmahal pa. Kaya sige na, magwish ka na.” Pamimilit dito ng mommy nito. Napapailing nalang na sumunod ito. Wala din kasi kaming balak na tigilan ito. Nakangiting lumapit ako sa kanya at nilagay sa ulo niya ang birthday hat na may character pa ni Mickey mouse. “Ano ang winish mo, Mumu? Hindi naman
(Saddie pov) bumuntong hininga ako habang nakangalumbaba na nakatingin sa cake na ginawa ko. Dalawang aras na akong nagpapractice na gumawa ng cake pero hindi ako natututo. Sinunod ko naman ang mga binilin sa akin ni mommy Kiray. Tumatawang nilapitan ako ni mama. “Anak, isang linggo pa naman ang birthday ng asawa mo. May pitong araw ka pa para mag aral.” “Paano kung hindi pa rin masarap ang gawa ko?” Ngumuso ako ng tumawa ito. Nawawalan na kasi ako ng pag asa na sasarap ang gawa ko. “Masarap man ‘yan o hindi ang mahalaga anak ay nag effort ka. Sigurado ako na magugustuhan ni Morgan anuman ang ibigay mo sa kanya. Saka sa palagay ko ay wala na siyang hihilingin pa ngayon dahil dito.” Sabay himas nito sa nakaumbok kong tiyan. Napangiti ako. Tama si mama. Sigurado na kahit ano ang ibigay ko ay maa-appreciate ng asawa ko. Nandito ngayon si mama dahil wala si mommy Kiray para samahan ako. Saka gusto nito na maalagaan din ako habang buntis ako dahil nga maselan ako. Malaki na
(Saddie pov) Tumingin ako sa salamin. Medyo nahahalata na ang tiyan ko. Mag aapat na buwan na rin pala ang pinagbubuntis ko. Lumapit si Morgan sa akin at hinapit ako. “Are you ready?” “Medyo. Pero kinakabahan pa rin ako.” First time ko kasi na dadalo sa isang Business event na kasama si Morgan. Annual party kasi ng kumpanya kaya kinakailangan na dumalo ang mga King. Ayoko sanang sumama dahil hindi naman ako sanay na dumalo sa malaking pagtitipon na gaya no’n. Pero mapilit si Morgan. “Relax, my love. Isa ka na ngayong King kaya madalas na tayong pupunta sa mga event na kagaya nito ng magkasama. Don’t be nervous… nasa tabi mo lang ako. Saka wala namang kakain sa’yo do’n.” Tawang biro nito. Ngumuso ako. “Alam mo naman na hindi ako marunong makipag socialize.” Sagot ko rito. Naglakbay ang asul nitong mata sa kabuohan ko. Nakasuot kasi ako ngayon ng Peplum Blue dress na halos umabot sa talampakan ang haba. Kahit medyo bukol na ang tiyan ko ay napakaganda ko pa rin sa suot ko.
Nagulat si Morgan pagdating dahil sinabi ko dito na nagluto ako para sa kanya. “Niluto mo ang lahat ng ito?” Gulat na tanong nito. Nang tumango ako ay nag isang linya ang kilay nito. “Hindi ba sinabi ko na sayo na huwag mong pagurin ang sarili mo?” “Ngayon lang naman, Mumu. Matagal na rin kasi no’ng pinagluto kita kaya nagluto ako para sayo. Wag ka ng magalit please…” Sobrang saya ko kasi matapos mapanood ang interview rito. Kaya naisip ko na paglutuan ito. Kahit man lang dito ay makabawi ako sa ginawa nito. Malambing na yumakap ako rito at nagpapacute na tumingala rito. Nahihiya man akong magpacute dahil ang tanda ko na ay kailangan kong gawin. Epektib naman ang ginawa ko dahil bumuntonghininga ito at gumanti sa akin ng isang mahigpit na yakap. “May nangyari ba? You look happy…” puna nito ng mapansin na hindi mawala ang ngiti sa labi ko. “Kasi ano… napanood ko ‘yung interview sayo. Ikaw ha, hindi mo man lang sinabi sa akin na magpapa interview ka. Kung hindi pa nabanggit ng mo