“Was that her? I mean siya ba iyong nag sungit daw kay boss kanina?” Agad umikot ang mga mata ni Izzy nang marinig ang mahinang bulungan ng bawat taong daanan niya. “Sinong boss ba?” Tanong naman ng isa pa. “Iyong bagong boss, si sir Seth.” “Ahh oo, siya nga iyon. Alam niyo bang kalat na kalat na ang ginagawa niya?” Lalo pang tumikwas ang kilay ni Izzy dahil sa mga naririnig. Gusto niyang sigawan ang mga ito ng, Nag bubulungan pa kayo eh halata namang trip niyo rin naman na iparinig sa akin. “Ang kapal din ng mukha ah? Galing lang sa New York, akala mo kung sino na. Siya pa ang may ganang mag sungit kay boss ang gwapo kaya non.” Rinig niya pang sabi ng isa, nganing irapan ito ni Izzy nang mapadaan sila sa tapat ng mga ito. Eh ano naman kung gwapo? Kapag gwapo ba, ibig sabihin ba non, wala nang karapatan ang ibang taong sungitan siya? Tsaka hindi ko naman sinungitan ah? Sa pagkaka alala ko, gumamit naman ako ng salitang PO kanina. Tahimik na muli niya pang bulong sa sarili sa
Naging maayos ang pag hatid sa kanila ni Seth sa tinutuluyan nilang condo, kahit pa sigurado niyang hindi sila hinatid nito kung hindi isinabay lamang dahil ayos dito ay daraanan rin naman nito ang kanilang uuwian.Gusto mang itanong dito ni Izzy kung paano nitong nalaman ang tinitirhan nila ni Miya ay hindi niya magawa, at dahil hindi niya magawang mag tanong ay inisip niya na lamang na baka nabanggit lamang din dito ni Miss Miya bilang mag kausap ito kanina.Naging tahimik rin ang kanilang biyahe, wala itong kahit na anong sinabi, sa katunayan ay ang ingay lang mula sa radyo nito sa magara nitong sasakyan ang tangi nilang naging paraan upang hindi maburyo, naging pabor naman iyon kay Izzy dahil kahit paano ay hindi niya na ito kinailangan pang kausapin, ganoon pa man ay hindi niya pa rin malaman kung dapat ba siyang mag pasalamat o mangunsumi dahil na lamapasan man niya ang pag iwas kay Seth ay hindi naman siya magawang tigilan sa pag tatanong ni Miya ngayon. Nariyang nakuha pa nito
Naka rating na at lahat sa club kung saan sila dinala ni Bryan ay hindi pa rin ma wala sa isip ni Izzy ang pesteng si Seth Santiago, ginugulo ng alala ng masamang titig nito sa kanya kanina ang nanahimik niyang iisipan, tuloy ay hindi niya magawang makapag enjoy.Kahit pa nga sobrang ganda ng club na iyon ay hindi magawang ma appreciate, sama pang halos tumalbog ang kayang eardrums sa lakas ng tugtog."Izzy, inom ka lang... Lingo naman bukas, wala taong trabaho, pwede tayong pumetiks ngayon, kahit nga abuting tayo ng umagawa sa pag pa party ngayon ay walang problema."Sandaling Napa buntong-hininga si Izzy nang sa hindi niya na mabilang na pagkakataon ay muli nanaman lumapit sa kayang tenga si Bryan.Napapa isip tuloy siya kung tama pa bang sa maingay na club sila nag punta gayong mukhang ang gusto Lang naman nito ay ang makipag usap. Bukod pa doon ay sayang hindi siya Kom portable sa pag lapit-lapit nito ng ganoon sa kanya, kulang na lang ay dikit nito ang ibig sa kanyang tenga, isam
Hindi alam ni Izzy kung dahil lamang ba sa nainom na alak kaya't nagawa niyan tulungan si Seth habang abala ito sa pag mamaneho, ni hindi niya nga alam kung saan siya nito dadalhin. Ang tanging alam niya lamang ay nahihilo siya at inaantok. Aba't naparami rin ang nainom niyang alak kanina, at kung hindi ito dumating, ma lamang sa hindi ay nasa club pa rin siya ngayon, nag sasayaw at nag iinom.Sa kasarapan ng kayang pagtulog ay hindi niya na rin namalayan pa ang pag hinto ng sasakyan nito, naramdaman niya na lamang ang pag bukas sara ng pinto ng sasakyan maging ang muling pag bukas niyon, dahil sa antok at pagkahilo ay hindi niya siya nag abala pang mag mulat ng mga mata, sa halip ay nakuha niya pang umayos ng upo saka muling natulog.Ngunit hindi pa man tuluyang nawawala sa huwisyo ay muli niyang naramdaman ang tila mala laking brasong yumakap sa kanya, tuloy ay agad siyang napamulat dahil sa gulat, agad pang nanlaki ang kanyang mga mata nang bumungad sa kanya ang gwapo at seryosong
Halos ilang liko na lang sa maaliwalas na kalsada ay makakarating nha sila sa kanyang condo ngunit hindi pa rin magawang isatinig ni Izzy ang nag iisang tanong na gusto niyang itanong kay Seth.Tuloy ay hindi niya mapigil ang sariling huwag mapasimangot, isama pang bawat lubak na madadaanan ng gulong ng sasakyan ni Seth ay napapangiwi siya, pakiramdam niya kasi ay lalo siyang nahihilo, isama pang mukhang lalong kumikirot ang kanyang sintido.Hindi tuloy maiwasan ni Izzy na isumpa nang tuluyan ang alak na nainom niya kagabi... Tequila...At ang bagay na kanina niya pang gustong itanong kay Seth? Iyon ay ang huling mga salitang sinabi nito sa kanya kanina bago siya nito layasan sa kwartong pinagdalhan nito sa kanya.And just to make things clear, wala akong asawa.Wala akong asawa... Minsan pang nangunot ang kanyang noo saka napa isip.Kung sinasabi nitong wala itong asawa, paanong nangyari iyon gayong pag alis niya sa Pilipinas more than two years ago ay kasama pa nito si Shania na ka
Araw ng lunes, kakapasok niya lamang sa opisina nang salubungin siya ni Ruby. Medyo hinihingal pa ito nang lapitan siya dahilan upag agad mangunot ang kanyang noo."Alam mo ba?"Lalo pang lumalim ang pangungunot ng kanyang noo dahil sa tanong nito, mabilis naman siyang umiling saka nag salita."Hindi, ano ba ang meron? Anong nangyari?""Si Bryan kasi, hindi na daw papasok. Natanggal daw sa trabaho at ang bagong boss daw mismo ang nag alis sa kanya. Usap-usapan ngayon sa cafeteria. Sinubukan ko namang tawagan, hindi ko naman ma contact, naka off yata ang cellphone niya."Bakas ang pag aalala sa tinig na sabi ni Ruby, napa titig na lamang naman dito si Izzy. Hindi mapigil ang sariling mag isip kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito sa Bryan na iyon.Tinotoo nga ni Seth ang pag tanggal sa trabaho kay Bryan?Tahimik niyang tanong sa sarili. Hindi niya man gusto lalo na at sa ugaling ipinakita ni Bryan sa club noong nakaraan ay hindi niya pa rin naman mapigil ang sariling huwag mako
Sa kabila ng pag tutol ni Izzy na samahang kumain si Seth ay wala na rin siyang nagawa, hindi naman kasi pwedeng mag wala siya habang buhat siya nito kanina dahil baka kung ano pa ang isipin ng ibang empleyado sa kumpanya.Alam niyang kahit saang angulo tingnan, pilit niya mang iwasan ay hindi niya na mapipigil na talagang pag uusapan siya ng lahat, lalo at hindi lang nila basta boss si Seth, ito mismo ang may ari ng kumpanyang pinapasukan nila.Wala sa sariling napa buga ng hangin si Izzy saka dinampot ang isang baso ng tubig sa tabi niya, sa isang mamahaling restaurant malapit sa opisina siya dinala ni Seth, ilang oras na rin sila halos doon at hindi niya pa rin ito kinakausap.Ganoon pa man ay nabusog pa rin naman siya, sa dami ba naman ng in-order na pagkain nito, masyado rin iyong mahal at masarap, sino ba siya para tanggihan pa ang libre."If you're done eating we can go back to the office."Biglang sabi nito saka siya seryosong tinitigan, pasimple naman siyang napa irap dito sa
Saktong alas sinco y media nang matapos mag luto si Izzy, kare-kare, menudo, chicke curry lang naman ang nailuto niya, hindi na rin siya nakapag ayos pa ng para sa desert kahit maliit na cake o ice cream man lang, pero alam niyang sapat na rin naman ang mga pagkaing hinanda niya.Nakapag ayos na rin siya ng sarili, simpleng kulay puti at bulaklaking dress lamang ang napili niyang isuot, umabot ang haba niyon sa kalahati ng kanyang hita. Kasalukuyan siyang nakaupo sa maliit niyang sala at pinapasadahan ng basa ang isang librong nabili niya rin kanina nang marinig niya ang sunod-sunod na pag tunog ng kanyang doorbell.Dahil inaasahan niyang sina Carl na iyon ay nag mamadali niyang pinag buksan ng pinto ang mga ito.Agad pang nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanya ang kanyang best friend, kasama si..."Si Jane ang girlfriend mo???"Nanlalaki ang mga matang tanong ni Izzy, sa gulat ay hindi niya na nakuhang bigyan pa ng pansin ang dalang isang bote ng mamahaling red wine ni Car
Sa may dalampasigan, kasalukuyang naka tayo si Izzy habang tinatanaw ang payapa at kulay asul na dagat.Rinig niya ang masayang tawanan ng mahahalagang tao sa paligid niya, sumasabay iyon sa pag hampas ng maliliit na alon sa kanyang mga paa.Mayamaya pa ay agad na agaw ang kanyang pansin ng isang tinig na tila musika sa kanyang pandinig, maliit iyon at matinis.Boses ng kanyang anghel... Agad siyang napa ngiti nang makita ang maliliit nitong mga hakbang habang patakbong lumalapit sa kanya, bitbit may kalakihang plastic bag."Mommy! Mommy!"Bakas ang tuwa sa tinig na tawag nito habang tuloy pa rin sa pag takbo, ngiting-ngiti naman ang tatay nito habang naka sunod."Careful, Sofia..."Saway niya saka agad itong kinarga nang tuluyan itong makalapit."Mommy look, I've got Ice Cream for everyone."Labas ang maliliit na ngiping sabi nito sabay excited na inangat ang hawak nitong supot ng Ice Cream."Binili ni daddy ba 'yan? Meron din ba ako?"Tanong niya dito saka kunwaring napanguso nang
Kasalukuyang nag papatuyo ng buhok si Izzy sa harap ng malaking salamin sa kwarto nila ni Seth nang lapitan siya nito. Agad pa siyang napangiti nang yakapin siya nito ng mahigpit sa baywang mula sa likod. Pasado alas sais pa lamang ng gabi at halos kaka uwi lamang din nila galing sa pag bisita nila kay Shania. "You smell good." Naka ngising sabi nito habang bahagya siyang hinahalikan sa leeg, napa ngiti naman si Izzy saka napakagat ng labi bago ito alanganing tinitigan. Kanina pa kasi niya gustong mag tanong kay Seth, tungkol sa napag usapan nito at ni Shania kanina. Kaya lang ay hindi niya na nagawa sa sasakyan kanina dahil nakatulog siya sa biyahe pauwi. "What's wrong?" Tanong nito nang tila mapansin ang pag titig niya. Mabilis naman siyang napa iling saka ngumiti bago lakas-loob na nag salita. "Ma-may gusto akong itanong sa'yo." Halos pabulong niyang sabi, nakita niya pa ang bahagyang pag buka ng bibig ni Seth saka ngumiti. Mukha namang hindi na niya kailanga
Pigil ang pag hinga ni Izzy habang naka titig sa mataas at malaking gate ng isang kulungan.Hindi niya na rin malaman kung ilang minuto nang naka hinto ang itim na sasakyang minamaneho ni Robert sa tapat niyon, at lalong hindi niya na rin mabilang kung ilang beses niya nang pinag isipan kung tama ba ang napag pasyahan niyang gawin.Isama pang pakiramdam niya ay tila siya napi-pressure sa bigat ng pag titig sa kanya ni Seth na ngayon ay naka upo sa tabi niya."Are you sure this is what you want to do?"Bakas ang pag aalala sa mukhang tanong nito, may pag aalangan naman siyang napa tango saka bahagyang ngumiti."Sa totoo lang? Hindi talaga... Pero ano nga ba ang dapat, Seth? I know in my heart that this is the right thing to do... It's been a year, siguro naman sapat nang panahon ang ibinigay natin sa kanya para kahit paano ay mapag isipan niya rin ang bigat ng kasalanang nagawa niya sa atin, sa akin..."Mahabang litanya ni Izzy saka muling nag pilit ng ngiti. Alanganin naman siyang ngi
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal