Hindi pa man tuluyang nakaka alis sa tinutulayang condo unit ay halos mag maka awa na si Izzy kay Miya na huwag na siyang pasamahin sa out of town ng kanilang kumpanya lalo at nalaman niyang pati ang kanilang big boss, AKA Seth Santiago ay kasama rin doon.Nalusutan niya nga ang meeting nila kahapon dahil sa malaking pa teddy bear at boquet of roses ni Seth pero mukhang hindi niya naman malusutan ang pausong out of town nito ngayon.Hindi na nga malaman ni Izzy kung ilang beses niya nang pinakiusapan si Miya, halso hindi niya na nga rin ito tinigilan ng pangungulit kahapon kaya lang ay mukhang buong-buo na ang desisyon nitong isama siya."Izzy, I understand you are trying to avoid our boss, but we are going to Batangas, this new place is new to me, as my secretary, I need you there. I'm sorry but you really have to go with me."Kung ilang beses siyang nakiusap kay Miya na huwag na siyang isama ay ganoon rin kaaming beses nitong sinabi ang mga salitang iyon sa kanya.Kung bakit ba nama
Marahas na nahigit ni Izzy ang sariling pag hinga nang marinig ang mahinang click ng pinto matapos iyong i-lock ni Seth nang tuluyan silang makapasok.Mahina lamang ang tunog mula doon ngunit sapat na upang mag wala sa kaba ang kanyang puso.May kalakihan ang silid na iyon, mas malaki kesa sa mga silid na na assign sa kanila kaya't agad niyang niyang inisip na si Seth ang umu-ukopa niyon."B-bakit dito mo ako dinala? B-baka kung anong isipin nila."Nauutal at halos kapusin sa pag hingang tanong ni Izzy, agad pa siyang napa atras nang bahagaya siyang tapunan ng tingin ni Seth, saka napasandal sa pader malapit sa kama nang lapitan siya nito."We are surrounded by them, everywhere we go, makikita at makikita nila tayo, how do you think we can talk in peace when you are too worried about them hearing what you have to say or what I have to say?"Bakas ang inis sa tinig na sabi nito, isama pang kulang na lamang ay mag salubong ang mga kilay nito habang mariing naka titig sa kanya. Tahimik n
Hindi malaman ni Izzy kung ilang oras na nga ba niyang ikinukulong ang sarili sa loob ng silid na naka assign sa kanya sa rest house na iyon. Ni hindi niya na nga rin maalala kung paano siyang naka alis sa kwarto ni Seth Santiago kanina, basta't ang alam niya lamang ay hindi umalis doon ang tatlong kasamahan nila sa trabaho.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito, malamang sa hindi ay nagulat ang mga ito nang makita siya doon, idagdag pang sigurado siya na kung ano-ano na ang mga pinag iisip ng mga ito sa kung anoman ang ginagawa nila ni Seth sa kwartong iyon kanina, basta't sigurado siyang kung ano man ang nasa isip ng mga ito ay hindi iyon maganda, lalo at nakita ng mga ito ang ayos ni Seth sa likod niya kanina, dahil na rin sa mga nanlalaking mga mata nito habang salitan ang gula na tingin ng mga ito sa kanya maging kay Seth na punit ang damit.Malakas na napa buga ng hangin si Izzy saka nangungunsuming pabagsak na itinapon ang sarili sa malambot na kamang naroon.Wala siyang balak
Naging abala ang mga sumunod na araw nila sa Batangas, sa pagiging sobrang busy pa ay halos hindi na narin namalayan pa ni Izzy ang pag lipas ng mga araw, kahit nga ang bigyan pa ng pansin ang mga usapan tungkol sa kanila ni Seth ng mga kasama nila sa resthouse ay hindi niya na nagawang pag tuonan pa ng pansin, sa halip na magpaapekto sa mga wala namang katuturang pag uusap ng mga ito tungkol sa kanila ni ng BIG BOSS ay inabala niya na lamang ang sarili sa pag aasikaso sa trabahong siyang ipinunta nila doon.Kahit nga ang pasimpleng pag lalambing, panunuyo at pakikipag flirt sa kanya ni Seth Santiago ay pinilit niya na lamang iwasan, nariyang hindi na siya halos sumabay sa pagkain ng mga kasama at pilit niyang pag hila kay Miya para samahan siya.Ano nga ba naman kung boss niya ang babae? Magkaibigan naman sila at kahit paano naman ay iginagalang niya pa rin ito.Kaya lang kahit anong pag iwas ang gawin niya kay Seth ay mukhang gumagawa talaga ito ng paraan para makalapit sa kanya.Tu
Pigil ang pag hinga ni Izzy habang hinihintay na huminto sa pag ikot ang boteng kanina pang pinag lalaruan ng mga kasama niya.Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses siyang naka hinga ng maluwag sa tuwinang hindi siya matatapatan ng nguso niyon, o kaya ay si Seth. Lalo at habang nag tatagal ang paglalaro nila at padami na rin ng padami ang alak na nauubos ay palala nang palala rin ang mga tanong ibinabato ng mga katrabaho nila sa bawat isa.At sigurado siyang kukunin ng mga ito ang pagkakataong iyon para tanungin siya o kaya si Seth ng tungkol sa kanila, isa sa mga hula niyang tanong ng mga ito ay kung anong relasyon niya sa kanilang boss. Bagay na hindi niya lang kayang sagutin, kundi hindi niya rin alam ang sagot.Tulad niya ay tahimik ring naka upo sa tabi niya si Seth Santiago, nariyang hindi sinasadyang mapasulyap siya dito at makikita niya ang masayang pag tawa nito habang pinapanuod ang bawat dare na pinapagawa ng mga kasama nila.Agad namang mapapa nguso si Izzy dahil do
Ramdam ni Izzy ang malakas na kabog ng kanyang dibdib na tila sumasabay sa mahinang tunog ng speaker mula sa labas, lalo pang nag wala ang kanyang puso nang tuluyang mag sara ang pinto ng kwartong tinutuluyan ni Seth sa resthouse na iyon."What are we doing here, Isabel?"Ngising asong tanong sa kanya ni Seth.Oo nga naman, sa lahat ng lugar na pwede nilang puntahan bakit dito niya pa napiling ayain Seth?Ang labas tuloy ay nag mukhang siya pa ang mas may balak na gawan ito ng masama.Wala sa sariling nakagat ni Izzy ang pangibabang labi saka nag iwas ng tingin nang muling masilayan sa malapitan ang hubad na katawan ng lalaki, hindi katulad kanina ay nagawa niya na iyong pag masdan ng mas malinaw dahil na rin sa maliwanag na ilaw sa silid na iyon."S-sabi mo a-ayaw mo ng ingay? T-tsaka nilalamig na rin ako, m-mas mabuti nang d-dito nalang tayo, ma-may privacy din."Pag dadahilan niya kahit pa ang totoo ay maging siya ay hindi rin alam kung anong gagawin nila doon.Isa lamang ang gusto
Wala sa sariling napa balikwas ng bangon si Izzy nang pag mulat palang ng mga mata niya ay bumungad sa kanya ang isang malaking wall clock na naka sabit sa pader ng silid ng silid na iyon.Ilang minuto nalang at mag a-alas otso na, hindi niya na kailangan pang kwentahin ang natitirang oras na meron siya para mag ayos dahil alam niyang kahit ano pa ang gawin niyang pagmamadali ay mali-late pa rin naman siya ng pasok sa trabaho."What's wrong?"Tinatamad at halos paos pa ang boses na tanong sa kanya ng katabi niyang nanatili pa ring naka pikit."Mali-late ako."Sagot niya saka nag natatarantang kumilos, dali-dali siyang bumangon para lamang matigilan nang muling pumulupot sa kanyang baywang ang matipunong braso ng kanyang katabi."It's fine, let's just go in together. Let's sleep some more."Naka pikit pa ring sabi nito, agad namang napa simangot si Izzy saka ito pinanliitan ng mata."Tabi na, ma li-late nga ako, nakaka hiya naman kay miss Miya, hindi na nga ako pumasok kahapon, late pa
Wala pa halos trenta minutos nang makarating sila ni Miya sa isang malapit na mall ay hindi na agad mapalagay si Izzy.Habang kumakain kasi sila ni Miya ng hapunan sa isang fast food chain sa loob ng mall ay naramdaman niya nanamang may tila mga matang naka tingin sa kanya, nariyang bawat galaw niya maging bawat tindahang papasukin nila ay pakiramdam niya ay may naka sunod nanaman sa kanya.Tuloy ay kanina pa siyang hindi mapalagay, kung maari nga lamang na yaain niya na si Miya na umuwi na lang at sa ibang araw nalang mamili ng kung ano man ang kailangan nito sa mall na iyon ay nagawa niya na, kaya lang ay hindi naman pwede.Ayaw niya rin naman kasing basagin ang mumunting happiness ni Miya sa pag gagala nilang iyon. Hindi niya naman din ito masisi, sa sobrang busy sa trabaho ay hindi na rin ito halos maka labas para i-treat ang sarili."You okay?"Kunot-noong tanong sa kanya ni Miya saka pasimpleng inilibot rin ang tingin gaya niya."Are you looking for something? Someone?"Tanong p
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard