Pasado alas dose na ng hating gabi nang matapos ang party, sa dami halos ng naganap sa gabing iyon ay hindi na namalayan pa ni Izzy ang oras, ni hindi niya na nga rin alam kung paano niyang napapayag si Carl nang tangihan niya ang paanyaya nitong mag kape sa malapit na coffee shop sandali.Bukod kasi sa pagod na rin siya ay kating-kati na rin ang kanyang pakiramdam sa gown na suot.Komportable naman sana iyon, kaya lamang ay hindi siya sanay. Mas gugustuhin niya pa yata ang mag suot ng luma at over-sized na T-shirt at jogging pants kesa sa dress.Hindi rin alam ni Izzy kung paano niya nagawang iwasan si Seth Santiago buong gabi nang takasan niya ito bigla kanina nang may kung sinong lumapit dito upang kausapin.“Pero hanggang kelan mo balak na iwasan siya, Izzy? Parang imposible nang magawa ko pa iyon lalo na ngayon, alam na ni Margaux ang koneksyon ko sa kanya… Malamang sa hindi ay hindi rin ako titigilan sa pag tatanong ng babaeng iyon.”Tila isang baliw na kausap niya sa sarili hab
Hindi malaman ni Izzy kung paano niya pang nagawang hanapin sa babaeng kaharap si Seth Santiago.Malamang sa hindi ay nag tataka ito kung bakit niya hinahanap si Seth ng dis oras ng gabi.“Nasa loob, who are you? Anong kailangan mo?”Tanong pa nito, kulang na lamang ay mag salubong ang kilay ng babae habang mariin ang titig sa kanya.Ikaw? Anong ginagawa mo dito?Gustuhin niya mang itanong iyon ay hindi niya magawa, lalo at alam niyang wala siyang karapatang mag tanong.“Ka-kailangan ko po siyang kausapin eh… P-pero di bale na lang ho, pwede pa naman siguro sa ibang ara-”“Leila, who is that?”Kulang na lamang ay humiling si Izzy na lamunin na ng lupa sa kahihiyan nang mula sa loob ay may may narinig siyang tinig ng lalaki.“Some woman, hinahanap si Seth.”Sagot ng babaeng tinawag na Leila.“Well why don’t you invite her in? Maybe Seth was expecting her, I will go get him.”Sabi ng lalaki, malaki ang ngiti nito nang lumapit sa kanila.“Hi!”Bati nito, nag pilit naman ng ngiti si Izzy
“So you want to stay here with me tonight?”Kulang na lamang ay umabot sa tenga ang mga ngiti sa labing tanong sa kanya ni Seth.Agad napa iwas ng tigin si Izzy habang pinipilit ang sariling huwag itong irapan.“Ku-kung ayaw mo, pwede naman akong umalis… Masyado na rin namang malalim ang gabi…”Sagot niya habang pilit na iniiwas ang tingin sa binata.“Come on, you just said earlier you don’t wanna go, Isabel.”“Eh kasi narinig mo naman na pala, bakit kailangan mo pang itanong ulit?”“Wala lang… I just wanted to hear you say the words again… Took you some time to finally figure out how much you wanted to be with me… Aminin mo na… Gusto mo rin ako…”Hindi man tingnan ni Izzy ang lalaki ay alam niyang hindi pa rin mawala ang ngisi sa mga labi nito, tuloy ay hindi niya makuhang salubungin ang tingin nito.“Ma-masaya ka, anong akala mo, birthday mo? Tsa-tsaka hindi ko sinabing gusto din kita ah? Ang sabi ko lang ayaw ko pang bumlik sa kwarto ko, magkaiba iyon…”Ramdam ni Izzy ang pag init
Madilim pa nang magising si Izzy mula sa mahimbing niyang pag tulog, nanlalabo ang mga matang dahan-dahan niyang inikot ang tingin saka natatarantang napabalikwas ng bangon nang mapag sino ang taong naka tayo malapit sa pinto.“Morning.”Tila tinataman na bati nito sa kanya, agad namang nasapo ni Izzy ang sariling noo nang bahagya iyong kumirot.“G-good morning din…”Paos at halos pabulong niyang sagot.“Hangover?”Taas ang kilay na sabi ni Seth Santiago saka marahang nag lakad palapit, kung hindi niya pa halos iuntog ang ulo sa matigas na pader dahil sa sakit, malamang sa hindi ay nairapan niya ito ng matalim. Sa itsura pa lamang kasi ni Seth ay tila basang-basa niya na ang gusto nitong sabihin sa kanya.‘Iyan ang napapala mo, Isabel.’“Oo na, hangover na kung hangover… Aba naman, hindi ko naman kasalanan, iyong kaibigan mo kagabi eh halos ipa ubos sa akin ang isang bote ng alak, hindi matanggihan, parang ikaw lang…”Mahaba niyang litanya saka napa ngiwi nang muling kumirot ang kanya
Pigil ang pag hinga ni Izzy habang tahimik na nag lalakad pabalik sa kanyang hotel room mula sa suite ni Seth Santiago, habang nag lalakad pa ay tahimik siyang nag darasal na sana ay huwag siyang malasin at biglang masalubong si Carl.Tiyak niya kasing hindi siya titigilan sa pag tatanong ng kanyang best friend, isipin niya pa lamang kung anong kasinungalingan ang sasabihin niya dito ay tila sumasakit nang lalo ang kanyang ul, idagdag pang hindi niya rin sigurado kung paniniwalaan siya nito.‘You sounded as if you and Carl are in a relationship, and you are acting like a dirty mistress who’s cheating on him and afraid to get caught’Tila echo na nag laro sa kanyang isipan ang mga salitang iyon ni Seth kanina, mariin niyang nakagat ang sariling labi saka sunod-sunod na napa iling.Pilitin niya man kasing ipasok sa sariling isipan na hindi totoo ang sinabing iyon ni Seth ay hindi niya pa rin maitatangi na iyon ang nararamdaman niya.Pilit na isinantabi ni Izzy ang isiping gumugulo sa ka
Sakay ng eroplano pabalik sa Manila at lahat na si Izzy kasama si Carl at ang dalawang kapatid nito ay hindi pa rin mawala ang inis ni Izzy sa kanyang best friend, sa labis na inis na nararamdaman niya para kay Carl ay nakuha niya pang makipag palitan ng upuan kay Andrea.Mabuti na lamang at mukhang ramdam din ng babae ang inis niya para sa kapatid nito kaya’t hindi na rin ito tumanggi pa.Naka halukipkip at tahimik na pinili na lamang ni Izzy na sa bintana ng eroplanong sinasakyan ibaling ang tingin, kahit pa wala naman siyang makita doon kung hindi puro ulap.“Naiinis ka pa rin ba kay kuya?”Mayamaya pa ay tila hindi na naka tiis pang tanong sa kanyan ni Margaux na siya niyang katabi ngayon sa halip na si Carl.Tinapunan naman ito ng tingin ni Izzy bago nag pilit ng ngiti.“Huwag mo nang itago.. Alam kong naiinis ka sa kapatid ko, and you have all the reasons to… Kuya Carl had no business to call you out like that, I get that he’s your best friend but I think he kinda crossed the li
Malapit nang mag dilim nang mag pasyang umuwi na si Carl, tinapos lamang naman nito ang pag inom ng tinimpla niyang kape at nag usap lamang sila ng ilang sandali, katulad ng mga nag daan nilang tampuhan noon ay kaunting usapan lamang ay naging maayos na rin sila, iyon nga at naka ngiti na itong umalis samantalang siya ay pilit pa ring inaalis sa sistema ang nararamdamang konsensya.Malakas na napa buga ng hangin si Izzie nang nakuha niya pang nanawin ang daang nilabasan ni Carl pag alis, malamang sa hindi ay nasa biyahe na iyon ngunit heto siya at naka tanga pa rin sa pinto ng kanyang bahay.Papasok pa lamang sana si Izzy nang agad ring matigilan matapos siyang tawagin ng kaibigang si Pating.“Pst Isay, naka alis na si daddey Carl ko?”Awtomatikong napa irap si Izzy sa tanong na iyon ni Pating.“Anong daddey Carl ka diyan? Alam mo, kaibigan ko si Carl, matagal na kaya maniwala ka sa akin kapag sinabi kong hindi ang ganda mo ang tipo niya.”Pabirong dabi ni Izzy saka natawa nang samaan
Mariin na lamang na nakagat ni Izzy ang sariling labi nang tila agad mag wala ang kanyang puso nang makitang papalapit sa kanya si Seth.“A-ano ba kasi ‘yon? Ba-bakit ka nandito?”Ulit niya sa nauna niyang tanong na hindi man lang pinansin ng lalaki sa halip ay ngumisi lamang naman ito.“Masama bang puntahan kita dito?”Seryoso ang tinig na tanong nito, napa nguso naman si Izzy.“H-hindi iyon ang sagot na hinihingi ko at hindi ko rin sinabing masama na nag punta ka dito sa tenement… Sana lang sa susunod ay nag papasabi ka, hindi safe ang tenement sa mga katulad mo, lalo at dis-oras na ng gabi.”“I am fine… Nothing can happen to me here and I can handle myself. At oo nga. Dis-oras na ng gabi, bakit ngayon ka lang?”Tila inis na tanong nito at nakuha pa siyang pag taasan ng kilay.“Eh a-ano… Kasi ma-may handaan diyan sa kanto, birthday ng isa sa mga kasama namin dito naimbitahan lan-”“Sino ang kasama mo?”“Ka-kasama ko si Patin-”“Pating… Hm Pating’s a HE or a SHE?”“Pa-pareho?”Nag da
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an
Sa kabila ng takot at pagaalala na unti-unting bumabalot sa puso ni Izzy ay hindi pa rin naman napigil noon ang kahit paano ay i-enjoy ang ilang araw nilang bakasyon sa Cagayan.Halos hindi rin maalis sa ang masayang ngiti sa kanyang mga labi habang tahimik na pinapanuod sina Margaux, Andrea, Pating, Miya pati na rin ang couple na sina Carl at Jane na masayang gumagawa ng sand castles, partner sina Andrea at Margaux, sina Jane at Carl naman ang magkasama habang si Pating naman at si ang kanyang tiyong , si Miya naman ay piniling ang bata niyang pinsan ang kampihan pati ang asawa ng kanyang tiyong.Hindi maitago ang tawa sa kanyang lalamunan nang mag umpisang mag talo ang magkapatid na si Andrea at Margaux habang galit na galit naman si Jane sa boyfriend na si Carl.Hindi naman masisi ni Izzy ang mga ito kung sandyang gusto ng lahat na manalo lalo at si Seth ang may pakana na pa mini contest na iyon."Sure ka ba sa pa premyo mo? Hindi ba masyado naman yatang malaki?"Nag aalala niyang
Wala ring nagawa si Seth nang sabihin niya ritong gusto niya pa ring pumasok sa trabaho bilang secretary ni Miya.Ayaw niya rin kasing maburyo sa bahay nito, isama pang sadyang hindi siya sanay na walang ginagawa.Pero syempre, kasama sa pagpayag nito ang kondisyong sabay silang papasok at sabay rin silang uuwi."Wala pa rin bang balita tungkol sa taong may gustong manakit sa akin?"Tanong niya habang hinihintay ang pina-deliver nitong pagkain sa opisina nito."I'm still working on that, Isabel... Pero sadyang matigas ang mga lalaking iyon, hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring mag salita."Mariing nakagat ni Izzy ang sariling labi saka nanghihinang napa upo sa sofa sa opisina nito."Hey, I don't want you to worry about anything... It's not good for you. I promise I'm working things out. Kung kinakailangang umalis tayo sa bansa, I'll do that as long as I can make you safe."Pag alo sa kanya ni Seth nang mapansin nito ang pag aalala niya."Hindi naman iyon ang iniisip ko... Hindi naman
"So ano nga ba ang nangyari? Bakit ka na ospital?"Nag aalalang tanong ni Carl, wala pa halos ilang minuto nang dumating ito sa bahay ni Seth kasama ang girlfriend na si Jane.Kakauwi niya lamang galing sa ospital matapos ang ilang araw niyang pag tira doon. Maayos naman na ang pakiramdam niya kaya lamang ay si mapilit si Seth, mas mabuti na raw na doon muna siya para masigurong maayos ang lagay ng baby sa tiyan niya."May nangyari lang nitong nakaraan.""May kinalaman ba iyon sa mga taong sumusunod sa'yo?"Tanong ni Carl, sandali namang nangunot ang kanyang noo sa pag tataka bagay na tila agad ring napansin ni Carl."Nabangit saakin ni uncle Seth. He mentioned someone is after you, when I asked what's with all those guards."Sabi nito, marahan naman siyang napa tango saka marahas na napa buga ng hangin."Don't worry, tutulong ako para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng 'to. All of us, not just uncle Seth is worried about you, at hindi lang siya ang nag aalalang baka nag aal
Hindi malaman ni Izzy ang dapat na gawin, gustohin niya mang sumigaw upang manghingi ng tulong ay hindi niya magawa sa takot na baka kapag ginawa niya iyon ay bigla siyang sugurin ng dalawang lalaking nasa harap niya ngayon.Tila lalo pang kumabog sa takot at kaba ang kanyang dibdib nang sa nanlalabo niyang paningin ay naninga niya ang hawak nitong patalim nang bahagya iyong kuminang sa liwanag ng ilaw ng banyong iyon."A-anong ka-kailangan niyo?"Bagama't kinakabahan at hindi malaman ang gagawin ay nagawa niya pa ring mag tanong, nakita niya pa kung paanong ngumisi ang lalaking may pulang buhok bago sumagot."Kami wala, si boss meron. Pasensya na, hindi naman namin gustong saktan ka, napagutusan lang kami."Sabi ng isa pa na para bang isang malaking biro lamang ang mga nangyayari at kung ano man ang sadya ng mga ito sa kanya."S-sinong nag u- nag utos sa inyo?""Hindi mo na kailangang malaman pa iyon. Kailangan lang namin, sumama ka ng maayos para hindi ka na masaktan pa. Huwag ka na
"Bakit ang laki ng ngiti mo? Sarap ba tulog mo?"Naka ngising tanong agad ni Izzy kay Seth, bakas kasi ang tuwa sa mukha nito pag pasok na pag pasok pa lamang sa kusina ng bahay nito, kanina pa siya naruon at katatapos lamang mag luto ng agahan habang si Seth naman ay halatang kakagising lang."Nothing... You cooked?"Tanong nito, mabilis naman siyang tumango bilang sagot."You should have let the maids do that.""Ang aga pa naman, mahaba pa ng kaunti ang oras para sa trabaho kaya iyan, breakfast lang naman eh, simpleng sinangag at itlog, ham at bacon. Hindi ako napagod, promise. Kain na."Sagot niya saka inayos ang pingan sa mesa."Coffee?"Tanong niya pa dahilan upang lalong lumaki ang ngiti sa mga labi ni Seth na ikinakunot naman ng kanyang noo."Bakit?"Nag tataka niyang tanong."Nothing, I'm just happy that you are here. Safe. And I just find it a liitle funny how we're living together and I'm not even your boyfriend yet."Sagot nito, kunwaring lalo namang nangunot ang noo ni Izz
"Bakit mo iniwan ang meeting mo?"Agad na tanong ni Izzy kay Seth pagka sara pa lamang ng pinto ng opisina nito. Agad pa siyang napa ngisi nang makitang i-lock niyo iyon.Sa ilang buwan nilang magkasama mula noong maging okay sila, kung may isang bagay siyang palagian napapansing kay Seth, iyon ang ugali nitong hindi mag lock ng pinto."I got your text, you said you have something really important to tell me, you are more important than a boring meeting, so... What is it that you want talk about?"Seryosong tanong nito saka marahang nag lakad palapit sa kanya, mariin niya pang nakagat ang sariling labi nang ipulupot nito ang isang braso sa kanyang baywang, gumanti naman siya ng yakap sa leeg nito dahilan upang agad na sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito."N-nakita ko si Carl kanina."Sa halip na derektang sabihin ang talagang sadya niya dito ay ang mga salitang iyon ang lumabas sa kanyang mga labi, tuloy ay bahagya siyang napa ngiwi na ikinatawa naman ni Seth."So I've heard