Will update a few more 💞
=Elvira’s Point Of View= Matapos kong makaligo ay suot ko na ang maluwag niyang damit. Inayos ko na lang iyon upang hindi ganoon kahaba ang dating sa akin. Pagkalabas ko ng shower room ay nagulat ako nang nag-aantay siya sa labas. “Ano na?” “A-Anong ano na?” nagtatakang tanong ko. “Aren’t you going to say anything?” nauubos pasensya niyang sabi. “E-Eh may say pa ba ako sa ganitong bagay?” pabulong kong sabi at huminga ng malalim. “Buti alam mong wala?” masungit niyang sumbat at inirapan ako. Kalalaking tao, kusilap nang kusilap. “Let’s go. We still have one last class, mag-tiis ka na lang. Tomorrow will be our OJT again,” aniya niya at sinenyasan na akong sumunod. Pagkapasok sa classroom ay tumahimik kaagad ang lahat. Pinaupo ako ni Zian sa kanyang tabi at hinayaan nila. Kahit bulungan ay walang narinig. ‘Ganoon ba siya nakakatakot?’ OJT ON SITE… Napalunok ako nang sobrang seryoso na naman ni Zian. Tila palaisipan talaga ang lahat ng kanyang mga gagawin. Napansi
=Elvira’s Point Of View= Napalunok ako habang nakikinig pa rin sa pag-lecture ni Ma’am Lauren kay Zian. Hindi ko mapigilan ang sarili kong makinig lalo na’t tila nababasa ko ang takot sa boses ni Zian, isang bagay na bihira kong marinig mula sa kanya. “Mom, come on… it’s not like I’m just messing around,” narinig kong depensa ni Zian, pero halatang nag-aalangan siya. “Don’t give me that excuse, Ian Zachary!” malakas na tugon ng mommy niya. “Kahit kailan hindi ako nagkulang sa paalala sa’yo, pero ano? Saan ka na naman nahuhuli ng mga tsismis? At baka akala mo hindi namin alam ng daddy mo ang tungkol sa mga babae mo—” Nakapikit ako habang nakasandal sa pinto. Hindi ko maiwasang maawa ng kaunti kay Zian. Oo, totoo namang mayabang siya at may reputasyon sa pagiging babaero, pero sa oras na ito, parang nawawala ang kanyang lakas. Pagkatapos ng ilang saglit na katahimikan, bigla kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Zian. Tila may binubuo siyang plano, at halos madama ko ang pagsu
=Elvira’s Point Of View= Napakabilis ng mga pangyayari, at halos hindi ko maayos ang tibok ng puso ko habang nararamdaman ko ang init ng pisngi ko mula sa halik ni Zian. Sa kabila ng mga inis ko sa kanya, hindi ko rin maitanggi na natutunaw ako sa lambing niya—kahit alam kong parte lang iyon ng palabas. Nakangisi si Zian nang bumitiw siya sa akin, parang tuwang-tuwa sa gulat na reaksyon ko. “See, Mom? We’re serious,” sabi niya kay Ma’am Lauren, kunwari’y may kasiguraduhan sa boses. Si Ma’am Lauren naman, na mukhang hindi pa rin lubos na kumbinsido, ay nagtaas ng kilay. “Hmm. Hindi pa rin ako sigurado kung seryoso ka nga rito, Zian.” Biglang nagliwanag ang mukha niya, at tila ba nakaisip ng paraan para subukin kami. “Kung ganon, I want you both to come to our family gathering this weekend.” Halos muntik ko nang mapamura sa loob-loob ko. Family gathering? Alam kong hindi ito magiging simpleng event; alam ko rin na makikilala ko ang buong pamilya at mga kaibigan nila. Pero bag
=Elvira’s Point Of View= Dumating ang araw ng family gathering, at ramdam ko ang bigat ng mga mata ni Zian sa akin habang nasa kotse kami, papunta sa bahay ng pamilya niya. Panay ang tingin niya sa akin, sinisipat ako mula ulo hanggang paa, habang hindi ko rin maiwasang tingnan ang sarili sa salamin para siguraduhing maayos ang suot kong simpleng puting dress na pinilit niya akong isuot. “Relax ka lang, babe,” sabi niya, halos pabulong habang nakangisi, pero may lambing sa tono. “You look perfect.” Napairap ako, pero pilit kong pinakalma ang sarili. “Sana lang talaga, Zian, hindi tayo mabuking,” bulong ko, sinabayan ng isang mahinang buntong-hininga. Nang makarating kami sa malawak na mansyon ng pamilya niya, agad akong napatitig sa laki ng bahay at sa mga magagara at mamahaling sasakyang nakaparada. Sa totoo lang, parang gusto ko nang tumakbo palayo, pero bago pa ako makakilos, hinawakan na ni Zian ang kamay ko at ngumiti. “Hey,” bulong niya, bahagyang pinisil ang kamay
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa dining area, ramdam ko agad ang bigat ng mga tingin ng pamilya ni Zian na nakatuon sa amin. Hindi ko maiwasang kabahan lalo’t alam kong masusi nila kaming inoobserbahan. Naramdaman ko ang kamay ni Zian na humigpit ang hawak sa akin, na para bang sinasabing huwag akong mag-alala. “Elvira, tamang-tama ang dating niyo,” sabi ni Ma’am Lauren, nakangiti pero may kakaibang kislap ang mga mata, na parang sinusuri ang bawat galaw namin. “So, how long have you been together?” Bigla akong natigilan sa tanong na iyon, pero mabilis na sumalo si Zian. “Mag-iisang taon na po, Mom,” sagot niya, sobrang casual ng tono na parang totoo talaga. Napalunok ako at pilit na ngumiti. Nagpatuloy ang hapunan, at habang abala sa mga kwento ang ibang kamag-anak ni Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang tingin ng ilan sa kanila—kumbinsido at halatang naiintriga, pero may ilan na parang nagdududa pa rin. Maya-maya, biglang may tumayo sa lamesa at nag-toast. “Cong
=Elvira’s Point Of View= Pagkapasok ko sa munting bahay namin ay halos bumagsak ako sa sofa habang hinihingal, hindi dahil sa pagod kundi sa hindi mawala-walang kilig na iniwan ni Zian. Sino ba kasing lalaki ang gagawa ng ganito—bumibili ng babae pero parang… hindi lang ‘yun ang habol? Pinipilit kong alisin siya sa isip ko, pero hindi ko maiwasang maalala ang bawat sulyap, ngiti, at yakap niya ngayong gabi. Habang nakasandal ako sa sofa, biglang tumunog ang cellphone ko. Napataas ang kilay ko nang makita kong si Zian ang tumatawag. Napabuntong-hininga ako bago sagutin ang tawag, kunwaring hindi apektado. “Ano na naman?” “Namimiss mo na agad ako, ano?” tanong niya, at ramdam ko ang pagngiwi ko sa kapilyuhan ng boses niya. Para bang sinasadya niyang asarin ako. “Zian, gusto ko na sanang matulog,” sagot ko, pero bago pa ako makapagsalita nang diretso, mabilis siyang sumingit. “Gusto ko lang makasiguro na hindi mo ako iniiyakan d’yan, babe,” sagot niya, at halos marinig ko ang
=Elvira’s Point Of View= “Nandidiri ka ba sa pamamahay namin?” pandidirekta ko na ikinahinto niya. Binitiwan ni Zian ang kamay ko, at tinitigan niya ako nang masinsinan, seryoso at tila may kaunting inis sa mata niya. “Alam mo, Elvira, hindi ko alam kung bakit ang tagal mo pang tumanggi,” nagsimula siya, may bahid ng pagkapikon sa tono niya. “Kung hindi ko pa sasabihin nang direkta, hahayaan mo lang na doon pa rin kayo tumira, sa bahay na parang isang pitik lang, magigiba na.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o talagang iniinsulto niya ang estado ng bahay namin, pero masakit pakinggan. “Ano bang problema sa bahay namin, ha?” sagot ko, pilit na itinatago ang kirot na nararamdaman. “Sanay na kami sa ganun, Zian. Hindi lahat ng tao tulad mo, hindi lahat mayaman at pihikan.” Napailing siya at tumingin sa ibang direksyon, parang hindi siya kuntento sa sagot ko. “Kasi nga, Elvira, hindi lang ikaw ang iniisip ko dito. Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin na isipin
=Elvira’s Point Of View= Matapos ang trabaho ay hindi pa rin ako pinapansin ni Zian kaya naisipan kong umuwi mag-isa. Sumakay lang ako sa tricycle at dumeretso sa condo niya. Kailangan ko pa maglinis. Sinuot ko na ang uniporme ko bilang katulong, sakto namang nagkukuskos ako ng marmol sa sink niya nang bumukas ang pinto ng condo niya. Nakauwi na siguro siya. “Elvira!” malakas na tawag niya, mabilis naman akong sumilip. Ngunit nang matanaw ko siya ay salubong na ang kanyang kilay. “Why did you go home alone?” inis na kwestyon niya at ibinaba ang bag sa carpet sa entertainment area niya at lumapit sa akin. “Wala ka naman sinabi na sabay tayo uuwi, isa pa hindi mo ako kinakausap—” “If mom came here by any chance and she saw you wearing that uniform, hindi na siya maniniwala na girlfriend kita. Hindi ka na naman nag-iisip,” singhal niya. “Change.” Sa mabilis niyang utos ay sumunod ako kaagad. Oo nga pala, nawala sa isip ko. “I’m relocating your family,” sabi niya ag
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= [2 Years Later…] “Pa naman! Yung shoes mo kasi!” bulyaw ko kay papa nang bababa na kami ng Van sa bagong bahay na binili ko sa Pinas. Graduating na kasi si Clayn na naisipang magpaiwan sa Pinas. “Tsk, sandali kasi anak…” “Jusmiyo! Nagkapera na’t yumaman balasubas pa rin ang ugali!” bulyaw ni mama at hinampas si papa sa likod kaya napangiti ako. “Papa magagalit na naman si Clayn kapag na-late ka! Sino sasama sa kanyang umakyat!” reklamo ko at nagmamadaling kinuha ang susi sa bantay ng bahay na binili ko dito. “Sa car na!” natatarantang sabi ko ngunit bago pa man makasakay ay tumigil ang isang simpleng sasakyan sa harap ng bahay. Nang bumaba ang driver no’n ay nanlaki ang mata ko ngunit nangunot ang noo niya. “Nagmamadali kayo ate?” “Oh! Gagraduate ka di ba?!” gulat na sabi ko. “Luh? Bukas pa oy. Utak mo nasa ibang bansa pa,” singhal niya kaya napahinto ako. ‘Seryoso ba?’ Nakahinga ang lahat ng maluwag kaya naman napakamot ako sa sintido at
Zian’s Point Of View Napamulat ako nang maramdaman ang kakaibang kirot sa binti ko, bahagyang nanlabo ang mata ko ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Elle na lumantad sa harapan ko. Tila kanina lang… “Ah, hmm..” It was even hard for me to speak… “Zian?” “Anak?!” Sunod kong pagkurap ay lumantad ang mukha ng magulang ko. Napapikit akong muli baka lumantad ang mukha na hinihintay ko. “M-Mom… S-Si Elle?” mahinang sabi ko at nahirapang igalaw ang braso ko kahit binti. “She’s not here, son…” sagot ni dad, nangunot ang noo ko at pinilit bumangon. ‘That’s impossible. I know I’m not hallucinating when I saw her…’ “I just saw her dad, just a while—” “A while? You’ve been asleep for three days…” mahinahon na sabi ni dad at tinuro ang paa ko. “You can’t even walk until we remove this cement.” ‘Three days?’ “She didn’t visit me?” pabulong kong tanong. Bahagya pa ngang namaos ang boses ko dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. “She didn’t…” sa sagot nila ay labis akong nas
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Nagmadali kong sinundan ang emergency address ng cellphone niya. Pero papunta na sa ospital ang location ng cellphone niya dahilan para sumunod ako doon. Pagkarating ay napalunok ako nang makita siyang nasa stretcher at duguan. Humabol ako habang hinahapo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman. ‘Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapano man siya…’ Inasikaso siya kaagad ng mga doctor at nang lalapit na sana ako ay mabilis akong hinarang ng mga pulis. “Sino sila ma’am?” “T-The girlfriend, a-anong nangyari?” kinakabahang sagot ko. Napaghawak ko ang dalawang kamay. “Ma’am, hindi pa kami makakapagbigay ng buong detalye. Pero ayon sa initial report, may nangyaring habulan sa may 7th Alley Street at nadamay ang sasakyan ng boyfriend niyo,” paliwanag ng pulis habang sinusulyapan ang dugong nakapahid sa gilid ng braso ko—hindi ko man lang namalayan na nagkaroon ako ng dugo ni Zian habang sinusubukan siyang lapitan kanina. Nanlabo ang paningin ko. Par
=Elvira’s Point Of View= Sumunod na araw ay tila gulo ang namagitan sa pamilya ko. Pagkalito, mga kwestyon na hindi masagot ng totoo. “Ang tanong ko bakit biglaan ang alis natin? Gumaganda na ang buhay natin dito oh!” gitil ni mama sa harapan ni papa. Para akong isang manekin sa harapan nila, nakatulala lang sa palitan at batuhan nila ng mga salita. “Mas gaganda naman ang buhay natin doon, mas tahimik—” “Hindi ‘yon! Bakit biglaan nga ang alis! Hindi mo nasasagot ang tanong ko! We’re already settling down again! So why leave?” nauubos pasensyang sabi ni mama kaya napapikit ako ng mariin. “It’s because of me, ma.” Sumingit na ako sa pagitan nila para hindi na sila magtalo pa. “Elle? Bakit ikaw?” tanong ni mama, naguguluhan. “Zian and I broke up,” mahinahon na sabi ko. Napahinto siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Hindi siya nakasagot at napasulyap kay papa. “May pera naman ho ako kung ‘yon ang problema, mas gaganda rin ang buhay natin sa ibang bansa. Malaki an
=Elvira’s Point Of View= I prepared a resignation letter. I have 5 days left and I don’t want to leave my work hanging. Pumunta ako sa opisina upang magpasa ng resignation letter at alam kong makikita ko siya. Pagkapasok sa office at taas noo akong lumapit sa desk niya. Unti-unti na nagsalubong ang kilay niya nang makita ako after two days. Marahan ko namang inilapag sa harapan niya ang resignation letter at doon siya napahinto. “What’s this?” malamig niyang sabi. “I’m resigning,” sobrang hina kong sabi. Nang salubungin ko ang mata niya ay napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya. Huminga siya ng malalim. “Pati trabaho madadamay? Aren’t you being too immature, Elle?” nauubos pasensya niyang sabi kaya umiwas tingin ako. “Ang tagal mong pinaghirapan makapagtapos, para makakuha ng ganito ka-stable na trabaho. Pero dahil hiniwalayan mo ‘ko, pati ito iiwan mo?” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Answer me, Elle. Ano bang nangyayari sa’yo? I can understand if you’r
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid.
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m