Sorry natagalan! 🥺💞
=Third Person’s Point Of View= Tahimik na nagmamasid si Elvira habang nasa site sila ng mismong building. Minamasdan niya ang seryosong awra ni Zian na mula mag-umpisa sila ay hindi pa ngumingiti o nanlalandi ng kung sino. ‘Bakit kaya seryoso pa rin siya? Dahil ba sa last time?’ sabi ni Elvira sa kanyang isip. Nagtataka. Habang nakatitig kay Zian at gumala ang kanyang isip sa kung saan-saan hanggang sa bigla siyang maalimpungatan nang pagbalik niya sa ulirat ay nara harapan niya na si Zian na nakapamewang habang salubong ang makakapal na kilay at suot pa ang safety helmet. “What now? Enjoying the view?” masungit na tanong ni Zian at lalaking-lalaki ba umirap kay Elvira. “Pinag-iisipan ko lang kung bibigyan kita ng minus ulit,” pabalang na sagot ni Elvira na ikinalaki ng mata ni Zian. “Anak ng— ba’t ba trip mo ‘ko ha? Nakakailan ka na!” reklamo ni Zian at nakahinga ng maluwag si Elvira ng tila bumalik na ang awra ni Zian sa orihinal nitong estado. “Galit ka pa rin ba dahil
=Elvira’s Point Of View= “That was way out of the line, that’s physical violence! Trabaho pa rin iisipin mo? Does your parents know about this huh?” sumbat ni Ian Zachary sa akin dahilan para inis akong umiwas tingin. ‘Paano naman kung malaman ng nanay ko? Sariling nanay ko nga ay sinasaktan ako. Yung tatay ko lulong sa alak?’ “Hayaan mo na ako. Sanay naman na ako—” His jaw tightening, frustration showing. “Used to it? Are you kidding me?” his voice lowers, laced with anger, “No one should ever get used to being hurt like that. Don’t just accept it.” Alam ko naman. Pero anong pagpipilian ko? “Bakit ba parang concerned ka bigla? You never cared before, not when you’re always too busy judging me or looking down on me.” Pagprangka ko sa kanya, saglit na tumaas ang kilay niya at naglapat ang labi sa inis. “Look, I know I’ve been a jerk to you, or to your friend. Whoever it is, but not that I’ll be blind with this. Not about this,” he said, mukha naman siyang concern talaga o
=Elvira’s Point Of View= Kamot ulo akong tumulala sa harapan ng grocery, grocery lang 20k na agad?! Eh… Sabi niya dinner lang, ano bang dinner inaasahan niya? Pang-mayaman ba? May pinagkaiba ba ang lutong mayaman at mahirap? I mean, may kaya naman ang pamilya ko noon so I know the dish pero 20k kaagad? Dahil doon at namili na lang ako nang mga dapat, pinuno ko ang unang cart nang mga kailangan para sa ngayong gabi at bukas ng umaga. It took me an hour bago natapos mag-grocery, ang natira ay halos sampung libo pa at pumara na lang rin ako ng taxi. Papaakyat naman ay may tumulong sa akin kaya wala akong naging problema. Pagkapasok sa condo ni Zian ay nandoon na siya sa mamahalin niyang couch. Naglalaro ng games. “Nandito na ako, uubusin ko ba dapat yung 20k?” kwestyon ko. “I don’t know,” walang alam niyang sagot kaya umirap ako. “Pati ‘yon hindi mo alam?!” “Ikaw nga hindi mo alam,” sumbat pa niya habang abala magpipipindot sa kanyang cellphone. “Shit! Ang tatanga na
=Third Person’s Point Of View= Zian was leaning back on the couch while smirking, he was watching Elvira who’s cleaning up a mess and the other hand is holding a tray. “Well, well, look who’s finally found her true calling. Akala ko ba student engineer ka? But I guess being my maid suits you better, don’t you think?” asar na sabi ni Zian. Elvira rolling her eyes, holding a tray of drinks, “Don’t flatter yourself. This is just temporary. I’d rather clean up after a spoiled brat like you than let you think na kaya mo akong paikutin,” she said and placed the tray down with a slight thud. Zian raises an eyebrow, voice dripping with sarcasm, “Easy lang. Baka masira mo pa ‘yung crystal glass. Alam mo naman, baka hindi mo kayang bayaran ‘yan.” Smirks, “Or is that why you took the job?” Elvira crosses her arms, glaring at him, “Oh please, Zian. I’d sooner break the glass than kiss your spoiled feet. At least ako, marunong magtrabaho. Ikaw, you probably can’t even wash a singl
=Third Person’s Point Of View= Habang naglilinis si Elvira ng sahig ay naramdaman niya ang pagtunog at pag-vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa. Napatayo siya at hinugot iyon para sagutin. Nandoon rin si Zian na nagtataka na pinanonood si Elvira. Isang linggo na rin kasi ang lumipas mula nang pag-usapan nila ang tungkol sa sampung milyon. “Ano iyon Clayn?” bungad ni Elvira sa telepono, bahagyang nakakunot ang noo nito dahil hindi naman tatawag ang kanyang kapatid kung walang nangyari. Sa kabilang banda ay sumagot si Clayn. “Ate… Si mama po n-nasa ospital.. Punta na po kayo ate, wala po si papa eh..” “Ha? O-Osige..” Pinilit ni Elvira na huwag mataranta. Binalingan niya si Zian na kanyang boss. “Zian pwede bang umalis saglit?” baka sakali ni Elvira. “Huh? Why? It’s too early and you haven’t done your work.” Tumaas ang kilay ni Zian, clueless of what’s been happening. “Y-Yung mama ko kasi na-ospital daw, wala si papa..” mabilis na sabi ni Elvira. Tumaas ang kilay ni Zia
=Elvira’s Point Of View= Kaharap ko si Zian ngayon habang inilalapag sa harapan ko ang sangkatutak na kontrata. Hawak ko naman ang mamahalin niyang ballpen. “First clause, my word means rule. You don’t have a choice but to obey me, if you disobey me then return what I paid you threefolds.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. ‘T-Then that’s 30 million?’ “You will do anything I want—” “K-Katawan ko lang ‘di ba?” Nangunot ang noo niya sa sinabi ko. “Hmm?” tugon niya. “T-Then bakit parang binibili mo na yung kaluluwa ko?” seryosong sabi ko, nagrereklamo. Tumaas ang kilay niya. “Ano bang tingin mo sa katawan mo ang binibili ko? I mean, binabayaran? You think it’s just for sex?” gitil niya— shit! Oo nga pala! Bakit hindi ko naisip ‘yon? Why would he buy me just for sex ‘di ba?! I must be crazy to sell my body to this playboy! “You think I would pay you 10 million from my savings, just for sex?” Mapaglarong ngumisi ang kanyang labi at mahinang natawa. “Don’t tell about
=Elvira’s Point Of View= “Zian!” malakas na tawag ko sa kanya. Mabilis naman siyang lumabas ng kwarto. “Ano? Makasigaw…” “Si mama, pupuntahan ko mamaya. G-Gusto ka yata makita nila papa para pasalamatan,” mahinahon na sabi ki makalipas ang isang linggo. Gising na kasi si mama matapos ang operasyon niya sa puso. “H-Hindi na. Hindi naman tulong ‘yan na literal, you’ll work hard for that..” Nanlaki ang mata ko nang lumapit si Zian sa akin, sa sobrang lapit ay humakbang ako paatras. “A-Ano?” “Don’t you think I gave you a lot of time?” pabulong at nakakaakit niyang bulong. ‘Oras na ba ng paniningil ni Zian para sa sampung milyon?’ =Third Person’s Point Of View= Naramdaman ni Elvira ang lalim ng titig ni Zian, at kahit paano niyang iwasan ang mga mata nito, parang hinihigop siya ng lakas nito. Alam niyang hindi na siya makakatakas sa kasunduan nila, ngunit sa kabila ng lahat, may kaunting kaba at pagtutol pa rin sa kanyang puso. Napabuntong-hininga siya, iniisip kung pa
=Elvira’s Point Of View= Pagkarating sa ospital ay bahagyang umiba ang hangin sa pagitan namin ni Zian. He was serious a while ago, as if he held grudge.. Tapos ngayon, he was very approachable pagdating sa pamilya ko. Baliw ba siya? Saglit lang kaming nanalagi doon, dahil malapit na rin naman ang pasok na naman matapos ang semestral break. Nang makalayo kami sa kwarto ni mama ay pasimple kong sinulyapan si Zian na bumalik na sa seryoso niyang awrahan. “Do you have two personalities?” biglang tanong ko na ikinatigil niya. “Yeah, I guess. I could be playful and lively, and then a seconds later I could be serious and deadly..” Tumawa ako sa kanyang biro dahilan para matunog na lang na ngumisi si Zian. Pagbalik sa sasakyan niya ay prente na akong umupo. “Sumabay ka na pumasok sa akin pag may pasok,” habilin niya at kahit ayaw ko ay hindi ko magawang umangal. *** Isang linggo ang nakalipas at kapapasok ko lang sa eskwelahan, naglalakad ako mag-isa papunta sa classroom nam
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka
Zian’s Point of View Habang pinapanood ko si Elle at ang kapatid niyang si Clayn, hindi ko maiwasang mag-isip ng malalim. Malaki ang posibilidad na ang galit ng mga gumawa nito ay hindi lang nakatuon sa pamilya niya, kundi pati sa akin. “Dad, I need you to check something,” bulong ko habang lumapit sa ama ko. Tumango siya, alam na may malalim akong pinaplano. “Anak, siguraduhin mong hindi ka masyadong madadala ng emosyon. Alam mo kung gaano kahirap kapag pinairal mo ‘yon.” “Dad, this isn’t about emotions. This is about survival,” sagot ko, matigas ang boses. “Hindi ko hahayaang ulitin nila ito kay Elle o kay Clayn.” Tumango ang daddy ko, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya. Alam niyang hindi ko basta-bastang hahayaang matapos ito nang hindi sila nagbabayad. Elvira’s Point of View Habang nakatingin ako kay Zian, hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa kanya. Siya pa rin ang mayabang at makulit na Zian na nakilala ko, pero ngayon, iba na ang aura niya. Para siyang
Zian’s Point of View “Kung gusto mong iligtas ang batang ito, simple lang ang usapan,” sabi ng lider. “Lumuhod ka at aminin mong natalo ka.” Napangiti ako nang bahagya. “I don’t think so.” Bago pa siya makapagsalita ulit, mabilis kong hinugot ang baril mula sa likod ko at pinaputukan ang pinakamalapit sa kanya. Bagsak ang isa sa mga tauhan niya bago pa sila makapag-react. “Putang ina! Barilin siya!” sigaw ng lider. Nagkagulo ang lahat. Ginamit ko ang mga haligi ng warehouse bilang cover habang nagpaputok ako pabalik sa kanila. Isa-isa kong tinarget ang mga tauhan niya hanggang sa natira na lang ang lider. “Please! Don’t kill me!” sigaw niya habang nagtatago sa likod ni Clayn. “Pakawalan mo siya,” utos ko, ang baril ko’y nakatutok sa kanya. “Pakiusap—” Walang pag-aalinlangan, pinaputukan ko ang kamay niyang may hawak kay Clayn. Napasigaw siya sa sakit at nabitawan ang kapatid ni Elle. Elvira’s Point of View Tumakbo ako papasok nang makita kong ligtas na si Clayn. “
Elvira’s Point of View Tahimik kami sa biyahe. Hindi ko alam kung paano haharapin ang sitwasyon na ito. Hindi rin ako sigurado kung tama ba ang ginagawa ko—na hihingi ako ng tulong kay Zian para pumatay ng tao. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong wala akong ibang mapagkakatiwalaan ngayon. Napatingin ako kay Zian. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela, ang mga mata niya’y nakatuon sa daan, ngunit ramdam ko ang tensyon sa bawat galaw niya. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong iniisip niya ang plano. “Elle,” basag niya sa katahimikan. “Ano bang eksaktong sinabi nila? Gaano karaming tao ang kailangan nating harapin?” Huminga ako nang malalim, sinubukang alalahanin ang boses ng lalaking tumawag. “Wala silang binanggit kung ilan sila. Sinabi lang nila na pumunta ako mag-isa… at kung hindi, may mangyayari kay Clayn.” Napamura siya nang mahina. “Typical tactics. They’re expecting you to come alone and unarmed. That’s their leverage.” “Zian… natatakot ako,” bulong ko, hindi
=Elvira’s Point Of View=Makalipas ang isang linggo, habang nakaupo ako sa sala kasama si Zian ay may ibinalita sa telibisyon.Ngunit napahinto ako nang makita ang mukha ng lalake na sinasabi nilang namatay dahil nabaril sa sariling bahay.‘Yung nasa litrato na sinend sa akin ng account na walang pangalan… Yung binaril ni Zian…’Nagitla ako at mapakurap. Nilingon ko si Zian ngunit parang wala siyang pakialam.Umiwas tingin ako bago pa niya mapansin at mariing pumikit. ‘Calm down, Elle. H-Hindi sigurado ang lahat…’“Sino kaya ang pumatay doon?” mahinang tanong ko. Tumikhim si Zian.“I don’t know hon. Maybe, kaaway? Since that man is politically involved,” mahinahon niyang sagot sa akin.“Ahh,” tango ko na lang.***Makalipas ang isa pang linggo ay nagsimula akong mag-ipon para sa business ni papa noon, at para sa mga utang ko kay Zian.Habang nagtatrabaho ako ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Clayn. Ngunit nang sagutin ko ‘yon ay hindi boses ni Clayn.“Glad you answered, Elvira M
Elvira’s Point Of View Kinaumagahan ay naalimpungatan ako sa gising ni Clayn sa akin. “Oh?” nagmamaktol na sabi ko at nagtakip ng mukha. “Ate! Si Kuya Zian mahiya ka naman!” ani niya at hinampas ang paa ko dahilan para matigilan ako at dahan-dahan na sumilip sa unan. “Ako na bahala Clayn, salamat…” rinig kong sabi niya kaya lumunok ako. ‘Nandito na siya…’ “Hon…” malumanay niyang tawag sa akin dahilan para pumikit ako ng mariin. “Mmm?” tugon ko habang may takip sa mukha. Naramdaman ko ang pagbigat ng kama at alam kong naupo siya hindi malayo sa akin. “Bakit nandito ka hon? Hindi ka sa condo?” mahinang tanong niya kaya bumangon ako at handa na sanang sumbatan siya ngunit nakita ko ang sobrang gwapong mukha niya ngayong umaga. “Ah, nagluto si mama kagabi. Kaya hapon pa lang pumunta na ako dito,” pagsisinungaling ko. Napahinto siya at tumango. “Okay hon, wala kang work today?” inosente niyang tanong kaya matagal akong tumitig sa mukha niya. ‘Paano yung natuklasan ko kag
=Elvira’s Point Of View= “Hon, whatever happens. Please trust me?” mahinang bulong ni Zian habang nakayakap sa akin. Ngumiti naman ako at tumango. “Mm, just don’t keep things from me…” Hindi na siya tumugon pa sa akin kaya naman nag-enjoy na lang kami sa day off naming dalawa. A few days later… Nagtataka ako nang hindi pa siya nakakauwi. It’s 10 PM and I got worried kaya sinubukan ko siyang tawagan. Pero out of reach ang kanyang cellphone. Habang inaantay siya ay napahinto ako nang may ma-receive akong text message from a random number. From Unknown Number: Gusto mong malaman kung nasaan ang pinakamamahal mong si Ian Zachary? 10:05 PM. Napalunok ako at napatitig doon, bago ako gumawa ng reply sa kanya. To Unknown Number: Nasaan siya? 10:07 PM. From Unknown Number: Ave. Street. Zone 4. You’re on this. Go and find out, or sleep weary. 10:09 PM. Huminga ako ng malalim at kinuha kaagad ang wallet at ang jacket ko. Lumabas ako mg condo wearing a light
Elvira’s Point Of ViewNaging okay naman ang relasyon namin ni Zian. Pakiramdam ko ay mas naging showy kami sa pagmamahal namin sa isa’t isa.A few months later… Hindi ko inaasahan na magtatagal kami ng ganito katagal. It’s been a year since tinanong niya ako to be his girlfriend. Mas stable na ang work ko bilang engineer at live-in na rin kaming dalawa. Masaya nga ako at sa iisang bubong kami nakatira.Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang buhay ko sa piling ni Zian. Sa totoo lang, marami akong pangarap noon, pero hindi ko inisip na kasama siya sa mga iyon. Pero ngayon, parang hindi ko na kaya pang mag-isip ng buhay na wala siya.Sa isang taong magkasintahan kami, marami na kaming pinagdaanan. May mga tampuhan, selosan, at mga araw na hindi kami magkasundo, pero sa dulo, palaging siya pa rin ang gusto kong kausapin, yakapin, at kasamang humarap sa lahat ng hamon.“Hon, are you done na sa designs?” tanong ni Zian habang naglalakad papasok sa maliit naming home office. Naka-s
=Elvira’s Point Of View= Nang makapagbihis ng presentable at dumeretso kaagad kami ni Zian. “Hon, calm down… Relax,” natatawang sabi niya habang nagmamaneho at inabot ang kamay ko para hawakan. Lumabi ako at sinulyapan si Zian. “Syempre noon fake relationship. Eh ngayon totoo na ‘to,” pabulong kong pagdadahilan na mahina niyang ikinatawa. “What’s the difference?” “Ngayon ayoko na ma-disappoint sila kasi gusto kita, paano kung bigla akong abutan ng 10 million para layuan ka?” pagbibiro ko. Natawa siya. “I’ll double it so you won’t have to leave me—” “Hoy! Hindi ko naman tatanggapin ‘yon!” gulantang kong sabi dahilan para malakas siyang humakhak. “Ay hindi ba, sorry ate ha, sorry hahahhaa!” halakhak pa niya kaya lumabi ako. Nang makarating sa kanila ay ninerbyos ako ng husto. Nakagat ko ang ibabang labi. “Good evening po,” bati ko at mabilis na lumapit upang magmano sa parents at grandparents nila. “Mabuti naman at nakadalo ka, pasok ka tara…” anyaya ng mommy ni Zian ka