Dinala ako ni Markus sa bahay niya. Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon ako ulit makakabalik dito. “Stay here. Kukunin ko lang ang med kit,” sabi niya.Tumango ako at naupo sa sofa. Nagtungo si Markus sa may kusina at pagbalik ay may dala na siyang med kit. Umupo rin siya sa tabi ko at pinagmasdan muna ang mukha ko.Bumaba na lang ang tingin ko sa aking mga daliri. Hindi ko siya magawang tingnan dahil alam kong naaawa siya sa akin.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya. “I respect Kuya Peter but today I really want to punch him. He's so unreasonable. Hindi na tama ang ginawa niya.”Bumalik ang tingin ko kay Markus at nakitang nakakunot nang husto ang noo niya. “Mas lalo siyang nagalit no’ng sinabi kong ikaw ang tumulong sa ‘kin para i-save ang company,” sabi ko.He sighed again. “For sure, umiral na naman ang mataas niyang pride.”Kumuha siya ng bulak at may nilagay doon bago niya hinawakan ang baba ko. “Let’s clean your wound first,” he said.Marahan akong tumango at hinayaan
“What are you going to cook?”Pagkatapos naming mag-usap kanina ay hinayaan muna ako ni Markus na magbihis. Syempre damit niya ulit ang isinuot ko dahil wala pa naman akong damit dito. Nang matapos ako ay naabutan ko siyang nagluluto.Sakto nakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi pa nga pala kami nag-lu-lunch.“Just some pasta. Mamayang dinner, sa labas na lang tayo kumain,” sabi niya.Tumango ako at ngumiti. Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko at mas lalo akong nai-inlove sa kanya. Mayamaya lang ay pinatay niya na ang stove at isinalin sa lalagyan ang pasta na niluto niya. Kumuha na rin ako ng dalawang plato para sa amin at dito na kami sa kitchen island kumain. Hinayaan niyang tikman ko muna ang pasta at pinanood niya pa ang reaksyon ko.“How does it taste?” he asked.I gave him a thumbs up. “Sobrang sarap! Alam mo pwede ka ding magkaroon ng sarili mong restaurant. Pang-chef level ang galing mo e.”Natawa naman siya. “I still have a few businesses to run. Baka hindi ko na mapat
Just like what he said, the next day we went to buy some clothes. Hindi ko naman papabayaran sa kanya lahat dahil may pocket money naman ako. At meron din akong personal debit card kung saan ko inilagay ang mga kinita ko sa mga paintings ko noon.Tinotoo kasi talaga ni dad ang sinabi niya. Pinaputol niya ang cards ko na siya ang nagkokontrol. Wala rin naman akong balak na gamitin iyon dahil itinakwil na nila ako.Maybe for them, I’m not a Dela Vega anymore. But for me, they're still my family.“Choose everything that you need. We can do another shopping when we arrive to Batanes,” he said.I nodded. “Okay. Hindi ka ba papasok sa work ngayon?”He glanced at his wristwatch. “I have a meeting after lunch. Do you want to come with me in the office?”Nag-isip ako saglit. Wala naman akong gagawin sa office niya at saka baka makaistorbo lang ako sa kanya ro’n.“Mag-lunch na lang tayo together then magta-taxi na lang ako pauwi. Baka magkita pa kami ni Gretta doon tapos magkagulo pa,” sabi ko.
Nang magising ako ay napansin kong madilim na sa labas. Dahandahan akong bumangon at tiningnan kung nandito ba si Markus pero wala siya. Kaya naman inayos ko muna ang buhok ko bago ako lumabas ng kwarto.Bumaba ako sa living room kung saan naabutan ko si Tita Maricel. May binabasa siyang magazine pero agad ding napaangat ng tingin sa akin.“Hello po, tita,” bati ko sa kanya.Ngumiti siya. “Hi, Savrinna. How’s your rest? Nakapagpahinga ka ba nang maayos?”Tumango ako. “Yes po. Si Markus po pala nasaan?”“Umalis lang siya saglit. Come, sit here with me.”Lumapit ako kay Tita Maricel at naupo sa sofa katabi niya. Fashion magazine pala ang hawak niya at nang makita ko kung anong magazine iyon ay bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Iyon ‘yung magazine kung saan ako nag-model noong nasa states ako. Hindi ko lang sure kung latest ba iyon o anong version. “Gaano katagal na kayo ni Markus?” Napatingin ako kay Tita Maricel nang magtanong siya. Bahagya akong ngumiti.“Ahm...ano po kasi, noong
Sa mga sumunod na araw ay mas lumala ang mga nararamdaman kong sintomas sa katawan ko. At alam kong may paraan para makumpirma ang iniisip ko.Mabuti na lang at nag-aya si Tita Maricel ngayong araw na magpunta sa bayan. May bibilhin daw kasi siya. “Are you ready, Sav?” Tita Maricel asked.I nodded. “Yes, tita.”Hindi makakasama sa amin si Markus dahil may zoom meeting daw siya ngayon. Kaya magpapahatid na lang kami ni tita sa driver. “Take care, okay? Huwag magpagod masyado baka mahilo ka na naman,” sabi ni Markus pagkasakay ko ng sasakyan.Tumango ako. “Okay. Uuwi kami agad ni tita pagtapos namin doon.”He pecked my lips and I blushed. Katabi ko lang dito sa sasakyan si tita Maricel kaya sure akong nakita niya iyon. Ito talagang si Markus ayaw magpaawat.“I love you,” he said.I smiled. “I love you, too.”Finally, sinarado niya na ang pinto ng kotse kaya nakaalis na rin kami. Walang shopping malls dito sa malapit pero marami pa rin namang mga shops dito. Ang plano ko ay pupuslit la
We’re engaged. I can finally call him my fiance. And after how many months, we will get married already. Kumain kami ng dinner ni Markus hanggang sa tuluyang lumubog ang araw. Mag-aalala na sana ako dahil dumilim na talaga ang paligid pero isa-isang sumulpot ang mga ilaw na sinet up din pala ni Markus.I smiled. “You did all of these?”He smiled too. “I won't take all the credit. Tinulungan ako ng ilang staff sa resort. But these are all my ideas.”“This is so romantic, Markus,” I said.“It’s a mission accomplished, I guess. I love you.”“I love you, too.”We finished our dinner before we decided to go home. Hindi ko maalis ang titig ko sa singsing habang nasa byahe kami pauwi. “Welcome to our family, Sav!”Niyakap ako ni Tita Maricel pagkapasok pa lang namin ni Markus. Mukhang kanina pa nga siya naghihintay sa amin. “Sobrang saya ko dahil engaged na kayo ng anak ko,” sambit pa ni tita bago siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.Napangiti naman ako. “Salamat po, tita.”“From now on,
Mahigit limang taon na ang nakalipas mula nang huli ko siyang makita. Pagkatapos akong iligtas ni Markus nang araw na ‘yon mula sa taong ‘to, wala na akong narinig na balita mula sa kanya.Ni hindi na rin siya nabanggit ni Markus hanggang sa makaalis ako papuntang America. Kaya ngayong nandito siya ulit sa harap ko, natatakot ako nang sobra. Buti sana kung ako lang ang mapapahamak pero hindi. May buhay na sa loob ng sinapupunan ko na dapat kong protektahan.“Ano ba talagang kailangan mo? At sino ang boss mo? Pakawalan mo na ako!” sigaw ko.Natawa siya. “Wala naman akong kailangan sa ‘yo pero kay Markus, meron! Gusto ko siyang gantihan sa pagsira niya sa negosyo ko at sa buhay ko! At ikaw! Ikaw ang gagamitin ko para gantihan siya!”“Nababaliw ka na, Uno. Kung ano man ang nangyari sa ‘yo, deserve mo ‘yon dahil masama kang tao!” pagsigaw ko ulit.Mabilis siyang lumapit sa akin at sinakal ko. Napasandal ako sa pader habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko. Kitang-kita ang ga
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Payapa naman itong mga nakalipas na mga araw namin sa resort. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nandito ako, nasa panganib sa kamay ng mga kaaway ni Markus.Dinala nila ako sa isang kwarto. Maayos ang itsura nito tulad ng isang guest room sa resort. Kung nandito ako sa ibang pagkakataon, baka nagawa ko pang mamangha. Pero wala akong ibang maisip ngayon kundi ang kung paano ako makakatakas dito.Lumapit ako sa may bintana para tingnan kung may matatakasan ba ako pero bukod sa mataas iyon ay nakakadena rin ang bintana.Bumuntunghininga ako bago naupo sa kama. Hinaplos ko ang tiyan ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa ipinagbubuntis ko. Muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Uno. May dala siyang tray na may pagkain. Lumapit siya at padabog na inilapag ang tray sa may mesa. Napaigtad pa ako sa gulat at takot.“Kumain ka.”Tiningnan ko iyon at nakitang isang pirasong pritong man