Anika's POVNAGLALAKAD ako sa gilid ng daan pauwi sa bahay ni Daryl. Dahil buong araw akong naghanap ng trabaho, pakiramdam ko, hapong-hapo ako. Idagdag pa ang naging pag-uusap namin ni Isaac Romano.Isaac Romano. Israel Romano. Natatandaan ko na, naikuwento na sila sa akin ng mga katulong ni Don Enrico noong nasa Hacienda Altagrasia pa ako.Si Israel Romano ang dumukot at nakarelasyon ni Isabella, ang nag-iisang anak na babae ni Don Enrico. Hindi matanggap ng don ang relasyon nila kaya tinakwil niya si Isabella. At ang mga Romano rin ang pumatay sa panganay na anak ni Don Enrico na si Draven Altagrasia.Teka, legal ba ito? Nasa labas sila at namumuhay nang normal matapos ng ginawa nila sa mga Altagrasia? At saka, ang boss ko ay isa ring Romano!Hindi pa nga pala boss dahil hindi pa ako opisyal na secretary niya. Naalala ko tuloy ang nangyari kanina bago ako umalis ng kaniyang kompanya.***"Bago ka tuluyang magtrabaho rito, tatanungin muna kita. Are you willing to work for me?"Nakau
Anika's POVMAKALIPAS lang ang ilang sandali mula nang magtalo kami ni Daryl, narinig ko ang pagkabuhay ng makina ng sasakyan niya at ang pag-andar nito palayo. Nayakap ko ang sarili kong unan nang maisip na umalis siya."Wala akong pakialam," bulong ko sa sarili ko.Muli na naman kumirot ang puso ko nang maalala ang mga nangyari sa Hacienda Altagrasia. Napakaganda ng lugar na iyon, parang paraiso, pero dahil sa mga nangyari, nagmistulan siyang bangungot sa akin.Pinilit kong matulog upang hindi na maisip sina Mama at Daryl. Isa pa, maaga pa ako bukas. Hindi naman ako nabigo dahil makalipas lang ang ilang sandali, tuluyan akong nakatulog.Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mainit na palad na humahaplos sa aking pisngi. Nang mapagtanto ang nangyayari, napabalikwas ako ng bangon sa takot na baka may nakapasok na ibang tao sa bahay."Daryl?!" bulalas ko nang makita siyang nakatayo sa tabi ng kama ko."I'm sorry. Did I wake you up?" he asked in a low and husky voice."Daryl, anong gin
Anika's POVNAKASUNOD ako sa likuran ni Sir Isaac, kalalabas lang namin ng police station. Hindi ako makapaniwala na binayaran niya ng kalahating milyon ang babaeng iyon para sa akin.Tumigil ako sa paglalakad. Paano ko siya mababayaran? Saan ako kukuha nang ganoong kalaking halaga?"Anika?"Nagising ako sa malalim na pag-iisip. Nakita kong nakaharap na sa akin si Sir Isaac, may pag-aalala sa simpatico niyang mukha."Sir, hindi n'yo na po dapat ginawa iyon. Napakalaki po ng kalahating milyon."Naglakad siya palapit sa akin at binigyan ako maliit na ngiti. "Anika, I'm your boss. Dapat tinawagan mo ako, responsibilidad kita.""Hindi mo po ako responsibilidad.""Naganap ang aksidente habang nagtatrabaho ka sa akin. Partyly, I am responsible for what happened.""Sir, babayaran ko po kayo. Pangako, magbabayad po ako."Hinawakan niya ako sa isang balikat. "How about a thank you first?" He smiled. "Huwag mo na muna isipin ang bayad. Namumutla ka. You're still shocked. Let's go to the clinic.
Anika's POVMARAHAN na ginulo ni Daryl ang buhok ko habang banayad na nakangiti. Ang init na ng mukha ko kanina, pero ngayong nakatingin ako kay Daryl, parang mas lalong nag-init ang mga pisngi ko.Tumayo siya at lumapit sa built-in cabinet. Nagtataka kong sinundan ng tingin si Daryl, may hinahanap siya sa loob at hindi ko alam kung ano."Anong ginagawa mo?"Hindi siya sumagot kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya. Pagbalik niya, may dala na siyang mga damit "Ano iyan?""Damit. Hindi ba halata?"Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam kong damit iyan, pero para saan? B-bakit kinuha mo ang damit ko?""You need to change. Basang-basa na ng pawis ang damit mo."Sandaling nanlaki ang mga mata ko bago nagsalubong ang mga kilay ko. "Kaya ka nandito para diyan, ano? May sakit na nga ako, bastos ka pa rin!"He looked at me with astonishment in his eyes. "Really, Anika? May sakit ka na't lahat, nagagawa mo pa rin akong pag-isipan nang ganyan?"Natatawa siyang lumapit sa akin.Sunod-sunod akong u
Daryl's POVNAPALINGON ako nang makarinig ng katok. Ipinagsawalang bahala ko iyon at tumuloy sa kuwarto ni Anika para kunin ang gamot. Pagkatapos ay nagmamadali akong bumaba ng hagdan.Wala na si Anika sa loob ng kitchen nang makabalik ako. Nakabukas din ang pintuan ng bahay at naririnig ko ang boses niya na parang may kausap.Sino naman ang bibisita sa kaniya?"Anika?" Lumabas ako at natigilan nang makita si Anika kasama ang isang tao."Daryl!" bulalas niya. Gulat ang makikita sa kaniyang buong mukha.My brows furrowed with the person standing next to her. "Sino iyan?"Bumaba sa kabuuan ng isang babae ang paningin ko. Nakasuot ito ng croptop at shorts. Maputi at maganda ang hubog ng katawan. Ngumiti ito sa akin nang magtagpo ang mga mata namin."D-Daryl, ito nga pala ang kaibigan ko, si Adela. Adela, si Daryl... ""Hi," she said, extending her hand for a shake.I nodded my head at her. "Hey."Nag-shakehands kami, pero nang babawiin ko na ang kamay ko, natigilan ako at napatitig sa na
Anika's POVINIS na pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko. Simula nang makilala ko si Daryl, wala na akong ibang ginawa kundi umiyak nang dahil sa inis. When it comes to making me angry, he never disappoints. I hate him to the core.Bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Muntikan ko nang sigawan ang pumasok sa pag-aakalang si Daryl ito. Natigilan ako nang makita si Adela."Hey, papasok na ako, ah?"Kahit wala sa mood ay pinilit kong ngumiti. Actually, hindi nakadagdag ang presensya niya para mabawasan ang inis na nararamdaman ko. Nakita ko kung paano siya tingnan ni Daryl kanina, at kung gaano kalapot ang titig niya dito.Halatang type niya si Daryl."Ang drama, ah? Parang soap opera." Nakadekuwatro siyang umupo sa tabi ko."My life is toxic. Mula sa tatay, kay mama, at ngayon, sa lalaking minahal ko.""Idagdag na natin ang ex mo."Pareho kaming natawa sa sinabi niya. Huminga ako nang malalim at pilit iyon ibinuga para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko, pero hindi iyon nangyari. Bawat s
Anika's POVNAGING abala na ako nang makabalik si Sir Isaac sa office kaya nawala na rin sa isip ko ang nangyari sa restaurant. Bumawi ako kaya subsob kaming dalawa sa trabaho. Lalo ngayon na may pinaghahandaan silang malaking proyekto.Nang dumating ang oras ng labasan, hindi pa rin ako umaalis ng opisina. Abala kong hinahanda ang mga papeles na kakailanganin ni Sir Isaac para sa business trip niya. Isa pa, ayaw kong umuwi. Ayokong makita si Daryl."Ang sipag naman ng PA ko."Natigilan ako sa ginagawa at nilingon ang pinto kung saan pumasok si Sir Isaac. Nagpaalam kasi ito kanina at may pinuntahan."Bumabawi lang, sir.""Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo. Kagagaling mo lang sa sakit."Lumapit siya sa mesa ako. May sarili akong work desk dito sa loob mismo ng office niya. Ang gusto niya kasi, nasa malapit lang ako para madali niya akong matatawag."Here, I bought us something to eat." Malaki ang ngiti sa kaniyang labi nang ipakita sa akin ang takeout niya mula sa isang sikat na
Anika's POVTULALA ako habang walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko. My whole life just flashed before my eyes. Buong akala ko ay mamamatay na kami."Are you okay? Anika, are you hurt somewhere? Anika!"Nang yugyugin ni Daryl ang mga balikat ko ay saka lang ako natauhan. Kumawala ang mahihinang hikbi sa mga labi ko habang tumatango sa kaniya."God." Mahigpit akong niyakap ni Daryl.Nang mapansin nitong nakatigil ang sasakyan na kamuntikan nang bumunggo sa amin, mabilis siyang umibis ng sasakyan at galit na nilapitan ang driver."You fucker! You almost got us killed!"Mariin akong pumikit habang naririnig ang galit na boses ni Daryl. Nang lumingon ako, nakita kong nakahandusay na sa daan ang lalaking walang tigil nitong sinusuntok."My wife is pregnant! Do you hear me? Kapag may nangyaring masama sa anak at asawa ko, papatayin kita!"Nagmadali ako sa pagbaba. Kamuntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Natigilan ako nang makita ang dalawang batang bab