Phase 2
Tahimik ko lamang na tinitingnan ang mga litrato na nakadikit sa pader ng kwarto.
Mga masasayang litrato na sana ay maulit pa, mga panahon na kumpleto pa kami at masaya.
Agad akong nag bihis ng simpleng printed t-shirt at maong shorts bago lumabas ng bahay. Pupunta na lamang ako kina Jonamie ngayon, isa sa mga pinsan ko.
Isa si Jonamie sa mga kinu-kuwentuhan ko tuwing masaya o malungkot ako. Sa kasamaang palad, isa si Jonamie sa hindi pinalad na makita kung gaano kaganda ang mundo.
Bulag si Jonamie at iniwan ng kaniyang magulang kina inay at tatay. Ang kaniyang nanay na si Tita Ade ay nakapangasawa na ng kapwa OFW sa ibang bansa at pinapadalahan na lamang si Jonamie ng pera bilang sustento rito.
Agad kong tinahawak ang daan papasok ng kuwarto niya at hinagakan siya mula sa likod.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Saffy?" pagtatanong niya saka kinapa ang aking mukha na tila naninigurado kung ako nga ba ang kaharap niya ngayon.
Nang matapos siya ay agad naman niyang hhnawakan ang mga kamay ko.
"Alam ko'ng malungkot ka, mag kuwento ka na." sabi nito na tila saulado na pati ang paghinga ko.
"Kilalang-kilala mo talaga ako, Mimi," sagot ko at niyakap siya.
Napaka maalalahanin at maalaga ni Jonamie. Ayaw niya na malungkot ang taong nakaka-usap niya dahil ayaw niya raw na nadadagdagan pa ang kalungkutan na nararamdaman niya.
Napa buntong hininga ako. Tears started to flow over my cheeks, I started sobbing.
Tila sa paghagulhol ko na lamang mailalabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Miss mo na siya, ano?" at hinaplos niya ang aking ulo sabay hawak sa aking mga pisngi.
"Hindi ko alam, Mimi, e. Nangako naman siya na babalik siya at handa naman akong maghintay. I just can't accept the fact na natiis niya akong hindi kausapin."
Ayos lang naman kasi sa akin na sabihin niyang hindi ako gustong maka-usap pa, tatanggapin ko naman, e. Ang hindi ko lang matanggap ay kahit simpleng 'Hi' o 'Hello' ay hindi niya pa ma i-chat o text sa akin.
"Sinubukan mo na bang tawagan siya?" pagtatanong nya sa akin.
"Hindi ko siya tinawagan pero ni Rowie, oo. Ang kaso, 'yong girlfriend niya 'ata ang sumagot kaya hindi rin namin siya naka-usap." sagot ko na medyo kalmado na.
S'yempre, hindi maiintindihan ni Jonamie ang sinasabi ko kung patuloy akong iiyak.
"Bakit hindi mo subukan, ngayon?"
Napatahimik ako, hindi dahil sa gulat kun'di sa takot.
"Paano kung hindi niya sagutin?"
Natatakot ako, takot na takot ako sa puwedeng sabihin ni Oreus kahit may hint na naman ako kung ano 'yon. Na may bago na siya at maaring hindi niya lamang masabi sa akin dahil sa pangako niya.
"Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan. H'wag kang magpadala sa takot, Saffy. Hindi ka naman n'yan matutulungan, e."
Dahil sa sinabi niya ay agad ko ring na-realize ang maling nagawa ko.
Dapat nga nagtanong muna ako bago magduda, dapat nilinaw at pinag usapan muna namin ang lahat bago ko pinangunahan ng doubt at 'what ifs' ko.
Inayos ko muna ang sarili ko dahil siguradong namumula ang mga mata ko habang si Jonamie naman ay tahimik lamang at nakangiti na tila alam na agad ang gagawin kong kilos.
Nang matapos akong mag-ayos ay agad-agad ko rin na kinuha ang aking cellphone. Binuhay ko ang aking data at sinimulan nang tawagan si Oreus.
Ilang ring pa lamang ay may sumagot na, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakangiting tumingin sa camera. Ngunit agad din nabawi ang ngiti ko ng ang babaeng sumagot nang tawag ni Rowie noon ang sumagot naman ngayon.
"Hello, Saffira? Wala ngayon si Vielle, e. Naiwan niya ang cellphone niya rito sa kuwarto ko dahil lumabas siya saglit."
Agad kong tiningnan ang background ng babae at puro puti ang nakikita ko. Mukhang pareho pa yata kami na puti ang kulay ng pintura ng kuwarto.
Pansin ko ang pagiging ilang nang tingin niya sa akin. Bumuntong hininga ako at saka sumagot sa kan'ya.
"Kumusta na ba siya, Miss? Napatawag lang ako kasi hindi raw nakakausap ni Tita Minerva si Oreus, e. Nag-aalala lang si tita."
Kahit hindi naman talaga 'yon ang rason ko kung bakit ako tunawag ay iyon na lamang ang naging dahilan ko. Nasasaktan ako sa nakikita at sa nariririnig ko.
"I'm Stephanie Parsaige Sarmiento, kahit Steph na lang ang itawag mo sa akin," sabay ngiti nito at dahil doon ay nawala rin ang mata niya tulad ng kay Oreus.
Napaka ganda niya at hindi na ako magtataka kung ito nga ang napiling maging girlfriend ni Oreus. Na-insecure ako bigla.
Ito ba Oreus? Siya ba ang ipinalit mo sa akin?
I'm fine with it though. Hindi ko naman kailangan na magtaka pa, e. Kitang-kita na naman na mas lamang si Steph sa akin. Ang maamo at inosente niyang mukha ay sapat na para ipagpalit ako ni Oreus sa isang tulad niya.
Siguro nga, kailangan ko na lang talaga tanggapin ang lahat. Na hindi lang simpleng pag kaka-crush ang naramdaman ko kay Oreus dahil hindi naman ako masasaktan ng ganito kung simpleng crush lang ito, e.
Nginitian ko si Steph. "Saffy nalang din, Steph. Nice to see and talk to you like this. Please, pakisabi na lang kay Oreus na tumawag ako. Salamat."
Tumango siya sa akin 'saka pinatay ang tawag. Tiningnan kong muli si Jonamie at mukhang kahit siya at nalungkot sa naging resulta nang pagtawag ko kay Oreus.
Well, wala na naman akong choice, e. Hindi siya ang sumagot ng tawag ko kaya hindi siguro ito ang tamang oras para mag-usap kami.
"Maybe, next time. Okay lang naman, Mimi."
Hinaplos ko ang balikat ni Jonamie pra iparating na ayos lang ako.
"Subukan mo ulit sa susunod, Saffy. 'Wag mong tigilan hanggang hindi mo nakakausap."
Humaba pa ang usapan namin ni Jonamie at ilang oras pa ang nakalipas tsaka pa lamang ako nagpasya na umuwi.
Masaya ko naman na tatanggapin lahat kung natuloy lang pag-uusap namin ni Oreus kanina. It's just a pupply love. Bata pa kami at hindi naman habang buhay na ako lang ang magugustuhan niya, gano'n din ako.
"Ate, kakain na raw sabi ni mama," pagtawag sa akin ni Azamy 'saka isinara ang pinto ng aking kuwarto.
Sa likod ng pinto ng aking kuwarto ay makikita ang ipinagawang kalendaryo noon ni mama.
Malapit na pala ang birthday ko, ang birthday namin ni Oreus.
Minsan napapa-isip ako kung Oreus nga ba talaga ang pangalan niya, e. Kung ang pagkatao niya ba ay iyon talaga o nabago lang dahil kinupkop siya ni Tita Minerva.
Oreus is a walking puzzle.
Agad akong napa buntong hininga at tinahak na ang papunta sa kusina.
"Kumusta ang school, Saffira? Balita ko marami ka na raw kaibigan?" pagtatanong ni papa nang maka-upo ako sa aking upuan.
"Opo, Papa."
Hindi naman lahat kaibigan, sometimes they are just there when they need me. Maybe?
Nagpatuloy lang kami sa pagkain. Nag-uusap lang si mama at papa tungkol sa trabaho nila samantalang si Azamy ay maya't-maya lang nagtatanong sa akin tungkol sa mga puwedeng basahin na story at kung minsan naman ay sa mga assignment niya.
Si mama ay isang teacher sa isang Elementary School samantalang si papa naman ay driver ng truck tuwing anihan ng mga palay, tubo o mga gulay.
Nang matapos na kaming lahat sa pagkain ay nag preinta na ako na maghugas ng mga pinggan dahil si Mama ay mag-aayos pa ng lesson plan, si Papa ay magpapahinga na habang si Azamy naman ay gagawa pa ng assignment niya.
Hinugasan ko lahat 'saka nagwalis para na rin maalis ang mga kalat. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa aking kuwarto.
Ano kaya ang gagawin ko sa birthday ko? Mag-isa na lamang ako na mag bi-birthday since wala naman si Oreus ngayon, e.
Nag scroll up and down na lamang ako sa f******k at maya't-maya ay tinitingnan ang messenger ng makitang online si Oreus ay agad kong pinindot ang kaniyang profile.
Should I chat him? O tsaka na lamang?
Nagtatalo ang dalawang side ng utak ko. Wala rin akong nagawa kaya chi-nat ko na rin si Oreus.
Saffira Ray Vordez:
Kumusta na, Oreus?Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil sa kaba. Na baka kung ano ang sabihin niya o baka hindi niya ako reply-an. Inayos ko na ang mga gamit ko na kailangan para bukas at 'saka naghanda na rin para sa pagtulog.
KINABUKASAN, pagkatapos namin kumain ng umagahan ay nagpunta rito sa bahay si Remus at sinabing doon na raw ako sumabay sa kaniya.
"Grabe, ang aga mo naman 'ata ngayon, ah?" biro ko kay Remus.
Minsan lamang kasi kami magkasabay papasok ng school at madalas ay late siya sa hindi ko malaman na dahilan dahil hindi naman ako nagtatanong sa kaniya.
Sakay sa tricycle papunta ng school ay may nakita akong pamliyar na bulto sa tapat ng gate. Agad akong bumaba at dinaluhan ang lalaking matagal ko ng hanahanap-hanap pero mukhang nagkamali na naman ako.
"Ay nako, Miss. Hindi po Oreus ang pangalan ko kung iyon ang itatanong mo. Ako po si Morpheus, kapatid ni Oreus."
Tila nabasa ng lalaking ito ang nasa isip ko kaya pinangunahan na niya ako bago pa ako magsalita.
He's not Oreus, at nagpakilala siya sa akin bilang kapatid ni Oreus. May mali, e, wala man lang nabanggit sa noon sa akin na may kapatid siya.
O kapatid niya talaga si Morpheus sa totoo nilang magulang at hindi niya rin alam?
Kilalang-kilala ko si Oreus! Alam ko kahit ang paraan ng pag ngiti, paglalakad, kahit ang paghawak nito sa batok at pamumula ng tenga niya sa tuwing nahihiya siya.
Alam kong siya si Oreus!
Pero ano ba'ng pakielam ko pa?
"May problema ba, Saffy?" pagtatanong ni Remus. Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala siya.
Agad akong hinila ni Remus palapit sa gate at pinauna sa pila para makapasok na kami. Ipinakita ko kay Kuyang Guard ang aking I.D at 'saka niya lamang ako hinayaang pumasok sa loob.
Hindi pa rin ako mapakali. Sino naman ba itong 'Morpheus' na ito? Kapatid ni Oreus?
Agad akong napahawak sa d****b ko dahil sa kirot na naramdaman. Hindi agad pumapasok sa isip ko ang nalaman ko ngayong umaga.
May kapatid ba talaga si Oreus?
"Saffy, kanina pa akong nagsasalita rito. Nakakapagtampo ka na, ha!"
Napalingon ako sa gawi ni Remus na ngayon ay nakasimangot na. Nginitian ko siya at 'saka ako tumigil sa aking puwesto para sabay na kaming maglakad paakyat ng second floor.
"Ano ba talaga ang problema, Saffy? Ano na naman ba ang bumabagabag sa'yo?" sabay hawak sa kaniyang baba at umaktong napakalalim ng iniisip. Marahan akong napangiti sa ginawa niya.
Mali nga, Saffy. Hindi mo na dapat pa iniisip ang mga gano'ng bagay! Wala ka na dapat pakielam doon!
Nginitian niya ako at hinila ang pisngi ko.
"Gany'an dapat, tumawa dapat lagi! Umagang-umaga, nakasimangot ka tapos parang ang lalim pa ng iniisip."
Nagpatuloy na lamang ako sa pag-akyat at halos manigas ako sa puwesto ko nang makitang naka tayo si Morpheus sa tapat ng bintana na malapit sa aking upuan.
Hindi ko na lamang siya pinansin pa at umupo na lamang ako sa aking upuan.
"So, ikaw pala si Saffy?" gulat ko ng bigla siyang magsalita at umupo sa tabi ko.
"Oo, may problema ba tayo do'n?" sabay taas ko ng kilay habang nakatingin sa kaniya.
I can't help it! Kahawig niya talaga si Oreus kaya hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan.
"Suplada!" ismid nito 'saka umalis sa tabi ko.
Nakita ko si Remus na nasa corridor habang kausap si Polly habang si Cyd naman ay nag se-selfie lamang.
Since maaga pa naman at mamaya pa ang simula ng klase ay agad akong lumabas ng classroom. Balak kong puntahan si Rowie sa third floor para kumustahin, kaso, hindi ko alam kung nandoon na siya.
Bitbit ang aking cellphone ay tinahak ko na ang hagdan pa-akyat ng third floor.
"Sinong pupuntahan mo, Ms. Suplada? Boyfriend mo?" nagulat ako ng may nagsalita.
Napatingin ako kung sino ang nasa likod ko at mukhang wala siyang pakielam 'saka niya inilagay sa kaniyang bibig ang kinakain na lollipop.
Hindi ko na lamang siya kinausap pa at dumiretso sa paglalakad.
Bakit ba ganiyan ka sa kaniya, Saffy? Wala naman siyang kasalanan 'di ba? 'Yong kapatid niya ang meron.
Ah, basta! Hindi ko talaga kayang makipag-usap sa kaniya ngayon!
"Suplada talaga nito," at hinila ni Morpheus ang braso ko.
"Wala ka ba talagang balak kausapin ako?" biglang seryoso na saad nito.
"P'wede ba, Morpheus o kung sino ka man? H'wag mo nga akong kausapin o guluhin, hindi tayo close kaya 'wag mo akong sinusundan!" halata sa boses ko ang inis.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at iniwan siya roon.
Hindi ko alam, pero kahit ano'ng gawin ko ay si Oreus lamang ang naaalala ko sa kan'ya.
Nasasaktan ako 'pag nakikita ko si Morpheus kahit na hindi naman siya si Oreus.
Nasasaktan ako sa katotohanan na tinapos na lahat ni Oreus ang lahat ng wala man lang dahilan.
"H'wag mo na akong tawagin o hintayin pa, Saffy. Masaya na kami ni Stephanie,"
He blocked me at kahit tawagan ko siya sa number niya ay cannot be reached din siya.
Paano ako magiging kumportable kung nakikita ko si Morpheus na kamukha ni Oreus?
Phase 3 Ilang araw na rin ang nakalipas magmula ng ipakilala si Morpheus bilang kaklase namin at ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap o nag papansinan man lang. As if may balak akong kausapin siya. Naging sikat si Morpheus sa mga babae rito at nakilala rin siya ng iba dahil sa kapatid ito ni Oreus na sikat naman noong Junior High School kami. Hindi rin kasi ma ita-tanggi na may angking ka-g'wapohan din naman siya at balita ko ay honor din ito sa dati nitong school. May ilan din na nagtatanong sa akin kung may gusto o nanliligaw ba raw si Morpheus sa akin dahil napapansin din 'ata nila ang pangungulit at pagpapansin nito sa akin. Isa na rin sa nagtanong sa akin no'ng nakaraan si Polly, siguro ay ipina-patanong ng mga kaibigan niya na may gusto kay Morpheus. Kaya naman siguro ako kinukulit ng lalaki na 'yon dahil wala siyang mapag trip-an.
Phase 4 Sa bawat oras na lumilipas, masasabi mo talaga na napaka bilis ng araw dahil na rin sa iba't-ibang nangyayari sa ating buhay. Parang kahapon lang ay bata ka pa na nasasaktan at iiyak lamang sa tuwing papagalitan ka ng magulang mo sa mga mali'ng bagay na nagagawa mo. Ngayon, nasasaktan ka dahil alam mo na nga'ng mali, sumusugal ka pa. Tulad ng pagsugal ko sa nararamdaman ko at pag-asa kay Oreus, na pagdating ng tamang panahon ay ako pa rin ang mamahalin at hahanap-hanapin niya. Pero nagkamali na ako dahil walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay lalo na at napaka layo niya sa akin. Halos hindi ko rin naisip na kaya akong ipagpalit ni Oreus ng gano'n na lamang. Na kaya n'yang ipagpalit ang matagal naming samahan para sa babae'ng bago niyang minamahal. Kung tutuusin, kaya ko naman tangga
Phase 5 Agad namin'g tinahak ni Morpheus ang daan papunta sa kabilang building kung nasaan ang Guidance Office kasama si Kuya Jerome, ang pinsan ni Remus na President ng SSG. Hindi kami gano'ng ka-close dahil matagal din nawala si Remus at hindi naman kami nakakapag bonding na tulad noon. Grade 12 student na siya at STEM ang strand niya. "Bakit daw ako pinapatawag, Kuya Jerome?" nahihiya kong tanong sa kaniya. "May isang kaklase niyo ang pumunta kanina sa Guidance Office at nagsumbong na bi-nully mo raw siya. Kasama niya ang President niyo na si Jade. Nagpa pa-print nga lang ako ng mga reports doon, e. Naki suyo lang si Mrs. Capacio." Hinawakan ni Morpheus ang kamay ko na parang expected na niya ang mangyayari ngayon. Kinakabahan ako, wala naman akong ginawang masama pero sobra-sobra ang kabog ngayon ng d****b ko. First time lang itong mangyayari sa akn dahil
Phase 6 Days had passed ang Morpheus keep bugging me. Wala kaming pasok ngayon'g Friday since may seminar raw ang mga teacher namin. Marami sa mga kaklase ko ang natuwa at gano'n din naman ako ang masaklap, pati si mama kasama ro'n kaya hindi siya makakapag pahinga. Tumunog bigla ang cellphone ko at nakita na nag text na naman siya sa akin. No'ng una talaga ay laking gulat ko nang malaman niya ang number ko at ang tanging isinagot niya lang sa akin ay, "I just used my connections," na talaga namang kinainis ko ng sobra dahil sa kayabangan niya. Mukhang kay Remus niya nakuha ang number ko dahil magmula nang mapunta ako sa guidance ay biglang naging close silang dalawa. Nagulat na lang din ako nang malaman ko na close rin pala si Raize at Morpheus, hindi kasi halata 'pag nasa school dahil ang madalas lang naman na nakikita kong kasama ni Raize ay ang mga kaibigan niya tulad ni Cyd at Polly.
Phase 7 Hindi inalis ni Morpheus ang pagkakayakap niya sa akin. Tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa'ng pinipigilan. Si Morpheus naman ay hinahagod na rin ang likod ko, kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinahiran ang mga luha na tumulo sa mga mata ko. Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Remus kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. "Ano'ng ibig sabihin nito, Saffira?" pagtatanong niya at nakita ko'ng kasama niya si Raize na nasa likod lamang niya. Hinahagod nito ang likod ni Remus na parang pinapakalma ito. "Kailan pa, Saffira? Bawal ka pa'ng mag boyfriend sabi ni tito 'di ba? Eh ano 'tong ginagawa niyo ni Morpheus, ha?!" at hinila na niya ako palayo kay Morpheus. Nasasaktan ako sa mahigpit na pagkakahawak ni Remus kaya pilit ko rin'g inaalis ang kamay niya sa braso ko. Lumapit sa akin si Raize. "Remus, nasasaktan si Saffy. Bitawan mo nga
Phase 8 Tahimik lamang ako habang naglalakad kami papunta kina Morpheus. Magkaka barangay lang kami pero dahil nga hindi naman ako gano'ng gumagala ay agad akong napagod. Nakapunta na ako once sa bahay nina Tita Minerva, no'ng time na narito pa si Oreus at hindi ko rin naman in-expect na makakabalik pa ako rito. Ang kaibahan nga lang ay si Morpheus na ang kasama ko at hindi na si Oreus. Tahimik ang bahay nila nang makarating kami at mukhang wala rin sina Tita Minerva sa loob dahil noong unang beses ko'ng pumunta rito ay agad niya akong sinalubong.. I wonder where is Tita right now. Nagsimula nang magtanong si Raize at mukhang nagtataka rin. "Wala ba'ng tao rito ngayon, Stanley?" agad akong napabaling kay Raize dahil sa sinabi niya. Mukhang napansin ni Raize ang bigla kong pagtingin sa kaniya kaya agad din siyang nagsalita. "I mean, Morpheus pala. Mas gusto ko k
Phase 9 Ilang araw na rin ang nakalipas mag mula nang nangyari ang insidenteng 'yon sa bahay nina Morpheus at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkaka usap ni Remus. Kahit naman kasi gano'n ang nangyari ay hindi pa rin noon maalis ang pagtitiwala ko sa kaniya. Matagal ang pinagsamahan namin at kaya ko siyang tanggapin ulit kahit may nagawa siyang kasalanan sa akin. Siguro ay sobra lang siyang nasaktan dahil hindi ko nasuklian ang nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko rin siya masisisi, siguro nga ay hindi rin ako naging ma-ingat sa mga pakikitungo ko sa kaniya. Kaya gano'n na lang ang galit niya sa akin ay dahil umasa siya na gano'n din ang nararamdaman ko para sa kaniya. Magmula rin nang mangyari 'yon ay mas naging malapit sa akin si Morpheus. Kung dati sa likod siya naka upo dahil sinabihan ko siya na iwasan niya ako, ngayon naman ay mukhang wala na siyang pakielam kung ipagtabuyan ko pa siya. L
Phase 10 Pagmulat ko ng aking mata ay ang pamilyar na amoy ang pumuno sa ilong ko. Ang amoy ng aking kuwarto Kahit sumasakit ang aking ulo ay bumangon ako at bahagyang nataranta nang maaala ang nangyari sa akin. Agad akong bumangon at tumingin sa salamin para tingnan ang aking mukha. Walang kahit anong galos. Marahan ko'ng hinawakan ang aking ulo dahil sa sakit. Nakakapagtaka na wala ako'ng kahit ano'ng galos matapos ang ginawa sa akin ni Raize. Sinuri ko rin ang aking mga braso at binti kung may sugat o gasgas pero wala rin.\ How come? Gumaling agad-agad? Natigilan ako sa pagsusuri ng aking katawan nang maalala ang isa pa'ng nangyari kagabi. Ang pagdating ni Oreus. Kahit na medyo nanakit ang aking ulo ay dahan-dahan ko'ng ki
PHASE 14Nang makauwi si Morpheus ay dumiretso naman ako ng aking kuwarto. Ginawa ko na ang lahat para hindi na niya ako iwan dahil mahal na mahal ko siya at h'wag niya sana 'yong sirain pa.Habang naghahanda para sa pagtulog ay may kumatok sa pinto ng aking kuwarto. Lumapit ako roon at bumungad sa akin si mama kaya binuksan ko 'yon ng malaki para papasukin siya.Umupo si mama sa kama ko at mapanuri ako'ng tinitigan. "Bakit daw nagpunta rito si Morpheus?' pagtatanong niya sa akin at mukhang sinabi 'yon ni Azamy sa kaniya.Umubo muna ako bago nagsalita. "Ah, may sinabi lang po siya sa akin." sagot ko dahil 'yon naman ang totoo.Bago umalis si Morpheus ay niyaya niya ako na pumunta sa pasyalan sa kabilang bayan. Fiesta 'ata roon at sinabi raw ni Tita Minerva na isama ako.Tumikhim si mama na ikina-kaba ko. "Sobrang importante na kailangan ka pa talagang puntahan dito? Hindi ba puwedeng i-chat o i--text n
PHASE 13I remained silent, again..Well, all I can do is to trust him. Malaki ang tiwala ko sa kaniya dahil alam kong hindi ko siya mamahalin kung hindi ako nagtitiwala sa kaniya.“Saff, are you okay?” pagtatanong sa akin ni Morpheus sa kabilang linya. Kausap ko siya ngayon at kung minsan ay lutang ako dahil iniisip ko ‘yong narinig ko sa usapan nila.“Morpheus, sino ang tumawag sa’yo?” out of the blue ko’ng tanong. I can’t help it, okay? Pakiramdam ko, hindi ako makakatulog ngayong gabi kung hindi ko itatanong sa kaniya kahit ‘yon lang.“Sabi na nga ba, iniisip niya ‘yon. It’s not that necessary, don’t think of it that much.” Sagot nya sa akin.Hindi niya sinagot ang tanong ko. Sino ang itinatanong ko Morpheus pero bakit ganiyan ang sagot mo?“So, sino nga?” pangungulit ko pa sa kaniya
PHASE 12Nagsimula na ang klase namin at si Morpheus ay hindi man lang nagpaliwanag kng bakit sabay sila ni Raize na pumasok ng classroom. Ayaw ko naman magtanong kahit 'di na ako mapakali rito. Baka naman kasi coincidence lang kaya hindi sya nag-abala pa na sabihin pa sa akin..Kung sabagay, si Raize at Remus na. Wala na ako'ng dapat ipag-alalala. Kung may iniisip ako ngayon, 'yon ay ayaw ko na mag mukha akong kawawa sa harap ng ibang tao. Na ang alam ng lahat ay nililigawan niya ako, tapos makikita naman sila ng iba na magkasama. Maybe, I should trust him.Natapos ang klase namin at vacant na ulit kami. Chi-neck ko ang cellphone ko at nakita na may reply na si Rowie sa text ko.From: Rowie,Ako na lang pupunta d'yan ngayon. Wala kaming second subject, eh.Dahil doon ay lumabas na ako sa corridor at nakita ko naman si Rowie na pabab
PHASE 11 Ilang araw na ang nakalipas magmula ng hayaan ko na manligaw sa akin si Morpheus. Ang bawat araw na 'yon ay napakasaya at alam ko na wala na akong hihilingin pa dahil sa ipinaparamdam niya sa akin.Na ako lang ang mundo niya at hindi niya kaya kapag nawala ako.Mga pakiramdam na hindi nagawa sa akin ni Oreus noon. Alam ko na masama na pag kumaparahin silang dalawa, pero hindi ko mapigilan.Magmula rin noon ay wala ng ibang makalapit sa akin para bully-hin ako, kahit sina Monica at Jade pa. I felt bad kapag naaalala ko na kahit sa panaginip ko ay sinaktan ako ni Raize.Kahit simpleng pagtatama lang ng tingin namin ay hindi ako makatagal dala na rin ng naranasan ko sa panaginip ko. Panaginip na akala ko totoo, na bumalik na siya at iniligtas niya ako.Maybe that is the only sign saying that I must forget him. Na hin