Hindi maka labas si Abby sa loob ng banyo, hindi dahil na lock siya o na stuck pero dahil ayaw niya pa. Umayos na ang pakiramdam niya kahit masakit parin ang katawan niya Ang hindi niya alam ang gagawin ay kung lalabas ba o mabubulok nalang sa loob ng banyo, paano kasi ay nahihiya siya kay Rafael. Kanina ay nagising siyang katabi ito Kahapon ay alagang alaga sa kaniya ang mag-ama, pinakain at pinainom ng gamot. Sobrang ingat na ingat si Rafael at Biah sa kaniya kahit na wala na siyang malay dahil sa panghihina, at kanina ay nagising lang siya mula sa tulog. Naabutan niya ang sarili na nakahiga sa kama at nasa tabi niya si Rafael at magkayakap silang dalawa, muntikan pa siyang napasigaw kanina kung hindi lang niya pinigilan ang sarili. Tulog pa kanina si Rafael pero kanina ay narinig niya ang paglabas nito sa kwarto Nakahinga siya ng maluwag dito pero hindi niya parin maitago ang kahihiyan, kailan lang ay nag-aaway sila pero ngayon nagyayakapan na "Tita abby, early ka pong na
"This is me po when I was little baby, karga karga po ako noon ng daddy kapag mag work po siya kahit po nag-iyak ako" Pinagmasdan ni Abby ang litrato sa photo-album kung saan nandoon si Biah at Rafael hawak ni Rafael si Biah habang nakanguso ang anak nila at may luha pa, nakangiti parin si Rafael at mukhang proud sa kaniyang anak. Hinaplos niya ang mukha nilang dalawa sa litrato, unti unti niyang na realize na madami siyang hindi nasaksihan mula sa nagdaang taon "Sino to?" tanong niya at pinagmasdan ang litrato kung saan naroon si Rafael, Biah at isang babaeng may pagka tanda, kasama roon si Dana na hindi niya maintindihan kung bakit naroon ang babae "That's my lola po, si lola Marce thats the mommy of daddy po. Gets niyo po ba?" Sagot ni Biah at napatango tango siya, ni minsan ay hindi ipinakilala ni Rafael ang lola na sinasabi ni Biah, Ang kilala niya lang ay ang mommy nito at daddy "Kayo po do you have a family po bukod po kay tita Ally?" Biglang tanong ng anak niya, sinulyapan
"You should not dissappear like that Abby, alam mo ba kung gaano nag-alala ang mommy mo at ako sa yo? We thought you were kindapped" Iyon ang bungad ng daddy nya ng makabalik siya sa kanilang bahay, mahabang displina ang ibibigay sa kaniya kahit na may anak na siya "Yes dad, Im sorry na nga eh" ani niya at nag-aakalang ang salitang iyon ay makakapagpatigil kay Lucian pero hindi, high blood na high blood si Lucian sa anak niya dahil umalis ito ng may sakit at ngayon babalik pagkatapos ng isang araw na pagkawala Muntik na siyang mag report sa police ng missing person kung hindi lang siya pinigilan ni Stephanie Habang abala sa pag se-sermon ang kanilang daddy ay lumapit si Ally at bumulong "Na realize ko lang, bakit hindi mo nalang I seduce si Rafael para makabalik kana sa anak mo?" Tanong nito at muntikan na niyang batuhin ng baso ang kapatid Nginiwian niya ito at tahimik din na bumulong "Hindi ako p****k, wag mo akong igaya sa ibang babae. I value my body" aniya at inirapan an
"Rafael may tao sa labas" nag-aalalang ani ni Abby, mukhang hindi na makapaghintay ang lalakj at siya na mismo ang nagtanggal sa mga damit niya Napasinghap pa siya ng punitin nito ang panty niya at minsahe agad ang kaniyang dibdib, kakaibang kiliti ang naramdaman niya sa katawan. Sinapo pa ni Rafael ang kaniyang dibdib at hinalikan siya, marahas at mariin ang mga halik nito "Hello Ally, did you see your ate? Sabi niya mag b-banyo siya kanina pa siya wala" Nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ng kaniyang tito Kai, humigpit ang hawak niya sa matipunong braso ni Rafael at napasandal sa pader. Patuloy parin ang lalaki sa marahas nitong paghalik sa kaniya habang ang kamay nito ngayon ay abala sa paghaplos sa kaniyang perlas, nagsitaasan ang mga balahibo niya dahil sa ilang years ay ngayon niya lang ulit ito naramdaman. Wala siyang ibang ini entertain na lalaki ng maghiwalay sila ni Rafael "Raf" ungol niya sa pangalan ng binata ng ipasok nito ang dalawang daliri nito, nagde
Ramdam na ramdam ni Abby ang nanlalagkit na panty at hindi niya mapigilang mapangiwi, sinulyapan niya si Rafael na nasa isang gawi at kausap ang isang CEO. Ang akala niya ay tapos na ang trabaho ni Rafael dito pero mukhang kailangan pa nilang pag-usapan ang tungkol sa mga bagay bagay na wala siyang alam Bumuntong hininga nalang siya, gusto na niyang tissue at bagong panty para makapagpalit pero hindi niya alam saan kukuha, bigla niyang naisip si Ally. Nakauwi naba ito? Hinahanap parin kaya siya ng kambal niya? Nilabas niya ang cellphone at nag text Abby: Can you bili me tissue and new undies, kailangan ko Where are you pala? Hindi naman nagtagal at nag text agad si Ally sa kaniya Ally: Ipalaplap mo nalang kay Rafaelo ang undies mong basa, I'm sure he won't mind. Kanina pa ako umuwi, kaya mo naman na ang sarili mo Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ng kapatid niya, bumagsak ang panga at hindi makapniwalang kaya palang magsalita ni Ally ng ganoong words Napa-ayos
"Tita Abby yeyy nandito po ulit kayo" Masayang masaya si Biah ng makita ang tita Abby niya sa penthouse nila, kasama nitong pumasok ang daddy niya. Agad din namang nangiti si Abby dahil sa kasiglahan ni Biah, nilapitan niya ang bata at yinakap "I thought po umalis na kayo kaya nag sad ako but sabi ni daddy ibabalik ka niya daw po hihi, akala ko po nag joke si daddy but true pala" nakangiting ani ni Biah "Hindi naman alo umalis, may pinuntahan lang ako" ani niya sa bata, pinaupo niya ang anak sa hita at inayos ang buhok nito "Gusto mo I braid ko ang hair mo?" Tanong nito Mahaba kasi ang buhok ni Biah at panay ang pag alis nito sa buhok na nakaharang sa mukha "Yes po please", ani ni Biah at tumalikod para maayos niya ang buhok nito Nagtagal sila ni Biah sa sala dahil nanonood pa ng mga movie tulad ng Moana at Frozen, na eenjoy niya ang mga ito dahil kasama niya ang anak "Pumunta dito nuon si Dana, nakita moba siya?" Tanong niya kay Biah, kuryoso siya sa kung anong ganap ang nang
Flashback _____ Ang relasyon ni Abby at Raf ay parang malapit na sa pagiging mag-asawa. Hindi sila mapaghiwalay sa isa't isa, palaging sila lang ang magkasama at hindi na nakikisalamuha sa ibang tao, lalo na si Raf ayaw kasi nitong makisalamuha sa ibang tao at ang gusto ay silang dalawa lang ni Abby Kaya naman ng ayain ni Dana si Abby ay lukot na lukot ang mukha ni Raf, inaaya siya ni Dana sa isang club dahil birthday nito bukas at ini-invite nito ang halos kalahati ng kanilang klase "Raf magpapakita lang ako at aalis din agad", pag explain ni Abby habang naglalagay ng make up sa mukha. Nasa kama si Raf at nakaupo habang wala sa mood na nakatitig sa kaniyang nag-aayos Halatang ayaw siyang umalis nito pero wala ring magawa "Promise tatawagan kita" aniya para gumaan ang pakiramdam ng kaniyng boyfriend, ng matapos sa pag aayos ay nilapitan niya ito at naupo sa hita ni Raf. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi nito, nakanguso parin si Raf at nagpapa cute sa kaniya kaya natawa
"Tita Abby bakit po kayo naga cry? Hindi pa naman po patay si Elsa eh" Para siyang nagising sa panaginip ng marinig ang boses ni Biah, saka niya lang napansin na lumuluha na pala siya "A-ah wala emotional lang ako kasi ang ganda ng movie" pagdadahilan niya kahit na ang totoong dahilan naman talaga ay dahil kay Rafael Pagkatapos niyang malaman na buntis siya ay duon na nagumpisa ang pagiging miserable niya, ang mga mood swings at pagsusuka ay hindi niya nakakyanang mag-isa. Mabuti nga at naroon si Ally kaya nakayanan niya naman pero ng isilag na niya si Biah ay mas dumagdag pa ang kaniyang problema, hindi alam ng mga magulang niyang buntis siya at nanganak na. Ang palusot niya ay magtutungo siya ng amerika para mag-aral doon, kaya ng malaman ng mommy at daddy niya na wala naman pala talaga siya sa america ay na aksidente ang mga ito sa sasakyan, kasama roon ang kambal niyang si Ally. Nuong panahon na iyon, si Biah lang ang kasama niya may mga relatives naman na pumunta para bant
Eto na po yung end of the story, sana po ay na enjoy ninyo ____________________________________________________________________Ang simbahan ay puno ng puting mga bulaklak at mahahabang ribbons na kumikislap sa liwanag. Ang hangin ay tahimik at puno ng kaligayahan, at ang mga bisita ay dahan-dahang pumapasok. Ang mga bintana ng simbahan ay may makulay na salamin na naglalabas ng malambot na liwanag, parang isang eksena mula sa panaginip. Ngayon na ang araw na matagal nang pinakahintay nina Abby at Rafael—ang araw ng kanilang kasal.Si Abby ay nakatayo sa gilid ng altar, ang puso niyang mabilis ang tibok. Hindi niya kayang ipaliwanag ang kaligayahan na nararamdaman. Matapos ang lahat ng nangyari—ang mga pagsubok at sakit—narito siya, nakatayo, at handa na pakasalan ang lalaking hindi iniwan siya, si Rafael.Ang puting gown ni Abby ay kumikislap sa liwanag, tamang-tama sa katawan niya. Ang buhok niya ay nakaayos nang maayos, at ang simpleng belo na bumabagsak sa kanyang likod ay nagbiga
Abby’s POVBumangon ako mula sa pagkakahiga, nararamdaman ko pa rin ang sakit sa katawan ko, pero mas magaan na ang pakiramdam kumpara sa mga unang araw ng aking paggaling. Nakaharap ako sa bintana ng kwarto, ang liwanag ng araw ay tila nagpapasigla sa aking puso. Nasa tabi ko si Rafael, tahimik na nag-aalaga at tumutulong sa lahat ng kailangan ko. Minsan, tinatanggal niya ang mga ulap ng takot at pangarap ko, pinapalitan ito ng mga pangako ng pagmamahal at proteksyon.“Puwede na akong maglakad, Rafael,” sabi ko habang nagbabalik-loob sa sarili kong lakas. “Hindi na ako laging nakahiga.”Tumingin siya sa akin ng may alalahanin sa mata, pero ngumiti rin. "Are you sure?." Ngunit nang makita niyang tumayo ako nang maayos, wala siyang magawa kundi ngumiti at magbigay ng suporta. "Baby you still need to rest"Kahit na may kahirapan, unti-unti kong natutunan kung paano maglakad ng mag-isa, at sa bawat hakbang, mas naramdaman ko ang kagalakan na muling magpatuloy sa buhay. Sa tuwing ako’y nag
Abby’s POVAng bigat ng talukap ng mga mata ko, parang hinihila ako pabalik sa dilim. Pero sa likod ng kadiliman, may naririnig akong boses. Isang pamilyar na tinig—malalim, puno ng emosyon, at pilit na pinipigil ang paghinga.“Abby... please... gising ka na...”Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Sa una, malabo ang paligid, pero unti-unting luminaw ang kwarto. Ang puting kisame, ang ilaw sa gilid ng kama, at ang mukha ni Rafael—halos hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon niya.“Rafael...” mahina kong sambit, halos isang bulong lang.Parang biglang huminto ang oras. Kitang-kita ko ang pagbabago sa mukha niya. Ang takot, pagod, at bigat na kanina’y nakaukit sa kanyang mga mata, napalitan ng matinding pagluwag. Agad siyang yumuko, hinawakan ang kamay ko nang mahigpit na para bang natatakot siyang mawala ulit ako.“Abby...” boses niya’y nanginginig. “You’re awake... you’re okay...”Ngumiti ako nang mahina. “Buhay pa ako, Rafael. Hindi mo ako basta-basta matatalo.”Bigla siyang napabun
Habang nakaupo sa waiting area ng ospital, hindi mapakali si Rafael. Palakad-lakad siya, paulit-ulit na kinukusot ang kanyang mga palad habang ang malamig na pawis ay bumalot sa kanyang noo. Sa bawat segundo na lumilipas, tila lalong bumibigat ang kanyang dibdib. Ang imahe ni Abby na duguan at walang malay ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Hindi niya inaasahan na tinamaan din ng baril ni Dana si Abby kanina, ang akala niya ay napigilan nila ito pero nahuli sila“Abby… please be okay,” bulong niya sa sarili, halos hindi marinig ng sino man sa paligid.Nang biglang bumukas ang pinto, tumambad si Lucian, mabilis na pumasok sa waiting area. Nasa likuran niya si Stephanie at Ally, parehong halata ang kaba at pag-aalala sa kanilang mga mukha. Subalit si Lucian ang pinakamapanganib sa itsura. Ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit habang ang kanyang mga kamao ay nakatikom, halatang puno ng hinanakit.“You promised me, Rafael,” ani Lucian, malalim at puno ng galit ang boses.
Habang binubuhos ang malamig na tubig sa kanyang ulo, ramdam ni Abby ang panghihina ng kanyang katawan. Nanginginig siya sa lamig, at ang sakit sa kanyang mga binti ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa kabila nito, patuloy niyang pinipilit na manatiling mulat. Para kay Biah.“Dana, tama na... gawin mo na lahat sa akin, pero huwag mo nang idamay ang anak ko,” bulong ni Abby, halos hindi marinig sa kahinaan ng kanyang boses.Ngunit tila bingi si Dana. Lumapit ito kay Abby at hinila ang kanyang mukha para magkatitigan sila. “Nakakainis, Abby. Kahit na anong gawin ko, para kang laging martir. Naiinis ako sa tapang mo, sa pagmamahal mo sa anak mo! Pero tignan natin kung hanggang saan mo kaya.”Muling iniabot ni Dana ang timba, pero biglang nagsalita si Biah, halos pasigaw. “Please po! Tama na po! Tita Dana, huwag mo nang saktan si Mommy! Ako na lang po ulit!”Napatingin si Abby sa anak. Sa kabila ng takot sa mga mata nito, kitang-kita niya ang pagmamalasakit at pagmamahal ng kany
Habang abala sina Rafael at ang team ng ama ni Abby sa paghahanap ng impormasyon tungkol kay Biah, biglang tumunog ang cellphone ni Abby. Nasa gitna siya ng sala, nakatitig sa isang blangkong pader habang pinipilit kontrolin ang kaba sa kanyang dibdib. Agad niyang kinuha ang telepono at binasa ang natanggap na mensahe.“Kung gusto mong makita ang anak mo, pumunta ka sa address na ito. Mag-isa ka lang. Kapag may sumama sa’yo, papatayin namin siya.”Parang natuluyan nang nagdilim ang mundo ni Abby. Ang mga kamay niya’y nanginginig habang hawak ang telepono. Ramdam niya ang bigat ng banta. Hindi siya makapagsalita. Niyakap niya ang sarili, pilit na nilalabanan ang takot."Abby, anong nangyari?" tanong ni Rafael, napansin ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha niya. Lumapit ito, halatang nag-aalala.“Wala… wala,” mabilis na sagot ni Abby, pilit na pinapakalma ang boses niya. Tumayo siya, mabilis na nilihis ang tingin para maitago ang lungkot at kaba. “Kailangan ko lang umakyat sa kwarto. Sa
Pagkarating nila Rafael at Abby sa bahay, umaasa si Abby na magkakaroon sila ng isang tahimik na lunch kasama si Biah. Ngunit pagkapasok nila sa pinto, isang hindi inaasahang tanawin ang sumalubong sa kanila—ang mga kasambahay na karaniwang kalmado ay kitang-kitang nag-aalala, ang mga mata nila'y puno ng takot."Ano'ng nangyari?" tanong ni Rafael, ang boses ay matalim, puno ng utos.Nagmadaling lumapit ang head maid, kitang-kita ang kaba sa kanyang mukha. "Sir, Ma'am... Si Biah... nawawala po siya. Nandiyan lang siya kanina, pero nung marinig namin ang sigaw niya, tinanong namin siya... at wala na siya. Isang sasakyan po ang dumaan at... at tinangay siya bago pa kami makarating."Ang mundo ni Abby ay biglang nabulabog. Ang mga salitang iyon ay parang dagok sa kanyang dibdib. Nawawala si Biah? Parang ang lahat ng hangin ay nawala sa kanyang katawan. Lahat ng kanyang mga pandama ay parang huminto. Hindi makapaniwala na mangyayari ito sa kanila. Ang kanilang anak, ang kanilang prinsesa,
Habang nag-aalala si Abby kung anong gagawin, lumapit si David at nagtanong, "May kailangan ka po ba?" Tiningnan siya ni Abby, at hindi niya maiwasang mag-isip kung anong klaseng galit ang maaaring ipadama ng mga tao sa paligid ni Rafael sa kanya. Alam niyang busy siya at hindi siya nais makialam sa trabaho ni Rafael, kaya nagdesisyon na lang siyang ipasa na lang kay David ang lunch na dala niya para kay Rafael."Ah, kung okay lang , maaari niyo na lang pong dalhin ang packed lunch kay Rafael," sabi ni Abby, medyo nahihiya pa. "Siguro masyadong busy siya sa trabaho at ayokong mag-abala."David, na may malumanay na ngiti, ay tumango. "Walang problema. I’m sure he’ll appreciate it." Tumingin siya kay Abby, at nagtanong ng hindi inaasahan, "I just have to ask, what’s your relationship with Mr. Rafael?"Sumabog ang katahimikan sa tanong na iyon, at si Abby ay medyo nagulat. Hindi niya naisip na magiging ganito kabilis ang pagtatanong ni David tungkol kay Rafael, ngunit nagdesisyon siyang
Nagising si Abby sa malumanay na halik sa kanyang pisngi at leeg. Hindi pa siya makapagmulat ng mata, ngunit naramdaman niyang nakayakap si Rafael sa kanya. Habang binabati siya ng mahinang, "Baby, I'm going to work now. I know you're still asleep, but I want to kiss you before I go," unti-unting nawala ang antok ni Abby at ngumiti sa nararamdaman niyang pagmamahal. "Love you," sabi ni Rafael bago siya lumabas ng kwarto. Si Abby ay bumalik sa pagtulog, at dahil sa pagod, ilang oras pa bago siya muling magising. Pagkagising niya, agad niyang narinig ang ingay mula sa sala, at sa tunog ng mga tawa at boses ni Biah, agad niyang naisip kung ano ang nangyayari. Nagtungo siya sa banyo at nag-ayos, ngunit hindi siya makapaniwala nang makita ang dami ng mga sling bags na nakakalat sa sala. "Ate, saan galing ang mga 'to?" tanong ni Abby, nakatingin sa mga sling bags na abot sa mga daliri ng anak niya. Ang mga ito ay puno ng kulay at mukhang para kay Biah. Tinatantiya niyang nasa dalawampu't p