Ilang minutong nagsugpong ang kanilang mga labi at dahan-dahan rin silang humiwalay sa isa. Pareho silang naghahabol ng hininga dahil halikan nilang dalawa. Nakatingin silang pareho at tila hindi makapaniwala na nangyari nga kung ano man ang naganap sa pagitan nilang dalawa. Bahagya pa silang tumingin sa labi ng bawat isa na tila ba, nais pang tikman muli ang mainit na labi ng isa't isa. Ngunit, agad na umiwas nang tingin si Allyana. Alam niyang mali ang nangyayari dahil nga wala pa siyang ediya, sa kung sino ito sa buhay niya at kung anong buhay siya mayroon.Subalit, nararamdaman rin niya ang tuwa sa puso niya at hindi niya magawang sisihin ang lalaki."T-That's too fast. I was shocked," tanging sabi ni Allyana.Hindi tumugon si Seb, ngunit bigla niyang naramdaman ang kamay nito na humawak sa mukha niya at pinaharap sa kanya."I know what you're thinking. But, do you know that, since we meet each other, I'm dreaming that.. I'm kissing you? I can't help but think that, I hope that da
Isang nakakalungkot na balita ang nalaman ng mga kamag anak ng pamilyang Buanefe, dahil nga sa pagkawala ni Allyana. Lahat ng mga ito ay dumating upang makiramay sa pamilya. Pina-cremate na lamang nila ang bangkay, dahil halos hindi na makilala ang mukha nito at ginawa na rin nila ito ng test, nakumpirma naman nilang ito nga si Allyana. Hindi makapaniwala ang lahat, dahil noong nakaraan lamang ay ikinasal pa ito. Tapos ngayon ay malalaman nilang nakaasidente ito, na naging dahilan upang tuluyan itong nawala.Habang unti-unting dumarating ang mga tao para makiramay sa pamilya ay dumating rin sina Chelsea, kasama si Dion.Bumaba si Dion sa kotse at pinagbuksan niya ng pinto si Chelsea, na seryosong nakatingin sa paligid. Nasa isang private chapel sila at nakikita niya kung gaano karami ang mga taong nakikiramay ngayon sa pamilya ni Allyana."Seriously? Sinong nakaisip ng ganito?" mariing sabi niya sa sarili."Relax, natitiyak kong alam mo na kung sino. Ngunit, kailangan mong kontrolin a
Nanatili muna sina Chelsea sa burol at inaasikaso rin ang ilang kaibigan na dumating. Lahat ng mga ito ay hindi pa rin makapaniwala na wala na si Allyana. Nalulungkot ang mga ito dahil nga naging mabait sa kanila si Allyana.Hindi na rin nag usap sina Chelsea at Keane, talagang iniiwasan nilang magkasalubong silang dalawa, dahil baka magkapikunan na naman sila. Halos tatlong oras din na nanatili sila roon, bago sila nagpasiyang umalis at nagpaalam sa mag asawa, maging sa ilang bisita. Hinayaan naman silang makaalis ng mga ito. Habang nasa sa sasakyan sila ni Dion, ay nagtanong siya sa lalaki."Nakontak mo na ba si Seb?" tanong niya dito.Umiling si Dion sa kanya."Hindi pa, iwan ko ba kung bakit, may signal naman doon sa resthouse niya.. kaya nakakapagtaka at hindi ko siya makontak. Ngunit, posible rin na baka wala siya sa resthouse at naglibot sa isla," tugon ni Dion sa kanya."Na kasama si Allyana? Wow, mukhang nag e-enjoy na ata silang dalawa doon," napapailing na sabi ni Chelse
Sinalubong si Dylan ni Keane ng halik, nang puntahan siya nito sa kwarto ni Allyana. Nasa mansion sila ng mga Beunafe dahil ninais ni Dylan na pumunta upang makapasok sa kwarto ni Allyana. Tila ba nais niyang balikan ang alaala, habang masaya silang dalawa. Mga alaala naagkasama silang dalawa, na walang pino-problema. Minsan nang natulog si Dylan noon sa kwarto nito, at hinayaan lang sila ng magulang nito. May tiwala ang magulang ni Allyana kay Dylan, kaya hinayaan nilang magkasama sila sa iisang kwarto noon.Kaya nalulungkot siya ngayon sa pagkawala nito at nais na hanapin ito. Subalit, alam niyang hindi niya kaaagd ito makikita.Matapos siyang halikan ni Keane ay tumalikod siya dito. Bahagya namang tumaas ang kilay ni Keane, dahil hindi niya naramdaman na gumanti ito ng halik sa kanya."What's wrong?" tanong ni Keane dito.Napahinto siya at bahagyang napapikit. Nais niya munang mapag isa saglit, ngunit dahil nandito ito ay hindi na siya makapag isip pang mabuti."Nanapansin kong ma
Hindi maintindihan ni Allyana kung bakit siya nakatayo sa isang pasilyo. Tahimik at pamilyar sa kanya ang lugar. Ngunit hindi niya maalala kung kailan siya nakarating sa lugar kung nasaan siya ngayon. Tumingin siya sa paligid, subalit wala siyang makita ibang tao."Seb!" tawag niya, dahil sa pagkakaalala niya ang kasama niya ito at nasa burol sila habang masayang magkasama.Naglakad siya habang napapalingon sa kanyang likod. Napansin niyang may isang taong naglalakad sa kanyang likod. Nakaramdam siya ng kaba at takot, kaya bigla siyang napatakbo.Ngunit, napansin niyang tumakbo rin ito kaya bumalot muli ang takot sa kanyang sarili. Mamaya ay pumasok siya sa isang nakabukas ng kwarto upang humingi ng tulong. Pagkapasok niya ay natigilan siya sa kanyang nakita. May dalawang tao sa kama at nakita niyang may ginagawa ang dalawa. Nakahubad at nakapatong ang lalaki sa isang babae. Napalingon ang mga ito sa kanya at bahagyang nagulat ng makita siya. Dahan-dahan siyang napaatras habang nakati
Napaupo si Allyana sa couch at bahagyang napapikit. Kararating lang nila sa resthouse at dama nila ang pagod dahil sa haba ng nilakad nilang dalawa. "Tired?" narinig niyang sabi ni Seb, na tumabi sa kanya sa pagkakaupo. Hinaplos pa nito ang kanyang noo, kaya napadilat siya."Well, yeah, I am. Ipapahinga ko lang saglit ang mga paa ko, dahil medyo napagod ako," tugon niya dito."Okay, pupunta muna ako sa itaas," wika ni Seb at hinalikan sa noo si Allyana. Tumayo na siya at dinala muna sa laundry ang damit na ginamit nila, saka siya pumunta sa itaas. Nais niya munang magshower dahil medyo malagkit ang katawan niya. Nang makapasok siya sa kwarto ay hinubad niya ang lahat ng kanyang damit, saka kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang bumagsak ang tubig sa kanyang katawan. Napaisip siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Allyana. Alam niya sa sariling masaya siya dahil kasama ito. Ngunit, hindi rin niya maiwasang mag alala, kapag nalaman na nito ang
Hindi pa rin makapaniwala sina Chelsea at Dion, matapos marinig ang sinabing iyon ni Seb. Dahan-dahan tuloy na lumayo si Chelsea kay Allyana, na ngayon ay alanganing ngumiti sa kanya. Hindi naman alam ni Chelsea kung ano ang kanyang sasabihin dito, dahil talagang nagulat siya sa kanyang nalaman at hindi alam kung maniniwala ba o hindi sa sinabing iyon ni Seb."I'm sorry, wala talaga akong maalala kung sino kayo..pero sinabi na sa akin ni Seb na darating kayo," mayamaya ay sabi ni Allyana."Wait a second, I need to breath," wika ni Chelsea at bumuga ng malalim na hininga.Si Dion naman ay napakunot noo na nakatingin kay Seb. Tumango lang si Seb sa kanya na sinasabing ganoon nga ang nangyayari kay Allyana, maging ito ay hindi makapaniwala sa nalaman."You really lost your memory, Allyana?" pangungumpirma ni Chelsea dito.Napatango si Allyana at bahagyang bumaling kay Seb."Maging ako ay nagulat, noong magising siya at sinabing hindi niya ako kilala. Kaya talagang wala siyang maalal
Nasapo ni Chelsea ang kanyang noo, matapos siyang matauhan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig kay Allyana. Natutuwa siya sa mga sinabi nito, subalit, masyadong maaga para sa kanya ang biglaang pagbabago ng aura nito."I'm speechless," tanging sabi niya."Me too," sang ayon naman ni Dion.Habang si Seb ay napatingin sa itaas. Hindi niya alam kung susundan niya ba si Allyana o hindi. Nasisiguro niyang nagalit ito sa kanya, dahil hindi niya sinabi ang lahat dito."Sasabihin mo ba sa kanya, kung sino nga ba si Keane?" narinig niyang tanong ni Dion.Napatingin rin Chelsea kay Seb at bahagyang nagtataka. Maging siya ay nais malaman kung sino nga ba si Keane. Naiintriga siya sa pagkatao ng babaeng iyon at nasisiguro niyang malalim na dahilan kung bakit seryoso ang dalawa, lalo na tungkol sa babae.Napatingin naman si Seb kay Chelsea, saka muling bumaling kay Dion."Alam na ba niya ang tungkol kay Keane?" tanong niya kay Dion at tumingin muli kay Chelsea.Napatingin naman