Mabilis akong nakarating sa quarters at sa mismong pagsandal ko sa saradong pinto ay dumaloy ng masagana ang mga luha ko. Sa ikalawang pagkakataon ay hinayaan ko na naman na dalhin ako ng damdamin ko sa mapusok na bagay.At ngayon sobra na naman akong nasasaktan. Parang pinipihit ang puso ko at para akong sinasaksak ng maraming patalim. Ang sakit-sakit pero ako rin mismo ang nagdadala sa sarili ko sa sakit na ito. Hindi ako makaiwas. Hindi ko alam kung paano umiwas.Napaupo ako sa sahig saka sinubsob ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. Suminghap ako ng malakas saka pilit na pinahinto ang mga luha kong hindi yata nauubos."Bakit ba kasi hinayaan ko siya noong una pa lang?" umiiyak na sabi ko sa sarili ko.Pilit ko mang sisihin ang sarili ko ay wala pa rin akong magagawa kasi nandito na ako sa puntong hindi na makaahon. Sobrang lubog na lubog na ako sa nararamdaman ko sa kanya na kahit ako mismo ay naaawa na rin sa sarili ko. Dahil alam ko na kung ano man ang nais niyang gawin ko ay buong
I am lost and I don't know how to find myself. Litong-lito na ako sa mga nangyayari. I can't decide and it's frustrating. Ayaw kong mag padalos-dalos. Hindi ko alam ang gagawin ko at wala akong maisip na maaari kong gawin.I am hurting. I am hurting so much.Parang gusto ko ng maniwala sa mga paratang ni Manang Janet. Malandi nga ba ako? Malandi ba ang tawag sa akin kung nagmahal ako ng hindi ko abot kamay? Hindi ko naman pinlano na mahalin siya. Hindi ko napigilan kaya anong gagawin ko? Paano ko tatakasan ang bagay na ito kung ako mismo ay nangangapa?Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Parang hindi ako tanggap dito. Mabilis kong ni-lock ang sarili ko sa loob ng quarters. Mabilis ang paghinga ko at tila nauubusan ako ng hangin. Sobrang lakas rin ng kabog ng puso ko na tila gustong lumabas. Masakit ang dulot nito pero kailangan kong tiisin kasi wala akong magagawa. Nakakatawa kasi kanina lang ay masaya ako tapos ngayon ay parang gusto ko na ulit umiyak
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ako makahinga ng maluwag. Paano siya nagiging kalmado ng walang kahit anong saplot sa katawan? He's body is perfect and nothing could be ashamed of. Pero bakit niya nilalantad ang katawan niya?Iniisip ko pa lang na baka ginagawa niya rin iyon sa iba ay nasasaktan na ako. Mabilis akong naglakad pababa sa unang palapag. Hindi pa rin humuhupa ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nang hindi ko na makayanan ay napaupo ako sa hagdanan saka mabilis na napahawak sa dibdib kong nagwawala. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako naglakad ulit. Wala sa sarili akong dumiretso sa kusina at nang makita ko ang mga kasamahan ko ay bahagya na lang akong ngumisi."Feigh, magwalis ka sa labas. Sa garahe banda," utos ni Tiya Mila kaya mahina akong tumango."Bilisan mo at huwag kang umastang amo kasi pare-pareho lang tayong utusan dito," pagsasali ni Manang Janet kaya napalunok ako saka nagmamadaling lumabas ng kusina. Sa likod na pintuan ako dumaan kaya mab
Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Antok akong tumagilid pero naramdaman ko ang biglang paghapit ng baywang ko . Kaagad akong nagmulat at napabangon at nang marinig ko ang paos na ungol mula sa katabi ay biglang nagwala ang puso ko. Nanlalaki ang mga mata kong nilingon ang katabi at nakita ang mala-diyos na lalaking mahimbing ang tulog sa tabi ko.Nakadantay ang kamay niya sa tiyan ko at pareho kaming hubad. Biglang ramagasa sa ala-ala ko ang mga nangyari kagabi. The moans, shouts, laughter, chuckles and everything about what we did last night. Biglang namula ang mga pisngi ko saka dahan-dahan na tinanggal ang mabigat niyang braso sa tiyan ko. And my eyes widened in shock when he opened his eyes after I did that. Mamula-mula ang mata niya at magulo ang buhok.Napalunok ako dahil kaagad kaming nagkatitigan. Kabado kong hinawakan ang makapal na kumot na nakatabon sa hubad kong dibdib. Biglang bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko dahil doon kaya mas
"Feigh, call me Gin. Just Gin," Kaagad kong inalis ang tingin ko kay Luke para bumaling sa nakangiting lalaki sa harap ko. Napalunok ako ng dahan-dahan saka napatango na lang ng walang kahit anong sinasabi."Magpapaalam na po ako," mahinang sabi ko saka tuloy-tuloy na umalis sa lugar na iyon ng hindi tumitingin sa kahit kanino.Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nagpapakatanga na naman ako. Pero wala akong maitutulong sa sarili ko dahil ito talaga na yata talaga ako. Nakakatakot pa lang magmahal. Nakakasira ng isip at puso. Nakakatakot, at gustuhin ko mang takasan ay hindi ko magawa.Biglang tumulo ang mga luha ko kaya kaagad ko iyong pinunasan saka bahagya akong tumawa ng sarkastiko."Tapos kapag lumapit siya parang wala lang ulit? Ano ba, Feigh," sabi ko sa sarili ko."Hey, I'm sorry about earlier," mabilis kong pinatuyo ng tuluyan ang mga luha ko dahil may biglang pumigil sa siko ko kaya nahinto ako sa paglalakad. Agaran kong nilingon ang gumawa ng bagay na iyon at napasinghap
The moment he went out Tiya Mila came. Kaagad akong tumikhim saka nagpunas ng luha. Umupo rin ako ng maayos saka pilit na ngumiti kay Tiya Mila na biglang napabuntong hininga."Feigh," mahinang usal niya habang dahan-dahan na lumalapit sa akin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin.She sighed once again. "Ano ang plano mo?" mahinang tanong niya. Napakurap ako ng isang beses saka marahan na tuminghala sa puting kisame ng kwarto na ito."Tatapusin ko na lang po muna ang buwan na ito tapos aalis na po ako," medyo paos na sagot ko. Ramdam ko na anumang oras ay tutulo na muli ang mga luha ko kaya mariin akong pumikit.Nakapag Desisyon na ako. Tatapusin ko na lang ang buwan na ito kasi sayang ang magiging sahod ko. Hindi ko na kaya pang magtagal kasi durog na durog na ako. Gustuhin ko man dahil gusto kong tulungan ang sarili at pamilya ko pero ang hirap-hirap. Nasasaktan ko na rin ang sarili ko ng paulit-ulit kaya dapat lang na ako na ang lumayo. Ako na dapat ang lumayo sa una pa lang. Kas
Napatulala na lang ako sa kisame at ilang sandali pa ay muling pumasok si Tiya Mila na may kasama na nurse. The nurse smiled at me so I smiled back. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin para tanggalin ang dextrose na nakakabit sa kamay ko. Napangiwi ako sa sakit sa hatid niyon pero nang tuluyang matanggal ay mabilis akong umalis sa kama."Feigh, dahan-dahan," sabi ni Tiya Mila pero mabilis akong naglakad diretso sa pinto. Hindi na ako naghintay pa ng kahit isang segundo dahil mabilis ko iyong binuksan.Grabe ang kabog ng puso ko habang sumisilip wko sa bawat hallway na nakikita ng mga mata ko. At bigla akong nanlumo nang makita na wala ang gusto kong makita sa mismong labas ng kwartong ito.Nanghihina akong napasandal sa hamba saka napahinga ng malalim.Why do I hope over and over again?"May hinahanap ka?" tanong ni Tiya Mila kaya mabilis akong umiling."Magbibihis lang po ako," mahinang sabi ko habang hindi makatingin sa kanya."May dala akong damit mo sa bag, kunin mo na lang," sabi
Kailangan ko na talagang umalis. Dahil kapag umalis ako ay matutulungan ko ang sarili kong umiwas sa sakit. Nakakaawa na ako. Ayaw ko na. Suko na ako. Duwag man pero wala naman na akong hahabulin pa dito. Pipilitin ko na lang na maghanap ng trabaho sa amin para makapag-ipon ng paunti-unti. Basta huwag lang dito.Matapos humagulgol sa isang sulok ay pilit akong naglakad pabalik sa quarters. Basang-basa ako dahil malakas na ang buhos ng ulan na sinuong ko pero wala na akong pakialam. Naghahalo na ang luha at tubig ulan sa mukha ko pero hindi ko iyon binigyan ng pansin.Kaagad akong pumunta sa drawer kung nasaan ang mga damit ko at kaagad ko iyong kinuha para ilagay sa bag na sa akin mismo. Tumutulo ang luha ko habang ginagawa iyon. At nang marinig ko na bumukas ang pinto ay hindi ako lumingon. Ipinagpatuloy ko lang ang pag-iimpake."Feigh! Anong ginagawa mo?" dinig kong gulat na sabi ni Tiya Mila at nakarinig rin ako ng malakas na pagsinghap."Feigh!" Si Ate Gina naman ngayon ang nagsal
Special Chapter"Baby, let's go home. Your Mom will scold us again later," natatawa na bulong ko sa anak nami na gustong-gustong tingnan ang mga bakang nagtatakbuhan dito sa Hacienda.I can't believe that she's three years old now. Ang bilis ng panahon. And she's growing up too bright. She's way far advanced than the kids her age. "Daddy, no!" she said while shaking her head so I laughed even more.Noon hiniling ko na sana maging kamukha siya ni Feigh. At ngayon kamukhang-kamukha nga niya ang Mommy niya. But she got my attitude. And it's so hard to deal with myself."Come on, mapapagalitan ako," sabi ko saka mabilis na siyang binuhat pabalik sa kotse. She pouted but after a while she nod."Daddy, I want ice cream," she suddenly murmured while I am driving our way back to the mansion. At tama nga ako na mapapagalitan na naman ako dahil kaagad kong nakita si Feigh na nakaabang sa hamba ng pinto.This little spoiled brat. Her Mom will scold me again."Mommy!" Anika shouted before running
"Dude, Sam is so beautiful and her body d*mn! She's so f*cking hot! Make her your girl!" Gin said while laughing so I smirk before shaking my head.No way."She's good in bed. I don't repeat girls," sabi ko bago ko nilagok ang kaunting beer na natitira sa bote na hawak ko.I smirk as I fixed my tie. Nilapag ko ang bote ng beer sa lamesa ko saka inikot ang swivel chair para makita ko ang maganda tanawin sa labas ng building. I can't choose between city and province. Parehong maganda. But I don't need to choose where to stay. I have the money, so why choose right?Gin laughed so hard."And why? Kung si Sam lang naman hindi ko na papakawalan. She's hot, too bad she's crazy over you. Or don't tell me you like Daisy? In our province?""Tsk, I already tasted her," sabi ko. Not planning to f*ck her again.Girls, they are just a waste of time. I just need them to satisfy my needs. They become clingy and sweet which I hate. Kaya kapag kama lang, kama lang. I don't think I'd want the same girl
After Luke left I immediately called Ate Gina. Mabuti at napilit ko siyang umalis noong may tumawag para papuntahin siya sa plantation. Ayaw niya pa noong una pero napilit ko na maayos lang ako kaya umalis pero alam kong babalik rin siya kaagad.I couldn't think straight. Kabado ako ng sobra.Tama ba ang iniisip ko?It's not possible!Dahan-dahan ko na hinimas ang tiyan ko at iyon din ang pagpasok ni Ate Gina."Ate, pasuyo po," sabi ko kaagad kaya nagulat siya sandali."Sige naman, ano iyon?""Pwede po ba akong magpabili ng pregnancy test?" Biglang nanlaki ang mga mata niya at namutla pa siya dahil sa sinabi ko. Hindi kaagad siya sumagot pero kalaunan ay tumango na rin siya kaya bumuga ako ng hangin.Bakit hindi ko naisip kaagad?Bakit hindi ko naisip na hindi ako nadatnan ngayong buwan?Am I pregnant with Luke's child?Mabilis na umalis si Ate Gina sa kwartl dahil sa pinasuyo ko. Hindi ko maiwasang kabahan ng sobra-sobra at nanlalamig rin ang parehong mga kamay ko. Hindi ako makampan
The next morning I woke up so early. Kaagad kong kinusot ang mga mata ko saka hinila ang kapirasong comforter na tumatabon sa katawan ko. I am very naked right now, same as the man beside me. Nang bahagya ko siyang tapikin ay gumalaw siya. Pero hindi lumayo kasi mas yumakap lang siya sa akin. He's hugging me real tight and I can't help but to smile. "Luke, gising na," mahinang sabi ko pero isang mahinang daing lang ang sinagot niya."Aren't you tired?" paos at antok na tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin kaya napasimangot ako.I am so hungry."Luke, get up," sambit ko pero wala lang sa kanya iyon.Inis ko siyang tinalikuran. I thought he'd argue with that but he spooned me. Napasinghap ako sa ginawa niya. We are both naked for goodness sake.Nasa batok ko na ang hininga niya. Nakakakiliti. "Luke," saway ko."Hmmm," sagot ko.And I panicked when I felt his hand caressing my flat stomach up to my breasts. Nang matagpuan ng kamay niya ang dibdib ko ay kaagad niya iyong pinagla
Nothing happens. After we kissed I showered because someone called in his phone. Matapos kong maligo ay kaagad kong tiningnan ang mga damit na binili niya. I am not sure if he's the one who really bought this because everything looks amazing. At size ko lahat.Of course he knows my size!I chose the simplests one. The thin spaghetti strap dress below my knee. Napanguso ako dahil hindi ako sanay sa ganito pero wala akong choice kasi halos lahat ganito. Kung hindi dress ay pants naman. No shorts.Nang lumabas ako sa closet niya ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama at tutok na tutok sa laptop. Wala pa rin siyang damit pang itaas. Mukhang naramdaman niya kaagad ang presensya ko kaya mabilis siyang lumingon sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad niyang sinara ang laptop niya."It's already lunch time," sabi niya saka mabilis na tumayao mula sa kama. Inisang hakbang niya ang pagitan namin saka mabilis niyang pinulupot ang braso niya sa baywang ko. He smirks before looking at
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nang makaramdam ako ng lamig. Ang una kong naaninagan ay ang makapal na comforter na nakabalot sa akin. My forehead creased and I immediately roamed my eyes around the room. Napalunok ako ng maalala ang mga nangyari.Galing sa pagmamasid sa buong paligid ay dumapo ang mga mata ko kay Luke. The bed is huge, probably his bed. Ang layo niya sa akin. "Luke," mahinang tawag ko sa kanya at hindi ako makapaniwala dahil kaagad siyang napamulat. Mahina ang pagtawag ko kaya hindi ko akalaing magigising siya kaagad."Your head is still hurting?" medyo paos na tanong niya habang papikit-pikit pa dahil sa biglaang pagkagising."No," mahinang sambit ko.He's too far from me. "Hug," mahinang sambit ko saka ako na mismo ang lumapit sa kanya. I felt him stiff because of what I did but I don't care.Inunan ko ang ulo ko sa isang braso niya saka siniksiia ko ang mukha sa dibdib niya. Hindi niya ako niyakap kagaya ng dati niyang ginagawa kaya napahinga ako ng m
After a while, policemen came. Mas lalo akong nagtago sa dibdib ni Luke dahil hanggang sa ngayon hindi pa rin nawawala ang takot ko."Put him inside the jail. My lawyer will settle everything," maalamig na sabi ni Luke. Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya na parang sobrang nagpipigil ng galit."Masusunod, Sir," sabi ng mga pulis.I assumed that they take our principal because I heard his small groan. That simple sound made me scared. Luke carefully held my cheeks so I slightly look up to him. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya pero kaagad iyong napalitan ng ginhawa."Are you okay?" dahan-dahan at maingat na tanong niya kaya mahina akong umiling."Y-yes—""D*mn," malutong niya mura niya saka muli akong niyakap."T-Thank you, thank you for coming," bulong ko at sigurdadong rinig niya iyon kasi mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin."I want to kill him, d*mn."Napapikit ako saka pinilit kong pakalmahin ang sarili ko sa bisig niya. At nagawa ko namang kumalma ng tuluyan."Uwi
Tulala ako habang nakaupo sa loob ng kotse niya. Ramdam ko ang inis niya ngayon para sa akin. But still, he's driving me to work. Ilang beses na rin akong napabuntong hininga saka napapasulyap sa kanya.Nang makarating kami sa school ay kaagad ko siyang nilingon. Hawak ko ang seatbelt at handa ng kunin ito. Nang lumingon siya sa akin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin saka sumimangot.I don't like this.Hindi ko inaasahan ang pagbaba niya para pagbuksan ako ng pintuan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya pero siya plain lang ang mukha."Call me after your work. Susunduin kita," malamig na sambit niya nang makababa ako bago nag-iwas ng tingin."S-sige," nanginginig na sagot ko.My fast beating heart is bothering me so much. I am expecting him to give me a kiss but it didn't came. Napahinga na lang ako ng malalim saka napahigpit ang pagkakahawak ko bag na dala.Nagsimula akong maglakad papunta sa guard house para mag-log in. Nakasi angot ako at pakiramdam ko maiiyak na ako ano
I don't know how I managed to sleep that night. I am longing for his body heat but I didn't feel it that night. Nagising ako kinabukasan dahil sa tilaok ng manok sa labasan. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ang unang tumambad sa akin ay ang maamong mukha ni Luke. Napalunok ako dahil sa kagustuhang halikan at halikan siya.Hindi kalakihan ang kama ko pero malayo ang agwat namin sa isa't-isa na parang ayaw niya talagang madikit sa akin. Nasaktan ako sa ideyang iyon kaya dahan-dahan akong umupo sa kama pero hindi ko inaalis ang tingin sa mukha niya. He's sleeping peacefully. It's just five in the morning and I wanted to sleep more. Pero mas gusto ko siyang pagmasdan ngayon. His thick lashes, pointed nose, clear skin and a little bit furrowed forehead.Dahan-dahan kong hinawakan ang pisngi niya gamit ang nanginginig kong kamay. Pero saktong paglapat ng palad ko sa pisngi niya ay iyon din ang pagmulat ng mga mata niya. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero hindi ko kinuha ang