Indie Emerson
"Grabe! Ayoko na talaga sa earth! Lagi na lang talaga pinapamukha sa akin ang kulang!" Mabilis kong siniko si Maya nang isigaw niya 'yon. May napatingin sa amin kaya bigla akong nahiya. Nakapila kasi kami sa isang milktea shop ngayon at napansin niya na puro raw couples ang andito sa loob. Ang dami niyang sinabi pero isa lang ang naalala ko, naiinggit daw siya! "Ayoko na sa earth kasi ang init!" dagdag pa niya saka natawa. Nayakap ko na lang sa dibdib ang hawak na crochet pouch at ngumuso. Minsan talaga hindi ko masakyan ang trip ni Maya pero sanayan na lang talaga. Minsan lang din naman kasi kami nagkikita, kapag may events lang talaga. Minsan dumadalaw siya sa Art Bar para manggulo. Tumingin si Maya sa akin at hinaplos ang maiksi kong buhok. Gawain niya talaga haplusin ang buhok ko, nagagandahan daw kasi siya. "Eh, ikaw? Wala ka bang balak mag-jowa?" aniya. Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa kanya. In my 25 years of existence, wala namang nagkainteres sa akin. Kung meron man, edi sana may nagkaroon na ako, pero hanggang ngayon wala. Hindi rin naman ako naghahanap at ayoko. Okay na ako na mag-isa, sanay na sanay na. Mabubuhay naman siguro ako ng walang lalaki sa buhay. At saka baka mamoblema pa ako. Wala rin naman nagkakagusto sa akin dahil sa lagay ko. Baka mamaya may gawin na naman sa akin na 'di maganda. "Ako kasi may balak! Ang kaso, wala pang dumarating," sabi ni Maya nang hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili siyang dumaldal habang ako ay nakikinig lang sa kanya. Maya was already used to my silence. Hindi rin naman kasi siya marunong ng sign language kaya 'di talaga kami magkakaintindihan. Minsan ko na siyang tinuruan pero 'di niya talaga makuha-kuha. Hindi rin naman kasi madaling matuto ng sign language, everyone has a different learning styles. It would still depends on how quickly you'll learn and pick up a lesson. May iba kasi na slow learner, may iba na fast learner. It would take months up to years to master and be fluent in sign language. Sa kaso ko, sa ilang buwan ay basic language lang and umabot din ako ng ilang taon to master that. Nakakalito kasi talaga, kailangan maintindihan mo at maging maayos ang galaw ng kamay mo. Sa letter, grammars and sentence structure pa lang halos kulang ang buwan talaga. At first, more on online tutorials ako pero sobrang hirap pala. In-enroll ako nila Mama sa isang school kaya mas naging maganda ang pag-aaral ko no'n. Kahit master ko na ay hindi ko pa rin naman nagagamit lagi. Sa buong buhay ko, ang nakasalamuha ko lang ata na marunong mag-sign language ay si Madam Sonya at ang naging mga teacher ko sa special school na pinasukan. Hindi marunong sila Mama, never silang nag-aral ng sign language to catch up with me. They also never attended seminars na connected sa akin, like how to deal with mute people and such. They never tried for me... and I'm okay with that naman. "Matagal na naman tayo magkikita after nito! Siguro sa isang buwan dalawang beses lang tayo kung magkita 'no?" sambit nito habang naghihintay kami ng order namin. Mabilis kong inilabas sa crochet pouch ko ang white board at marker saka nagsulat. "Four times tayong nagkikita sa isang buwan. Dalawa ro'n ay sa exhibit at 'yong dalawa pa ay ang pagdayo mo sa art bar." Nakita ko ang pagtitig doon ni Maya. Ngumuso siya at hinampas ang balikat ko. "Wow, kabisado mo! Nangungulila kasi ako sa 'yo kaya kita pinupuntahan! Alam mo naman na hinahanap-hanap ko ang katahimikan mo!" natatawa niyang sambit. Umikot ang mata ko sa sinabi niya saka nagsulat na naman sa white board. "Maghanap ka na kasi ng jowa mo para may pagkaabalahan ka at 'di mo na ako ginugulo." Diniinan ko pa ang paglalagay ng tuldok na mas ikinatawa niya. Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko pero agad ding binitawan. "Ang sabihin mo ayaw mo lang magpagulo o magpakita sa akin. Kahit ilang beses lang tayo nagkikita ay nakuha ko kaagad ang ugali mo! Hindi ikaw 'yong tipo ng tao na friendly! Ang m*****a mo kaya!" Mabilis kong binura ang nasa white board. "You still don't me and I'm not m*****a! You just don't understand, Maya." She tsked. "Okay, fine. Mukhang inaaway mo na ako sa sinulat mo." Nailing ako sa sinabi niya saka nagsulat muli. "Hindi naman. I just want to say na may mga bagay ka pang hindi naiintindihan o alam sa akin. At hindi mo talaga maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko." Tinitigan niya 'yon at humaba na naman ang nguso niya. Kaya madaling nasabi ni Maya na hindi ako friendly ay dahil iyon lang ang nakikita niya. Hindi niya alam na may mas malalim pa na dahilan. Wala rin kasi siya sa lugar ko kaya niya 'yon nasabi, naiintindihan ko naman. Hindi naman ako galit. Hindi naman ako m*****a. Never akong nagmam*****a sa kahit na sino. Alam ko ang feeling ng pagm*****ahan kaya 'di ko 'yon magawa sa iba. Tumayo muna si Maya para kunin ang in-order namin. Nakita kong tumingin pa siya sa kabilang side at mukhang may nagustuhan siyang cake. Bumaling ako sa board ko at binura ang sinulat. Habang ginagawa iyon ay nakarinig ako ng pag-uusap. "Oh, she's mute. Mostly ng mga pipi ay bingi rin 'di ba?" "Cute." "Huh? Anong cute riyan?" sambit no'ng isa saka sila nagtawanan. I gritted my teeth and remained bland. Mahina lang 'yon pero rinig na rinig ko. Hinintay ko na lang na bumalik si Maya sa pwesto ko. The hardest part of my situation is how people will treated you, how they will act towards you. Some will laugh at you, some will throw harsh words at you kahit na harap-harapan. Kung ako lang ang papipiliin, gugustuhin ko na lang din na maging bingi para lang 'di ko marinig ang mga sinasabi nila. Minsan ko na rin 'yang hiniling kasi pakiramdam ko na ang mga naririnig ko ang mas maglulugmok sa akin sa kalungkutan. Which is true naman, masakit kaya sa dibdib. Sometimes, I would spend my day by overthinking and recalling some encounters with those people at naiiyak na lang ako. I want to protect and guard myself by yelling or shouting at them but I just can't, I can't do that because I'm mute. It was so frustrating sa totoo lang, pero hinahayaan ko na lang sila. Wala rin naman mangyayari kung lalabanan ko, mababago ba no'n ang kalagayan ko? Hindi naman 'di ba? Baka mas pagtawanan lang nila ako. I know that it's hard but I just have to live with it each and every day of my life. Nagtagal kami ni Maya sa milktea shop na iyon at pagkatapos ay muling bumalik sa itaas. Tinawag ako ni Madam Sonya dahil agad niyang ibinigay sa akin ang bayad. Hindi niya na raw ipapadaan sa banko dahil baka matagalan lang kaya inabot na niya. Natapos ang event at agad din akong nagpaalam kasi pupunta pa ako sa Eataly's na sinasabi ni Mama. Nag-book na lang ako ng masasakyan. Habang sa byahe ay tumunog ang phone ko dahil sa text message ni Mama. Agad ko 'yong binasa. "You're now 15 minutes late, Indie!" Agad kong pinindot ang call button sa upper left corner ng name ni Mama. Naitaas ko ang kamay at akmang ilalagay na sa tainga ang phone pero agad ko 'yong ibinaba at pinatay ang tawag nang mapagtanto ang ginawa. Naipatong ko na lang ang siko sa may bintana at nasapo ang noo. Shit, I forgot. Paano nga pala ako makakapagsalita sa tawag? Mariin na lang akong napapikit. Ilang beses na nangyayari sa akin ang ganito, iyong hindi ko mamamalayan na pinipindot ko na ang call button, then after seconds doon ko mamamalayan ang katangahan na ginawa. Pinalipas ko pa ng ilang minuto bago ako nag-reply kay Mama. Sinabi ko na nasa byahe pa ako at traffic kaya medyo mahuhuli talaga ako. Okay lang ang reply nito sa akin kaya nailing ako. Hindi ko alam kung anong meron ngayon at nagawa nila akong ayain ng dinner. Tumingin ako sa phone at napansin na malapit na ako sa pupuntahan, at habang papalapit ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Inihinto ng driver ang kotse sa tapat ng isang malaking restaurant at saka doon ako bumaba. Nasa dalawa ang palapag no'n at may mga nakaparadang kotse sa harapan. Humigpit ang kapit ko sa crochet pouch at dinala iyon sa dibdib ko saka niyakap. Huminga ako ng malalim saka naglakad na. Nang makarating sa entrance ay pinagbuksan ako ng guard ng pintuan at sinalubong ako ng isang babae. "Good evening, welcome to Eataly's! Do you have any reservation, Ma'am?" Binuka ko ang bibig at nakita ko ang pagngiti ng babae sa akin na naghihintay ng sagot. "Ma'am?" untag pa nito. Naitikom ko ang bibig at akmang kukunin ang white board sa pouch pero natigil dahil narinig ko ang boses ni Mama. "Indie! Come here!" tawag nito sa akin. Nahihiyang binalingan ko ang babae at ngumiti na lang bago tumingin kay Mama na parang naiinis na ang itsura. Nilampasan ko ang staff at habang papalapit kay Mama ay bumagal ang paglakad ko dahil sa tatlong bulto ng tao na kasama niya sa mesa maliban kay Papa. I almost hitched my breath when I reached their table. Lumaki ang ngiti ni Mama at napatingin sa kaharap niya. Isang babae na siguro ay halos kasing-edad niya lang. Napatingin pa ako sa katabi nito na lalaki, mukhang asawa niya. Ngumiti ang ginang sa akin at kumunot ang noo ko. "Indie, this is Ester and Weslie Vega." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama. Tumama ang mata ko sa katabi no'ng lalaking may edad na. He's wearing a gray jacket suit and his inner shirt is white. Unti-unting umangat ang tingin ko sa mukha niya at nagtama ang asul naming mga mata. Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay nakita ko na siya hindi ko lang alam kung saan. "And this is their son, Weston." Mama smiled. "Oh, Indie! You're here!" Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa likod at nakita ang kaibigan ni Papa na si Judge Lagdameo. May malaki itong ngiti sa labi at halatang natuwa pagkakita sa akin. Muli kong binalingan ang lalaki na nakakunot na rin ang noo. Napaatras ako ng isang hakbang nang maisip agad ang pwede mangyari ngayong gabi. No, not again! Hell, this is not just a simple dinner!Indie Emerson My heart is pounding so wildly when Mama asked me to sit. Tumayo si Papa at ako ang unang pinaupo. Katapat ko na ang lalaking sinasabi ni Mama. Kahit hindi ko pa talaga alam ang reason ng dinner na 'to ay ramdam ko na kung saan 'to patutungo lalo na andito si Judge Lagdameo. This is probably not a simple dinner. "Let's order?" Mama asked. "Sure!" the woman said happily then looked at me. Naging maliit ang ngito niya but I don’t find it terrifying or scary. Ganoon din ang titig ng matandang lalaki. Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa lalaking kaharap ko. He’s now looking at me intently. We have the same blue eyes but I can say na mas malamig ang mga mata ko at mas maganda ang pagka-blue ng akin. I was looking at him emotionless and blandly. I don’t know him but I feel that I already saw him somewhere, I just can’t remember where it was. Hindi talaga ako matandain sa mga mukha at saka hindi ko naman kasi siya kilala. Wala akong kaibigan. Wala ako masyadong kilala. Hi
Indie Emerson I know that Mama Isabelle wanted me to get married because that's her own way to get rid of me. Alam kong iniisip niya na kapag kinasal na ako ay mawawala na ako sa pamamahay na 'yon dahil isasama na ako ng lalaking mapapangasawa ko, kung sinoman iyon. Hindi ako tanga para hindi maisip 'yon. I stayed with them because of gratitude and love, na kahit itaboy nila ako ay mananatili ako. Isa rin 'yon sa ipinangako ko kay Ingrid. When people got the chance to know my situation, magpapakita sila ng emosyon na mahirap ipaliwanag, nakakalito. Hindi ko tuloy mahinuha kung nagugulat ba talaga sila o nanghihinayang. Minsan naiisip ko nilalait na nila ako sa isipan nila. Hindi rin naman nakakagulat dahil naranasan ko na ang malait at masabihan ng kung anu-ano. Nanginginig ang kamay kong hawak-hawak ang board habang ipinapakita 'yon sa lalaking kaharap. Halatang nagulat siya. I don't know if how long we've been staring to each other until I decided to looked away. Napakurap ako at
Indie Emerson That night, I stayed in a hotel. Hindi ako umuwi sa bahay dahil magtataka sila Mama at Papa. Baka mauwi pa ang usapan namin sa pagtatalo at ako na naman ang lalabas na masama at hindi sumusunod. Inaasahan pa naman niya na pagkatapos ng dinner na iyon ay sasama na ako kay Weston. Kahit si Weston ay nagulat, he was not prepared! Nakakagulat pa dahil napakadali niyang tinanggap lahat ng 'to. Iyong tipong may plano na siya. Iyong ayos lang sa kanya kahit na maging magkaibigan kami. Ang bait niya at hindi ako sanay. Mahirap na dahil baka mamaya ay sa una lang siya mabait, baka nagkukunwari lang.Feeling ko alam ng Mommy niya na pipi ako at hindi lang nila sinabi kay Weston para hindi ito mag-back out. Namumukaan ko ang Mommy niya ngunit hindi ko lang maalala kung saan. Baka investor din nila Mommy or isa ring negosyante. Expected ko na 'yong ganito, pero hindi 'yong bibiglain kami sa pagpirma ng marriage certificate. May pre-nuptial din dahil alam kong may porsyento na ipina
Indie Emerson What happened to me for the past years and the way people treated me scarred me for life. There was a time in my life that I planned on taking my own life, but Ingrid caught me. Galit na galit siya sa ginawa ko at ipinaintindi niya na there's more to life. Nang mawala siya, nawalan ako ng kakampi sa lahat. Parang sinuntok sa akin ng mundo ang mga nararapat para sa akin— a dull life alone.Minsan iniisip ko na sana bingi na lang din ako para wala akong naririnig sa kanila patungkol sa kung ano ako. People seems to unaware of what we could entails. They were blinded by their prejudices. It was upsetting, actually. I felt like I'm trapped in a world of my own, trapped in my own mind. This condition of mine crushed me on a day-to-day basis. I felt useless and out of place. That's why I also choose to be alone... "Did you eat your breakfast?" I blinked twice when Weston talk. I looked at him and he's focused on driving because he was looking straight. And I can say that
Indie Emerson Drawing and painting become my comfort zone. My youth was constantly kinda frustrating up until now. My mind is always occupied with new thoughts and ideas, and I couldn't voice all of them. Painting become my way to peace in this cruel world. Kapag nakahawak ako ng brush at nakaharap ko na ang canvas ay para akong nabubuhayan lagi ng loob at nakakadama ng ginhawa. But not all the time. I also have bad days at kahit kaharap ko na ang mga bagay na nagpapatahimik sa akin ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-isip ng kung ano. I just know how not to pour it out in people. Kaya nasanay din akong hindi makihalubilo sa mga tao. Nasanay akong ako lang mag-isa. Okay lang naman dahil iyon naman ang sinuntok sa akin ng mundo... ang mag-isa. Kumunot ang noo nang makita na hindi maayos ang pagkakalinya ko sa mata ng babae na nasa drawing pad ko. Naiinis na pinunit ko ang pahina no'n at tinapon na lang sa kung saan. Sa paglingon ay nakita ko ang kumpol ng mga nagusot na papel
Indie Emerson "Edi wala tayong pasok sa katapusan?" Narinig kong tanong ng isang cashier staff habang pumipili ako ng paint brush sa gilid. May kausap kasi siyang isang sales staff. Mga katrabaho ko sila pero hindi naman kami close. Hindi ko rin naman kasi sila nakakausap dahil nga sobrang ilap ko sa mga tao. May iba kasi na ayaw din naman ako kausap kaya ako na lang ang kusang lumalayo. "Half day lang! Kasal nga kasi ng panganay niyang anak 'di ba?" "Ay, oo nga pala!" Lumapit ako sa pwesto nila at nilapag ang paint brushes na nakuha. Inabot ko rin ang debit card ko para iyon ang gawing pambayad."Paniguradong grande ang kasal nila! Vega at Ynares ang ikakasal!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang Vega. Saan ko nga ba 'yon narinig? Inasikaso ng cashier staff ang binili kong brushes at nang okay na ay kinuha ko muli ang card at bumalik sa room kung saan andoon ang painting area namin. Nasa loob lang din naman kasi kami ng Art Bar. Dalawa lang kaming painter ngayon ang pumasok d
Indie Emerson "Wife?" the man uttered. Mabilis kong hinatak sa lalaki ang kamay ko at hinablot sa kanya ang paper bag na nakuha niya kanina. I felt my hands are trembling because of shocked and fear. Ayoko talagang hinahawakan ako lalo na lalaki at hindi ko talagang kilala. Mabilis na lumapit sa amin si Weston at nag-aalala na nilapitan ako. "May asawa ka na?" sambit pa nito. "Are you okay?" Weston asked habang kinukuha ang isang paperbag. I felt him touched my shoulder and looked at me. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Naramdaman ko ang pagkalma ng sarili sa hawak niya. Umangat pa ang kamay niya at hinaplos ang maikli kong buhok. "Wait— Weston, care to explain? Wife? Kailan ka pa kinasal?" nagtatakang tanong ng lalaki. Napatingin kami sa kanya. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha at nakakunot pa ang noo niya. Imbis na umalis ay nanatili ako sa tabi ni Weston na parang nagtatago na bata. The guy is also good-looking just like Westom but he looks younger. Halatang anak-mayaman
Weston Vega "Weston, isa siyang pipi." I let out a heavy sigh when I heard Isandro's voice. Ipinatong ko ang mga palad sa kitchen counter at mariin na pumikit. Mukhang kanina pa siya andito at nakita niya ang nangyari. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng enerhiya sa naging pag-uusap naming dalawa ni Indie. When I closed my eyes, Indie's downhearted face flashed through my mind. "She's my wife now," I blurted. I don't care if she's mute or not. I don't hold any grudges about that. The moment she wrote something into that board, I've already accepted what she'll gonna say about her condition. It doesn't matter to me. "And you went overboard, you moron!" "Your mouth, Isandro. I'm older than you," sita ko sa kanya. Umismid siya. "I don't care about that age, two years lang naman. What you did was wrong. Indirectly accusing her of what? Having an affair? Kung meron man, edi sana hindi siya pumayag dito," aniya. I just looked at him intently. Gano'n din siya, kapag ganito masasabi kong
Weston Vega The marriage thing with Indie happens like a strike of thunder. Hindi talaga naging madali sa una, Someone like her— cold, grumpy and distant, is totally different from what I've imagined. Falling in love wasn't on our plan yet we did. I'm the one who fell first. Hindi ko rin akalain na sa kanya lang pala ako bibigay. Naging malalim 'yong nararamdaman ko, naging in denial pa nga ako kasi takot din ako. Natakot sa kung ano pwedeng mangyari lalo na si Indie 'yon, she was so good at hiding and denying things. Sa kung tutuusin ay kayang-kaya niya tapusin sa isang iglap, pero alam kong hindi niya ginawa kasi may pumipigil. She risked everything just to satisfy her foster parents. Iyong kahit tapak-tapakan na siya ay andoon pa rin 'yong pagmamahal niya para rito. She was so selfless. Kahit pinaramdam sa kanya ng lahat na naiiba siya dahil sa kalagayan niya, nanatili siya para sa sarili niya. Yes, she was hurting herself before and that's really awful but it's her way of coping
Indie Emerson I used to have a dull life, tranquility was so hard to achieve because of the gloomy past and voices of the demons in my head. Insecurities, overthinking, low self-image; all of it ruined everything. I should not be easily readable, I don't want people to know how vulnerable and weak I am. When the girl that I love, Ingrid, died everything was messed up. Harsh words here and there. Unfair treatment. They were like a jumble of problems that never vanished, it'd stay in your mind forever. And getting married was the least thing I want to do after what happened to Shane and I, and let me include Diesel, para akong nakulong sa pag-iisip na lahat ng lalaki ay gano'n din ang gagawin sa akin, that they would take advantage of me because I'm like this and I don't deserve to be treated well. And I deserve the bare minimum. Life with the Emerson family was something I didn't expect, because I'm pretty confident about experiencing a happy life until my last breath, not like th
Indie Emerson After that heartwarming meeting of Dion and Weston, I stayed with them dahil dinaldal na si Dion ang Daddy niya. Pinapanood ko lang sila dahil hindi naman ako makapagsalita. Kapag nag-sign language ako, si Weston ang nagta-translate, parang 'yong ginagawa lang namin ni Maya. Tulad ng kay Isandro, ang bilis lang din mapalagay ni Dion kay Weston. Ilang oras pa lang sila magkasama ay ang clingy na nung bata kaya nakakatuwa. Nagpaalam muna ako sa kanila para tapusin ang ginagawa ko. Tinawag ko rin si Susan para maisampay niya 'yong mga nalagay ko na sa hanger. "Ate, makakahinga ka na nang maluwag," aniya bago lumabas ng kwarto bitbit 'yong basket. She's right. I'm now at peace knowing that Dion and Weston already met. Okay naman kasi kami ni Weston and he has the rights to know her. Sadyang inuna ko lang 'yong sa aming dalawa dahil ayokong mabigla at pilitin siya. Para talaga akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nagulat pa ako sa reaksyon niya that he was so proud of me.
Indie EmersonKinagabihan ay inihatid ako ni Weston pabalik sa unit. Mag-isa lang ako dahil nag-text si Maya na umaga pa sila makakauwi, ang service na lagi naming ginagamit ang maghahatid sa kanila dito. Ayaw pa nga sana niya umuwi kaso ang daming gamit ni Dion sa unit at panigurado na makikita niya, walang ligtas kumbaga. Sa sala pa lang andoon na 'yong mga stuff toys niya, activity desk at wiggle car. Ang dami ring plushies sa sofa na halos gawin na naming unan dahil sa dami. Lalo na sa kwarto naming dalawa ni Dion, nandoon 'yong mga malalaki niyang toys na bigay ni Maya. Simula nung bumalik kami rito lagi na niyang binibilhan sa mga online store, kaya laging may delivery. Buti nga plush toys lang, malambot, magaan pero ang hirap labhan. Kaya 'yong iba hindi namin inaalis sa plastic."Hindi ba 'yan inaantok? Bakit ang hyper?" pagtukoy ko kay Dion na kanina pa nakasakay sa wiggle car niya at nakaipit pa sa harapan niya 'yong tatlong plush toys niya. Natawa naman si Maya habang nak
Indie Emerson Weston and I left the hall. Sinabihan siya na idi-deliver na lang daw sa penthouse 'yong portrait na binili niya. Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya 'yong kamay ko at bitbit ang bag ko pati flowers na bigay niya. Hindi siya nagsasalita pero nung silipin ko 'yong mukha niya; he was just looking straight with a small smile on his face. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin. Umangat ang free hand ko para hawakan ang braso niya at pinisil iyon. Napatingin naman siya sa akin na para bang nagtatanong pero ngumiti lang ako. "You want something?" he suddenly asked. I just shook my head. "Are you sure? Ako, ayaw mo?" he asked, naughtily. Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kurot sa tagiliran niya. He just laughed and made a face like copying my initial reaction. Some jokes are half meant, tawa-tawa lang 'to pero alam kong may balak na 'to. Habang naglalakad kami ay nakita kaming mga bata na may dalang plushies, halatang bagong bili lang din. Feeling ko ay nagin
Indie Emerson I'm smiling widely 'cause I couldn't hide my excitement when I saw him. Parang gusto ko na nga siyang dambahin at bigyan ng halik, but I choose to stay calm. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi sa naisip, maraming tao at kung anu-ano pa ang naiisip ko! Weston's eyes dilated with the pathos of love, his face flushed and when he blinked, he looked away. Para bang nahiya siya bigla. Napayuko naman ako at tumikhim, pinipigilan ang pagngiti. Napalingon ako sa napansin na abala pa rin ang mga tao sa pagtingin ng portrait. Hinablot ko ang kamay niya at dinala sa kanina niyang tinitingnan. Tinapatan namin 'yong isa kong gawa na mukha niya ang nakapinta. He was smiling while his eyes were closed. May gabi kasi na kapag magkatabi kaming natutulog ay patago ko siyang kinukuhaan ng litrato tapos ayon 'yong ginawa kong reference. Mabilis ko lang siyang nagawa at nakakatuwa kasi halatang ginanahan ako habang pinipinta 'yan. Ang ganda ng kinalabasa. Weston's eyes got teary, that'
Indie EmersonDion is a lovely kid kaya kung magkikita sila ni Weston ay hindi iyon magiging problema, magiging magkasundo agad sila. Sobrang bata pa niya kaya hindi pa niya hinahanap ang papa niya pero minsan ay binabanggit niya ang word na 'yon lalo na't naturuan na siya. Saturday came and Isandro insisted na ihatid kami sa orphanage at pumayag naman kami. Nagtagal din siya doon dahil natuwa siya sa mga bata. Sumabay na rin ako sa kanya pabalik sa Metro, hinintay lang namin na makaidlip si Dion para hindi ako hanapin. Habang nasa byahe ay nag-kwento pa si Isandro tungkol sa mga nangyari sa Vega sa nakalipas na dalawat kalahating taon kaya muling pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Ma'am Ester. Nag-request ako na kung pwede ay dumaan kami sa sementeryo kung nasaan ito. Pumayag naman siya, bumili kami ng bulaklak at saka kandila. Pagkatapos magsindi ni Isandro ng kandila niya ay ako naman ang sumunod. Inilapag ko rin 'yong mga bulaklak na binili naming dalawa. Nakatayo lang
Indie EmersonI'd say that mission aborts! Instead of staying in his penthouse the morning, he woke up then lost his consciousness because he thought he was dreaming, I bid my fastest goodbye then left them in wonder. Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo. "Thutan! Indie Ganda!" Agad na bumaba si Dion sa sofa at tumakbo sa pwesto ko. Nang makarating sa harapan ko ay tumalon-talon pa siya bago nilahad ang mga braso na parang magpapabuhat. Biglang lumabas si Susan mula sa kusina na may hawak na sponge at ngumiti. "Oh, ate! Ang bilis mo naman?" tanong niya. Natawa na lang ako at pinabalik na siya sa ginagawa. Binuhat ko si Dion at natutuwang kumapit siya sa leeg ko. Dinala ko siya ulit sa kinauupuan niya kanina at doon kami naupo. Ipinatong ko siya sa kandungan ko at kinuha I'msa shoulder bag ang board and pen. "Indie will draw?" she asked, medyo bulol pa. Nakangiting umiling ako. "Hindi si Indie ang magd-drawing. Ikaw!" senyas ko sa kanya. Nakakunot ang noo niya haban
Indie Emerson What happened to both of us didn't end up in fury, there's no hate in my heart, just pain. We both needed time to mend our broken hearts and gain our inner calm, if not, we'd lose both of our sanity. Iyong mga narinig ko sa kanya habang wala ako ay sobra-sobra na. I trust Weston with all my heart but I didn't trust him enough to share my resentment and fears. Pinangunahan ako ng takot at dumagdag pa 'yong nangyari sa Mommy niya. May takot nung una kasi alam naman namin na Mommy niya ang dahilan kung bakit nagkasundo kami at humantong sa ganito. I assured him in my letter na kung pwede na at kung pwede pa, babalik naman ako. Kung ako pa rin, why not 'di ba? I know that Weston's intention for me is pure. Pinaramdam niya 'yon at hindi siya nabigo. He's my first in doing such unexpected and beautiful things; the reason for the butterflies in my stomach, the reason why my heart skipped a beat, made my cheeks blushed, and made me dizzy. Kahit siya ang dumaldal buong magdam