MATAPOS nilang kumain ay paghuhugas naman ang inatupag ni Cielo. Habang ang batang babae naman ay pinagpahinga nya muna dahil hindi pa ito pwedeng pa-pwersa lalo na at kagagaling lang nito sa sakit.
Pinahiga nya ito sa sofa na nasa kanilang sala at hinayaan itong manood ng tv.
Medyo marami ang kanyang huhugasan dahil simula pa kagabi ang mga ito.
Nang matapos sya sa kanyang ginagawa ay pinuntahan nya si Kirsten. Naupo sya sa sofa'ng nasa katapat nito. Tumingin naman agad sa kanya ang bata.
"Mama? Mabuti po at pumayag ang boss mo na umuwi ka dito sa probinsya natin." Sabi ng bata. Napamaang naman sya at hindi agad nakapagsalita. Kung alam lang nito na hindi naman talaga sya nagpaalam at basta-basta na lang syang umalis ay baka isipin nitong tumakas lang sya.
"Uh, syempre naman. Kailangan kong umuwi dito dahil may sakit ka." Sagot nya habang iniiwasan
PAGKAUWI galing sa pamamalengke, ay agad na pinagpahinga ni Cielo ang kanyang anak. Baka kasi mabinat ito dahil hindi pa naman ito gaanong magaling.Inihatid nya ito sa sarili nitong kwarto at hinintay muna itong makatulog bago sya nagtungo sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit pambahay.Bago sya lumabas ng kanyang kwarto ay nilingon nya muna ang kanyang wall clock at nakumpirmang alas-dos na pala ng hapon. Napaka-bilis lang ng oras.Habang pababa ay ipinusod nya ang kanyang nagulong buhok dahil sa kaninang byahe.Naisipan nyang magluto ng meryenda dahil nakaramdam sya ng gutom.Kumuha sya ng arina at asukal sa mga pinamili nya dahil balak nyang magluto ng hotcake. Naghanap rin sya ng iba pang mga ingredients sa kanilang kabinet dahil nagbabaka-sakali syang mayroon doon. Hindi naman kasi sya bumili kanina dahil biglaan lang ang kanyang pagluluto.
MAAGANG nagising si Cielo kinabukasan. Balak nyang maglaba dahil tambak na rin ang labahan nila.Bumangon sya at saka nag-inat habang humihikab pa. Sinuklay nya muna ang kanyang buhok at saka kinuha ang mga marurumi nyang damit bago lumabas ng kanyang kwarto.Nagtungo sya sa kwarto ni Kirsten at dahan-dahang kinuha ang mga damit dito dahil sa takot na magising nya ang bata. Sunod ay pumunta sya sa kwarto ng kanyang bayaw at kinuha rin ang mga damit nito.Lumabas na sya at diretsong nagtungo sa baba. Binuksan nya ang mga ilaw at saka sya nagtimpla ng kanyang kape. Napag-desisyonan nya ring magluto na ng sinaing upang hindi na nya ito gawin mamaya.Habang hinihintay na maluto ang sinaing ay pinaghiwalay na nya ang mga damit sa de-kolor at sa puti. Mabuti na lang at mayroon silang washing machine kaya hindi na sya mahihirapan sa paglalaba.Nang maluto ang sin
TUMIGIL ang mundo ni Cielo nang mga sandaling magsalubong ang mga mata nila ni Ross.Agad naman nyang binawi ang kanyang tingin dahil hindi nya kayang tagalan ang mga tingin nito. Parang kakainin sya ng buhay ng lalaki kung makatingin ito."Paano nyo ho nalaman ang bahay namin?" Gulat pa ring tanong nya. Hindi nya alam kung paano nito nalaman ang kinaroroonan nya. Hindi naman siguro sya ibinuking ni Manang Esing."I found a way, Cielo, I really want to see you. At isa pa, may mahalagang bagay akong sasabihin sa'yo." Nakangiting sabi nito."Pasok ho kayo." Paanyaya nya at nilakihan ang bukas ng pinto.Pasimple nyang tiningnan ang lalaki na ngayon ay iginagala ang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay."Pasensya na ho kayo sa bahay namin. Alam kong malayong-malayo ito kumpara sa bahay nyo sa Maynila." Diretso lang sa daan ang
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Cielo dahil sa sinabi ng matandang lalaki. Bumuka ang kanyang bibig pero wala ni-isang salita ang lumabas mula roon. Gulat at naguguluhan sya sa lahat ng nangyayari. Ito ba ang importanteng bagay na gusto nitong sabihin?Hindi nya alam kung ano ng kanyang mararamdaman. Kung matutuwa ba o hindi.Ngunit nang sandaling sulyapan nya si Ross, naisip nyang hindi sya dapat maging masaya. Dahil mababakas sa mukha ng lalaki na hindi nito gusto ang mga nangyayari."Me and Ross had planned it already." Dagdag pa nito ngunit masyado ng okupado ang kanyang isipan at hindi na nya alam kung saan pa isisiksik ang mga salitang sinasabi nito. "Aren't you happy, Cielo?" Malungkot na tanong nito.Ilang beses naman syang napa-iling habang hawak-hawak ang sintido, gulong-gulo na sa mga nangyayari."Bakit ho biglaan?" Halos bulong na tanong nya
"ARE YOU sure?" Paniniguro ng matandang lalaki. Hindi agad sya nagsalita, sa halip ay tahimik lang nyang pinagmasdan ang paligid. "Did I heard it right?" Muli ay tanong nito."Yeah. I feel so guilty about what I have done." Nilingon nya ang matanda na ngayon ay malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya."So, you are telling me that your just doing this because your guilty?" Umayos ito ng tindig. Muli syang nag-iwas ng tingin bago sya dahan-dahang tumango. "Ross, marriage is not a joke." Bigla ay pangangaral nito. Sarkastiko naman syang napatawa."Really, Lo? That's coming from you? Marriage is a joke, pero ikaw mismo, ipinagpipilitan na makasal kami ni Cielo kahit na wala kaming nararamdaman para sa isa't-isa." Hindi na nya napigilang ilabas ang kanyang hinanakit."You have feelings for each other, Ross, your just in denial." Pa-singhal na sagot nito.
"HOY, naguguluhan ako. Ipaliwanag mo nga sa akin Cielo Alegre kung bakit biglaan naman ata itong pagpapakasal nyo. Gulong-gulo na ako." Reklamo ni Heart Leigh kay Cielo. Napabuntong-hininga naman si Cielo habang nakatingin sa kaibigan."Ano ba ang gusto mong malaman?" Tanong nya rito."Ano ang gusto kong malaman? Lahat. Naguguluhan ako. Ikaw na rin ang nagsabi, wala ka'ng pag-asa sa lalaking 'yon at hanggang tanaw ka lang sa kanya. Eh, paano nangyaring magpapakasal na kayo?" Kunot-noong tanong nito habang hawak-hawak ang sintido, gulong-gulo na."Gusto ng lolo nya na ipakasal kami." Humugot sya ng malalim na buntong-hininga."Ano? Mas lalo mo lang pinagulo. So, sa madaling sabi, arrange marriage lang kayo?" Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya. Miski sya ay hindi alam kung ano nga ba talaga ang estado nila. Ayaw man nyang isipin, pero mas
PAGDATING ni Cielo sa kanilang bahay ay agad na syang bumaba mula sa sasakyan at hindi na hinintay pa ang lalaki.Narinig nya pa ang pagtawag nito sa kanyang pangalan pero hindi na sya nag-abala pang lumingon. Naiinis sya dito dahil hindi nya maintindihan ang dahilan kung bakit naisipan nitong mag-inom. Mabuti na lang at ang bar na napuntahan nito ay pagmamay-ari ni Heart.Nadatnan nya ang matandang lalaki habang nakaupo sa sofa at nagka-kape."Magandang umaga po. Akyat na po muna ako." Bati nya rito."Where's Ross?" Tanong nito."Nandyan po. Mauna na po akong umakyat, para makapag-gayak na po ako." Mabilis na paalam nya nang matanaw na ang lalaki habang papasok ng gate.Halos mahulog pa sya sa hagdan dahil sa kanyang pagmamadali. Papasok na sana sya ng kanyang kwarto nang mahawakan ng lalaki ang kanyang braso.
KINABUKASAN ay ramdam ni Cielo ang sakit ng kanyang kaselanan. Nag-inat sya ng kanyang katawan bago nagpilit na tumayo. Nilingon nya ang kabuuan ng kwarto upang hanapin ang kanyang asawa."Love?" Tawag nya rito habang nagsusuot ng tsinelas. Napangiwi sya sa sakit nang tumayo sya.Nahihirapan man ay nagpilit syang naglakad patungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Nakaramdam rin sya ng pagka-ihi."Shit." Bulong nya nang maramdaman ang hapdi.Pagkatapos nyang maghilamos at mag-toothbrush ay agad na syang lumabas at nagsuklay ng kanyang buhok.Lumabas sya ng kanyang kwarto at hinanap ang asawa. Narinig nya ang boses nito sa sala kaya agad syang nagtungo doon."Yeah. Pauwi na rin kami bukas. Makakapasok na rin ako sa lunes." Rinig nyang sabi nito sa kausap.Abala ito sa pagsimsim ng kape pe
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid