"HOY, naguguluhan ako. Ipaliwanag mo nga sa akin Cielo Alegre kung bakit biglaan naman ata itong pagpapakasal nyo. Gulong-gulo na ako." Reklamo ni Heart Leigh kay Cielo. Napabuntong-hininga naman si Cielo habang nakatingin sa kaibigan.
"Ano ba ang gusto mong malaman?" Tanong nya rito.
"Ano ang gusto kong malaman? Lahat. Naguguluhan ako. Ikaw na rin ang nagsabi, wala ka'ng pag-asa sa lalaking 'yon at hanggang tanaw ka lang sa kanya. Eh, paano nangyaring magpapakasal na kayo?" Kunot-noong tanong nito habang hawak-hawak ang sintido, gulong-gulo na.
"Gusto ng lolo nya na ipakasal kami." Humugot sya ng malalim na buntong-hininga.
"Ano? Mas lalo mo lang pinagulo. So, sa madaling sabi, arrange marriage lang kayo?" Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya. Miski sya ay hindi alam kung ano nga ba talaga ang estado nila. Ayaw man nyang isipin, pero mas
PAGDATING ni Cielo sa kanilang bahay ay agad na syang bumaba mula sa sasakyan at hindi na hinintay pa ang lalaki.Narinig nya pa ang pagtawag nito sa kanyang pangalan pero hindi na sya nag-abala pang lumingon. Naiinis sya dito dahil hindi nya maintindihan ang dahilan kung bakit naisipan nitong mag-inom. Mabuti na lang at ang bar na napuntahan nito ay pagmamay-ari ni Heart.Nadatnan nya ang matandang lalaki habang nakaupo sa sofa at nagka-kape."Magandang umaga po. Akyat na po muna ako." Bati nya rito."Where's Ross?" Tanong nito."Nandyan po. Mauna na po akong umakyat, para makapag-gayak na po ako." Mabilis na paalam nya nang matanaw na ang lalaki habang papasok ng gate.Halos mahulog pa sya sa hagdan dahil sa kanyang pagmamadali. Papasok na sana sya ng kanyang kwarto nang mahawakan ng lalaki ang kanyang braso.
KINABUKASAN ay ramdam ni Cielo ang sakit ng kanyang kaselanan. Nag-inat sya ng kanyang katawan bago nagpilit na tumayo. Nilingon nya ang kabuuan ng kwarto upang hanapin ang kanyang asawa."Love?" Tawag nya rito habang nagsusuot ng tsinelas. Napangiwi sya sa sakit nang tumayo sya.Nahihirapan man ay nagpilit syang naglakad patungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush. Nakaramdam rin sya ng pagka-ihi."Shit." Bulong nya nang maramdaman ang hapdi.Pagkatapos nyang maghilamos at mag-toothbrush ay agad na syang lumabas at nagsuklay ng kanyang buhok.Lumabas sya ng kanyang kwarto at hinanap ang asawa. Narinig nya ang boses nito sa sala kaya agad syang nagtungo doon."Yeah. Pauwi na rin kami bukas. Makakapasok na rin ako sa lunes." Rinig nyang sabi nito sa kausap.Abala ito sa pagsimsim ng kape pe
KINABUKASAN ay tanghali na nang magising si Cielo. Nag-inat sya at saka bumangon bago nagtungo sa banyo upang maghilamos at mag-toothbrush.Pagkalabas nya ay agad syang nagtungo sa labas ng kwarto upang hanapin ang asawa. Nadatnan nya ito sa sala habang umiinom ng kape."Good morning." Bati nya rito at humalik sa pisngi nito. "Anong oras tayo aalis?" Naupo sya sa tabi nito."10 am daw sabi ni Lolo. Kaya dapat makapunta na tayo doon ngayon." Inayos nito ang buhok nyang tumatakip sa kanyang mukha."Ganon ba? Dapat ginising mo ako ng maaga para nakagayak na agad ako at makakapunta na tayo." Sabi nya."I don't want to ruin your peaceful sleep. I know you had a hard time yesterday." Pilyo nitong sabi."Tse! Kape lang muna ako." Inirapan nya itp bago sya tumayo at naglakad patungo sa kusina upang magtimpla ng kape. Kumuha na rin sya ng
NAKAHAWAK si Cielo sa kamay ng kanyang asawa habang paakyat sila sa kanilang magiging kwarto dito sa bahay na pagmamay-ari nito."Ipapaakyat ko na lang 'yong mga gamit natin mamaya para maayos ko na dito sa kwarto." Imporma nya sa kanyang asawa nang makapasok na sila sa master's bedroom.Hindi rin ito kalakihan pero malawak ang espasyo nito. May isang king size bed sa gitna ng kwarto. May sariling walk-in closet, bathroom at banyo."Maliligo muna ako, love, I can't be late today." Paalam nito. Tumango naman sya at naglakad patungo sa kama upang maupo doon.Sobrang lambot ng kama, tipong lumulubog ito sa tuwing uupuan. Habang hinihintay ang paglabas ng asawa mula sa banyo ay inikot nya muna ang buong kwarto. Inihanda na rin nya ang damit na susuotin ng kanyang asawa.Nang makapag-bihis na ito ay magkasama silang bumaba sa kusina upang mag-umagahan. Al
HUMIGPIT ang kapit ni Cielo sa kanyang asawa at agad na nag-iwas ng tingin mula kay Venus.Wala na sya sa kanyang sarili hanggang sa makababa sila mula sa stage. Agad na ring nagsimula ang party at panay ang lapit sa kanila ng mga taong hindi nya mapamilyaran upang bumati.Kabi-kabila ang mga taong bumabati sa kanila kaya agad na ring na-divert ang kanyang atensyon."Nakakapag-tampo. Hindi nyo minlang ipinaalam ang kasal nyo, hindi tuloy kami nakadalo." Reklamo ng isang may edad na babaeng hindi nya kilala."I'm sorry, my bad." Sagot naman ng kanyang asawa."Your wife looks so beautiful. Bagay na bagay kayong dalawa." Papuri nito at pinasadahan sya ng tingin."Of course, ako pa ba.""Hmm, what kind of family is she from?" Hindi nya alam kung sarkastiko ba ito sa tanong o wala talaga itong alam sa pamily
NAKANGITING kumaway si Cielo sa kanyang asawa na ngayon ay pababa pa lang mula sa sasakyan nito.Agad naman ang pag-ngiti sa kanya ng lalaki nang lingunin sya nito. Nagtatalon sya na parang bata bago tinakbo ang pagitan nila."Hi, love! Kumusta work?" Masiglang tanong nya rito."Nakakapagod." Napabuntong-hininga ito. "How is my babe?" Hinapit nito ang kanyang bewang."I miss you." Sagot nya at pinag-dikit ang tungki ng kanilang mga ilong. "Hindi ako sanay na hindi kita laging nakikita.""Oh my baby is being clingy. I miss you too." Hinalikan sya nito sa noo. Napapikit naman sya dahil sobra nya talagang na-miss ang kanyang asawa."Tara na sa loob. Nagluto ako ng foods para sa dinner." Presinta nya."Really? I'm already excited so, let's go." Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at saka sila naglaka
NATAWA na lang si Cielo sa sinabi ng kanyang asawa. Ramdam naman nya ang kagustuhan nitong magkaroon na sila ng anak pero naniniwala syang hindi lahat ng bagay ay minamadali."Magoorder na lang ako ng food natin. What do you want for dinner?" Tanong nito sa kanya. Pilya nyang tiningala ang kanyang asawa at pinaglaruan ang baba nito."Ikaw." Natatawang sagot nya."Oh no, that's bad." Natawa ito sa naging sagot nya. "Not now baby, because we have a lot of things to do.""Just kidding. I'll have the same as yours for dinner." Humiwalay sya dito at iniayos na ang kanyang mga gamit na nasa mesa. Mas mabuti ng makapag-simula na sya dahil marami talaga ang kanyang gagawin.Narinig nya nang may kinausap ito sa telepono. Siguro ay nago-order na.Naupo sya sa isa pang swivel chair na naroon at nagsimula na ulit sa pag-encode.
NAPATULALA si Cielo dahil sa sinabi ng bata. Para bang tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo at nawala sya sa kanyang sarili. Miski ang malakas nitong pag-iyak ay hindi sya naibalik sa reyalidad."Cielo, what happened? Are you okay?" Ang boses ni Ross maging ang marahan nitong pagyugyog sa kanyang mga balikat ang nakapagpa-balik sa kanya sa kanyang ulirat. Nilingon nya ang kanyang asawa na ngayon ay nag-aalalang nagpalit-palit ng tingin sa kanya at sa anak. "Serriah, stop crying." Saway nito sa anak.Napayuko naman sya at ilang beses na umiling-iling."Serriah, what happened? Did she do something wrong to you?" Tanong ni Venus sa anak na para bang inaakusahan sya."Venus! Watch your mouth!" Mariing saway rito ni Ross."Why? Bakit mo sya ipinagtatanggol? Serriah is crying earlier but not like this, until she came." Galit na sabi ng babae. Wala naman s
ROSS BECAME devastated when Cielo left. Akala nya ay mas magiging masaya na sya ngayong wala na ang babae ngunit hindi pa rin pala.Walang araw ang lumipas na hindi nya ito naaalala. Ang mga alaala na ginawa nilang dalawa.He just need some space. Pero hindi ibig sabihin non ay hindi na nya mahal si Cielo.Labis na pagsisisi ang kanyang naramdaman ng umalis ito kaya napag-desisyonan nyang wag na lang putulin ang ugnayan nya rito."I'll cancel everything, Atty." Nagulat ito sa kanyang sinabi."Why?" Naguguluhan nitong tanong."I just want to. Forget everything, wag kang mag-alala, babayaran pa rin naman kita. I just want to cancel the annulment.""Sige. But, it may takes some time.""It's okay."Bawat sulok ng kanyang bahay ay mayroon silang alaala ni
SHE KISSED her child before she closed her own eyes. Ang kaninang pagod at hirap na kanyang dinanas ay biglang nawala nang mahawakan nya ito. Gayumpaman, hindi nya maiwasang malungkot para sa kanyang anak dahil hindi nito namulatan ang sariling ama.Hinayaan nyang tangayin sya ng antok habang nakahiga sa kanyang dibdib ang kanyang anak.Nang magising sya ay ibang kapaligiran na ang kanyang namulatan. May nakakabit na ring mga kung ano-anong apparatus sa kanyang kamay.Inilibot nya ang kanyang paningin at nakita nya si Aling Ester na kasalukuyang natutulog sa sofa.Hinayaan nya lang ito dahil alam nyang ilang araw na rin itong walang tulog dahil sa pagbabantay sa kanya.Maya-maya pa ay may pumasok na isang nurse, may yakap-yakap itong isang chart. Ngumiti ito sa kanya kaya ganon din ang ginawa nya."Kamusta na po kayo?" Tano
UMALIS MUNA sandali ang doktor ni Cielo dahil may kailangan daw itong kunin. Kaya naiwan syang mag-isa at gulat pa rin sa mga nangyayari.Maraming katanungan sa kanyang isip at maraming mga isipin ang gumugulo sa kanya.Kaya nya bang buhayin ang bata?Maiibigay kaya nya rito ang mga pangangailangan nito?Kung hindi siguro naging ganto ang mga pangyayari, baka sakaling masaya lang sya ngayon at wala ng iba pang iniisip.Naisip nyang isa sa mga dahilan kung bakit sya pumayag na makipag-hiwalay kay Ross ay dahil sa kagustuhan nyang maging maligaya ito. At alam nyang mangyayari lamang iyon kapag nagkaroon ito ng anak, dahil 'yon ang isa sa pinakaminimithi nito.Pero, naisip din nyang, ang dahila nga pala ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa babae nito.Napabuntong-hininga na lang sya, ang mahalaga ay mayroon na s
ISA-ISANG bumagsak ang mga luhang kanina nya pa pinipigilan. Bigla ay nakaramdam si Cielo ng pangungulila sa kanyang minamahal.Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinaroroonan ang tahimik na kabisera ng maliit na islang kanyang magiging tirahan.Napabuntong-hininga sya at saka pinawi ang luhang namalisbis sa kanyang pisngi.Isinara na nya ang bintana at saka napag-desisyonang maghanap ng mabibilhan ng pagkain.Hindi sya sigurado kung ilang araw syang mananatili dito sa hotel. Sa ngayon ay magpapahinga na lang muna sya at bukas ay saka na sya hahanap ng bahay na kanyang mauupahan.Napag-desisyonan nyang maligo muna dahil pakiramdam nya ay amoy pawis na sya. Nagsuot lang din sya ng simpleng damit at saka sya lumabas ng kanyang kwarto.Pagdating nya sa lobby ng hotel ay nagtungo muna sya sa staff na naroon upang magtanong kung saan may
WALANG IBANG nararamdaman si Cielo kundi lungkot at sakit. At nang yakapin sya ng lalaki ay mas lalo syang binalot ng takot imbes na ng tuwa. Dahil alam nyang ito na ang huling yakap nya sa lalaki."I'm so sorry." Bulong nito na lalong nagpagulo sa kanyang isipan. Hindi ba ay ito ang gusto nitong mangyari? Bakit ngayon ay parang sising-sisi na ito?Hindi sya nagsalita. Ninamnam nya ang sandali na kayakap nya ito. She will miss this kind of warmth coming from Ross.At nang makuntento ay sya na rin ang kusang bumitaw. Yumuko sya habang pinapawi ang kanyang mga luha. Kailangan na nyang masanay dahil simula ngayon ay ang kanyang sarili na lang ang kanyang maaasahan."Pwede ba akong humingi ng isang pabor?" Tanong nya bagaman ang kanyang mga mata ay nananatiling nasa sahig. "Bigyan mo lang ako ng ilang araw para ihanda ang mga gamit ko at para makaalis ako dito." At saka nya ito hinarap. Nakit
BUONG GABING hindi makatulog si Cielo dahil sa sinabi ni Ross. Matapos itong sabihin ng lalaki ay lumabas na ito ng kanilang kwarto at hindi nya alam kung saan ito nagpunta.Nakaramdam sya ng uhaw kaya agad syang tumayo mula sa kanyang pagkakahiga. Nakaramdam pa sya ng pagkahilo dahil sa tama ng alak.Napahawak sya sa headboard ng kama upang doon kumuha ng lakas. Nabigla ata sya ng pagtayo.Nang umayos na ang kanyang pakiramdam ay agad na syang naglakad palabas ng kwarto. Nagtungo na sya sa baba at agad na uminom ng tubig. Nagdala na rin sya ng isang pitsel patungo sa kanyang kwarto para hindi na sya bababa pa kung sakaling mauuhaw ulit sya.Isang baitang na lang at nasa second floor na sya nang marinig nya ang boses ni Ross sa na nanggagaling sa kwartong nasa kanang bahagi. Nasa kaliwang bahagi kasi ang kanyang kwarto.Dahil sa kuryosidad ay agad syang naglakad
MATAPOS nitong bitiwan ang mga salitang tumatak sa kanyang isipan ay marahas itong tumayo at lumabas ng kwarto. Naiwan si Cielo na ramdam ang kakaibang sakit na bumalot sa kanyang pagkatao.Nagpaulit-ulit sa kanyang pandinig ang salitang binitiwan nito. Mariin syang napapikit at pinigilan ang sarili na mapaluha.Gayumpaman ay hindi sya nagtagumpay. Isa-isang bumagsak ang kanyang mga luha kasabay ng pagpatak ng malakas na ulan.Maya-maya pa ay kumulog ng malakas kasabay ng mga pagkidlat. Napasigaw sya dahil sa takot na kanyang nararamdaman.Mas lumakas ang kanyang hagulgol at napatago sya sa ilalim ng kanyang kumot.At sa isang iglap ay nawalan ng kuryente na syang dahilan ng lalo nyang pag-iyak. She never likes darkness because she felt so scared.At ngayon ay nangyari ang isa sa mga kinakatakutan nya.
NANG kumalma na ay agad na dinampot ni Cielo ang kanyang bag at naglakad palabas ng lugar. Wala na syang pakialam sa kung ano-man ang kanyang itsura at sa kung ano ang sasabihin sa kanya ng ibang tao.Kailangan nyang hanapin si Ross at magpaliwanag rito. Sa panahong ito ay sila na lang ang maaaring magdamayan.Nagtatakang napatingin sa kanya si Manang Esing matapos makita ang kanyang itsura. Nakita nya nang mabilis itong nagpaalam sa kausap upang lapitan sya. Hinila sya nito palabas sa lugar."Cielo, bakit ganyan ang itsura mo? May problema ba?" Labis ang pagkaka-kunot ng noo nito. Napailing-iling naman sya at muli ay pumatak ang kanyang mga luha. She felt so useless. "Cielo, magsalita ka. Anong nangyari? At bakit mukhang masama rin ang timpla ni Ross? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong nito."Manang...hindi ko na po alam ang gagawin ko. Napaka-walang kwenta kong asawa."
KUSANG PUMATAK ang luha mula sa mga mata ni Cielo matapos marinig ang sinabi ng doktora.Wari ba ay isa itong sirang plaka na patuloy na nagpapaulit-ulit sa kanyang pandinig."Sorry, Cielo." Mahinang sabi nito ngunit sapat lang para marinig nya."Doc...I-I can't be p-pregnant?" Umiiyak na tanong nya."There are two answers to your question, it's either you can't be pregnant at all or you can be but it may be harder and will take a lot of time."Napailing-iling na lang sya habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang kanyang mga luha.Mas lalong nadagdagan ang kanyang mga isipin. Kung paano nya ito sasabihin at ipapaalam kay Ross at sa lolo nito."Stop crying, Cielo. You have to rest, makakasama 'yan sa'yo." Sawa sa kanya ng doktora. Mahirap man ay pinilit nya ang sarili na tumigil sa pag-iyak. "Ihahatid