Share

Loving My Cold Husband
Loving My Cold Husband
Author: MargauxBlack

CHAPTER 1

Author: MargauxBlack
last update Huling Na-update: 2022-02-21 23:46:04

JILLIAN

Mula sa computer ko ay napaangat ako ng tingin sa umistorbo sa trabaho ko. Nagsalubong ang kilay ko nang mabungaran si Agnes mula sa Marketing Department. Isa ito sa mga matatagal nang empleyado ng Lopez Inc. at matagal ko na ring nakakasama.

"Ms. Jill balita ko may papalit kay SVS bilang CEO, kasi ayon sa source ko hiwalay na raw sila ni Sir Calvin, baka naman knows mo kung anong dahilan, pabulong naman..." wika niya paglapit niya sa lamesa ko sabay lapag ng folder sa harap ko.

Napataas naman ang kilay ko, sinenyasan ko siyang lumapit at bumulong, napangisi ako nang magmadali pa siyang dumukwang, "Balita ko rin nagkakatanggalan ngayon dito sa kumpanya lalo na yung mga chismosa..."

Napangisi ako nang bigla siyang umatras sa akin at madramang napahawak sa dibdib niya, "Sobra ka Ms. Jill nagtatanong lang naman eh..."

"You're not asking, you're asking for gossip related to our boss and being her Executive Secretary I need to focus on my job and not meddle with her personal life." Inilapag ko ang hawak na ballpen at tinignan siya ng masama.

"If you don't have any business here go back to your desk or your desk will be removed this instant," seryoso kong wika sa kanya na mukhang ikinainis nito.

"Nagtatanong lang naman baka makalusot!" Kandahaba ang nguso niya at umiirap pa sa hangin.

"Sungit nito kaya walang jowa eh!" pabulong niyang sambit pero nakarating pa rin sa tenga ko.

"What did you say?"

"W-wala... s-sabi ko puro ka gawa, pahinga ka naman," sagot niya na tumango-tango at tumalilis na paalis.

Ang dalahirang 'yon umakyat para humakot ng chismis tapos ipapamukha na wala akong jowa? Sana pala inistapler ko yung bunganga niya para matahimik siya!

Humalukipkip ako at napatingin muli sa computer ko, binabasa ko ang e-mail galing kay Yna, yeah... 

I call my boss by her first name 'cause she told me to. I've been hanging out with them for a year now and Serena is such a down to earth person kaya madali mo siyang ma-approach. Since I started working for her she already treated me as her friend, people around the office call me the 'Right Hand Boss' dahil na rin isa ako sa mga trusted employees ni Serena.

Her email states that she'll be having her indefinite leave because she needs to hide from Calvin. And again, yeah I know what happened to them, I saw her that day so I know...

Calvin Sanders is Serena Lopez-Sanders husband who cheated on her with his ex. He filed for annulment and Serena set him free because he impregnates his mistress.

She's been hospitalized due to an accident so her cousins Coraline and Maximillian took over the company for a while. And now that she's on leave, the siblings will help run the company while she's away.

I'm also close with Coraline, a witty and brazen girl na mas madalas kong kasama nitong mga nakaraan dahil may sinusundan umano siyang miyembro ng YCC o Young CEO's Club na silang magkakaibigan ang founder.

Magtatatlong taon na ako rito sa Lopez Inc., nag-umpisa akong maging simpleng office clerk sa HR Department nang minsang makasalubong ko si Donya Elvira kasama si Serena habang may bitbit akong mabibigat na files. Dahil bago pa lang ako noon ay ako ang madalas na utusan ng mga kasamahan ko mula sa pag-print at pag-photocopy hanggang sa paglilinis at pag-aayos ng mga 201 files ng libong empleyado, hanggang sa pagtitimpla o pagbili ng mga kape nila.

Naawa si Serena sa akin dahil sa lahat ng tao sa HR ay ako lang daw ang busy samantalang lahat sila ay nagkukwentuhan lang at may kanya-kanyang mundo.

And from that day ay itinalaga niya na akong Executive Secretary niya, nagulat pa ako na kilala niya ako pero masaya ako dahil makakalaya ako mula sa mga kasamahan kong ang tingin lagi sa mga bagong empleyado ay 'others' o mababa pa sa kanila kahit magkakapareho lang ang trabaho namin.

Maraming nagtaas ng kilay nang tumaas ang posisyon ko, sinabing s********p ako sa may-ari ngunit hindi nila alam na kahit ako ay nagulat sa desisyon ni Serena Lopez.

Mag-isa na lang ako sa buhay dahil ang mga magulang ko ay excited na magkita sa langit kaya naiwan akong ulila. Wala akong kapatid dahil nga maagang namatay ang Mama ko. Ang Papa ko naman na dating bodyguard ni Mr. Aries kale Lopez ay pumanaw na rin nang maka-graduate ako ng college. Ang sabi niya pa sa akin ay masaya siyang lilisan dahil hindi magagalit si Mama at matutuwa pa dahil maayos ang buhay ko.

Kung alam lang nila...

Walang araw na hindi ko sila naisip, minsan ay nagtatampo ako sa Diyos bakit maaga niyang kinuha ang mga magulang ko, ni hindi ko naibigay sa kanila ang magandang buhay...

Hindi kami salat pero hindi rin naman kami mariwasa, kumbaga ang tawag sa amin ay 'middle class', mabuti at pareho silang may pensyon na hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw at iniipon lang para matupad ang pangarap nila para sa akin.

Busy ako sa pag-sort ng files sa cabinet ko nang marinig ko ang hagikgikan ng mga babae sa kabilang opisina, mga hagikgikan na parang kinikilig. Mukhang may bago nanamang empleyado sa departamentong iyon kaya nagkakagulo ang mga kababaihan.

Nakayukyok ako sa lamesa ko nang kalabitin ako ng isa pang sekretarya ni Serena na si Candice, napatingala ako sa kanya ngunit hindi siya sa akin nakatingin, nang silipin ko ang tinitignan niya ay nanlaki ang mga mata ko.

Sa pagmamadali ay nakalimutan kong nasa ilalim ako ng lamesa kaya pagtayo ko ay nauntog ako ng malakas.

"Ms. Alfonso are you alright?" nag-aalalang wika ni Donya Elvira. Mabilis kong inayos ang sarili ko at tumayo habang hinihimas ang ulo kong nauntog.

"G-goodmorning Mrs. Lopez, I'm sorry I didn't know you'll be coming today," saad ko habang nakatungo ang ulo. Nahihiya ako dahil sa gilid ng mga mata ko ay may kasama siyang lalaki, nakakahiya na makita nila akong gano'n.

"It's okay hija, bukas pa sana talaga ang punta ko kaso itong apo ko nagmamadaling asikasuhin itong kumpanya," natatawang wika ng ginang. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang malalamig at walang buhay na tingin mula sa panganay na apo ng mga Lopez, the stone cold billionaire, Maximillian Fox Lopez.

Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang taasan niya ako ng kilay.

"Goodmorning Mr. Lopez," I curtly nod my head and tap Candice who is still in a daze while looking at Maximillian.

Well hindi ko naman siya masisisi, Maximillian Lopez is one hell of a delicious man. He have blue eyes, stands 6 feet and a drop dead gorgeous body, a real drool worthy. His infamous Fox Kiss... that kiss women around his circle are all talking about.

Hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin sa Fox Kiss na yan dahil unang-una hindi ko na-try at pangalawa... never kong iti-try. Ang mga labi ko ay para lamang sa magiging asawa ko.

He's one of the hottest bachelor in town at ayon pa sa grapevine ay walang balak na mag-asawa ang panganay na apo ng mga Lopez. He's aloof and elusive at iilang babae lang ang nakapasa sa standards nito.

Matagal siguro akong napatitig sa kanya kaya malakas siyang tumikhim dahil awkward na ang moment. Kinalabit na rin ako ni Candice na kaninang nakatanga sa lalaki.

"I-I'm sorry Mrs. Lopez I zoned out for a while there. You're saying?"

"You really are a funny little lady, anyways as I'm saying my dear Maximillian will be Serena's substitute. All of Serena's pending reports and for signatures will be directed to him. Are we clear?" nakangiting paliwanag ng Donya.

Ramdam ko naman ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa pagkatulala ko kanina, ayoko sanang tingnan si Maximillian pero para siyang may magnet at nahatak niya ang atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatitig siya sa akin habang nakataas ang gilid ng labi, 'oh shit now he thinks I'm stupid and drooling over him!'.

Ngumiti ako ng maliit at tumango, "I'll prepare all of the papers Mrs. Lopez," wika ko at inayos ang mga folders na nasa gilid ng computer ko. Gayundin si Candice na hawak ang ilang accounts mula sa Finance Department.

"Anyways hijo I'd like you to meet Yna's two most trusted employees, Candice Mayor and this pretty lady in pink is Jillian Alfonso," nakangiting pakilala sa amin ng ginang.

Mabilis na inabot ni Candice ang kamay niya kay Maximillian, nang matapos ay hinawakan ni Candice ang palad niya at inamoy. Gusto kong matawa sa reaksyon niya, gusto kong ipusta ang buhay ko na hindi niya huhugasan ang mga kamay niya hanggang hindi nawawala ang amoy ni Maximillian doon.

Isang tikhim ang umagaw ng atensyon ko mula kay Candice kaya napalingon ako sa dalawang kaharap, pagbaba ko ng tingin ay nakalahad na pala ang kamay ni Mr. Lopez.

Mabilis ko itong tinanggap at parang gusto ko agad bawiin dahil sa kakaibang init na hatid ng malaking palad niya. Pumintig din ang puso ko nang diinan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko.

"Pleased to meet Yna's favorite girl..." pakiramdam ko ay luluwa na ang mga mata ko sa samu't-saring emosyon nararamdaman ko. Ikinalas ko na ang kamay ko sa kanya at muli siyang tinitigan.

Napansin ko naman ang pag-ngiti ni Donya Elvira kaya yumuko akong muli.

"A meeting will be held later at 2pm so I expect every department heads to be present. I will introduce Maximillian as the company's COO. So if you excuse us ladies may meeting pa kami with the board. Shall we go Fox?" malambing na turan ni Donya Elvira sa apo. Tumango naman ang lalaki at tumalikod na.

Nakatanaw na lang ako sa papalayong likod nila nang bigla akong sundutin ni Candice sa tagiliran ko, "Ano ba 'yon Candice?" kunot-noong tanong ko.

"Ano 'yon ha? Kung makapagtitigan kayo parang may something ah!" nanunukso niyang turan na ikinataas ng kilay ko.

"Something pinagsasabi mo riyan? Eh kung stapler ko 'yang dila mo gusto mo?" pananakot ko sa kanya, bigla niyang tinakpan ang bibig niya at inirapan ako.

"Ay bagay talaga kayo ni Sir Maximillian, pareho kayong masungit! Red tide ka girl?" muli niyang pang-aasar, inirapan ko lang din siya at ibinalik ang mga mata ko sa screen ng computer ko.

"Ewan ko sa'yo kung anu-anong iniisip mo. Gawin mo na lang yung ibang reports nang matapos tayo ng maaga bago ang meeting mamaya. Ako na bahalang mag-email sa bawat departments," nagsimula na akong magtipa sa computer at hindi na siya inintindi.

"Opo Ma'am... pero para sa'kin may chemistry talaga kayo ni Sir Max! Ay mamamatay sa inggit mga babae sa Marketing nito!" akma niyang aabutin ang cellphone niya nang hawakan ko ng mahigpit ang kanang braso niya.

"Subukan mong ichismis 'yan Candice ipagkakalat ko na jowa mo si Car-" pananakot ko pero agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Huy joke lang Jill! Chill ka lang! Hindi naman ako magchachat sa kanila eh, tatawagan ko si Ms. Grace kasi kulang yung SOA na binigay niya! Huwag ka ngang ano!" 

"Sinasabi ko lang... hawak kita sa leeg Candy," nginisihan ko siya ng nakakaloko kaya naman sinabunutan niya ako ng bahagya.

Biruan na namin ang pananakit sa isa't isa lalo at matagal na kaming magkasama na dalawa sa executive office ni Serena.

Tinitigan ko ang kamay kong kanina lang ay hawak ni Maximillian, hanggang ngayon ay parang may maliliit na sundot ng kung ano roon.

Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa lalaking bato na 'yun?

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
anyways thanks author sa story mo,subaybayan ko ito
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
ganda ng story para, kya lng nakalock na agd un mga sunod na chapter
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
ayeee,,may something nga...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 2

    "The meeting is adjourned, you may go back to your respective offices," malamig na turan ng bagong COO na si Maximillian, katabi niya si Don Fabian at ang kapatid niyang si Coraline na kabaliktaran niya dahil malapad ang pagkakangiti nito sa lahat.Dinampot ko na ang folder at planner ko, si Candice ay tinapos lang ang minutes ng meeting at bumalik na sa opisina namin. Palabas na ako ng pinto nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay napangiti ako nang mapagsino ko ito."Jillian hija!" Lumapit sa akin si Mr. Aries Kale Lopez, ang panganay na anak nina Donya Elvira at Don Fabian, ama ni Maximillian. Niyakap niya ako na ikinabigla ko, nakita ko naman ang paglingon ng ilang opisyal ng kumpanya sa iginawi ng isa sa mga big boss dahil sino ba naman ako? Isang hamak na sekretarya lang tapos ay niyakap ng may-ari?"It's so good to see you again Jill! Palagi kang ikinukwento nitong si Cora sa amin. How are you?" nakangiting salu

    Huling Na-update : 2022-02-21
  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 3

    MAXIMILLIAN"That's absurd Dad! Why her?""Why not her? She's got everything you can ask for in a woman! She'll do great beside you Max believe me," my father explaining like it's just a business plan, and I'm the business."She's sweet and nice Fox, she's also intelligent, she already knows the flow of the company so it will be a great help for you. I've seen her grow hijo, give her a chance," gilalas akong napatingin kay Mommy nang pati siya ay nakisali na sa kabaliwan ni Dad."Mom pati ba naman ikaw? Why are you pressuring me to get married anyway? Nakausap niyo lang siya kanina and then ngayon siya na ang napili niyong ipakasal sa'kin? What about Sharlene Castañeda and Lorraine Hernandez, 'di ba balak niyo rin silang ipakasal sa'kin noon?" puno ng inis na wika ko."Anak, we promised your Tito Julian that we'll take of her," mahinahong paliwanag ni Dad per

    Huling Na-update : 2022-02-21
  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 4

    Napipilan ako at napasinghap, "P-po?""I hate repeating myself Ms. Alfonso, that's one thing you need to remember about me especially we're getting married. Let's say, next Monday?" napatingin pa ito sa kalendaryo kong nakapatong sa lamesa.Ganito ba talaga mag-alok ng kasal ang mga mayayaman? Para ka lang inayang tumambay sa kanto tapos inom kayong softdrinks? Parang gano'n ang dating eh!Pangarap ko pa namang magkaroon ng nakakakilig at hindi malilimutang proposal katulad ng mga napapanood ko online. Pero lahat ng pangarap ko ay sinira ng lalaking mala-bato na ito..."You've been stagnant for the last three minutes Ms. Alfonso, I need your answer right now. And FYI, I don't take NO for an answer," he's tapping his fingers in his chin while I'm still shocked, looking like an idiot still processing what he just said."Time is running Ms. Alfonso," he looked at his watch and tilt his head a little while staring at me. I gulped so many times that I feel like I've lost my saliva."But Si

    Huling Na-update : 2022-07-03
  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 5

    Halos idikit ko ang sarili ko sa malamig na pader ng elevator dahil sa patuloy na paglapit niya sa akin, tutungo sana ako ngunit pinigilan niya ang mukha ko gamit ang daliri niya kaya naman ngayon ay kita ko ang pagtindi ng kulay sa mga mata niya."Answer me Jillian," matigas niyang bulong sa akin."S-Sir ano po'ng i-isasagot k-ko ba?" nauutal kong sambit, dahil lumilipad ang isip ko ay hindi ko na rin masundan ang sinasabi niya. Nalipat ang tingin ko sa mga labi niyang nakabukas at halos isang dangkal na lang ang layo sa akin. Mabuti na lang at nakakapit ako sa barandilya dahil kung hindi ay baka matumba na lang ako gawa ng panghihina ng mga tuhod ko, "Sir!"Hinapit niya ako palapit sa kanya hanggang sa ang mga labi namin ay magkadikit na, tumigil ako sa paghinga at maging ang puso ko pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok nang magsalita siya mismo sa labi ko."Just say, 'Yes Master' then I'll let you go Jill..." he uttered in his natural raspy voice, his minty breath with a hint of ci

    Huling Na-update : 2022-12-26
  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 6

    Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang ikinasal na ako, at sa isang Lopez pa!Nang sabihin niyang mag-empake ako ay agad agad niya akong ipinahatid sa security niya at kumuha ng mahahalagang gamit sa tinitirhan ko. Kaunting damit lang ang dinala ko dahil sinabi niyang siya na ang bahala sa susuotin ko para sa 'kasal'.Lumipad kami gamit ang private plane ng kanilang pamilya, ni hindi siya lumapit sa akin at nakatutok lamang ang mga mata niya sa laptop buong biyahe.Gusto kong maiyak dahil wala ang mga magulang ko sa araw ng kasal ko, ngunit nagpapasalamat din ako na wala sila dahil kung nabubuhay pa ang mga ito, hindi nila gugustuhing ikasal ako na may mga kondisyon, at higit sa lahat, isang malaking pagpapanggap.Pagdating sa isang hotel ay naghihintay na agad ang wedding minister, natigagal ako nang makitang bata pa ito. Parang hindi sila nagkakalayo ng edad ni Maximillian, at ang malala, magkakilala pa yata sila!Guwapo ito at halatang may lahi, sa unang tingin ay mapapaisip k

    Huling Na-update : 2022-12-28
  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 7

    Pagkalipas ng isang linggo ay bumalik na kami sa Pilipinas, sakay ng private plane ay magkahiwalay kaming muli ng upuan. Ngunit bago kami bumaba ay hinatak ko ang damit niya saka niya ako tinapunan ng iritableng tingin, "What?""Puwede ba'ng... walang makakaalam nito sa kumpanya?" tanong ko habang pinaglalaro ang mga daliri sa kaba.Lalong lumalim ang mga gatla sa noo niya at tuluyan nang humarap sa akin, "And why is that?""A-ano... k-kasi... ayoko lang na magbago ang pakikitungo sa'kin ng mga kasamahan ko. I'll do everything you ask me to do, just please... let's keep this between us," nauutal kong sagot. Masyadong intimidating ang lalaking ito kaya kabang-kaba ako. He raised his brow and smirk at me, looking at me with amusement in his eyes, "Anything?" he asked now smiling more devilishly. The hairs at the back of my neck stood up with the way he looks at me, what the hell is running in his mind?Walang magawang tumango na lamang ako at naghihintay sa anumang request niya sa deal

    Huling Na-update : 2023-01-07

Pinakabagong kabanata

  • Loving My Cold Husband   CHAPTER 1

    JILLIANMula sa computer ko ay napaangat ako ng tingin sa umistorbo sa trabaho ko. Nagsalubong ang kilay ko nang mabungaran si Agnes mula sa Marketing Department. Isa ito sa mga matatagal nang empleyado ng Lopez Inc. at matagal ko na ring nakakasama."Ms. Jill balita ko may papalit kay SVS bilang CEO, kasi ayon sa source ko hiwalay na raw sila ni Sir Calvin, baka naman knows mo kung anong dahilan, pabulong naman..." wika niya paglapit niya sa lamesa ko sabay lapag ng folder sa harap ko.Napataas naman ang kilay ko, sinenyasan ko siyang lumapit at bumulong, napangisi ako nang magmadali pa siyang dumukwang, "Balita ko rin nagkakatanggalan ngayon dito sa kumpanya lalo na yung mga chismosa..."Napangisi ako nang bigla siyang umatras sa akin at madramang napahawak sa dibdib niya, "Sobra ka Ms. Jill nagtatanong lang naman eh...""You're not asking, you're asking for gossip related to o

DMCA.com Protection Status