HINDI maipinta ang mukha ni Angelo habang nakaupo sila sa living room kaharap ang kapatid niya at ang asawa nito. Nasa tabi niya si Vanessa na hindi makatingin sa dalawang taong nasa harap nila at bahagyang nakasiksik ito sa kanyang katawan. Namumula ang mukha nito at nahihiya dahil nahuli sila ng mag-asawa sa ganoong tagpo. Lihim na lang siyang natatawa sa reaksyon ni Vanessa.
Alam niyang kahapon pa dumating ang kanyang Ate Caren at Kuya CJ pero naiwan pa sa lungsod ang tatlong anak ng mga ito. Kaya nakabuo siya ng plano at iyon ay ang magpahuli sa kapatid niya sa ganoong tagpo para mapilitan si Vanessa na ipaalam ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Alam niyang hindi papayag ang kapatid niya na ilihim iyon sa magulang ni Vanessa kaya sigurado siyang malalaman ng lahat na mag-asawa na silang dalawa.Iyon ang plano niya. Para may dahilan siya na isama ito sa lungsod at wala na itong maibigay na rason sa kanya para hindi pa ito sumama. At masaya siya dahil umaayon a"IKAW na ang bahala sa anak namin, Angelo. Ingatan at alagaan mo siya sa lungsod. Bantayan mo siya sa baliw niyang ama. Huwag mong hahayaan na makalapit sa kanya si Clemenso," wika ng mama ni Vanessa kay Angelo. Kasalukuyan siyang nasa sala at kausap ng mga magulang ng kanyang asawa.Bukas na ang alis nila patungong lungsod at naiintindihan niya kung bakit gusto siyang makausap ng masinsinan ng mga ito bago sila umalis. Normal lang iyon dahil malalayo sa mga ito ang anak lalo na at malaya pang nakakagalaw sa labas ang baliw na ama nito. Nag-aalala ang mga ito para kay Vanessa."Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa anak niyo. Hindi ko po hahayaang may masamang mangyari sa babaeng mahal ko. Ako po muna ang masasaktan bago si Vanessa," wika niya at sinulyapan ang kanyang asawa na kasalukuyang nasa kusina at naglilinis ng plato. Katatapos lang nilang maghapunan at walang alam si Vanessa sa pinag-uusapan nila ng magulang nito."Mabuti kung ganoon, hijo. Ipaal
MABILIS na lumipas ang mga araw buhat nang makabalik si Vanessa at Angelo sa lungsod. Nagsimula na rin ang klase nila at sa iisang school sila pumapasok. Iyon na ang huling taon nila sa kolehiyo at sabay silang magtatapos. At pareho silang pursigido at excited na mangyari 'yon.Maayos naman ang lahat mula noong araw na bumalik sila sa lungsod. Parang normal days din lang katulad ng mga araw nila sa Isla Montellano. Lagi silang magkasama sa bahay, sa school at kahit saan sila magpunta.Alam sa school na pinapasukan nila na mag-asawa sila ni Angelo dahil noong unang araw pa lang nila roon ay gumawa ito ng isang eksena na kung saan ay ipinangalandakan nito na silang dalawa ay mag-asawa. Kilig at hiya ang naramdaman niya noon dahil unang araw pa lang niya roon ay umani na agad sila ng atensyon.Ang iba ay masaya at karamihan ay naiinggit dahil kilala pala si Angelo sa school na pinapasukan nito. Totoo ang sinabi nito noon sa kapatid na habulin ito ng babae dahil gwapo at
HALO-HALO ang emosyong nararamdaman ni Vanessa habang nakatitig sa pregnancy test na kanyang hawak. Mayroon 'yong dalawang pulang linya na ang ibig sabihin ay nagdadalang-tao siya. Nagbunga ang kapilyuhan ni Angelo at hindi niya alam kung ano ang nangingibabaw sa emosyong nararamdaman niya. Tuwa, takot o pangamba.Maaga siyang nagising dahil nakaramdam siya ng pagsusuka. Tulog pa si Angelo kaya sinulit na niya ang pagkakataong 'yon para gamitin ang pregnancy test na ilang araw na ang nakalipas buhat nang bilhin niya.Kailangan na niyang malaman kung nagdadalang-tao ba siya o hindi para masimulan na rin niyang uminom ng pills. Lalo na at mas naging madalas ang pagtatalik nila ng asawa buhat nang magka-aminan sila sa totoo nilang nararamdaman sa isa't-isa. Halos walang gabi na hindi sila nagtatalik ni Angelo.At ngayon nga ay nasagot na ang matagal nang gumugulo sa kanyang isipan. Ang pagsusuka niya tuwing umaga at ang pagiging maselan niya sa pagkain na dati nama
"AYOS ka lang ba? Dalhin na kaya kita sa hospital?" masuyo at nag-aalalang tanong ni Angelo habang hinahaplos ang likod niya.Nasa loob sila ng banyo at katulad ng mga nakaraang umaga ay nagsusuka na naman siya. Wala namang lumalabas sa bibig niya pero ang pakiramdam niya ay tila hinahalukay ang kanyang sikmura. Medyo nahihilo rin siya at medyo nanghihina ang kanyang katawan. Ganito lagi ang tagpo nila sa umaga at laging nasa tabi niya si Angelo para alalayan siya. Sobrang alaga siya ng asawa.."Ayos lang ako, Angelo. Medyo nasasanay na rin ako at normal lang ito sa mga nagdadalang-tao. Mawawala rin ito," sagot niya. Tumango naman ito bago siya binuhat palabas ng banyo. Inihiga siya nito sa kama bago siya hinalikan sa noo.Wala silang pasok ngayong araw at parang ang gusto niya lang ay mahiga sa ibabaw ng kama. Tamad na tamad siyang kumilos at parang sobrang bigat ng kanyang katawan. Pinapahirapan siya ng morning sickness niya at naiintindihan iyon ni Angelo kaya halo
NATAPOS ang weekend na nasa loob lang ng bahay si Vanessa at Angelo. Araw-araw din silang nakakatanggap ng text messages at tawag galing sa baliw na ama ng kanyang asawa na kadalasan ay hindi na lang nila pinagtutuunan ng pansin.Hanggang pagbabanta lang naman ito at hindi niya hahayaan na makuha nito si Vanessa sa kanya. Kaya sa lahat ng oras ay bantay-sarado (well or closely guarded) niya ang asawa at kung maaari ay nasa tabi lang niya ito.Nangangamba siya sa mga banta ng ama ni Vanessa pero tinatatagan niya ang loob para sa kanilang dalawa. Ipinaalam na rin niya sa mga magulang niya at ng kanyang asawa ang ginagawang panggugulo sa kanila ni Clemenso.Hindi na lang niya ipinaalam sa kanyang Ate Caren dahil ayaw niyang mag-aalala ito sa kanya at ayaw niyang madamay muli ito sa kabaliwan ng isang Mark Clemenso.Tama na ang naging karanasan nito sa kamay ng baliw na lalaking 'yon. Dahil this time ay laban naman niya ito at sisiguraduhin niyang siya ang
"PAPA, itigil niyo na po ito. Sumuko na po kayo. Kahit po para na lang sa akin na anak niyo," pakiusap ni Vanessa sa kanyang ama.Ilang araw na siyang nasa mga kamay nito at ilang beses na rin niyang pinapakiusapan ang ama na sumuko at itigil na ang kabaliwan nito. Pero nanatiling matigas ang kanyang ama at hindi niya magawang mapalambot ang puso nito at nananaig ang kabaliwan nitong taglay."Hindi maaari, anak. Hindi pa ako tapos sa mga Aldover. Hindi pa ako nagtatagumpay na baliwin kahit isa sa miyembro ng pamilya niya. At sigurado akong sa gagawin ko ay mababaliw ang batang Aldover," wika nito at tumingin sa kanyang tiyan.Niyakap niya iyon para protektahan sa kabaliwan ng sariling ama. Alam na niya ang masama nitong binabalak sa batang nasa sinapupunan niya at hindi siya papayag na pati ang baby niya ay madamay sa kabaliwan nito."Huwag po ang anak ko, papa. Hindi ko po kaya. Ako po ang mababaliw kapag may ginawa kayong masama sa baby ko," umiiyak na paki
"VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa
AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan
ANG akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya mula noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa.Pero mula noong manatili sila sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama.Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At hindi lang iisang beses niyang nasaksihan iyon.Nahasa ang isip niya sa murang edad dulot ng mga nangyayari sa paligid niya. Mabuti na lang at ipinapaliwanag ng kanyang ina sa kanya ang la
NAPAPAILING na lang si Angelo sa tuwing may nakakasalubong siyang empleyado na parang naninibago sa kanya. Hindi na nawala ang kanyang malawak na ngiti mula nang umalis siya sa bahay hanggang sa makarating siya sa kumpanya ng ama kaya hindi na siya nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ng mga ito kapag nakikita siya.Iyon ang unang beses na makita ng mga itong nakangiti siya at siya pa ang bumabati sa mga ito ng 'magandang umaga'. Ibang-iba sa trato niya sa mga ito noon na tingnan lang siya sa mata ay mawawalan na agad ang mga ito ng trabaho. Ibang-ibang ang Angelo na nakikita ng mga ito ngayon kumpara sa Angelo na boss ng mga ito sa nakalipas na taon.Pumasok siya sa elevator at tila nag-aalangan naman ang ibang empleyado na sumabay sa kanya kaya tinanguan niya ang mga ito at bahagyang nginitian para ipabatid sa mga ito na ayos lang na sumabay sa kanya.Nagulat ang mga ito sa ginawa niya at nag-unahan pang pumasok sa elevator para makasabay siya.Nagb
KASABAY nang pag-agos ng tubig sa katawan ni Vanessa ay ang pagbaha sa alaala niya ng mga nangyari sa pagitan niya at ni Angelo sa mga nakalipas na araw.Buhat noong unang araw na may namagitan sa kanila ay walang araw ng lumilipas na hindi siya inaangkin ni Angelo. Hindi niya alam kung anong nangyari dito at kung ano ang laman ng isipan nito basta nagpapaubaya lang siya sa asawa. Hindi na isang katulong ang turing nito sa kanya at ramdam niya ang kahalagahan niya ngayon kay Angelo.Hindi na iba ang turing nito ngayon sa kanya bilang Joy kumpara sa turing nito noon sa kanya bilang Vanessa, bilang asawa nito. At hindi niya rin alam kung nakakahalata na ba ito sa totoo niyang pagkatao dahil kapag kasama niya si Angelo ay lagi niya itong nahuhuling nakatitig at nakamasid sa kanya na para bang binabasa nito ang kanyang buong pagkatao.Ilang araw na ang mabilis na lumipas at sa bawat araw na iyon ay parang bumalik sila sa dati ni Angelo. Siya bilang Vanessa na asawa
BAHAGYANG natigilan si Vanessa sa ginawa ni Angelo at natauhan lang siya nang marinig ang pagkapunit ng kanyang bestidang suot. Hinati iyon ni Angelo sa dalawa na para lang nagpupunit ng isang papel. Nagulat siya sa ginawa nito at wala siyang ibang nagawa kundi tanggapin ang kapusukan at agresibong galaw ng asawa.Hindi ito tumigil sa pag-angkin sa labi niya at wala itong itinirang saplot sa kanyang katawan. Lahat 'yon ay sinira nito bago itinapon sa iba't-ibang parte ng kwarto. Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa pagpasok niya sa kwarto ni Angelo at hindi niya rin alam kung magugustuhan niya ang gagawin nito sa kanya lalo na at lasing ito.Agresibo ang bawat galaw ng labi ni Angelo at idagdag pa ang isang kamay nitong nagsisimula nang maglakbay sa kanyang katawan. Habang ang isa naman ay hawak ang magkabila niyang kamay at nakadiin iyon sa pinto sa itaas ng ulo niya.Sobrang magkadikit ang kanilang katawan kaya ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula
KATULAD ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa.Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon.Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina.Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinibigay ni Angelo. At halos araw-araw sa tuwing umuuwi ito sa bahay galing trabaho ay may dala itong pasalubong sa bata. Mga laruan, damit at mga kung ano-ano pang gamit para sa bata.&
MAAGANG tinapos ni Angelo ang naiwang trabaho sa opisina para maaga rin siyang makauwi. Hindi niya alam kung bakit lagi siyang excited umuwi buhat noong makasama niya sa bahay ang mag-inang Joy at Michael Angelo.Masipag na katulong si Joy at wala siyang maipipintas sa husay nito sa gawaing-bahay. Sanay na sanay itong magtrabaho at higit sa lahat ay magaling itong magluto katulad ng namayapa niyang asawa.Sa mga nakalipas na araw ay may napapansin siya sa mag-ina. Lalo na kay Joy. Nakikita niya ang katauhan dito ni Vanessa. Mula sa boses nito maging sa kilos ay maihahalintulad niya kay Vanessa. Kung pagmamasdan ito habang nakatalikod ay aakalain niya talagang ito ang asawa niya. Pero isa iyong malaking imposible dahil matagal ng wala ang kanyang asawa. Baka nagkataon lang..Idagdag pa ang batang si Michael Angelo. Ang akala niya noong gabing una niyang nasilayan ang mag-ina ay lasing lang siya pero totoo palang kamukha niya ang bata. Pinakatitigan niya rin ang mukha n
PINIGILAN ni Vanessa ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata niya matapos niyang marinig ang sinambit ni Angelo. Nagsalubong ang kanilang mga mata at bumukas-sara ang labi nito na tila napagtanto kung sino siya. Bahagya ring namilog ang mga mata nito na parang nakakita ng multo."V-Vanessa.." he whispered at bumalik muli ang kanyang pag-asang nakilala siya ng kanyang asawa. Pero agad na naglaho 'yon nang magsalita muli si Angelo."I'm sorry.. Lasing lang yata ako. Hindi ikaw ang asawa ko. Napakalaking imposible dahil wala na siya one year ago.." dagdag nito na sinundan pa ng walang buhay na tawa. Bahagya itong umiling at hindi nakaligtas sa pang-amoy niya ang humahalong amoy ng alak sa mamahaling pabango nito.Wala na ang asawa niya one year ago? Hindi naman siya namatay, ah? Sino ang tinutukoy nitong asawa na nawala one year ago--Oh, God! Don't tell her na tama ang hinala niya. Napagkamalan nitong siya ang isa sa katawan na nasunog sa loob ng sasakyan dahil sa singsing
AFTER ONE YEAR...Katulad ng mga nakaraang araw, linggo at buwan ay parang walang buhay na nagmulat ng mga mata si Angelo para salubungin na naman ang panibagong umaga.Panibagong araw, panibagong umaga pero wala pa ring pagbabago sa nararamdaman niya dahil nandoon pa rin ang sakit nang pagkawala ng kanyang pinakamamahal na asawa at ng kanila sanang magiging anak. Mabigat pa rin sa dibdib. Masakit pa rin..Isang taon na ang mabilis na lumipas buhat noong nangyari 'yon pero sariwa pa rin sa kanya ang lahat. Sariwa pa sa kanya ang alaala nang pagkawala ng mag-ina niya at sariwa pa rin ang sugat sa kanyang puso na idinulot ng pangyayaring iyon sa bubuuin niya sanang pamilya. Parang kahapon lang nangyari ang lahat dahil sobrang sakit pa rin. At isang taon na siyang nabubuhay sa sakit.Three months old na sana ang baby nila. At sana ay kasal na silang dalawa ni Vanessa sa simbahan kung hindi lang nangyari ang napakasakit na pangyayaring iyon. Plano niya sanang pakasalan
"VANESSA..""Honey.." Hindi alam ni Angelo kung saan siya tutungo. Ilang oras na siyang naglalakad at wala siyang alam na patutunguhan. Basta lakad-takbo lang ang ginagawa niya habang sinusundan ang mahinang tinig ng kanyang asawa. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa kanya."Angelo.. Tulungan mo kami ng anak mo," mahinang boses galing sa kanyang asawa pero hindi niya ito makita.Nilibot niya ang buong lugar pero hindi niya ito matagpuan. Tanging makapal na usok lang ang nakikita niya at kumabog ang dibdib niya sa takot at kaba dahil doon nagmumula ang boses ni Vanessa."Vanessa? Nasaan ka? Nandito na ako, honey!" malakas na bigkas niya at agad niyang tinakbo ang lugar kung saan nagmumula ang makapal na usok.Nang marating niya ang lugar ay nakita niya ang isang nasusunog na sasakyan at nasa loob no'n si Vanessa. Pinipilit nitong lumabas pero hindi nito magawa. Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang bawat pagpatak ng luha nito. Bakas din ang takot sa