Hindi ba ako magaling? Gusto sanang itanong ni Gray kay Hannah pero hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka 'hindi' ang sabihin nito sa kanya.
Shit! Bakit kat mainit ang pagtugon ni Hannah kapag hinahalikan niya ito, mahigpit na ginagantihan ang kanyang yakap at umuungol ng ubod lakas kapag inaangkin niya ito'y parang nakakaramdam pa rin siya ng insecurity.
Naisip niya kasing hindi naman maghahanap pa ng ibang 'sandata' si Hannah, kung kontento na ito sa kanya. Kahit naman ang lalaki'y nakikita lang sa video ay hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang emosyon. Ewan lang niya kung dahil nasaktan ang pride niya o nagseselos siya.
Malamang pareho.
Dati kasi'y walang ibang ang nais ang mga babaeng nakakasalamuha niya kundi ang kanyang atensyon. A
PAKIRAMDAM ni Hannah kaya wala siya sa mood ay dahil hindi niya talaga alam kung anong iniisip ni GB sa kanya, kaya naman tamilmil siya sa pagkain kanina kahit na paborito niya ang ulam. Ano pa ba kundi tapsilog. Para kasing inoobserbahan ni GB ang kanyang mga kilos kaya kahit magana itong kumain ay nasa kanya pa rin ang tingin nito.Nabuking na ba ni GB ang damdamin niya? Masamang babae na ba ang tingin nito sa kanya dahil nakita siya nitong nanonood ng porn video?Kahit mag-bespren sila sa mahabang panahon, hindi niya alam kung ano ang sagot ngayon. Siguro, dahil nag-iba na ang level ng kanilang pagkakaibigan at hindi niya maiwasan ang masaktan.May pakiramdam siya na nagkamali siya ng desisyon na kay GB magpaanak. Paano kung hindi naman sila makabuo? Tapos makakita ng iba si GB? At paano kung tuluyan
DAHIL sa nais din naman ni Hanna na patunayan niya sa sarili na kaya naman niya talagang maging busy kaya naman pinili niyang mag-research na lang, Iyon nga lang dahil sa wala naman talagang ibang laman ang kanyang isip kundi si GB ito ang naging inspirasyon niya kung bakit kailangan niyang maging magsaliksik.How to be a perfect girlfriend?Nang basahin niya ang aricle na kanyang na-click ay hindi niya naiwasan ang mapatulala. Hindi niya alam kung bakit iyon ang nagawa niyang itipa gayung ang lagi naman niya talagang nire-research kapag naiisip niya si GB ay kung paano ito mapapaligaya sa kama. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan para hindi siya nito pagsawaan ngunit nang mga oras na iyon ay hindi niya iyon naisip.Bakit? Nagtatakang tanong niya sa sarili.
Buwisit! Inis na sabi ni Gray nang tingnan niya ang kanyang cellphone. Kanina pa siya text nang text kay Hannah pero hindi ito sumasagot. Pakiramdam tuloy niya'y iniiwasan siya nito.Marahas na buntunghininga hininga lang ang pinawalan niya nang maisip niyang wala naman siyang masamang ginagawa para isnabin siya nito. Nagsalubong lang ang kilay niya nang maisip niyang may kinalaman ang pagkakahuli niya ritong nanonood ng porn. Napamura lang siya nang maisip niyang kaya hindi sinasagot ni Hannah ang kanyang tawag ay dahil abala na naman ito sa panonood ng porn.Wala tuloy sa loob na nahawakan niya ang kanyang cellphone at hinawakan iyon nang pagkahigpit-higpit. Sobra kasing nag-iinit ang kanyang ulo nang maisip niya ang posibilidad na iyon. Gusto niya ang 'sandata' lang niya makikita nito.Nang tumu
PARANG gusto na maglupasay at humagulgol ni Hannah dahil kanina pa nakahanda ang hapag kainan pero wala pa ring GB na dumarating. Kung anu-ano na tuloy ang naiisip niya.Baka may ibang babae na itong natagpuan? Baka may ka date ito ngayon? Malalim na buntinghininga ang pinawalan niya sa mga baka na kanyang naiisip. Baka kasi hindi na nakatiis si GB at bumalik na ito sa dating gawi. Sa pagiging playboy.Magiging napakasakit sa kanya kapag nangyari iyon pero wala naman siyang magagawa kundi tanggapin. Ngunit nais niyang tuparin ni GB ang pangako nitong hindi siya iiwanan hanggang hindi siya nabubuntis. Talaga kasing gusto niyang magkaanak rito. At hindi rin niya alam kung gugustuhin pa ba niyang magpaanak sa iba.Siyempre hindi na, naiinis niyang sabi sa sarili. Tanging si GB lang ang gug
NAGPU-propose na ba si GB? Maang na tanong ni Hanna sa kanyang sarili. Talaga naman kasing nakabibigla na sabihin na lang na lang sa kanya ni GB na kailangan na nating magpakasal. Sa isang sandali tuloy ay parang gusto niyang isipin na mahal na mahal siya ni GB kaya ayaw na siya nitong pawalan pa. Alam kasi nitong mangyayari lang iyon kapag natali na sila sa isa’t isa. Ngunit, dahil nga alam naman niyang ang ‘relasyon’ hila ay hindi tulad ng karaniwang magkasintahan na talagang nagmamahalan. Alright, mahal nila ang isa’t isa pero nasa ibang level. Ows? Hindi niya napigilang mapalunok ng kung ilang ulit. Para kasi siyang tinutukso ng atribidang bahagi ng kanyang isipan. Tanong nito, talaga bang bespren pa rin ang tingin mo kay GB. Kung hindi kasi niya napigilan ang kanyang sarili’y talagang mapapasagot na s
MAANG na napatingin si Gray kay Hannah. Ang inaasahan niya kasi ay kokontra kapag sinabi niya ritong kailangan na nilang magpakasal. Ngunit, hindi ba ang dapat ay matuwa siya?Ang nais naman niya talaga kasi ay makasama niya sa habambuhay si Hannah. Sigurado naman kasi siyang wala na siyang ibang gugustuhin pang makasama sa buhay kundi ito. At wala man lang siyang pagtutol na maramdaman buhat dito.Ngunit, ang pagtutol nga ba ang isyu as kanya o ‘yung wala man lang siyang nakitang ngiti sa mukha nito na para bang hindi kasiya-siya ang kanyang sinabi? Pakakasalan niya ito. Isusuko niya ang pagkabinata niya para rito tapos hindi man lang ito nasiyahan. Hindi tuloy niya napigilan ang makaramdam ng inis.Hindi ba ito napopogian sa kanya? Hindi ba talaga siya yummy sa panin
SA sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya halos namalayan ang pagbigkas niya ng ‘I do’. Siguro dahil kinabukasan lang ay nagpakasal na sila ni GB. Para tuloy bahagi lang iyon ng kanyang panaginip. Ngunit, kahit na lumapat na sa kanyang labi ang labi ni GB, hindi pa rin siya nagigising."Akin ka na talaga," bulong sa kanya ni GB dahilan para siya'y kiligin. Naramdaman na naman kasi niya ang mistulang kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan."At dahil akin ka na rin, ayokong may ibang babae ka pang bobolahin," mariin niyang sabi rito.Napahalakhak si GB sa kanyang hirit. Nais sana niyang mapikon sa uri ng pagtawa nito ngunit niyakap siya ni GB ng buong higpit. Ayun tuloy, biglang natunaw ang kanyang galit. Talaga naman kasing kailan ay hindi niya matiis ang kanyang bespren.
BUONG akala ni Hannah ay didiretso na sila ni GB sa Nueva Ecija kung saan naroroon ang Lolo Luciano nito kaya nagulat siya ng mapansing nag-iba ng daan si GB kung saan nakalagay ang way to Baguio.Matapos nilang maihatid ang kanilang Ninang Adelaida sa compound ay magbiyahe na rin sila ni GB. Para tuloy gusto niyang magduda sa matalik na kaibigan. Na asawa mo na ngayon, paalala niya sa sarili. Para kasing planado nito ang nangyari. Ngunit, ganoon pa man, walang isyu sa kamya ang ginagawa nito. Ang totoo nga niyan ay nasisiyahan pa siya dahil lahat ng atensyon nito ay ibinibigay sa kanya.Alam niyang ang firm nito ang pinakaimportante kay GB sa ngayon pero magagawa nitong iwanan para sa kanya. O maaaring para sa lolo nito ngunit dahil sa diya na ngayon ang asawa nito, kailangang lagi siyang kasama
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&