MAANG na napatingin si Gray kay Hannah. Ang inaasahan niya kasi ay kokontra kapag sinabi niya ritong kailangan na nilang magpakasal. Ngunit, hindi ba ang dapat ay matuwa siya?
Ang nais naman niya talaga kasi ay makasama niya sa habambuhay si Hannah. Sigurado naman kasi siyang wala na siyang ibang gugustuhin pang makasama sa buhay kundi ito. At wala man lang siyang pagtutol na maramdaman buhat dito.
Ngunit, ang pagtutol nga ba ang isyu as kanya o ‘yung wala man lang siyang nakitang ngiti sa mukha nito na para bang hindi kasiya-siya ang kanyang sinabi? Pakakasalan niya ito. Isusuko niya ang pagkabinata niya para rito tapos hindi man lang ito nasiyahan. Hindi tuloy niya napigilan ang makaramdam ng inis.
Hindi ba ito napopogian sa kanya? Hindi ba talaga siya yummy sa panin
SA sobrang bilis ng pangyayari, hindi niya halos namalayan ang pagbigkas niya ng ‘I do’. Siguro dahil kinabukasan lang ay nagpakasal na sila ni GB. Para tuloy bahagi lang iyon ng kanyang panaginip. Ngunit, kahit na lumapat na sa kanyang labi ang labi ni GB, hindi pa rin siya nagigising."Akin ka na talaga," bulong sa kanya ni GB dahilan para siya'y kiligin. Naramdaman na naman kasi niya ang mistulang kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan."At dahil akin ka na rin, ayokong may ibang babae ka pang bobolahin," mariin niyang sabi rito.Napahalakhak si GB sa kanyang hirit. Nais sana niyang mapikon sa uri ng pagtawa nito ngunit niyakap siya ni GB ng buong higpit. Ayun tuloy, biglang natunaw ang kanyang galit. Talaga naman kasing kailan ay hindi niya matiis ang kanyang bespren.
BUONG akala ni Hannah ay didiretso na sila ni GB sa Nueva Ecija kung saan naroroon ang Lolo Luciano nito kaya nagulat siya ng mapansing nag-iba ng daan si GB kung saan nakalagay ang way to Baguio.Matapos nilang maihatid ang kanilang Ninang Adelaida sa compound ay magbiyahe na rin sila ni GB. Para tuloy gusto niyang magduda sa matalik na kaibigan. Na asawa mo na ngayon, paalala niya sa sarili. Para kasing planado nito ang nangyari. Ngunit, ganoon pa man, walang isyu sa kamya ang ginagawa nito. Ang totoo nga niyan ay nasisiyahan pa siya dahil lahat ng atensyon nito ay ibinibigay sa kanya.Alam niyang ang firm nito ang pinakaimportante kay GB sa ngayon pero magagawa nitong iwanan para sa kanya. O maaaring para sa lolo nito ngunit dahil sa diya na ngayon ang asawa nito, kailangang lagi siyang kasama
KASAL na sila ni GB kaya ilang beses sinabi ni Hannah na dapat ay mayroon na siyang lakas ng loob na humarap sa Lolo Luciano nito. Kahit naman kasi ilang beses na niya itong nakita noon at magiliw naman ito sa kanya, may kaba pa rin siyang nararamdaman ngayon. Iba na kasi ang sitwasyon. Hindi na siya bestfriend lang ni GB, asawa na niya ito."Nervous?" Hindi makapaniwalang tanong ni GB sa kanya ng buksan nito ang pintuan ng RAV4 nito sa kanyang gawi.Hindi na siya nagtaka kung paanong nahalata ni GB ang tunay niyang nararamdaman, siyempre kilalang-kilala siya nito. Kung hindi negatibo ang nararamdaman niya ay mabilis lang ang magiging pagkilos niya. Makakaya niyang bumaba agad ng sasakyan pero dahil kinakabahan siya'y kailangan talaga niya ang suporta ni GB.Alam na alam kasi niya talaga kung gaano
SA panig ni Hannah ay walang magiging problema kung hindi muna siya makakabalik ng Manila dahil dala naman niya ang kanyang laptop at may mga damit din siyang nakaempake na inihanda ng kanyang mister. Oh, talagang hindi niya mapigil ang kanyang pagngiti kapag naiisip niya ang katagang iyon. Talaga kasing sinasabi nu'n na hindi na sila magkakahiwalay pa ni GB."I'm sorry.""Anong kasalanan mo?" Nagtatakang niyang tanong kay GB. Hindi niya tuloy napigilan ang labis na mag-alala. Baka mamaya ay sabihin nitong may iba na itong babae na natitipuhan. Shucks, kakakasal pa lang nila."Na matetengga tayo rito.""Iyon lang?" naninigurado niyang tanong.Kumunot ang noo nito. Wari'y nagsisimula na magtaka ku
MUNTIK na humagalpak nang tawa si Hannah nang makita niya ang reaksyon ni GB. Biglang nanlaki ang mga mata nito sabay inhale. Hindi siguro nito akalain na dadakmain niya ang sandata nito.Ang totoo niyan, hindi naman niya talaga akalain na gagawin niya iyon. Talaga lang umandar ang kanyang kapilyahan. Saka wala namang mali sa ginawa niya, asawa niya si GB kaya natural lang na hawakan niya ang sandata nito. Dapat nga ay masiyahan pa ito dahil talaga naman gusto niya itong sambahin."Hannah…" daing nito." I want this," wika niya.At bago pa man makapagsalita si GB ay natanggal na niya ang butones at zipper ng pantalon nito. Naisuksok na rin niya ang kamay niya sa garter ng brief nito."Shit
"TALAGA?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hannah nang sabihin ni GB na hindi na rin muna ito pupunta sa firm. Ngunit, nauunawaan naman niya siyempre ito. Masyadong malayo ang Nueva Ecija sa Manila saka kailangan naman talaga nitong bigyan ng oras ang lolo nito. Kahit naman hindi na magsalita si Lolo Luciano ay alam niyang nasasabik ito sa pagmamahal ng apo nito.May pakiramdam siya na hindi lang talaga iyon maipahayag ng matandang lalaki dahil may guilt itong nararamdaman. Sa mahaba kasing panahon ay hinayaan lang din nito si GB na mag-isa halos naninirahan sa Manila. Mabuti na lang at nandoon sila ng kanyang mga lola kaya’t hindi nito namalayan na wala itong pamilyang kasama. Or, baka naman magaling lang talagang magtago ng hinanakit si GB.“Mami-miss mo ako ‘no?” nanunudyong tanong sa kanya ni GB.
KAILANGAN kong busugin si GB, ito ang paulit-ulit na sabi ni Hannah sa kanyang sarili. Naalala niya kasi ang payo sa kanya ni Aling Adelaida. Kailangan niyang matuto ng gawaing bahay lalo na ang pagluluto para hindi magkamali si GB na maghanap ng ibang tagapagluto.Kahit daw kasi tanggap ni GB ang kanyang katamaran dahil bespren niya ito, hindi pa rin siya dapat maging kampante. Lalaki pa rin daw ito kaya dapat niyang asikasuhin ang mga pangangailangan nito. At ang responsibilidad niya kay GB bilang asawa ay hindi lang dapat magtapos sa sex.Ibig sana niya itong biruin ito pero pinigilan na niya ang sarili. Talaga naman kinabahan siya na maaaring magkaroon ng iba si GB. Hindi niya yata kakayaning isipin na mangyari iyon. Ibig niya, luto lang niya ang kakainin ni GB.Kaya naman ngayon ay naririto si
"JEAN…" gilalas na bulalas ni Gray nang makita niya ang kanyang kababata. Siyempre natutuwa siyang makita ito dahil naging malaking bahagi rin ito nu'ng buhay niya noong bata siya.Kahit naman kasi naninirahan na silang mag-ina sa Manila ay madalas pa rin silang nagpupunta ng Nueva Ecija para bisitahin ang kanyang lolo. Ngunit, habang tumatagal ay dumadalang iyon nang dumadalang. Hanggang sa hindi na rin siya nakakauwi sa kanilang probinsiya.Kahit madalas silang maglaro noon ay parang agad niya itong nakalimutan ng tuluyan na siyang nanirahan sa Manila. Marahil dahil nandoon na si Hannah at nagawa na nitong punan ang nawalang kaibigan niya sa probinsiya."Sabi ko na, eh hindi mo pa rin ako nakakalimutan," wika nitong parang ayaw umalis sa pagkakakapit sa kanyang braso.&nbs
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&