AlexenaNangatog ang tuhod ko at nanginig pati na ang kamay ko.Ano ang ginagawa nito rito? May date pa ito, ah? He's not supposed to be here. Dapat ay kasama na nito ngayon ang espesyal na babae sa buhay nito, kung si Lucy man iyon, masaya na dapat na nagre-reconcile ang mga ito.Nagtataka ko tuloy itong tinapunan ng tingin."Sino ang nagsabi at nagbigay sa iyo ng pahintulot na umalis na? At bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin?" galit na bungad nito.F*ck, ano ang idadahilan ko? Na inatake ako ng pag-iinarte, inggit at panibugho? No way would I ever say it! I should think fast!Napalunok ako at napahinto sa paglalakad. "Uh, sorry p-po, Sir. Ano po kasi, uh... kasi s-sumakit po ang tiyan ko, kinailangan na magpunta at gumamit ng restroom,” pagsisinungaling ko.Nagtagis ang bagang nito. “Hindi ka ba nag-iisip? Mayroon din namang restroom do’n, Alexena!”Pinigilan ko ang mapalabi.Ang sakit naman kasi nitong magsalita.Bahagya kong iniyuko ang ulo ko. “H-Hindi ko po alam kung saa
AlexenaNang mailigpit ko na ang mga gamit ko ay umuwi na rin ako upang magpahinga kahit na saglit lang, pagkatapos ma-relax ang katawan at isip ay naghanap na ako ng maaari kong suotin at nag-ayos na rin ng kaunti habang naghihintay kay Cloud.Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ito at nagtungo na kami sa party.Kapansin-pansin at halatang mayayaman ang mga naroon, mga negosyante, pulitiko at iba pang malalaking tao. Hindi ako humihiwalay kay Cloud dahil wala naman akong kakilalang iba, tahimik lang ako at nakikinig sa pakikipag-usap nito sa kung sinu-sino. Nang mahalata naman ng kasama ko na nangangawit na ako ay niyaya na ako nitong maupo, hindi na ako tumanggi dahil nahihilo ako sa rami ng tao na palakad-lakad."So, kumusta naman kayo ni Mikey?" bungad nito noong sa wakas ay makahanap kami ng bakanteng puwesto.Kami? Wala namang kami, ah? Matagal na. Four years na nga ang lumipas."Kami? Hmm... ayon, may kanya-kanya nang buhay," sagot ko naman.Hinaplos nito ang buhok ko. "Ak
AlexenaTiningnan ko ang babaeng kakalabas lamang sa opisina ni Mikey, ngumiti kaagad ito sa akin nang makitang nakatingin ako rito. Hanggang sa makalapit ito sa puwesto ko ay hindi pa rin naaalis ang pagkakangiti nito."Ma'am, ang bait po ni Sir Mikey, 'no? Mukhang magtatagal po ako rito sa kompanyang ito kung ganyan ang boss," turan nito. Nagbibiro ba ito? Pero bakit sa halip na matawa ako ay parang nakakasuka naman yata sa pandinig ko ang pinagsasasabi nito at parang nakakakilabot? Mabait daw? Saang banda kaya? Hindi ko kasi ramdam, lalong hindi ko rin makita. Ang nakabandera kasi sa paningin ko palagi ay ang pagiging fully developed jerk nito.Sa totoo lang ay dumoble pa ngayon ang pagkaimbyerna ko sa pagmumukha ng impaktong 'yon. Simula kasi nang dumating itong si Miranda na siyang magiging assistant nito ay palagian na itong nakangiti, samantalang noong kami lang dalawa ang magkasama ay todo simangot ito at napakasungit na parang babaeng may dalaw.Nakakainis 'yong singkit na
Alexena"Baka lumamig na ang kape ko kakahalo mo," basag ng tinig sa pag-iisip ko sa bandang likod na ikinapitlag ko.Bwiset. Bakit nandito na naman 'to? Natatakot ba talaga ito na lagyan ko ng lason ang inumin nito? Akala ko ay hindi na ito sumunod pa dahil iniwan ko na ito at ni hindi ko nga rin narinig o namalayan ang presensiya nito.Mariing naglapat ang labi ko nang dinampot ko ang tasa at humarap dito, alam ko naman na nasa gawing likod ko ito noong nagsalita ito pero ang hindi ko inaasahan ay nakalapit na pala ito sa mismong likuran ko at halos nakadikit na sa akin, sa gulat ko dahil nasa harapan ko na ito pag-ikot ko ay nanginig ang kamay ko at muntikan ko nang maitapon dito ang hawak ko. Pero naging mabilis ang reflexes ko, sa kaayawan kong makahanap na naman ito ng rason upang singhalan ako ay pakabig ang ginawa ko na ang naging resulta tuloy ay sa akin tumapon ang kape nito na itinimpla ko."Oh, sh*t!" mura nito at hinawakan agad ako sa magkabilang braso.Napasinghap ako a
AlexenaIlang araw na akong nababalisa at hindi makatulog nang maayos. Sa tuwina kasi ay naaalala ko ang naganap sa pagitan namin ni Mikey at ang pag-aalok nito ng dalawang beses upang maging babae nito.Kung biro man kasi para rito ang ginagawa nito, puwes para sa akin ay hindi na iyon nakakatuwa. Sino ba kasi ang matutuwa kung nakakapanliit sa pakiramdam 'yong paraan kung paano ako nito tanungin?Ang lakas ng loob nitong alukin ako na maging babae nito, pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ako nito niyon inaalok? Gayong ayaw na ayaw nga nito sa akin, hindi ba? Ano 'yon, gano'n ba kaimportante si Hero para rito kaya okay lang dito na maging babae ako nito para lang mailayo ako sa kapatid nito?Napaka-noble at ang gulo nito!Pero hindi ko talaga maalis sa isip ko ang kawalanghiyaan nito, malapit na yata akong mabaliw. Lalo pa nga at araw-araw ko itong nakakasalamuha at nakikita dahil may mga kailangan pa akong ituro kay Miranda kaya hindi pa ako makaalis. Nagtitiis na lang ako, h
AlexenaLumunok muna ako bago sumagot. "I'm not wedded to any man you’re referring to, okay? Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang mga ibinibintang mo sa akin kanina pa," pagsuko ko.Nag-iwas naman ito ng tingin. "If you’re telling the truth, how come you're a Dela Rama now?" nalilito nitong tanong.Napakurap-kurap ako.So, may surname issue kami, gano’n? At dahil lang do’n kaya kung anu-anong pang-aakusa na agad ang ibinato nito sa akin? Hindi ko napigilan at napatawa tuloy ako nang pagak. "I can’t believe this, is that it? You've accused me of a lot of wrong doings simply because I'm a Dela Rama? Nakakatawa, dahil lang doon ay nag-conclude ka na agad na may asawa na ako at kabit ko pa talaga ang kapatid mo? Pathetic. Puwede mong tingnan ang records ko sa HR department para ma-confirm mo na hindi ako kasal kanino man at lalong hindi ko kabit si Hero. At para naman sagutin ang tanong mo kung paano ako naging Dela Rama. Well, simply because I’ve already acknowledged my father’s family
AlexenaNaramdaman ko ang paggalaw ni Mikey na hindi pa rin bumibitaw sa pagkakayapos sa beywang ko. Nakakaasar. Para itong tanga. Inilipat ko ang tingin ko rito at naabutan ko naman itong nakatingala sa akin."Sino siya?" tanong pa nito at wala pa ring pakialam kahit na mukha itong tanga.Pinandilatan ko ito ng mata at pilit na hinahatak patayo. "Tumayo ka na kung ayaw mong malintikan tayo pareho!" gigil kong bulong.Sa halip na sundin ako ay umiling-iling ito. D*mn. Ang kulit ng impakto.Napalingon ako sa bagong dating nang marinig ko ang papalapit nitong yabag sa puwesto namin ni Mikey. Napalunok akong muli at nakaramdam ng init, parang gusto ring pagpapawisan ng katawan ko nang malapot habang patuloy kong naririnig ang yabag papalapit."Sino naman 'yan, sweetheart? Bakit nakayakap? Special child?" sunod-sunod na tanong nito nang makalapit na sa amin.Special child talaga?Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap ni Mikey sa beywang ko.Ngumiti ako sa nagtanong, hindi ko nga lang a
Alexena"Ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa ngayon sinabi sa iyo ang mga nangyari. Tss. Dapat pala ay hindi na at hinayaan ko na lang na mamatay ka sa kuryosidad," sikmat ko kay Hero at inis ko itong pinukol ng tingin.Sa halip na tumigil ay lalo lamang itong humagalpak ng tawa.Hays."Tumigil ka na nga sa katatawa riyan. Nakakaasar, ganitong pati ako ay nasermonan kagabi ni kuya," bawal ko kay Hero.Umiling-iling muna ito bago unti-unting huminto.Nang sa wakas ay wala na itong saping masamang espiritu ay napabuga ako ng hangin."Bakit ka naman nasermonan?"Kinunutan ko ito ng noo.Talagang nakapagtanong pa ito. Hays.Iniikot ko ang mata ko. "Dahil sa kapatid mo malamang. Hindi ko naman kasi sinabi kay kuya na nagkita na kami at si Mikey pa talaga ang pansamantalang boss ko, gayong ang alam nga ni kuya ay sa iyo ako nagtatrabaho."Nakakainis. Hindi ko naman talaga balak na itago rito iyon, nawala lang talaga sa isip ko. Saka sa dami ba naman kasi ng iniisip at pinoproblema ko. Hay
Xena"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Jack.Patamad kong tiningnan ang mga ito habang inaayos ang mga gamit namin paalis ng hotel na siyang tinuluyan namin kagabi upang tumugtog sa kasal ngayong araw.Argh! Ang sarap mga kalbuhin! Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa tuwing naaalala ko na pinag-trip-an ako ng mga ito.Simula noong araw na sinabi ng mga ito nang pahapyaw ang background tungkol sa ikakasal, lalo na sa groom ay hindi na ako napakali kakaisip at naging balisa talaga.Kahit na kating-kati na akong magtanong at tawagan si Hero upang kumpirmahan ang taong naiisip ko dahil sa groom na related daw dito ayon sa mga loko ay talagang pinigilan ko ang sarili ko, kinimkim ko ang isipin sa mga bawat araw na nagdaan, hanggang sa dumating na nga ang araw ng kasal at nalaman ko ang katotohanan... pinag-trip-an lang pala ako ng mga tinamaan ng magaling!Nakakainis. Nasayang lang ang emosyon ko at ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano."I think so? Mukhang wala naman na tayong naiwa
Alexena Bumangon na ako at umupo, ito naman ang pumalit na humiga sa kama na prenteng-prente. Hays. Ang sarap pingutin. "'Tsura mo, ah. Itinulad mo pa ako sa iyo! Ikaw nga itong puro kahalayan sa katawan riyan," nakasimangot kong sagot rito. Lalo itong ngumisi. "Hindi ko naman itinatangging pantasya kita, Alexena my bebe. Pero mahalay? Parang ang manyak-manyak naman yata ng dating ko no'n," natatawang sabi nito. Sumimangot ako habang nakatitig sa mukha nito. Kainis talaga 'to. Guwapo sana, kaso balahura. Kumilos ito at biglang nagsimulang gumapang nang mabagal papalapit sa akin. Nanlaki naman agad ang mata ko at napatayo tuloy ako nang wala sa oras. "H-Hoy, Calix! A-Ano bang ginagawa mo?" Ngumisi itong lalo at hindi pa rin tumigil sa dahan-dahang paggapang. Napaatras ako. "Tumigil ka n-nga sa paggapang, para kang baliw, kapag hindi ka tumigil, hindi ako mangingiming suntukin ka, sinasabi ko sa iyo," banta ko at lumayo na rito nang tuluyan para pumunta sa gawing pinto. Tumay
Alexena"Huwag mong sabihing hindi ka pa rin uuwi, babae? ‘Langya! Isang taon na mahigit na 'yang soul searching na ginagawa mo, ah. Namihasa ka naman at nasarapan!" gigil na sigaw ni Zelle sa akin mula sa kabilang linya.Napangiwi ako sabay layo ng telepono sa tapat ng tenga ko.Hays. Ang lakas pa rin ng boses nito at hindi pa rin ito nagbabago, grabe rumepeke ang bibig nito, hindi mapigilan kahit na hindi pa kami magkaharap, paano pa kaya kung sa personal? Napapailing na ibinalik ko ang telepono sa tapat ng tenga ko."Magbi-birthday na ulit ako," paalala nito kapagkwan. Napangiti ako at nakaramdam ng saya. Ngayon lamang kasi nito nabanggit ang tungkol sa bagay na iyon, madalas kasi kapag nagbi-birthday ito ay ayaw nitong nagseselebra. She might be weird... but, I still love her, both with and without her weirdness."Oh, oo nga, ano? Muntik ko nang makalimutan!" kunwari ay gulat kong tugon. “'Langya ka! Ewan ko sa iyo!" angil nito. Natawa ako dahil sa gigil na tinig nito, pati
AlexenaNagsimulang gumalaw ang kamay ko upang mag-strum habang hindi inaalis at nakapokus pa rin ang tingin sa mga batang nasa hindi kalayuan at patuloy pa rin na naglalaro. Napangiti ako bago yumuko at itinuon na ang mata sa gitara at nagsimulang kantahin ang Unending Love.Ngunit sa kalagitnaan ng aking pagkanta ay may nagpatong ng kamay sa balikat ko.Nagulat man ay hindi ako tumigil, bagkus ay nilingon ko ang may-ari niyon at nginitian, umupo naman ito sa harapan ko nang komportable habang nakatuon ang mata sa akin. Nagpatuloy ako sa pagkanta. Hindi na ako nagulat pa nang sabayan ako nito. Nagbe-blend sa boses ko ang ganda ng boses nito na hindi nito basta-basta lang ipinaparinig sa iba. Hindi ko mapigilang ma-curious minsan at magtaka, ang iba kasi kapag ganito kaganda ang tinig ay ipinapangalandakan talaga, pero ito? Hindi ito ganoon, kung maaari ay itatago at itatago nito iyon. Mabuti na nga lang at hindi nito naiisipang itago ang iba pa nitong talento, ang pagtugtog ng ib
AlexenaAfter 1 year and 5 months, Children of God Orphanage."Mukhang masaya ka, ah?"Kaagad na lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig. "Sister Anna..." pag-acknowledge ko sa presensiya ng bagong dating.Nanatili itong nakatayo habang nakababa ang tingin sa akin dahil kasalukuyan akong nakaupo sa bermuda grass na nakalatag sa pinaka-garden ng orphanage.Ngumiti naman ito kalaunan. "Anong oras na ba kayong nakauwing lima kagabi?" Napangiwi ako. "Madaling araw na po.""Kaya pala hindi ko na namalayan ang pagdating ninyo."Napakamot ako sa ulo. "Pasensiya na po. Late na po kasi noong nagsimula 'yong pagpe-perform no'ng apat na itlog sa reception sa kasal tapos natuwa pa sa kanila ang mga guest kaya napa-extend po tuloy, mga nakahiyaan po na tumanggi."Tumango-tango ito habang pinagmamasdan ako. "Gano'n ba? Pero maaga ka pa ring nagising kahit na puyat ka pa." Ngumiti ako. "Ang sarap po pala kasing gumising nang maaga, ang gaan po sa katawan," paliwanag ko.Napangiti rin ito habang p
AlexenaPigil na pigil ko ang sarili kong huwag lumingon dahil ayokong makumpirma ang hinala ko.Dmn it. Paano nito nalaman na nandito ako? Gumalaw ang anino at naramdaman kong umupo ang may-ari niyon sa tabi ko mismo. "B-Baby Dela Rama..." basag ang boses na basa ni Mikey sa nakaukit sa lapida. Napalunok ako at nagbikig ang lalamunan ko.Hindi ko ito magawang lingunin, natatakot akong makita ang sakit na nakabalatay sa mukha nito.Oo, deserve nitong malaman ang totoo pero kung masasaktan lang ito, hindi bale na lang na sarilinin ko ang lahat. Kaya ko naman eh, mas nahihirapan kasi ako sa kaalamang nasasaktan ito. Kung may paraan lang sana para hindi na ito makadama pa ng sakit, walang alinlangan na gagawin ko iyon. I want to save him from pain. Ang hirap kasi sa pakiramdam na wala akong magawa para rito, ang puwede ko lang gawin ay panuorin ito habang nasasaktan.Nakita kong hinawakan nito ang lapida.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko, lalo na nang idinikit nito ang n
AlexenaKumurap-kurap ako upang mawala ang panlalabo ng mata ko at dali-daling kumilos pabalik papunta sa kuwarto noong marinig ko ang mga yabag ng pinsan ko.Hindi dapat ako nito makita.Habol ang hininga ko noong makapasok sa kuwarto at isinarado nang magaan ang pinto. Sumandal ako sandali roon at nang mangawit ay kumilos ako upang umupo sa kama.Hindi ko naman sinisisi si Mikey sa muntikan ko nang pagkalunod, sa totoo lang hindi naman ito ang may kasalanan kung bakit ako nahulog, dahil hindi naman ito ang nagtulak sa akin kundi si Lucy. Though... may parte na ito ang dahilan kung bakit naging gano'n si Lucy at humantong nga sa pagkakahulog ko sa pool at kamuntikan nang pagkalunod.Huminga ako nang malalim para mapayapa ang nararamdaman ko. Pinahid ko rin ang pisngi ko na may bahid ng natuyong luha. Lumunok ako at naramdamang muli ang uhaw.Tumayo ako kapagkwan at pumunta sa CR upang maghilamos, hindi maaaring lumabas ako at makita ng pinsan ko na ganito ang hitsura ko. Ayokong mag-
AlexenaSimula noong nakauwi kami ni Cloud, madalas ay nasa kuwarto lamang ako at paulit-ulit na lang ang ginagawa... matutulog, gigising, nakatulala o 'di kaya ay nakapikit at pinipilit na ipahinga ang isip at umidlip kahit na hirap na hirap akong matulog. Lumalabas lamang ako kapag kinatok na ako ni Zelle para kumain. Hindi ko man masabi rito pero sobra ang pasasalamat ko dahil nandito ito, kahit na ang tagal din naming hindi nagkasama pero hindi pa rin ito nagbabago, kahit na nga nasaang lupalop man ito ay umuwi kaagad ito noong pinatawagan ko ito kay Cloud bago kami bumiyahe, hindi pa rin ako nito kayang tiisin at pabayaan. Hindi ako nito iniiwan at nandito pa rin ito para samahan ako kahit pa nga madalas ay parang wala itong kasama dahil tahimik lang ako at halos puro tango lang ang isinasagot ko kapag may itinatanong ito sa akin. She's worried about me. Kita ko rin at ramdam na gusto ako nitong tulungan. Pero sa ngayon, ang gusto ko ay ang mapag-isa at mag-isip to sort things
AlexenaNapaprenong bigla si Cloud pero nang nakahuma ay agad na iginilid nito ang sasakyan. "W-What did you say?"Kinagat ko ang labi kong noong naguguluhan ako nitong hinarap."N-Namatay ang dapat ay may kakayahang bumuo sana sa amin, Cloud," mahinang ulit ko.Hindi nito nakuhang kumibo o gumalaw man lang, nanatiling nakatitig lamang ito sa akin."Kaya sabihin mo sa akin, may karapatan ba dapat akong sumaya? Paano pa ako sasaya?" may pait sa tinig kong tanong. Ikinurap-kurap nito ang mata, bakas sa mukha nito ang labis na kalituhan. "Who? What? Wait, hindi ako makasunod sa sinasabi mo. N-Namatay? Sino ang namatay na tinutukoy mo?" naguguluhang tanong nito.Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay pumipintig ang lahat ng parte ng katawan ko sa nerbiyos sa pagsisiwalat ng sikreto ko.Lumunok ako dahil sa ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko, nanginginig ang labi na sumagot ako. "M-My... no, our baby."Napatanga ito sa narinig at napakurap ng ilang beses k