Drunk."Good afternoon po," nakangiting bati ni Kylo kay Manang nang pumasok siya sa kwarto nito."Ay kay gwapong bata nga, apo..." Tuwang-tuwa na sabi ni Manang na nilingon pa ako.Ngumiti na lang ako para itago ang nakakahiyang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko man lang naisip noon na darating ang araw na makikilala nila si Kylo. Hindi ko na rin kasi naisip na magkikita kami ulit sa tagal naming nagkahiwalay."Pogi. Pwede ko bang agawin?" Bulong ni Eros sa akin.Pabiro kong inirapan si Eros na siyang ikinahalakhak niya. Hinatak kaming dalawa ng mga kaibigan namin kaya naiwan si Manang at Kylo sa loob ng kwarto. Nasa labas lang naman kami at nakikita ko ang ngiti ni Manang kay Kylo. May pinag-uusapan sila na hindi ko marinig dahil medyo malayo sila sa amin."Ang gwapo-gwapo niya, Chime. Bagay na bagay nga kayo," sabi ni Vivien na mahina pang kinurot ang tagiliran ko."Kaya pala gano'n magreact ang mga schoolmates mo sa inyo base sa kwento mo..." Tumango-tango si Yvonne. "Totoo ngang perf
Manipulate.Nagising ako na masakit ang ulo ko. Kumunot pa ang noo ko nang makitang nasa loob na ako ng kwarto ko. Paano akong nakapasok dito? Binalingan ko ang orasan sa cellphone ko at nakitang mag-aalas tres na ng madaling araw.Mabilis akong tumakbo papasok ng bathroom nang bumaliktad ang sikmura ko. Diretso na rin tuloy akong naligo at nag-ayos. Saan naman kaya natulog si Kylo? Kumuha ako ng simpleng puting long sleeves dress sa cabinet ko paglabas ko ng banyo. Hinihilot ko ang sentido ko nang lumabas ako ng kwarto. Madilim na sa mahabang pasilyo pero nakita ko ang dim light sa sala kaya roon ako nagtungo.Naabutan kong nakasandal sa sofa si Kylo at mukhang gano'n siya natulog buong oras. Bakit hindi siya tumabi sa akin?Bobo ka ba, Chime? Alam mo namang hindi ugali ni Kylo na tumabi sa'yo hangga't hindi mo sinasabi tapos ngayon na wala na kayo, saka ka pa nagtatanong ng ganiyan?Napailing ako sa pagtatalo namin ng isip ko. Marahan akong lumapit sa kaniya. Pinagmasdan ko muna an
Prayers."What do you mean?" Tanong ko."Wala," mahina siyang tumawa bago damputin ang panibagong document. "Mukhang mamaya tayo aalis.""Ngayon agad?" Gulat na tanong ko.Ni hindi pa ako umuuwi sa bahay para magpakita kay Papa tapos aalis na kami agad?"Don't worry, dadaan muna tayo kay Tito bago umalis. Magpapaalam ako nang maayos," sabi niya sa akin.Aalma pa sana ako nang bumukas ang pintuan. Mabagal lang iyon kaya napatayo pa ako para tingnan kung sino ang gumagawa no'n. I saw the little hands of Maurice pushing the door with all his force. Napangiti tuloy ako bago siya mabilis na dinaluhan at tinulungan. "Tita Chime!" Sigaw niya nang pagbuksan ko.Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong-hininga ni Kylo kaya napabaling ako sa kaniya. Gumuhit ang isang tipid na ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa pamangkin. Muli akong napayuko kay Maurice nang mabilis niyang yakapin ang hita ko."Tita Chime, where did you go yesterday? Are you with Tito?" Mabilis niyang tanong.Tumango ak
Secretary."Magpahinga ka muna. Ipapahatid ko na lang ang dinner mo. Maaga tayo bukas," sabi niya bago ilapag ang bag ko sa loob ng kwarto.Wala sa sarili akong tumango. Hindi niya na ako binalingan, diretso lang siyang naglakad pababa ng hagdan. Mariin akong lumunok habang pinagmamasdan ang pangalan ko roon. The hard teak wood door has a crown carving. Sa taas ng korona ang pangalan ko. Adasha was written using a familiar calligraphy font. Marahan kong inangat ang kamay ko para haplusin iyon.Napabuntong-hininga ako. I'm sure babawi ako kay Tita Kayla kahit wala na kami ni Kylo. My relationship with Kylo was already done. It's been years since we ended our relationship. Siguro naman maiintindihan iyon ni Tita Kayla. My life—our life has changed. Maraming nagbago sa akin. She doesn't know me anymore at kapag nalaman niya ang lahat ng nangyari sa akin, she'll be disappointed.Pumasok ako sa kwarto na iyon at sinarado ang pintuan. Halatang laging nililinisan ang kwarto dahil walang alik
House.Nagpanggap akong natutulog habang nasa byahe pauwi. Ramdam ko ang minsan-minsang tingin sa akin ni Kylo pero hindi ko idinidilat ang mga mata ko. Ayaw kong mabasa niya sa akin na nasasaktan ako. He knows me a lot and I know that he has idea why I suddenly shift my mood.Diretso akong bumaba ng sasakyan niya nang iparada niya ito. The maids were all smiling at me when I entered kaya tipid kong sinuklian ang ngiti nila."Chime..." Tawag ni Kylo sa akin.Mabilis akong pumanhik ng hagdan. Not minding that this isn't my house. Gusto ko lang magkulong sa kwarto at pakawalan ang luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata.I know that I am being emotional right now. Alam ko rin at paulit-ulit ko nang sinusuksok sa utak ko na ako ang nakipaghiwalay, ako ang sumira ng relasyon namin, ako ang nagwakas no'n. But seeing him with another girl... hindi ko pala kaya. Hindi pala kaya ng puso at utak ko na hayaan siyang sumaya sa iba—na may ibang babae sa buhay niya!"Chime..." Muling
Party.Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka siya tinitigan nang mariin. I saw his eyes speaking on me about his real feelings. Nagsusumamo ang mga ito sa akin at alam ko sa sarili kong pagbibigyan ko iyon.Sasabihin ko sa kaniya ang tunay na nangyari sa akin. Sasabihin ko sa kaniya ang tungkol sa anak namin. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat at kapag natanggap niya pa ako—kapag hindi siya nagalit o anoman sa akin, sisimulan kong ayusin ang nasira namin."We'll talk about this later, okay?" Marahan kong sabi habang hawak ang mukha niya.Napapikit pa siya sa haplos ng kamay ko sa kaniyang pisngi. Pumatak ang luha sa kaliwang pisngi niya. Hinatak niya ako para yakapin muli. Parehas na kaming kumalma pero humihikbi pa rin siya. Kumalas naman agad siya sa pagkakayakap sa akin saka binuksan ang compartment niya. Kumuha siya ng dalawang bote ng tubig doon. Binuksan niya ang isa at iniabot sa akin.Sabay kaming uminom ng tubig. He gave me time to fix myself. Naglagay lang ako ng pressed
Confrontation."I will do everything and anything for you, Chime," dugtong niya.I smiled at him. Inilbot ko ang sarili ko sa loob ng bahay namin. Bukod sa mga pictures namin, wala ng ibang laman ang bahay. Binalingan ko si Kylo nang pumanhik ako ng hagdan. He just nodded telling me to go. Binuksan ko ang kwarto ko noon. May bagong kama roon at iilang pamilyar na litrato rin. May mga damit sa closet ko na alam kong hindi sa akin dahil sa bagong tag ng mga iyon. Bumuntong-hininga ako. Dapat hindi na ako nagugulat sa mga kayang gawin ni Kylo. Ang pagmamahal niya sa akin ay dapat nang hindi kwestyunin. Hindi dahil may tiwala ako sa kaniya kundi dahil araw-araw niyang sinisigaw iyon sa bawat galaw niya noon pa man.And what he did this time is not surprising. Pero wala na kami... Pwede niyang ibenta ang bahay no'ng mga nakaraang taon pero hindi niya ginawa. Did he really wait? Talagang akala niyang babalik ako? Talagang pinanghawakan niya iyon?Sinarado ko ang kwarto ko at binalingan an
Fixed."Please? Let's fix us," sabi niya sa akin. Masuyo niyang hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong hinatak palapit sa kaniya. Pinalis niya ang luha sa pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon."Baka hindi siya para sa atin, H-Hon," sabi niya. "Hindi ka ba n-nasasaktan?" Umiiyak kong tanong. "Nawalan tayo ng anak, Ky!"Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay wala lang iyon sa kaniya. Saglit ko lang nakita ang sakit sa mga mata niya pero ngayon na nakatingin siya sa akin, hindi ko na makita iyon."M-masakit, Chime. Sobrang sakit," bulong niya sa akin. "Pero mas hindi ko kayang mawala ka e. Hindi ko kayang ikaw ang lumayo sa akin ulit."Hinawakan niya nang marahan ang aking pisngi. Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming umiyak habang nakatingin sa isa't isa. Nanghihina ako. Mahigpit akong yumakap sa kaniya at malakas na humagulgol."Kylo, ang baby natin..." umiiyak kong sumbong sa kaniya. "Ni hindi ko man lang siya nahawakan.""Shh..." Pag-aalo niya sa akin. "I'm s