Ilang saglit natigilan si James. “Sige, payag ako.”“Siguraduhin mong may mangyayari sa inyo. Pagpasok niya sa kwarto sunggaban mo agad. Kapag pinainom ko siya nito, hindi siya makakatutol sa anumang gagawin mo. Magiging sunod-sunuran lamang siya sa’yo.”“Okay. Mahal na mahal ko si Kristin at papani
“Sino po ang batang umiiyak?” Matagal bago nakasagot si Nanay Josie.“Ah, anak ni Zarina ang sanggol. Nabuntis si Zarina at tinakbuhan kaya pinapaalagaan sa akin ang bata. Siya ang pupuntahan ko ngayon para ihatid ang anak niya.”“Ihahatid ko na po kayo.”“Ah sige. Mauna ka na sa sasakyan at magbibi
Tumango si Kristin. Kagat niya ang labi at pinipigil ang sarili na sabihin na anak ni Bryan si Kai. Hindi pa ito ang tamang pagkakataon o kung darating pa ba ang tamang panahon para sa kanila ng asawa.“Kristin, iba ang pakiramdam ko kanina na hawak ko si Baby Kai. Parang pakiramdam ko sarili kong a
Limang taon ang matuling lumipas.Napatakbo nila Kristin at James ang sakahan at gilingan ng bigas bilang magkasosyo sa negosyo. Sa bayan ng Santo Tomas ay natagpuan niya ang kapayapaan ng isip hindi man ng kanyang puso. Sariwa pa sa isip niya ang huling usapan nila ni Bryan sa telepono. Gusto niyan
Ang totoo ay na-miss din ni Bryan ang ganitong klaseng paglalaro. Napatitig siya sa batang seryoso ang atensyon sa saranggola. Nakikita niya ang saya sa mga mata nito.“Oy, may tatay naman pala si Pogi!” anang isang batang mukhang sutil. Pogi ang tawag nito sa paslit marahil ay dahil pogi itong tala
“Walang kapatawaran ang ginawa sa akin ng babaeng iyon!” sabi ni Bryan. Dumaan ang bolang apoy sa kaniyang mga mata.“One day, I want to see her suffer!”“Sir Bryan, patawarin na po ninyo si Kristin.”“Shut up! Huwag na huwag mong babanggitin ang pangalan ng babaeng iyon!”“Pasensya na po. Hindi na
Natulala siya hindi sa pagkapahiya kundi sa alalahaning nagkrus na muli ang kanilang landas ni Bryan at ang posibilidad na malaman nito ang lihim niya.“Bingi ka ba?! Sabi ng fiancé ko magsorry ka sa akin,” tungayaw ni Cherry.“Wala akong ginagawang kasalanan bakit ako mag-so-sorry sa’yo! Inabala mo
“Teka Lito, ihinto mo ang kotse. Titignan ko ang magandang tanawin,” sabi ni Don Antonio sa driver.Nasa burol sila at pupuntahan ang bagong proyekto ng Crown Tower Corporation. Madami silang plano ni Bryan sa Sto Tomas.Pumikit siya at ninamnam ang sariwang hangin. Mainam na mahiwalay sa stress sa
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b