Thank you very much po sa inyong suporta, sa comments, gifts, at gems. Sa mga new readers, ongoing po ang ating kwento at may update araw araw. Matagal po gawin ng isang chapter dahil ayoko pong magbasa kayo ng hindi maganda. Godbless po!
Nanlambot ang tuhod ni Kristin pagkakita kay Bryan na nakangiti sa nanay niya kahit matalim ang tingin sa kanya. Ayaw niyang ma-involve itong muli sa pamilya niya. At higit sa lahat ay ang makita ni Bryan ang anak nila! Tila siya aatakehin sa puso.Napabalik siya kay Zarina na nasa likod at nahuli s
Bumuo sila Kristin at Nicole ng plano. Nagdadalawang isip siya sa nabuong plano. Kailangan niya ang tulong ni James kaya kakausapin niya ito. Mayaman ang pamilya ni Nicole, matutulungan siya nito. Bumalik siya sa opisina ni Bryan na tila lutang ang isip.“Tara na,” yaya agad ng boss pagkakita sa kan
“Hindi ako nagmamadali, Kristin. Kung may mangyayari man sa atin ay gusto kong bukal sa loob mo. Hindi kita pipilitin.”Napatitig si Kristin ay Bryan. Nakakahiya ba kung sasabihin niyang bukal sa loob niya ang pagpapaubayang gagawin? Umiral ang konting pride na natitira sa katawan niya.Umalis siya
“Please, walang dapat makaalam na may anak kami ni Bryan,” pakiusap ni Kristin.“Sige, sa oras na malaman ni Bryan ‘yan. Kukuhanin niya sa’yo ang bata at papalakihin bilang tagapagmana ng mga Caballero. Curious lang ako. Bakit ka pa lalayo? Alam mo bang handang magpakamatay ang mga babae makuha lang
Nabasa ni Kristin ang katapatan sa mga mata ni Bryan. Gabundok ang pagpipigil niyang yakapin ito at hagkan.Ngunit napaatras siya ng makita ang parating na si Don Antonio na palapit sa kanilang table. Tila ito demonyong nakatunghay sa kanya habang palapit.“Bryan, ang sabi mo ay gusto mo akong ipaki
Sumama si Kristin kay Bryan para makabisita sa farm at makita na din si Donya Margarita.Ngunit pagdating nila ng hapon ng Sabado ay wala ito at may pinuntahan daw. Nagsosolo sila ni Bryan sa malaking bahay sa gitna ng farm. Halo halo ang emosyon niya. Matutuwa ba siya o matatakot? May isa pa siyang
“Mga apo, gising pa ba kayo? Ginabi ako ng uwi,” tawag ni Donya Margarita.Bubuka sana ang bibig niya upang sumagot ngunit tinakpan ito ni Bryan at umiling. Ilang katok pa ng madinig nila bago ang yabag palayo. Nakahinga sila ng maluwag.“Wala akong gustong gawin ngayon kundi ang ipasok ito at idili
Mabilis na isinara ni Kristin ang cabinet kahit pa may nakita siyang ilang piraso ng envelop na posibleng naglalaman ng reports.“Hinahanap ko lang ang remote control ng aircon. Giniginaw kasi ako,” aniyang pinilit maging normal ang tinig.Inumang ni Bryan ang dalawang kamay. “Tara dito, yayakapin k
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b