Maraming salamat po sa inyong paghihintay sa bawat kabanata. I wish I have more time to write. I appreciate your comments and gems! Nakaka-inspire magsulat!
“No way!” Hindi niya kakayaning makasama si Allan sa isang bahay. Baka mabaliw siya sa pagpipigil sa damdamin. Agad siyang nag-isip ng alibi.“Magagalit si Vince. Hindi pwede,” tigas ang iling niya.“Bakit mo ipapaalam? Walang makakaalam na aalagaan mo ako. Ikaw at ako lamang.”“May trabaho ako. Hin
Maling desisyon talaga ang alagaan si Allan. Pinagpawisan ng malapot si Tasya sa pag-aalis ng shorts ni Allan. Teka, bakit hindi niya mahila? Naibaba niya ang mata at naisama pala niya sa pag-aalis ang briefs nito. Napaatras siya ng makitang sumusungaw na ang malaking alaga nito. Agad niyang nabitaw
Binasted ni Sofia si Allan noon pero parang hindi naman nagtanim ng sama ng loob ang binata. Napabuntunghininga siya ng malalim. Abot tanaw niya si Allan ngunit para kay layo nito.Naghanda na siya ng breakfast.“Allan, kain na.”Inalalayan niya ito patungo sa mesa. Nanatili lamang itong nakatitig s
“Umalis ka na. Ayoko ng makita pa kita! Sana hindi na lang kita nakilala,” iwas ni Allan.Ikinulong ni Tasya ang mukha nito sa kanyang mga kamay.“I’m sorry, hindi ko sinasadya.”“Hindi sinasadya? Putang-inang hindi sinasadya ‘yan! Ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sa’yo! Tapos ginago mo ako!”“All
Nalilito si Tasya ngunit pinilit niyang magpakatatag. Hindi niya tinanggap ang alok ni Allan kahit pa gusto niya.“Pasensya na Sir Allan. Hindi ako pwede. Pero, pero huwag kang mag-alala. May ipapakilala akong babae sa’yo. Maganda, matalino, at mabait kaya tiyak na magugustuhan mo.”“Actually, ayoko
Napahawak din siya sa kamay ni Allan. She felt home. Pakiramdam niya ay nakauwi na siya. Isa itong simpleng pagdaraop ng palad nila na hindi niya makakalimutang alaala. Naglalakad sila at napansin niyang tila may nakasunod sa kanila. Bigla siyang lumingon at nakita niya si Ms. Toni at Marga na agad
Natangay si Tasya ng temtasyon at matinding pananabik sa lalaking pinakamamahal. Mamaya na siya magsisi. She’s willing to pay the price.Lumalim ang halik ni Allan na kanyang tinugunan. Pinagsama ang pagnanasa at pananabik. Puno ng pag-ibig ang kanyang puso. Napakapit siya sa beywang ng binata. Nang
Nanlamig ang katawan ni Tasya sa hiling ni Allan at sa natuklasang mahal pa din siya nito! Ano ang gagawin niya?! Inangat niya ang mukha nito. Nagulat siya ng makitang umiiyak ang binata. Naiyak na din siya. Nagsisikip ang kanyang dibdib.“I still love her! Gusto ko na siyang kalimutan! Help me. Ika