Agad tumawag si Hanna kay Ethan ng medyo mahimasmasan sa nakita sa telebisyon.“Nakita mo na ba ang balita sa TV?” naiiyak niyang sabi.“Oo. Hanna, huwag kang masyadong matakot. Kumikilos ang kapulisan. At hindi tayo sigurado kung si Dra. Leila nga ang natagpuang bangkay. Walang ulo. Ipapa-test ko a
Matapos ang pagsabog sa likod ng gusali ay magkakasunod naman na putok ng baril ang madidinig. Nahintakutan si Ethan at baka may mapahamak. May ilang monitor sila na nasira dala ng pagsabog. Agad siyang nagsalita ngunit putol ang linya niya. Hindi din niya maaninag ang ibang kasamahan.Dapat mahuli
Hawak ni Hanna ang baril sa loob ng bag. Mahigpit ang kapit niya. Kung siya lang at hindi kasama ang anak ay hindi siya magdadalawang isip na iputok ang baril. Ngunit hindi niya ilalagay sa panganib ang buhay ng walang malay na bata. Lumuwag ang hawak niya sa baril at tuluyan na itong binitawan. I
Demonyo na ang tingin ni Hanna sa lalaking palapit. Pilit siya nitong niyayapos at hinihipuan sa maselang parte ng kanyang katawan. Hinila nito ang kanyang buhok. Halos mapunit ang anit niya. Hindi siya makasigaw at baka magising ang natutulog na anak.Hinanap ng mata niya ang bag na may baril. Gaga
Sinalubong nila Hanna at Ethan ang pagdating ni Lola Rosa. Tuwang tuwa ang matanda pagkakita sa dalawang apo. Pinupog nito ng halik ang mga bata.“Gumawa pa kayo ng ganito ka-cute na babies. The more the merrier.”“Yes, Lola Rosa, gawa pa kami ni Hanna ng sampu,” sagot ni Ethan. Siniko niya ang asaw
Masaya ang lahat para sa binyag at kaarawan ng munting prinsesa ng pamilya Rodriguez, si Amelia Eloise Rodriguez. Isang pasasalamat na din sa buhay ng bata at sa kanilang pagsasama bilang isang buong pamilya. Magarbo ang selebrasyon na ginanap sa sikat na hotel. Imbitado ang pamilya at kaibigan at a
Buod ng Love for Rent Book 3Namasukan bilang kasambahay si Tasya sa mayamang pamilya ng mga Villlareal. Nangailangan siya ng malaking halaga para matubos ang lupang nakasanla sa bangko. Mabuti na lamang at tinulungan siya ng amo. Kailangan lamang niyang akitin ang boyfriend nitong si Allan Gomez, n
“Galingan mo lang ang akting mo,” sabi ni Ma’am Hanna kay Tasya.“Huwag po kayong mag-alala, dati po akong member ng Teatro noong high school ako. Kaya ko po ang umarte.”“Wow, mainam pala. Nagtitiwala ako na matutulungan mo ako. Nga pala, bukas ay may pupuntang abogado sa bahay ninyo upang kausapin
Nag-isang guhit ang labi ni James. Mas humigpit ang pagkakayakap nito. Pilit siyang hinarap nito at muling mariing h******n ang kanyang mga labi. Para siyang tuod ng oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Ayaw ng isip niya ang nangyayari ngunit taksil ang katawan at lalo na ang puso
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya