Muling humabol ang mga ito. Tumitilapon siya mula sa upuan sa bilis ng kotse. “Ethan, huminto ka na.”“Wala akong planong makulong.”“Kakausapin ko si Lola Miranda na iurong ang demanda,” hiyaw niya.“Huwag kang mag-alala sa akin. Huwag ka lang matakot. Wala akong planong masama. Hindi kita gagawan
Napansin ni Ethan na umiiyak si Bella. Tila nabahala ito ng makita siyang natatakot. Inapakan nito ang preno at huminto. “Ayaw mo bang sumama sa akin?” nag-aalalang sabi nito.“Ethan, hindi kita kilala. Tigilan mo na ako. Malalagay ka din sa panganib. Hindi mo kilala si Lola Miranda. Baka ipakulong
“Grabe ka naman. Wala na nga pinagseselosan mo pa. Ikaw na ang mahal ko.”Dinig niya ang usapan ng dalawa ngunit para lamang itong background noises. Nakatulala sila sa larawan sa cellphone. Buhok lang ang ipinagkaiba nila ni Hanna. Kamukha niya talaga ito! Posible bang labis na magkamukha ang dalaw
Hindi makakapayag si Lola Rosa na makulong si Ethan kaya naman haharapin niya ang nasa likod ng pagdakip sa apo.May nakatalikod na dalawang babaeng kausap ang mga pulis. Agad siyang lumapit upang hanapin si Ethan.“Sgt. Antonio, nasaan ang apo ko? Huwag mong ipapasok sa selda si Ethan! Kilala ko an
“Huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po lahat upang hindi makalapit si Ethan.”“Hindi ako makakapayag na mawala ang kayamanan ng mga Montemayor. Kapag namatay si Bella ay mapupunta sa charities ang yaman ng pamilyang pinilit kong maging miyembro. Kaya nga todo ang alaga ko sa nag-iisang taga-pagma
Natumba sila Ethan at Bella sa damuhan. Nainam na lamang at walang ingay na nilikha ang pagbagsak nila sa lupa. Nakadagan siya kay Ethan. Nagtama ang kanilang mga mata. Nahulog siya sa mahika at nahalina sa taglay na karisma ng binata.“Ms. Bella,” tawag ni Luis. Hindi sila halos humihinga ni Ethan.
“Sir, wala pa po dahil hindi pa umuuwi ang pamilya ni Hanna mula sa probinsya. May dinalaw daw na may sakit na kamag-anak.”Tumango siya. “Ang mga ospital? May nakita bang CCTV footages ng oras at araw ng aksidente? Nagsisisi ako kung bakit hindi ko pinaimbestigahang mabuti ang nangyari. Sinabi ni C
Isinugod sa ospital si Bella at dinala naman si Lyn sa presinto. Nag-aabang sa labas ng emergency room si Lola Miranda. Masama ang bagsak ng ulo ni Bella sa semento. Ipinakulong niya si Lyn dahil sa ginawang tangkang pagpatay sa apo. Kailangan niya ito ng buhay. Dalawang buwan na lamang ay kaarawan
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b