Oo, ginusto kong maglasing upang panandaliang makalimot sa napakabigat ng problema at pasanin na dala dala ko at wala akong ibang mapagsabihan maging sa kanya kaya idinaan ko nalang sa pag inom kahit hindi naman ako sanay na uminom talaga. At siguro nga ay tama siya na itinago ko na si Ehra ang na
( Natalie's POV ) Namayani na ang katahimikan sa buong biyahe namin. Na tanging paghinga lang namin ang maririnig sa loob ng sasakyan. Na maging hanggang sa makarating kami sa apartment ni Alas ay wala ni isa ang balak na magsalita. Lalong lalo na ako na walang ibang gustong gawin kundi ang magp
What's happening? Ano na ba ang nangyayaring ito sa relasyon namin? Sa mga buhay namin? ******** Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Marahil dahil sa labis na kapaguran at panghihina kaya hindi ko namalayang napaidlip na pala ako sa couch. Nagising lang ako nang tumama sa aking mukha ang s
Halos inabot din kami ng mahigit isang oras sa biyahe gawa ng traffic bago narating ang building ng isang pribadong ospital na tinutukoy ni Lola Aida. "Nandito na tayo la." Turan ko matapos maipark ang sasakyan. "Siyangapala la, heto po pala ang hair follicle na galing kay Alas na hinihingi mo."
"Ano po ang maitutulong ko sayo tita? I am alwaya willing to help po." Anaman ng doktor at kita ko mariing pagpakawala ng malalim na buntong hininga ni Lola Aida bago nagsalita. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Diego. May kilala ka bang babae na naging nobya ni Adam noon? O nalilink sa kanya?"
( Alas POV ) Nagising ako kinabukasan na hindi lang ang ulo ko ang mabigat gawa ng naparami ang inom ng alak kagabi kundi maging ang aking puso na hanggang ngayon ay damang dama ko pa ang sakit dahil sa mga sinabi ni Natalie. I was maybe drunk last night pero tumatak at naaalala pa ng aking isip
Hanggang sa tuluyan akong makalapit at saka pa lamang nito inalis ang suot niyang salamin. Fuck! It's really him! The devilish Maximus Villaroman. Tamang tama ang hinala ko kaya hindi na ako nagulat. Nagngingitngit ang mga ngipin ko sa galit at parang sinisilaban ang dibdib sa nararamdamang
Nakahiga ako sa lupa at hindi na mainda ang sobrang sakit sa katawan dahil parang namanhid na ang buo kong katawan sa natamong sugat at pasa gawa ng malalang pagkakabugbog na salitang ginagawa sa akin ng mga hayop na tauhan ni Maximus Hindi ko na halos maibuka ang mga mata ko dahil malala na rin a
"Nasa conference room pa si Boss Vincenzo pero ibinilin niya na sa akin kanina na pagdating na pagdating mo ay huwag ka munang paaalisin dahil nga palilinisan niya pa sayo ang opisina niya." Salaysay ng sekretarya ni aroganteng Vincenzo na nagpakilala kanina na si Ms. Sheena Go. Oo, Ms. pa dahil s
"Baka naman manlilimos ito o manghihingi ng donasyon. Naku! Modus na naman! Mabuti pa umalis ka nalang bago ka pa namin ipadakip sa mga pulis." Mariing turan ng mga ito na halatang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. At kahit pa may mga suot itong salamin, alam na alam ko ang pangungutya sa
"A--- ako po Manang Martha? Ba-- bakit naman po ako?" Di magkandaugagang tanong ko sa nauutal na boses habang nakaturo ang isang daliri sa aking sarili para makasigurado. Makailang beses na tumango si Manang Martha kaya mas lalo akong tinambol ng kaba. "Ikaw na ikaw nga Lucy! At kung bakit ikaw
Matapos akong pagsabihan ng ganoon ng aroganteng Señorito ay tuluyan na talaga itong umalis at hindi na muli pang bumalik. Dahil nga wala naman akong pagpipilian ay tinapos ko nalang ang sinabi ng doktor na manatili na muna rito ng tatlong araw. Bayad na rin naman lahat kaya sulitin ko nalang lalo
Pagkalabas nito ay hindi na ito ulit bumalik. Para bang pumasok lang iyon sa kwarto hindi para kumustahin ako kundi para paalalahanan ako na hindi libre itong pagdala niya sa akin dito at para ipaalala na rin na bawal ang lampa at tanga sa mansyon nila! Na sa kabila ng lahat na nangyari na muntikan
"Ouch!" Marahan akong napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Hindi ko pa man lang tuluyang naibuka ang aking mga mata ay ramdam na ramdam ko pa rin ang parang pag ikot ng aking paningin. At nang tuluyan at buo kong naibuka ang aking mga mata ay saka ko pa lang napansin ang buong pa
Agad akong nag iwas ng tingin at walang pasabing tumalikod para kunin ang mop. Sa tipo ng tingin ng aroganteng Señorito ay ramdam kong may masama na naman itong interpretasyon sa akin. "Mukha ba akong may nakakahawang sakit para madapuan ang kaibigan niya na nakikipag usap lang naman sana sa akin
Saktong natapos kami ni Claire sa pag iihaw at nagsimula na rin ang kasiyahan nina aroganteng Vincenzo. "Pwede bang samahan mo na rin akong ihatid ito kina Señorito?" Tanong ni Claire na marahan ko lang na tinanguan kahit na nag aalangan ako dahil sa pangungutya sa akin ng lalaking iyon kanina. An
Napahagikhik naman ng tawa si Claire. "Gusto mo ng palayasin kaagad? Ayaw mo bang makakita ng libre ng isang gwapong nilalang?" Tunog panunudyo na tanong nito na siyang ikinasimangot ko. "Kung ganoon naman ka arogante at mapanglait at huwag nalang." Walang prenong sagot ko kaya mas lalo itong na