Kumpara sa kanya ay para lang kaming sisiw na napakaliit ng pakpak habang siya ay isang Agila na napakataas ng lipad. Fuck! I don't know. Bahala na siguro. Bahala na basta ang mahalaga ay maitakas ko si Lola. "May naisip ako apo.. Iyong anak niyang si Natalie na mapapangasawa mo! Bakit hindi mo
( Natalie's POV ) "Bff sorry na! Hindi ako sanay na ganyan ka eh." Naluluhang turan ni Tanya habang nakabuntot sa akin na parang wala na akong balak na lubayan pa. Magmula kasi nang may mabitawan itong mga salita na hindi ko nagustuhan ay hindi ko na muna ito iniimikan. Talagang nagtampo lang
Sumakay na rin kami sa dala kong sasakyan at tinungo ang paborito naming kainan noon pa man. ******** Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako sa condo unit ko. Muli kong tiningnan ang aparatu ko at nanlumo ako na wala pa ring mensahe galing kay Alas. But it's fine! Iniisip ko nalang na ba
( Alas POV ) "Hey handsome. Pwede ba huwag ka namang KJ!" Pamimilit ni Ehra nang hindi ko magawang tanggapin ang baso ng alak na binibigay nito. Nakailang lagok na kasi ako at nakakaramdam na ako ng pagkahilo kaya kung sosobra ako ay baka tuluyan na akong malasing at hindi na makalakad pa at makau
Hirap man sa pagtayo ay binalak kong umalis na sa harapan nito dahil nagiging touchy na rin ito. At alam ko na hindi magandang tingnan ang posisyon namin dito na sa sobrang magkalapit ng mga mukha ay parang naghahalikan na. Goodness! Ngunit bago pa man ako makasagot at makatayo ay kapwa naagaw a
Oo, ginusto kong maglasing upang panandaliang makalimot sa napakabigat ng problema at pasanin na dala dala ko at wala akong ibang mapagsabihan maging sa kanya kaya idinaan ko nalang sa pag inom kahit hindi naman ako sanay na uminom talaga. At siguro nga ay tama siya na itinago ko na si Ehra ang na
( Natalie's POV ) Namayani na ang katahimikan sa buong biyahe namin. Na tanging paghinga lang namin ang maririnig sa loob ng sasakyan. Na maging hanggang sa makarating kami sa apartment ni Alas ay wala ni isa ang balak na magsalita. Lalong lalo na ako na walang ibang gustong gawin kundi ang magp
What's happening? Ano na ba ang nangyayaring ito sa relasyon namin? Sa mga buhay namin? ******** Hindi ko alam kung paano ako nakatulog. Marahil dahil sa labis na kapaguran at panghihina kaya hindi ko namalayang napaidlip na pala ako sa couch. Nagising lang ako nang tumama sa aking mukha ang s
( Vincenzo's POV ) Abala ang mga mata ko sa dokumentong binabasa pero yung isipan ko ay aligaga. At ang nakakatawa ay ang dahilan ng pagkaaligaga nito na walang iba kundi ang Ms. Pimples na Luciana na yon. At bakit siya ang pumapasok sa isipan ko? Iyon ay hindi ko rin alam. I really don't know.
"Sa isang salon? Papagupitan niyo po ako Ms. Sheena?" Tanong ko agad nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mamahaling salon. Hindi nga lang basta mamahalin kundi kilala at sikat na salon na dati rati ay napapanood ko lang sa telebisyon. Kung alam ko lang na sa isang salon pala kami pupu
"Ouch! Pwede bang pakidahan dahan naman?" Inda nito habang haplos haplos ang balikat niya. Napangiwi ako kasi naman hindi ako marunong sa pinapagawa nitong masahe. Mali na naman ako ng iniisip kanina dahil ang tinutukoy nitong 'I want you to do something for me' pala ay masahehin ang braso niyang
"May kailangan ka Sheena?" Tunog irritableng tanong ni Vincenzo sa babae kaya bigla naman itong napaayos ng tayo saka marahang tumango. "Ah, hindi po ba at kayo ang may kailangan sa akin Sir? Nagtext po kayo sa akin kanina na may mahalagang bagay kayong ipapagawa." Diretsahang sagot ni Ms. Sheena.
All eyes on me. Pakiramdam ko nasa akin ang mga mata ng mga empleyadong nadadaanan namin ni Vincenzo dahilan para makaramdam ako ng lalong pagkailang at hiya na rin. Lahat ng mga ito ay magalang na yumuyuko habang binabati ang lalaki ngunit para itong bingi at pipi na walang narinig at hindi man l
[To be is all I gotta be. And all that I see. And all that I need this time. To me the life you gave me. The day you said goodnight....] This time ay huminto na si Vincenzo kaya ako na lamang ang mag isang nagpatuloy. [If you could only know me like your prayers at night. Then everything between
"Hindi ka man lang ba kinakabahan sa pagsisinungaling natin Señorito? Kaibigan po pala ni Ma'am Natalie si Ms. Tanya kaya paniguradong magkukwento po iyon." Salaysay ko habang lulan na kami ng sasakyan papunta sa opisina niya. "Don't worry okay? Hindi naman alam ni Ate Tanya ang pangalan mo and be
Nag aalangan sana akong sumunod ngunit dahil marahan akong tinanguan ni Vincenzo na para bang pinapahiwatig nito sa akin na ayos lang ay marahan nalang din akong humakbang para sumunod kay Ms. Tanya patungo sa loob ng isang parang opisina nito. "Uhmmm please come in!" Paanyaya nito matapos buksan
Para akong tuod na nakatayo habang mariing nakatitig sa akin ang isang babae mula ulo hanggng paa. Iyong tipo pa ng titig na nakakatunaw. At kung maihahalintulad ako sa prutas ay para na ako nitong binabalatan. Nakahalukipkip pa ito habang magkasalubong ang mga kilay kaya mas lalo akong nakaramdam