"Babe, can you ask Lola Aida about the pictures of her late husband? Yung kuha nung kabataan pa at maging nung nagkaedad na rin sana bago nawala." Marahang pakiusap ko kay Natalie sa kabilang linya. Umagang umaga ay ito kaagad ang naisip ko kaya tinawagan ko ito. Hindi man ako sigurado kung may ma
"A--- alas, a-- anak." Puno ng kagalakang wika nito, nag aalangan pang banggitin ang huling salita. Dahil maging ako ay nahihiya pang tawagin itong nanay. Agaran ako nitong nilapitan na may malawak na ngiti sa mga labi. "Hali ka! Halika sa loob. Pasok! Mabuti naman at napadalaw ka ulit." Magiliw
"Papaanong nangyari ito? Kamukhang kamukha mo nga ang lalaking ito!" Di makapaniwalang bulalas nito habang mariing nagpalipat lipat ang tingin sa akin at sa mga larawan. Napalunok ako ng mariin bago muling inulit ang tanong ko. "Yeah, very much! Kilala niyo po ba ang lalaking ito? Ka--- kamukha po
Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong hininga nang tuluyang makalayo. Hindi ko napigilan ang muling pamumuo ng mga butil sa aking mga mata dahil hindi ko maitatago ang dalang paghaplos sa aking puso na mga salitang binitawan niya. Lalaki man akong tao ay nanlalambot pa rin ako kapag usapin
"Kumusta ka Greta?" Rinig kong bungad ni Maximus kay lola. Dahil nakasuot ako ng sombrero ay malaya akong nakakapagtago sa isang pader malapit sa kanila. Sinisigurado ko na hindi nito maaaninag maski anino ko. "Bakit ka naparito halimaw na Maximus Villaroman? Sinisigurado mo ba na humihinga pa a
Kumpara sa kanya ay para lang kaming sisiw na napakaliit ng pakpak habang siya ay isang Agila na napakataas ng lipad. Fuck! I don't know. Bahala na siguro. Bahala na basta ang mahalaga ay maitakas ko si Lola. "May naisip ako apo.. Iyong anak niyang si Natalie na mapapangasawa mo! Bakit hindi mo
( Natalie's POV ) "Bff sorry na! Hindi ako sanay na ganyan ka eh." Naluluhang turan ni Tanya habang nakabuntot sa akin na parang wala na akong balak na lubayan pa. Magmula kasi nang may mabitawan itong mga salita na hindi ko nagustuhan ay hindi ko na muna ito iniimikan. Talagang nagtampo lang
Sumakay na rin kami sa dala kong sasakyan at tinungo ang paborito naming kainan noon pa man. ******** Pasado alas otso na ng gabi nang makauwi ako sa condo unit ko. Muli kong tiningnan ang aparatu ko at nanlumo ako na wala pa ring mensahe galing kay Alas. But it's fine! Iniisip ko nalang na ba