( Natalie's POV ) Ramdam na ramdam ko na ang parang pamamanhid ng aking pisngi dahil sa impluwensiya ng ispiritu ng alak sa buong sistema at kaugatan ko. But still, everything seemed so perfect to me dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Kaming dalawa lang ni Alas ang magkasama sa table dahil nag
Binigay ko ang susi ng sasakyan ko kay Alas saka namin pinuntahan si Ms. Gorya sa kumpulan ng mga kaibigan nito para magpaalam. "We need to go home now tita. Ihahatid ko lang po si Natalie." Paalam nito sa manager niya na kagaya ko'y mukhang natatamaan na rin ng nakakalasing na inumin. "Are you
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at sa aking tuluyang paggising ay ang napakagwapong mukha ni Alas ang bumungad sa akin. Para itong kanina pa nakatitig sa aking mukha na puno ng paghanga kaya nagsimula na namang magwala ang dibdib ko. Marahan siyang ngumiti saka dinampian ng halik ang
Nagising ako kinabukasan na nakaunan sa isang matipunong bisig. Pupungas pungas akong nagdilat ng aking mga mata habang marahang napahilot sa aking sintido dahil kumikirot kirot pa ito. Ngunit agad akong napaawang sa pagkagulat nang makita ang gwapong mukha ni Alas sa aking tabi. Nakayakap ito sa
"Si Tanya, hinahanap na ako." "Uhmmmm I see. Papasok ka ba ngayon?" Seryosong tanong nito saka umupo sa malambot na kama. "Yeah, I need to dahil aalis ako nextweek." Sagot ko naman kaya mas lalong napuno ng katanungan ang mga mata nito. "Aalis ka? Saan?" "Oo nga pala, hindi ko pa naikukwent
"Jusme! Saan ba galing yang kalikutan ng imahinasyon mo Tanya? Kakabasa mo yan ng nobela eh!" Naiiling na komento ko para huwag ipahalata na muntikan na akong masapul. "So kung hindi iyon ang nangyari? Eh ano? O baka naman sino? Ayaw ko na nga sanang mag isip ng kung anu ano sa inyong dalawa ni Al
Matapos kumain ay nagpaalam na rin si Alas dahil may schedule pa siya ng photoshoot ngayon. At dahil hindi ako tinantanan ni Tanya ay napakwento na lamang ako sa kanya sa naging usapan namin ni Alas kagabi. Pero hanggang doon lang muna at hindi ko na isinali pa ang iba lalo na ang Rated SPG. "Pe
"Uhmmm sigurado ka ba babe?" Pangungumbinsi pa nito kaya mariin din akong nanindigan sa sinabi ko. "Ofcourse babe, siguradong sigurado." "Okay babe. Mamimiss kita ng sobra. Please don't reject my call or my messages kapag nandoon ka na." Nahihimigan ko na ang lungkot sa boses nito kaya nahawa na
"Sa isang salon? Papagupitan niyo po ako Ms. Sheena?" Tanong ko agad nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mamahaling salon. Hindi nga lang basta mamahalin kundi kilala at sikat na salon na dati rati ay napapanood ko lang sa telebisyon. Kung alam ko lang na sa isang salon pala kami pupu
"Ouch! Pwede bang pakidahan dahan naman?" Inda nito habang haplos haplos ang balikat niya. Napangiwi ako kasi naman hindi ako marunong sa pinapagawa nitong masahe. Mali na naman ako ng iniisip kanina dahil ang tinutukoy nitong 'I want you to do something for me' pala ay masahehin ang braso niyang
"May kailangan ka Sheena?" Tunog irritableng tanong ni Vincenzo sa babae kaya bigla naman itong napaayos ng tayo saka marahang tumango. "Ah, hindi po ba at kayo ang may kailangan sa akin Sir? Nagtext po kayo sa akin kanina na may mahalagang bagay kayong ipapagawa." Diretsahang sagot ni Ms. Sheena.
All eyes on me. Pakiramdam ko nasa akin ang mga mata ng mga empleyadong nadadaanan namin ni Vincenzo dahilan para makaramdam ako ng lalong pagkailang at hiya na rin. Lahat ng mga ito ay magalang na yumuyuko habang binabati ang lalaki ngunit para itong bingi at pipi na walang narinig at hindi man l
[To be is all I gotta be. And all that I see. And all that I need this time. To me the life you gave me. The day you said goodnight....] This time ay huminto na si Vincenzo kaya ako na lamang ang mag isang nagpatuloy. [If you could only know me like your prayers at night. Then everything between
"Hindi ka man lang ba kinakabahan sa pagsisinungaling natin Señorito? Kaibigan po pala ni Ma'am Natalie si Ms. Tanya kaya paniguradong magkukwento po iyon." Salaysay ko habang lulan na kami ng sasakyan papunta sa opisina niya. "Don't worry okay? Hindi naman alam ni Ate Tanya ang pangalan mo and be
Nag aalangan sana akong sumunod ngunit dahil marahan akong tinanguan ni Vincenzo na para bang pinapahiwatig nito sa akin na ayos lang ay marahan nalang din akong humakbang para sumunod kay Ms. Tanya patungo sa loob ng isang parang opisina nito. "Uhmmm please come in!" Paanyaya nito matapos buksan
Para akong tuod na nakatayo habang mariing nakatitig sa akin ang isang babae mula ulo hanggng paa. Iyong tipo pa ng titig na nakakatunaw. At kung maihahalintulad ako sa prutas ay para na ako nitong binabalatan. Nakahalukipkip pa ito habang magkasalubong ang mga kilay kaya mas lalo akong nakaramdam
Nakapagbihis na ako at nakapag ayos ayos na rin kahit papaano ng mukha pero yung dibdib ko ay literal na napakalakas ng kabog dahil sa nararamdamang kaba at kagalakan na rin. Ayaw kong isipin na magde- date kami pero hindi ko mapigilang mag assume lalo pa at gusto niyang nakabihis ako ng maayos.