Bukas na po ulit. Sobrang iksi lang po muna dahil sobrang pagod at stress ng author niyo dahil kakalabas lang ng partner ko sa ospital due to amoeba. As in ilang araw kaming nanatili roon. Salamat po sa inyong lahat kahit na lutang na ang author ninyo! Babawi po ako sooner!
( Natalie's POV ) Pagod man akong umuwi ng condominium baon ko naman ang saya sa aking puso habang hawak ang bouquet na hanggang ngayon ay ayaw kong bitawan. Nakakaloka! Hindi naman sana ito unang beses na nakatanggap ako ng bulaklak pero bukod sa ito naman ang pinakabongga at pinakamaganda ay t
( Alas POV ) Wala akong ideya kung saan kami tutungo ni Tita Gorya. Pero dahil gusto ko rin naman na matuon sa ibang bagay ang atensyon ko ay mas maigi na rin siguro ito. "Napakatahimik mo ata ngayon. Kanina ko pa napapansin na parang ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba ha Alas?" Concern
"Na---- Natalie?" Usal ko sa sarili at walang pakundangang nagwala ang puso ko habang nakatitig sa pinakamagandang babae na nakilala ko. So, siya pala ang kapartner na tinutukoy ni Tita Gorya? Damn! And she's even more beautiful and gorgeous tonight. Iyong tipo ng kagandahan na mapapalingon ang ka
Napangiwi ito ng malasahan ang alak kaya tuluyan na rin akong napatawa. Goodness! Di ko aakalaing magkaparehas lang pala kami. Tipong parehong unang beses na nakapasok sa ganitong lugar na parang napilitan lang dahil sa pakiusap ni Tita Gorya. "Bakit kaya napakaraming mahilig uminom eh gayung gani
( Natalie's POV ) Ramdam na ramdam ko na ang parang pamamanhid ng aking pisngi dahil sa impluwensiya ng ispiritu ng alak sa buong sistema at kaugatan ko. But still, everything seemed so perfect to me dahil sa lalaking kaharap ko ngayon. Kaming dalawa lang ni Alas ang magkasama sa table dahil nag
Binigay ko ang susi ng sasakyan ko kay Alas saka namin pinuntahan si Ms. Gorya sa kumpulan ng mga kaibigan nito para magpaalam. "We need to go home now tita. Ihahatid ko lang po si Natalie." Paalam nito sa manager niya na kagaya ko'y mukhang natatamaan na rin ng nakakalasing na inumin. "Are you
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at sa aking tuluyang paggising ay ang napakagwapong mukha ni Alas ang bumungad sa akin. Para itong kanina pa nakatitig sa aking mukha na puno ng paghanga kaya nagsimula na namang magwala ang dibdib ko. Marahan siyang ngumiti saka dinampian ng halik ang
Nagising ako kinabukasan na nakaunan sa isang matipunong bisig. Pupungas pungas akong nagdilat ng aking mga mata habang marahang napahilot sa aking sintido dahil kumikirot kirot pa ito. Ngunit agad akong napaawang sa pagkagulat nang makita ang gwapong mukha ni Alas sa aking tabi. Nakayakap ito sa
"Sa isang salon? Papagupitan niyo po ako Ms. Sheena?" Tanong ko agad nang huminto ang sasakyan nito sa tapat ng isang mamahaling salon. Hindi nga lang basta mamahalin kundi kilala at sikat na salon na dati rati ay napapanood ko lang sa telebisyon. Kung alam ko lang na sa isang salon pala kami pupu
"Ouch! Pwede bang pakidahan dahan naman?" Inda nito habang haplos haplos ang balikat niya. Napangiwi ako kasi naman hindi ako marunong sa pinapagawa nitong masahe. Mali na naman ako ng iniisip kanina dahil ang tinutukoy nitong 'I want you to do something for me' pala ay masahehin ang braso niyang
"May kailangan ka Sheena?" Tunog irritableng tanong ni Vincenzo sa babae kaya bigla naman itong napaayos ng tayo saka marahang tumango. "Ah, hindi po ba at kayo ang may kailangan sa akin Sir? Nagtext po kayo sa akin kanina na may mahalagang bagay kayong ipapagawa." Diretsahang sagot ni Ms. Sheena.
All eyes on me. Pakiramdam ko nasa akin ang mga mata ng mga empleyadong nadadaanan namin ni Vincenzo dahilan para makaramdam ako ng lalong pagkailang at hiya na rin. Lahat ng mga ito ay magalang na yumuyuko habang binabati ang lalaki ngunit para itong bingi at pipi na walang narinig at hindi man l
[To be is all I gotta be. And all that I see. And all that I need this time. To me the life you gave me. The day you said goodnight....] This time ay huminto na si Vincenzo kaya ako na lamang ang mag isang nagpatuloy. [If you could only know me like your prayers at night. Then everything between
"Hindi ka man lang ba kinakabahan sa pagsisinungaling natin Señorito? Kaibigan po pala ni Ma'am Natalie si Ms. Tanya kaya paniguradong magkukwento po iyon." Salaysay ko habang lulan na kami ng sasakyan papunta sa opisina niya. "Don't worry okay? Hindi naman alam ni Ate Tanya ang pangalan mo and be
Nag aalangan sana akong sumunod ngunit dahil marahan akong tinanguan ni Vincenzo na para bang pinapahiwatig nito sa akin na ayos lang ay marahan nalang din akong humakbang para sumunod kay Ms. Tanya patungo sa loob ng isang parang opisina nito. "Uhmmm please come in!" Paanyaya nito matapos buksan
Para akong tuod na nakatayo habang mariing nakatitig sa akin ang isang babae mula ulo hanggng paa. Iyong tipo pa ng titig na nakakatunaw. At kung maihahalintulad ako sa prutas ay para na ako nitong binabalatan. Nakahalukipkip pa ito habang magkasalubong ang mga kilay kaya mas lalo akong nakaramdam
Nakapagbihis na ako at nakapag ayos ayos na rin kahit papaano ng mukha pero yung dibdib ko ay literal na napakalakas ng kabog dahil sa nararamdamang kaba at kagalakan na rin. Ayaw kong isipin na magde- date kami pero hindi ko mapigilang mag assume lalo pa at gusto niyang nakabihis ako ng maayos.