Share

Kabanata 0007

Author: Mariya Agatha
last update Last Updated: 2024-04-20 23:10:23

( Thalia's POV )

Sa labis na pag iyak at kapaguran ay nakatulugan ko na ang paghihintay kay Manang Sonya. Nakasandal lang ako sa may pader dahil hindi naman ako puwedeng humiga at matulog sa malamig na sementadong sahig.

Buti nalang at may pagkain na hinatid ang isang lalaki kanina kaya kahit papaano'y nagamot ang sikmura kong kumakalam sa gutom.

Naalimpungatan lang ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan. Di ko agad pinailaw ang flashlight sa takot na baka isa na naman ito sa mga lalaking nagkulong sa 'kin dito.

"Thalia... iha..."

Agad akong napatayo nang marinig ang mahinang pagtawag ni Manang Sonya.

"Manang!" Pinailaw ko kaagad ang hawak na flashlight at ganoon rin ito sa dala niya.

"Pasensiya na, hindi ako nakabalik kaagad. Hinintay ko pang makatulog ang mga bantay mo. Eto, may dala akong pagkain mo." Anito sabay abot ng dala niyang basket na may lamang mga prutas, tinapay at bottled water.

"Narinig ko kanina na dinalhan ka ng pagkain dito kaya yan nalang ang binigay ko para hindi masira kaagad. Itago mo yan para may makain ka sakaling magutom ka man." Puno ng pag aalalang sambit nito na lubos kong ipinagpapasalamat.

"Manang, sa tingin niyo po ba makakatakas ako ngayon? Tulog na po sila di ba po?" Medyo paos na tanong ko, umaasang sana nga ay makalabas na 'ko rito.

Nabanaag ko ang lungkot sa mukha ni Manang Sonya. Nagpakawala pa ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita.

"Tiningnan ko ang buong paligid ng mansyon kanina. Napapalibutan nga tayo ng bantay dito. Lalong lalo na ang gate at ang labasan nitong mansyon. Maaaring tulong ang nakabantay sayo dito pero gising na gising naman lahat ng nakapaligid sa labas. Napakarami nila Thalia. Tinalo pa ang bantay ng isang presidente." Nawawalang pag asang sambit ni Manang kaya namuo agad ang luha sa aking mga mata.

Kung ang presidente ay binabantayan para sa kaligtasan at seguridad, ako naman ay binabantayan na parang isang masahol na kriminal na hindi pwedeng makatakas.

"Po? Wala na po ba talagang pag asang makalabas pa ako rito Manang? At alam niyo rin po ang dahilan kung bakit ako ikinulong dito?" Sunod sunod na tanong ko sa lumuluhang mga mata kaya naging emosyonal na rin si Manang.

"Wala na ring nabanggit pa ang mga tauhan kung bakit nila ito ginawa sayo at kung sino man ang may utos. Sa ngayon hindi ko pa alam kung paano kita matutulungang lumabas iha. Pero huwag na huwag kang panghinaan ng loob. Gagawa tayo ng paraan. May awa ang Maykapal! Magpakatatag ka." Mariing payo nito sabay haplos ng likuran ko.

Mapait akong napangiti at naluluhang tumango. Kahit pa man nakakasuko ang sitwasyon kong ito ay napakalaki pa ng dahilan ko para lumaban at magpakatatag, at iyon ay dahil kay lola at sa simpleng pangarap namin na gusto kong tuparin.

"Hindi na rin ako magtatagal dahil kukuha pa 'ko ng mahihigaan mo, magdadala na rin ako ng kumot at unan. Ikaw nalang ang bahalang magtago kung sakaling may pumasok at baka tayo'y mabisto." Mariing bilin ni Manang at nagpaalam na rin ito na lalabas na.

Makalipas lang ang ilang minuto ay muli nga itong bumalik bitbit ang unan at makapal na kumot.

"Pasensiya kana't ito lang ang tanging maitutulong ko sayo. Hayaan mo't aalamin ko rin kung sino ang pasimuno nito at bakit napagdiskitahan ka pa." Mariing tugon ni Manang kaya marahan akong tumango at mapait na napangiti.

"Kung tumawag ka nalang kaya ng pulis Manang?" Biglang naisip na solusyon ko ngunit malungkot lang ako nitong tiningnan.

At alam na alam ko na na hindi iyon puwede. Tiyak kapag ginawa iyon ni Manang ay magiging katapusan ko na at madadamay pa siya. Wala naman din akong ibang kakilala na puwedeng tawagan ni Manang dahil wala naman akong cellphone. Binalak ko nga sanang makabili ng kahit de keypad ngayong buwan na ito para makatawag sa lola ko pero mukhang di na rin mangyayari.

At ang kaisa isang taong naisip ko na pupwede sanang mahingan ng tulong ay di ko naman alam kung paano kontakin dahil wala naman akong numero niya. Magmula ng makapasok ako rito sa mansyon ay wala na rin akong naging balita pa kay Ma'am Ara.

Mas lalo lang akong nanghina. Di ko na alam kung may maiisip pa ba akong paraan dahil sa ngayon ay wala na talaga!

Hindi na rin nagtagal pa si Manang Sonya at agaran ding nagpaalam. Inilock niya ang ulit ang pintuan dahil kinailangan din namin na magdoble ingat. Dahil kapag nalaman ng isa sa mga lalaking iyon ang pasekretong pagpunta ni Manang dito, natitiyak kong idadamay ng mga iyon ang matanda, bagay na ayaw na ayaw ko namang mangyari.

Inayos ko nalang ang kumot at unan na mahihigaan at muling humiga. Kahit papaano'y napakalaking tulong na nito para makahiga ako ng maayos. Di rin naman ako makakatulog ng malalim. Sadyang pipikit pikit lang ako para hindi naman tuluyang manghina. Sino ba naman kasi ang makakatulog sa ganito kadilim na paligid? Ni hindi ko nga nasilayan kung ano pa ang meron sa basement na ito maliban sa mga box na di ko naman alam kung ano ang mga laman. At wala din naman akong balak na alamin pa dahil hindi naman ako pakialamerang babae.

Dahil wala namang bintana o kahit kaunting butas manlang dito sa loob ay di ko rin malalaman kung umaga na ba o di kaya'y gabi na o kung anong oras at araw na. At ang kaisipan na baka dito na ako ikukulong ng mahabang panahon ay nagbigay ng labis na kilabot at pag aalala sa akin.

Yakap yakap ang flashlight ay pilit ko nalang na ipinikit ang aking mga mata. Sinariwa ang mga masayang ala ala namin ni lola na magkasama sa aking isipan. Mauulit pa kaya ang lahat? Makakapiling ko pa kaya ulit ang lola ko? O baka uod nalang ang makikinabang sa 'kin dito dahil dito na rin ako malalagutan ng hininga?

Wag naman sana! Kailangang kailangan pa niya ako dahil may maintenance pa siya ng gamot. Hindi ako puwedeng mawala. Taimtim nalang akong nanalangin ng paulit ulit na sana makaalis na ako sa kadiliman na ito.

********

Nagising ako nang mapanaginipan ang Lola Cita ko. Maaaring dahil sa labis na pag aalala at takot kaya siya ang naging laman ng isipan ko. Ramdam ko pa ang pamamasa ng mga mata ko kaya marahan ko itong pinunasan. Dahil di ko naman alam kung anong oras na ay napagpasyahan ko nalang na iligpit ang gamit na hinigaan at itago ito katabi ng binigay na pagkain at tubig ni Manang. Naisip ko kasi na baka bigla na namang may sumulpot dito. Ipinagdarasal ko nalang na sana ay hindi manyak kagaya sa naunang hayop na manyak na natatandaan ko pa sa pangalang Simon ayon sa kasamahan nun.

Maya maya pa'y nagkatotoo nga ang nasa isipan ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Oh pagkain mo! Kumain kana't magpalakas dahil mamaya maya lang ay mahahatulan ka na!" Sambit ng isang lalaki na di ko alam kung seryoso ba o biro dahil humagikhik pa ito bago lumabas at muling isinarado ang pintuan.

Nanginig bigla ang buong katawan ko at marahang napahikbi. Anong sinasabi niya? Isa ba akong kriminal para hatulan? Ni hindi ko nga alam kung ano ang nagawa kong kasalanan! At sinong hahatol sa 'kin?

Baliw lang marahil o may kapansanan sa pag iisip ang gumagawa sa 'kin nito! Kaya ngayon pa lang ihahanda ko na ang sarili ko. Buhay man akong makalabas dito o hindi, buong tapang kong haharapin ang kung sinumang baliw na may pakana nito!
Mariya Agatha

Hello po, don't forget to comment po and vote using your gems! Lovelots and thank you for supporting!

| 99+
Comments (85)
goodnovel comment avatar
Mammyrna Pusti
next episode ... thanks ...
goodnovel comment avatar
Mammyrna Pusti
excitingly entertainment and amusement ... good vibes only ...
goodnovel comment avatar
Jonalyn G. Tabladi
exciting story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0008

    Hindi ako nakakain dahil sa pag iisip. Sobra akong kinakabahan at di mapalagay dahil sa sinabi ng lalaki kanina. At kahit anong pilit ko sa sarili na maging matapang, nilalamon pa rin ng takot at pangamba ang emosyon ko.Yung gustong gusto kong maging matapang sa harapan ng walanghiyang may pakana n

    Last Updated : 2024-04-21
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0009

    Para akong tinakasan ng kaluluwa ko sa magkahalong gulat at takot."Si-- sino ka? A---- anong ibig mong sabihin? Anong kasabwat?" Puno ng kaguluhang tanong ko. Nanginginig pa ang labi ko dahil alam kong isang kalabit lang nito sa baril ay matatapos ang buhay ko sa isang iglap lang."Don't fucking as

    Last Updated : 2024-04-23
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0010

    ( Maximus POV )Nagngingitngit ako habang pabalik balik na naglalakad sa pasilyo ng mansyon hithit ang sigarilyo. Tang ina, sinong Ara Sanchez ang tinutukoy ng babae? Kasabwat ba niya ang pangalang binanggit niya?Agaran kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang isa sa mga private investigator k

    Last Updated : 2024-04-24
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0011

    Pumihit na rin ako pabalik sa kwarto ko habang naghihintay sa sketch artist na kakilala ni Keron. Kailangan kong pagtuunan ng pansin ang sinumang pangalan na mababanggit ng kriminal na babaeng iyon dahil natitiyak kong hindi iyon nag iisa. At kapag napatunayan kong gumagawa lang iyon ng kwento para

    Last Updated : 2024-04-24
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0012

    "Ito ba? Ganito ba ang hitsura nang tinutukoy mong Ara Sanchez?" Tanong sa akin nang isang lalaki matapos nitong tanggalin ang piring sa aking mga mata at ipinakita ang isang larawan na mukhang bagong guhit lang. Pupungas pungas pa 'ko nang makakita ng liwanag. Ilang araw na ba akong nasa kadiliman

    Last Updated : 2024-04-30
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0013

    ( Maximus POV )"Balak mo bang maglasing Señorito? Aba'y nakailang bote ka na ng alak ah! Solo ka pang nag iinom diyan." Sita sa 'kin ni Manang Sonya nang makita ako nitong mag isang nag iinom sa terrace ng kwarto ko.Seryoso ko itong tiningnan bago muling itinungga ang bote ng beer. "Hindi ako nala

    Last Updated : 2024-05-01
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0014

    ( Thalia's POV )Mula sa pagkakaidlip kahit man nakagapos at nakaupo sa isang silya ay para akong naalimpungatan nang maramdaman ang isang marahas na kamay na humawak sa braso ko."Ahhhhhh!"Napatili ako sa pagkagulat ngunit agad ding nakilala kung sino ang taong ito dahil sa nakakatulirong amoy ng

    Last Updated : 2024-05-02
  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0015

    [ NOTE: MATURED CONTENT AHEAD. THIS CHAPTER CONTAINS EXPLICIT, SEXUAL AND ABUSIVE CONTENT NOT INTENDED FOR YOUNG, MINOR AND SENSITIVE READERS. PLEASE BE GUIDED. ]( Maximus POV )Dala ng epekto ng alak na nainom ko ay di ko napigilan ang sarili na makaramdam ng init sa aking katawan. Lalong lalo na

    Last Updated : 2024-05-03

Latest chapter

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0549

    "Naku! Maraming salamat po Señorito. Sino po bang nagsabi na masama kayo? Naku ang bait niyo nga po eh, tsaka ang gwapo gwapo pa." Walang prenong bulalas ko na ngingiti- ngiti pa. "What are you saying again? Na gwapo ako?" Biglang tanong nito kaya napakurap ako ng ilang beses at saka pa lamang nap

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0548

    Habang nakaupo sa couch ay di magkamayaw ang puso ko sa di mapigilang pagkagalak. Alam ko na kasi na ang mahalagang pag uusapan namin ay tungkol sa pekeng relasyon namin. Kaya siguradong bukas ay ang unang araw na magiging nobyo ko ang nag iisang Vincenzo Villaroman. "First rule, sa mata ng publik

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0547

    "Isukat mo na Luciana! Isukat mo na dali!" Tili ko saka patakbong hinakbang ang malaking cabinet na may salamin sa sobrang excited. At ito na nga, sinimulan ko ng isukat paisa isa at wala akong ibang nasabi kundi WOW NA WOW. As in Sobra pa sa WOW! Sobrang bagay ito sa maliit at balingkinitan kong

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0546

    "Se--- Señorito sigurado po ba kayo na sa akin ito lahat? Eh bakit naman po sobrang dami? Baka utang po ito sir ah, wala pa naman po akong pambayad. Tsaka kung ikakaltas niyo po sa sahod ko ay hindi ko po ito matatanggap. May masusuot pa naman po ako." Di magkandaugagang bulalas ko nang ilapag nit

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0545

    ( Luciana's POV) Hindi ko alam kung paano ko natapos ang lahat ng gawain dito sa condo dahil magpahanggang ngayon ay para pa rin akong wala sa sarili matapos marinig lahat ng sinabi ni Vincenzo kagabi. Hindi pala basta sinabi kundi isang alok iyon na mabilis kong tinanggap kahit hindi pa maliwan

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0544

    ( Vincenzo's POV ) "Are--- are you sure with that bro? Iyong kasambahay mo na hindi ganoon kagandahan? Iyong nahulog sa pool na hindi marunong lumangoy? Iyon ang eha- hired mong magpapanggap na girlfriend mo?" Di makapaniwalang tanong ni Zed habang nakavideo call kaming apat nina Lanvin at Ruste

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0543

    Mas lalo akong napatigagal sa pag ulit nito ng tanong niya. Nakainom siya pero hindi naman siya lasing kaya nasisiguro ko na hindi ito dahil sa impluwensiya ng alak. "Te--- teka lang po Señorito! Pe-- pero si-- sigurado po kayo si--r?? eh ba-- bakit po ako? Bakit po gan-- yan ang a-- alok niyo sa

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0542

    ( Luciana's POV ) "Ibabalik ko po muna ito sa ref Señorito." Paalam ko sa kanya at hindi ko alam kong namamalikmata nga lang ba ako dahil pansin ko ang mariing titig nito sa akin. Marahan lang itong tumango saka nag iwas ng tingin. Humakbang na ako papaalis sa harapan niya pero pakiramdam ko yun

  • Love by the Iron Fist (The Billionaire's Prisoner)   Kabanata 0541

    "Just find someone na gawin mong panampal sa mukha ni Allyson. Iyong tipo na hindi niya matatanggap na ipinagpalit mo siya! Natitiyak kong mas masakit yon Vincenzo lalo pa at masyadong mataas ang tingin nun sa sarili niya. Feeling pa naman nun ay siya lang ang nag iisang pinakamagandang babae sa bal

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status