Asan na ba ang mga readers na napakaactive sa comments? Miss you all! Sisikapin ko na ang pag uupdate dahil exciting part na nga....
Nagising ako sa isang malaki at maaliwalas na kwarto. Takang inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Hindi ito ang tipikal na kwarto ng isang kidnap victim dahil napakaganda nito. Mas magara pa nga sa kwarto ng bahay namin kung tutuusin.Nang bigla na lamang rumihestro sa utak ko ang mga kaganapan bago ako nawalan ng malay."Shit!"Natakpan ko ang bibig kasabay ng pagkawala ng aking mga luha. Nasaan ako? Sino ang mga dumukot sa 'kin? Anong motibo nila? May kaugnayan ba ito sa mga kalaban ni mommy? At ano ng mangyayari sa akin ngayon? Paano na ang anak ko?Sunod sunod na tanong ng aking isipan. Kinakabahan at gulong gulong ngunit nanaig ang nararamdaman kong tapang ngayon nang maalala ang anak kong tiyak na kanina pa naghihintay sa pag- uwi ko.Buong tapang akong tumayo at tinungo ang pintuan. Pinihit ko ang doorknob at gaya ng inaasahan ko na ay nakalock nga ito."Buksan niyo 'to! Mga hayop! Palabasin niyo ako rito!" Ilang beses ko itong kinalampag ng malakas ngunit hindi ko
( Zander's POV )Nakalabas na ako ng kwarto at hinihintay nalang ang pagdating ng doktor. Nasapo ko ang namamanhid na pisngi dahil sa malakas na sampal ng babaeng yun. But ofcourse, nag- uumapaw ang pasensiya ko kaya sasaluhin ko na muna ang galit niya.She maybe thought for sure na masama ang intensyon ko sa kanya. Di niya lang alam na ang totoong masama ay ang babaeng matagal na niyang nakakasama, si Elizabeth.That woman, bukod sa mga nalaman ko mula kay mommy Amanda ay napag- alaman ko rin na may mga negosyo itong illegal. Ayon sa nakalap na impormasyon ng private investigator ko ay kaya raw ito yumaman dahil nakapag- asawa ng isang bigtime na dr*glord at sa ibang bansa nanirahan at nagtatago ng ilang taon. At nang pumanaw ang lalaki ay unti unti ring nalugmok ang mga negosyo, may kakaunting natira na siyang inaasikaso niya ngayon. Kaya marahil si Madison ang inatasan niyang magmanage sa hotel dahil abala siya sa illegal na gawain.At base rin sa nalaman ko, Madison doesn't know a
( Madison's POV )Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Siya namang pagpasok ng katulong bitbit ang tray ng pagkain."Goodmorning ma'am. Breakfast niyo po." Nakangiting ani nito sabay lapag ng dala niya.Hindi ako sumagot. Walang gana ko lang siyang tiningnan kaya di na rin ito nagtagal sa loob at lumabas na rin kaagad.Nakakaramdam na naman ako ng inis nang maisip ang sitwasyon ko ngayon dito. Did mommy Elizabeth found out? Alam niya kayang wala ako sa hotel at hindi rin nakauwi ng bahay? I hope she does. Nang sa gayun ay ipahanap niya kaagad ako. Siguro naman magkakaideya siya na ang mga kalaban niya ang may gawa nito sa 'kin.Damn!Nahilot ko ang sintido. Isa ko pang inaalala ay ang anak kong si Austin lalo pa't pinangakoan ko iyon kagabi. Tsaka si Nick na tiyak nagtataka iyon kung bakit di ko nasasagot ang mga tawag niya. Goodness! Kailan ba ako makakalabas dito?Inis akong napaupo sa kama. Gusto ko sanang maligo at nang makapagbihis na at maayo
"Madison Santana Rivera"Alexander brought me here, sa isang lapida ng babaeng kaparehas na kaparehas ng pangalan ko. Dalawa kaming nakatayo ngayon dito habang ang mga bodyguards ay nakakalat sa paligid.Nanlaki ang mga mata ko at walang tigil sa pagdagundong ang puso habang hindi magawang ialis ang mga mata sa pangalan ng lapida. She just died two years ago. My knees were trembling kaya napaluhod ako. Pakiramdam ko tinakasan ako ng buong lakas."Impossible! This is not real! Maaaring gawa gawa niyo lang ito!" Umiiling na sambit ko, nagbabadyang maglaglagan ang mga luha dahil sa samo't saring nararamdaman. Gulong gulo pa ang isipan ko."It's real. Malalaman mo naman kung bagong gawa yan o matagal na." Alexander explained calmly. And he has a point. Sa porma ng lapida ay halatang nalipasan na ito ng ilang taon."Marami namang tao sa mundo ang magkaparehas ng pangalan. Baka nagkataon lang na kapangalan ko ang babaeng ito." Pangungumbinsi ko sa aking sarili kahit ang totoo'y nanghihina n
Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya na sa tingin ko'y resthouse ay ang lalim pa rin ng iniisip ko. Inisang bagsakan naman kasi lahat kaya sino ba naman ang mapapakali.Alexander opened the door for me kaya para akong nanumbalik sa realidad."You can roam around now. Hindi ka naman siguro tatakas hindi ba?" Turan niya at gumuhit ang simpleng ngiti sa labi.Napailing ako at bahagyang natawa. "Makakatakas ba ako? Kahit saan ako tumingin, mga bantay ang nakikita ko." I honestly said kaya napahawak na lamang siya sa kanyang leeg while his smile didn't fade.Bumaba na rin ako at tuloy tuloy na pumasok without even thanking him. Saka na siguro ako magpapasalamat kapag kumpirmado na ang lahat na nagsasabi nga siya ng totoo.Nakasunod lang si Alexander sa likuran ko. Nang makapasok sa loob ay naabutan namin ang ginang na si Amanda na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating namin.Ngumiti ito sa 'kin. May pait ngunit namumutawi ang saya at pagkasabik kaya marahan ko rin itong nginitian pab
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee