( Zander's POV )Sinundan ko ng tingin ang babaeng nagngangalang Madison nang umalis ito sa harapan ko. She called someone bago ito tuloy tuloy na umakyat sa entablado.Ang pagkakataon nga naman. We encountered on the restaurant last time at di ko aakalaing anak siya ng may- ari nitong hotel na mismong nagpadala ng imbitasyon sa akin. I don't know if the woman knew me at kung bakit nakasama ako sa listahan ng mga guests, na alam kong lahat ay mayayaman at kilala sa bansa dahil halos sa mga nandito ay kakilala ko rin. Baka nga nandito rin ang mag- asawang Drake at Amina. Di ko pa nga lang nakikita dahil sa dami ng tao.At di ko magawang ialis ang mga mata ko sa kanya habang walang pakundangan sa pagtibok ang puso ko just like the very first time I saw her.Aaminin kong maganda siya but I am not attracted on her physical appearance. Para talagang may kung ano sa babaeng ito na pumukaw sa interes at kuryosidad ko.At hanggang dun lang naman ito. Magmula ng mawala si Amari, never na ako na
Nagmamadaling sinundan ko si Mommy Amanda na mukhang paalis na. Mabilis ang mga hakbang nito patungo sa exit.At nang tuluyan kaming makalabas ng hotel ay napagdesisyon kong lumapit na sa kanya."Mom,"Tawag ko dahilan para matigil ito sa paglalakad at mapalingon sa gawi ko.And yeah, I called her 'mom' instead of 'tita' dahil iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya. She's the mother of my wife afterall."Zander! You're invited too?" May pagtataka sa tono ng tanong nito kaya tumango ako."Yes mom. I guess they invited all the famous businessmen and women. Where's Drake and Amina?" Tanong ko rin pabalik ng mapansing parang mag- isa lang ito."They're having a family vacation kaya ako lang ang nakaattend. And I have a huge regret on coming here!" Anito sabay hinga ng malalim.At alam ko ang dahilan ng panghihinayang niya. And I guess it's about time to tell her about what I saw and heard."Actually, nakita ko kayong magkausap nung may- ari and,""And you heard everything?" Putol nito s
"You seemed weak hon. Ayos ka lang?" Nick asked me on the other line, nakavideo call kaming dalawa ngayon. Nagkukumustahan sa isa't isa.Napabuntong hininga ako at pilit na ngumiti. "Maybe, I'm just tired hon." Dahilan ko. Halos isang buwan na rin kasi magmula ng buksan ang hotel at halos araw araw ay nandito ako to monitor everything lalo pa't dagsaan ang mga guests dahil sa pa- promo na naisipan ko. Taktika ko ito para makahatak ng maraming bookings."I see. Hayaan mo, papupuntahin ko kayo ni Austin dito kapag di ka na busy nang sa gayun ay makapagbakasyon ka naman. Anyway hon, I need to go now. Marami pa akong tambak na gagawin sa office ngayon. Bye, love you!" Tugon ni Nick."Bye, we love you too! Ingat ka." Ani ko bago tuluyang nawala si Nick sa linya.Bahagya akong napailing matapos sabihin ang salitang "love". Ewan ko ba, asawa ko naman siya but it felt awkward. Kahit bihira namin sabihin ang salitang iyon sa isa't isa ay nakakailang pa rin.Muli kong tinutok ang mga mata sa mo
Nagising ako sa isang malaki at maaliwalas na kwarto. Takang inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng paligid. Hindi ito ang tipikal na kwarto ng isang kidnap victim dahil napakaganda nito. Mas magara pa nga sa kwarto ng bahay namin kung tutuusin.Nang bigla na lamang rumihestro sa utak ko ang mga kaganapan bago ako nawalan ng malay."Shit!"Natakpan ko ang bibig kasabay ng pagkawala ng aking mga luha. Nasaan ako? Sino ang mga dumukot sa 'kin? Anong motibo nila? May kaugnayan ba ito sa mga kalaban ni mommy? At ano ng mangyayari sa akin ngayon? Paano na ang anak ko?Sunod sunod na tanong ng aking isipan. Kinakabahan at gulong gulong ngunit nanaig ang nararamdaman kong tapang ngayon nang maalala ang anak kong tiyak na kanina pa naghihintay sa pag- uwi ko.Buong tapang akong tumayo at tinungo ang pintuan. Pinihit ko ang doorknob at gaya ng inaasahan ko na ay nakalock nga ito."Buksan niyo 'to! Mga hayop! Palabasin niyo ako rito!" Ilang beses ko itong kinalampag ng malakas ngunit hindi ko
( Zander's POV )Nakalabas na ako ng kwarto at hinihintay nalang ang pagdating ng doktor. Nasapo ko ang namamanhid na pisngi dahil sa malakas na sampal ng babaeng yun. But ofcourse, nag- uumapaw ang pasensiya ko kaya sasaluhin ko na muna ang galit niya.She maybe thought for sure na masama ang intensyon ko sa kanya. Di niya lang alam na ang totoong masama ay ang babaeng matagal na niyang nakakasama, si Elizabeth.That woman, bukod sa mga nalaman ko mula kay mommy Amanda ay napag- alaman ko rin na may mga negosyo itong illegal. Ayon sa nakalap na impormasyon ng private investigator ko ay kaya raw ito yumaman dahil nakapag- asawa ng isang bigtime na dr*glord at sa ibang bansa nanirahan at nagtatago ng ilang taon. At nang pumanaw ang lalaki ay unti unti ring nalugmok ang mga negosyo, may kakaunting natira na siyang inaasikaso niya ngayon. Kaya marahil si Madison ang inatasan niyang magmanage sa hotel dahil abala siya sa illegal na gawain.At base rin sa nalaman ko, Madison doesn't know a
( Madison's POV )Nagising ako kinaumagahan dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Siya namang pagpasok ng katulong bitbit ang tray ng pagkain."Goodmorning ma'am. Breakfast niyo po." Nakangiting ani nito sabay lapag ng dala niya.Hindi ako sumagot. Walang gana ko lang siyang tiningnan kaya di na rin ito nagtagal sa loob at lumabas na rin kaagad.Nakakaramdam na naman ako ng inis nang maisip ang sitwasyon ko ngayon dito. Did mommy Elizabeth found out? Alam niya kayang wala ako sa hotel at hindi rin nakauwi ng bahay? I hope she does. Nang sa gayun ay ipahanap niya kaagad ako. Siguro naman magkakaideya siya na ang mga kalaban niya ang may gawa nito sa 'kin.Damn!Nahilot ko ang sintido. Isa ko pang inaalala ay ang anak kong si Austin lalo pa't pinangakoan ko iyon kagabi. Tsaka si Nick na tiyak nagtataka iyon kung bakit di ko nasasagot ang mga tawag niya. Goodness! Kailan ba ako makakalabas dito?Inis akong napaupo sa kama. Gusto ko sanang maligo at nang makapagbihis na at maayo
"Madison Santana Rivera"Alexander brought me here, sa isang lapida ng babaeng kaparehas na kaparehas ng pangalan ko. Dalawa kaming nakatayo ngayon dito habang ang mga bodyguards ay nakakalat sa paligid.Nanlaki ang mga mata ko at walang tigil sa pagdagundong ang puso habang hindi magawang ialis ang mga mata sa pangalan ng lapida. She just died two years ago. My knees were trembling kaya napaluhod ako. Pakiramdam ko tinakasan ako ng buong lakas."Impossible! This is not real! Maaaring gawa gawa niyo lang ito!" Umiiling na sambit ko, nagbabadyang maglaglagan ang mga luha dahil sa samo't saring nararamdaman. Gulong gulo pa ang isipan ko."It's real. Malalaman mo naman kung bagong gawa yan o matagal na." Alexander explained calmly. And he has a point. Sa porma ng lapida ay halatang nalipasan na ito ng ilang taon."Marami namang tao sa mundo ang magkaparehas ng pangalan. Baka nagkataon lang na kapangalan ko ang babaeng ito." Pangungumbinsi ko sa aking sarili kahit ang totoo'y nanghihina n
Hanggang sa makauwi kami sa bahay niya na sa tingin ko'y resthouse ay ang lalim pa rin ng iniisip ko. Inisang bagsakan naman kasi lahat kaya sino ba naman ang mapapakali.Alexander opened the door for me kaya para akong nanumbalik sa realidad."You can roam around now. Hindi ka naman siguro tatakas hindi ba?" Turan niya at gumuhit ang simpleng ngiti sa labi.Napailing ako at bahagyang natawa. "Makakatakas ba ako? Kahit saan ako tumingin, mga bantay ang nakikita ko." I honestly said kaya napahawak na lamang siya sa kanyang leeg while his smile didn't fade.Bumaba na rin ako at tuloy tuloy na pumasok without even thanking him. Saka na siguro ako magpapasalamat kapag kumpirmado na ang lahat na nagsasabi nga siya ng totoo.Nakasunod lang si Alexander sa likuran ko. Nang makapasok sa loob ay naabutan namin ang ginang na si Amanda na mukhang kanina pa naghihintay sa pagdating namin.Ngumiti ito sa 'kin. May pait ngunit namumutawi ang saya at pagkasabik kaya marahan ko rin itong nginitian pab