Mabilis lumipas ang mga araw at gaya nga ng pangako ni Zander ay nanatili na muna siya sa tabi ko para iparamdam ang pagmamahal niya ng walang anumang kapalit.Ayoko sana maging unfair sa kanya ngunit yun lang din naman ang tanging hiling niya bago siya bumalik ng Pilipinas kaya hinayaan ko nalang.Balak niya pa sanang magrenta nalang upang manatili rito ng ilang linggo ngunit inalok siya ni Mama Amanda na dito na muna siya sa bahay pansamantalang makituloy kaya pumayag din siya kalaunan kahit pa man nakakaramdam ng hiya.Araw ngayon ng lunes at sa araw na ito ang schedule ng pagpunta ko sa clinic. Walang pagdadalawang isip na sinamahan ako ni Zander dahil yun din talaga ang nais niya. Gustong-gusto rin sana akong samahan ni mama kaso nagpasama si Amari sa kanya upang magtungo sa salon ni Tita Melba kaya pinasama ko nalang siya sa kakambal ko total kasama ko naman si Zander."Amari and you are very opposite. Look at your twin, sa loob ng ilang linggong pananatili rito ay walang ibang
( Drake's POV )Nang malaman nina Steffi at Logan na tutungo ako ng US para sa meeting ng isang foreign client ay sumabay na ang dalawa. Ofcourse makikilibre na naman ng sakay sa aking private plane.Aside for the reason na magde-date ang dalawa, they're also planning to buy branded stuffs for their baby dahil marami iyon sa US. Kaya para hindi magtampo ang atribidang buntis ay pumayag nalang ako.Nang lumapag ang private plane ko sa airport ng Los Angeles ay dumiritso na kami sa isang fancy restaurant para makipagkita sa kliyente ko. Time for me now is gold. Magmula ng bumalik ang focus ko sa trabaho ay dito ko na rin ginugol lahat ng oras at panahon ko para kahit papaano'y hindi ko na maisip pa ang babaeng pilit kong kinakalimutan.And gladly, it's effective dahil hindi ko na siya masyadong naiisip kagaya noon na muntikan ko ng ikinabaliw."Pati ba naman sa loob sasama pa rin kayong dalawa? Pambihira." Umiiling na turan ko nang mapansing nakasunod sina Logan at Steffi sa akin."Arte
( Amina's POV )Nang puntahan ako ni Zander ay hindi pa rin ako halos makakilos dahil sa panghihina. Sobra ang takot at kabang nararamdaman ko."Amina" Mahinang tawag niya sa pangalan ko. Nang mag-angat ako ng mukha ay basta na lamang naglaglagan ang mga butil sa aking mga mata.Niyakap ako ni Zander para daluhan sa aking nararamdaman."You're safe now! Umalis na sila. Mabuti nalang hindi sila pumasok sa loob ng department store." Pagpapakalma niya sa akin kahit pama'y ramdam ko rin ang kaba niya."U-umalis na tayo." Nauutal na sagot ko kaya nang kumalas si Zander ay agad kaming pumasok sa sasakyan.Tahimik lang ako sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi na rin nag-usisa si Zander. Nirerespeto nito ang katahimikan ko dahil hindi ako makapag-isip ng maayos sa ngayon."Sa kwarto lang muna ako." Paalam ko sa kanya na ikinatango niya lang. Agad akong pumasok sa kwarto ko at napasalampak ng upo sa kama. Dito na ako tuluyang humagulhol.Natatakot ako. Sobra. Ano ang gi
Matagal bago nakasagot si Zander. Mababakas ang labis na pagkabigla sa kanyang mukha.Sabagay, sino ba naman ang hindi gayung nang magtapat siya ng kanyang pag-ibig ay tinanggihan ko iyon. Tapos ngayon, sa bibig ko pa mismo nanggaling na totohanin namin ang nabanggit niya noon kay Amari na malapit na kaming ikasal.Ngunit wala na akong pakialam kung anuman ang kahihinatnan ng desisyon kong ito. Ang mas mahalaga sa akin ngayon ay ang kaligtasan namin ng anak ko."Amina." Mahinang sambit niya sa pangalan ko kasabay ng isang malalim na buntong-hininga."Zander, yun lang kasi ang naiisip kong paraan para hindi na ako muling masaktan ng hayop na Drake na iyon kung sakali mang malaman niyang buhay ako. Hindi niya maiisip na anak niya ang bata kapag naikasal ako sayo. Alam kong ligtas kami ng magiging anak ko sa puder mo. Alam kong mapoprotektahan mo kami at hindi pababayaan." Puno ng pagsusumamong sambit ko. Nagmumukha na akong desperada pero wala na akong ibang naiisip na epektibong paraan
( Amari's POV )"Fuck you bitch!"Sigaw ko bago nagpakawala ng isang malakas na suntok sa punching bag na nasa harapan ko. I even kicked it with all my force. Dito ako naglalabas ng galit ko."Damn you!" Nanggigigil pa na sambit ko and then punched it again and again hanggang sa pagod at hingal akong napahinto.That Amina, I hated her so much at ilang buwan ko na itong kinikimkim. Lahat nalang ng taong nakapaligid sa amin ay nasa kanya ang atensyon. Masyado siyang bida bida.Kagaya ngayon, abala silang lahat na nakaabang sa ospital dahil manganganak na ang bruha. Nagkukunwari pang mabait at mahinhin pero nasa ilalim ang kulo."Would you like to drink?" Alok sa akin ni Michael sabay lahad ng isang bottled water. He's my admirer na nakilala ko lang din dito sa gym. He's handsome coz he's a full blooded American. Yun nga lang wala akong maramdamang kilig."Thanks." Walang arte ko itong tinanggap at agad na tinungga para mabawasan ang init na nararamdaman ng katawan ko. May ilang nakarel
( Drake's POV )"Congratulations to all of us! We gained one billion interest share for this month only!" Natutuwang anunsyo ko sa board na siyang ikinatuwa nilang lahat."And that's also because sa malaking perang ipinasok ni Ms. Brittany Smith sa kompanyang ito Mr. Wilson." Sambit ni Mr. Cua, isa sa member ng board.Binalingan ng lahat ang nakangiting si Brittany and congratulated her. Sadyang napakalayo ng inabot ng ininvest niyang one hundred million. And I can't deny that her investment was really a huge help.Mapukol ang tingin niya nang sumulyap sa akin but I prefer not to get distracted. Maraming pa akong idiniscuss sa member ng board bago kami natapos."I told you! Ako talaga ang pampaswerte mo Drake." Nang-aakit na sambit ni Brittany while caressing my back. Nagpaiwan na naman siya dito sa conference room para akitin at landiin ako. This is not new. Di ko na mabilang kung ilang beses niya ng ginawa ito.But I'm proud to say na hanggang business lang ang lahat sa amin because
"Damn that bastard!"Nanggagalaiting sigaw ko kasabay ng pagkabasag ng bote ng alak na binato ko sa pader.Matapos kaming mag-usap ni Amari kanina ay dumiritso agad ako sa bar ni Zander. Nagtanong ako sa mga crew roon at nakumpirma kong bihira nalang daw pumunta ang hayop na yun doon. So nagsasabi nga ng totoo si Amari.Kaya pala hindi ko na halos mahagilap ang gago dahil iba pala ang pinagkakaabalahan.At damn! Si Amina pa talaga! Pota!Hanggang ngayon patuloy na nag e-echo sa pandinig ko ang mga sinabi ni Amari. Nagpupuyos ang damdamin ko sa galit na para bang wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi basagin ang mukha ni Zander. Ang lalaking halos tinuring ko ng kapatid, na siyang pinagkatiwalaan ko sa lahat lahat ng sekreto ko. Yun pala tatraydorin lang ako ng putang-ina!"Hayop ka Zander! Hayop ka!"Nagngingitngit ako ng labis. Halos maubos ko na sa kakatapon lahat ng babasagin dito sa bahay pero hindi pa rin nito maibsan ang sakit na dulot ng kataksilan na ginawa sa akin ng ha
Dumadagundong ang lakas ng boses ko sa buong lugar. Parang sasabog ang dibdib ko habang inililibot ang mga mata. Hindi ko alam kung nasaang lugar kami ngunit malawak ang area at may isang eroplano na nakaparada. May apat na bodyguards na kasama ang hinayup*k na nakatayo lang din malapit sa entrada ng eroplano.Gustuhin ko mang tumakbo upang makalayo ay hindi ko magawa dahil sa panghihina ng buong sistema ko. Na kahit sa pagalaw ay nahihirapan ako.Hindi ko na mapigilang humagulhol ng iyak nang mapagtanto ang pangyayaring ito sa isip ko.At natitiyak kong wala na akong takas ngayon!"Sinungaling ka Amari! Kinuha mo lang ba ang loob ko dahil nakipagsabwatan ka diyan sa hayop na yan?" Muling sigaw ko nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya kasabay ng walang humpay na pag-agos ng aking mga luha. Akala ko totoong nagbago na nga siya yun pala may masamang balak lang kaya nagbalat kayong nagbago.Naglakad siya papalapit sa kinatatayuan ko. Habang si Drake ay nanatiling nakatayo lang. Hi