Kukuha ng abogado? Anak ng tinapa! Eh nagigipit na nga ako tapos magbabayad pa ako ng abogado?At kahit pa magkaroon ako ng pera, ano namang panlaban ko gayung nasa panig ng katotohanan si Zander. Witness pa niya si Dr. Mendez na nasisiguro kong magsasambulat ng katotohanan. Para ko lang ginigisa ang sarili ko sa sarili ko ring mantika kung lalaban pa ako gayung alam ko na dehadong dehado ako.Nasapo ko ang ulo. Kailan ba ako tatantanan ng problema? Kung anu- anong pang- aakit at kalandian ang ginawa ko kay Zander kagabi tapos gigising lang pala ako na masamang balita kaagad ang bubungad sa 'kin.Tumunog na naman ang message alert tone ng cellphone ko kaya matamlay kong binasa ang mensahe."I forgot to tell you earlier that you have so much time to prepare Amari. Aalis ng bansa si Mr. Montegrande for business meetings and transactions. And it took a month or maybe months."Di ko alam kung anong mararamdaman ko habang binabasa ang mensaheng ito ni Attorney Mariano. At aalis na naman ng
Matapos niyang sabihin iyon ay umiiyak akong napaupo. Mabilisan niyang iniligpit ang mga gamit niya sa isang malaking maleta. He's probably leaving, ni hindi ko alam kung anong araw ang alis niya at kung saang bansa. Mas lalo namang wala akong lakas para magtanong.Matapos lang ang ilang minuto ay walang anumang salita na lumabas siya ng condo bitbit ang maleta niya. Parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit habang sinusundan siya ng tingin paalis. Wala man lang salitang lumabas sa bibig ko dahil sa labis na panghihina. Alam ko namang babalik siya pero talagang napakasakit lang na di ko siya makikita ng ilang buwan tapos aalis siyang may sobrang galit pa sa akin.Sobra sobra na itong nararamdaman ko ngayon, para na akong mababaliw. Nawala na sa isip ko ang kumain. I just wanted to cry all night. Marahil dala ng epekto ng wine kaya mas dumoble ang pagiging emosyonal ko.Ngayon pa lang iniisip ko na ang mangyayari kapag napagtagumpayan niya ang annulment. Pakiramdam ko ubos na ubos na ako.
Kung noong mga nakaraang linggo ay matamlay pa ako sa tuyot ma halaman, ngayon naman ay parang nabuhay lahat ng ugat at laman ko sa katawan.Nangako si Drake na sasagutin niya ang gastos sa kakilala niyang napakagaling daw na abogado. Syempre hindi rin siya papayag na mapagtagumpayan ni Zander ang annulment at baka manggulo raw iyon sa kanila ni Amina. Napailing nalang ako. Masyadong paranoid din si Drake, halatang baliw na baliw rin sa pag- ibig kagaya ko.Pero syempre napakasaya ko dahil pabor na pabor din naman sa akin. Sino bang di magbubunyi sa pangako niya?Hindi pa man nangyayari pero pakiramdam ko mananalo na ako lalo pa't kumakampi sa akin si Attorney Mariano. Ganoon ka positibo ang enerhiyang bumabalot sa 'kin ngayon. Kabaliktaran sa nararamdaman kong pagkalugmok noong mga nakaraang linggo.And as I promised too, kinabukasan, matapos ang trabaho ko ay naghanda na agad ako para puntahan sina mommy at Amina sa hotel. Kakarating lang din daw ni mommy ngayong araw dahil nga nap
(Explicit and sexual scene ahead. Not intended for young and sensitive readers.)Days, weeks, months had passed yet I am still alone. Di ko alam kung paano ko kinayang mag- isa sa paglipas ng buwan. Sadyang napakarami ng nangyari. Nakausap ko na ang lawyer na binigay ni Drake at nakapagbigay na rin ako ng statement. Preparado na ang lahat at panatag akong maipapanalo ko ang laban.Yun nga lang hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita si Zander. Sabi naman sa 'kin ni Attorney Mariano ay tapos na ang business transactions niya sa ibang bansa kaya walang araw na di ko inaabangan ang pag-uwi niya."Tired?" Tanong ni Aslan matapos akong lapitan. Kakatapos lang din ng photoshoot namin kaya pagod akong napaupo sa isang bench."Yeah ofcourse." Sagot ko kaya inabutan ako nito ng bottled water na agaran ko namang tinanggap."Uuwi ka na ba after?" Tanong nito."And why?" I answered after drinking."Maaga pa naman kasi. Pwede pa tayong mamasyal." Anito kaya kumunot ang noo ko."Mamasyal? Teka nga
( Zander's POV )It's late in the evening nang magising ako. Ramdam ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa balikat ko kaya dahan- dahan akong nagmulat ng mga mata.Oh goodness!Ganoon na lamang ang pag- awang ng labi ko nang makitang nakaunan si Amari at nakayakap pa ang kamay nito sa aking katawan habang mahimbing na natutulog.Shit! Nakagat ko ang ibabang labi ko. Fuck! Heto na naman ako at nakalimot na naman. Just like the night bago ako umalis ng bansa. Ganitong ganito din yung namulatan ko. Masyado akong nagpadala sa init ng katawan at kali*bugan kaya ako din ang naguguluhan.At aaminin kong umiinit ang buong sistema ko ngayon. Lalo pa't hubo't hubad ito at medyo bumaba ang comforter na nakatakip sa katawan.Dahan dahan kong kinuha ang kamay at ulo niya, sinisiguradong hindi siya magigising. Baka kung saan na naman mapunta ang pang- iinit na ito.Pagkatapos ay marahan akong bumangon at kinumotan ang hubad na katawan niyang ladlad na ladlad. Bahagya pa akong napalunok nang matuon
( Amari's POV )Napabalikwas ako ng bangon nang marinig na tumutunog ang aking cellphone. Inilibot ko ang mga mata at napansing wala na naman si Zander sa aking tabi.Napapikit ako sa labis na kalungkutan. What I am expecting? Wala namang bago, ganoon palagi. Matapos niyang pagsawaan ang katawan ko ay basta siyang umaalis nang wala man lang paalam. Nagigising nalang akong nag- iisa.My phone keep on ringing. Medyo nakaramdam pa ako ng pagkairita dahil naantala nito ang tulog ko lalo pa't wala akong maayos na tulog kagabi dahil masama pa ang aking pakiramdam.Hindi lang basta masama dahil buong katawan ko ay parang naubusan ng lakas sa ginawang pag- alisputa ni Zander. Marahas niya akong inangkin kagabi ng paulit ulit. "Ouch!" Napadaing ako habang sapo ang sintido kong kumikirot. May mga kagat, kalmot at pasa pa sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.Dahan-dahan akong kumilos para abutin ang cellphone kong walang tigil sa kakaring.Napabuga ako ng hangin nang makitang tumatatak sa screen
( Zander's POV )"Nasisiguro kong hindi magiging madali ang annulment Mr. Montegrande. Nakausap ko na si Amari. Ilalaban niya ang kasal ninyo. Maging ang nakuha niyang magaling na abogado ay nakausap ko na rin. At mukhang malakas ang laban nila."Balita ni Attorney Mariano nang makipagkita ako tungkol dito. Pero di ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit at madismaya sa nalaman. It's somehow a different feeling. Ibang- iba sa nararamdaman ko noon sa tuwing nakikipagmatigasan ang babaeng yun.I didn't say anything kaya muling nagsalita si attorney."Uhmmm, wala ka man lang bang magiging reaksyon?" Takang tanong nito kaya napahinga ako ng malalim."I don't know what to say attorney. Talagang malakas ang loob ng babaeng yun." Napailing na sabi ko sabay inom ng baso ng wine na hawak ko.Natawa rin si attorney sabay iling."Exactly! At aaminin kong napapabilib niya ako. She looks so desperate. Tipong handang makibaka kahit pa man kalaban niya ay isang makapangyarihang tao. Maybe she re
"She's dead!"Ang mga salitang ito ang umalingawngaw sa aking tainga habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada para puntahan ang pinangyarian ng aksidente.Lutang na lutang ako, tuliro habang nakasunod sa sasakyan ni Aslan. Parang napakahirap paniwalaan at tanggapin. Yung puso ko ay parang sinasaksak ng ilang libong punyal sa sakit.I don't know... Pakiramdam ko wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko maipaliwanag, para akong tinakasan ng kaluluwa ko.This is not real! This can't be real. She's not dead. Hindi siya pwedeng mawala!Tinodo ko pa ang bilis ng takbo sa kagustuhang makarating na kaagad. Wala akong pakialam kung maaksidente din ako. Mas maigi na nga rin siguro, kung pwede lang sana.But after a couple of hours, I arrived safe. Di pa man ako nakakababa ay pansin ko na agad ang kumpulan ng mga tao. Marami na ring mga police at may barricade tape ang buong area.Pigil ko ang hininga habang naglalakad. Parang nakasemento ang mga paa ko dahil sa napakabigat na hakbang ng aking mga
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an