Salamat po sa inyong lahat sa pagsubaybay at paghihintay!! Sa pagboto, pa gems at mga positibong komento po! Lovelots po!
Lumabas ako sa building ng hotel na sobrang bigat ng dibdib ko. Kahit nakapag usap na kami ni Rina ay di pa rin nabawasan ang hinanakit ko sa mga pang iinsulto ni Conrad.Sobrang nagtaka pa nga si Rina kung bakit ako labis na naging emosyonal ngunit naging tikom ang bibig ko. Hindi ko nalang kinuwento sa kanya sa takot na baka madulas siya at may mapagsabihan na iba. Mas lalo akong dapat na mag ingat ngayon kahit aalis na kami.Binalikan ko rin si Mrs. Tizon pagkatapos at binigay na agad ang bayad. Problema na ni Conrad kung hindi niya iyon tatanggapin. Sana masampal at matauhan ang lalaki sa mga sinabi ko kanina.Dumiritso na rin ako sa agad ng uwi sa apartment para ihanda ang mga gamit na dadalhin namin. Ipinaalam ko na rin kay Keron ang oras ng alis namin at nangako ang lalaki na ihahatid kami.Pagkarating mo sa apartment ay naabutan kong nag iimpake na si Tita Charo. Mga mahahalagang gamit lamang ang dadalhin namin dahil ayon kay tita ay kumpleto na raw sa gamit ang pinagawa niyang
Dahil sa panghihina ay di agad ako nakakilos. Nang lumuhod si Conrad para magpantay sila ni Connor ay saka pa lamang akong naalarma. Pinagtitinginan na rin kami ng mga taong nasa paligid.Tila ba naging mabilis pa sa kidlat ang kilos ko at dali daling tumakbo papalapit sa dalawa at hinila ang braso ng anak ko."Pa--- pasensiya na po sir. Connor get up!" Nakayukong sambit ko dahil sa magkahalong kaba at panghihina sa dibdib. Iniiwasan kong magpang abot ang mga mata namin ni Conrad."Mama di ba po siya po," Humihikbing wika ng anak ko puro agaran ko ring pinutol dahil alam ko na ang kasunod."I said tumayo ka! Let's go." Matigas na saad ko at ngayon pa lamang ako nakakapagsalita sa kanya ng ganito. Nakakapanghina na nakikita ko si Connor sa ganitong sitwasyon ngunit kung di ako magmamatigas ay tiyak magugulo lang ang buhay namin, lalo na ang buhay niya.Nang hindi pa rin ito tumatayo at patuloy lang sa paghikbi ay nagkusa na akong kinarga ito."Papa ko po mama....." Humihikbi parang samb
"I----- ikaw!?"Nangangatog ang tuhod na bulalas ko kasabay ng pagbaba ko ng tawag. Pero nanatiling seryoso ang mukha nito habang nagmamaneho. Kita ko pang nagsilabasan ang ugat nito sa kamay dahil sa mariing pagkuyom niya ng kamao."Anong ginagawa niya rito? Bakit nagsorry sa 'kin si Keron sa tawag? Ano ba itong nangyayari! May alam na ba ang lalaking ito na anak niya si Connor? O baka nagduda lang dahil sa naging tagpuan nila sa restaurant kanina?" Sigaw ng aking isip na punong puno ng maraming katanungan.Hindi sumagot si Conrad na parang walang narinig kaya mas lalo naghysterical ang damdamin ko. Naluluhang tiningnan ko si Connor na tulog na tulog kaya kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko magawa at baka magising ito."Please lang! Kung anuman ang balak mo. Ibaba mo na kami! Uuwi na kami!" Mariing pakiusap ko habang mahinang umiiyak.Hindi pa rin siya umimik. Pero base sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya sa rearview mirror, nag aalab ang mga mata niya sa galit. His jaw clenched
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming