Halos nahalungkat ko na lahat ng mga cabinet ngunit wala pa rin akong mahanap na groceries kahit noodles man lang, maging bigas. Napangiwi akong napakamot sa ulo ko. Useless lang din pala yung binili kong gamot dahil hindi niya maiinom dahil nga halata namang hindi pa siya kumakain.Ang yabang yabang nito kanina pero kagaya ko'y hikahos din pala ito sa buhay. Mabuti pa nga eh ako sanay na sanay dumiskarte para makakain. Eh ito mukha namang walang alam. Nagrereklamo pa siyang nagugutom pero wala rin namang nakaimbak na pagkain na pwedeng lutuin.Napahawak ako sa sintido ko. Sa isang iglap lang ay nadagdagan ang alalahanin ko sa buhay. Pakiramdam ko, kakambal ko parati ang kamalasan. Tipong lagi akong napapasubo sa problema ng ibang tao.May parte sa 'kin ang sumisigaw na hayaan nalang ang hambog na ito. Ngunit mas malaki naman ang parte na nagsasabing tulungan ko nalang dahil mas nananaig pa rin sa 'kin ang pagiging isang mabuting tao. Tsaka pambawi na rin ito sa nagawa niyang pagtulong
Nagising ako nang makaramdam ng pagkaihi. Dahan dahan akong bumangon habang kinukusot ang mga mata nang mapagtanto ko na hindi ito ang kwarto ng boarding house ko.Nanlaki ang mga mata ko, natutop ang bibig nang maalala kung nasaan ako.Jusmeyo! Tinuluyan na pala ako ng antok ko kagabi at di ko manlang namalayan na napasarap ang tulog ko.Dali dali akong tumayo at sinilip ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas kwatro na pala ng madaling araw. Mabuti nalang at maaga pa. Kung di lang ako naiihi ay baka aabutin ako ng sikat ng araw dito.Dahan dahan akong naglakad para tumungo ng CR. Pagkatapos ay wala na akong inaksaya pang oras at nagdesisyon na agad na umuwi kahit mukha akong lutang na ewan sa hitsura ko.Nadaanan ko pa ang lalaking nakabaluktot sa sofa dahil sa katangkaran nito. Para pa tuloy akong nakokonsensiya dahil dito ito natulog habang ako'y nagpapasarap sa kama niya kahit siya naman itong may sakit.Wala na rin akong balak na gisingin pa siya. Siguro naman ay umayos na ang
"Ui, teka lang. A-- anong ginagawa mo?"Kalauna'y tanong ko. Medyo nakakalayo na kami. Napahinto ako habang nakatingin sa mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko.Mukhang maging siya ay nabigla sa paghawak sa akin kaya binitawan niya ito na parang naiilang."Uhmmm pasensiya na, ang gulo kasi kanina." He explained. At kahit hindi naman gaanong maliwanag sa pwesto namin ngayon ay kita ko ang pagalaw ng panga niya. And I found it so sexy and seductive kaya napalunok ako ng laway ng makailang ulit.Geez! What's wrong with me?"Paano mo nalaman na doon ako nakatira? Sinadya mo ba talaga akong puntahan doon?" Sunod sunod na tanong ko at marahan lang din siyang tumango bago sumagot."Nagtanong ako kay Mrs. Fuentes. And yeah, sinadya kitang puntahan coz I want to thank you." Walang paligoy ligoy na sagot niya."Thank me for what?" Tanong ko ulit. Mapapalaban ata ako sa englishan ng lalaking ito."About last night at dun sa mga pinamili mo. Do I need to elaborate it?" Parang natatamad na tanong
"Huwag mo na kasi akong ihatid. Kaya ko na! Tsaka matao pa naman ngayon." Pakiusap ko sa kanya nang matapos na kami at napagdesisyonan na umuwi na dahil may pasok pa ako bukas."Just let me. Naniniguro lang ako na makakauwi ka ng ligtas." Desididong sagot niya kaya napakamot na lang ako. Mukhang walang balak magpaawat ang lalaking ito."Ayaw mo ba akong makasabay? I thought we're friends now." Segundang sambit niya na may himig pagtatampo."Hindi naman sa ganun. Baka kasi pag initan ako ng mga babaeng umaaligid sayo. Kasama nga lang kita ang sama na ng tingin nila sa 'kin." Matapat na sagot ko. Lalong lalo na sina Roxy na halos lumuwa ang mga mata kanina at natitiyak kong nag-aabang na ang mga iyon ngayon sa boarding house."Damn, don't mind them. Hayaan mo sila sa kung anong isipin nila. Besides, we're both single and we're not committed any crime." Mariing wika niya kaya wala na akong nagawa nang tuluyan niya nga akong ihatid pauwi.Tama naman siya, parehas naman kaming single at wa
( Cole's POV )"Naipadala ko na ang sobrang pera sa account mo. Ipapahatid ko na rin sa delivery man ang acryclic paints na pinabili mo, just send me your address." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabing ito ni Jonas."Salamat bro, maaasahan talaga kita!""Pasalamat ka talaga at gwapo ako. Napapayag ko agad lahat ng kliyente na magbigay ng downpayment." Proud na sambit nito kaya napailing akong natatawa."That's why I am thanking you handsome!" Turan ko pa kaya napahalakhak si Jonas sa kabilang linya.It was the last and best solution na naisip ko para makabili ng bagong acrylics, yung mataas ang kalidad kaya masakit din sa bulsa ang presyo.And I know Dawn can't pay it! Lalo na nung nakita ko siyang sumasideline sa palengke para lang makapagbayad. I can't even dare to accept the money came from her hardwork.Ngunit ang pag-aalaga niya sa 'kin at pinapakita niyang malasakit noong nagkasakit ako ay walang katumbas na halaga. That despite of all the bad words I threw on her ay nagawa niya
Pagod na pagod ako nang makauwi sa boarding house ko. Paano ba naman, nag-overtime kami sa school para sa upcoming activities bago matapos ang semester na ito. Nakakapagod man pero ipinagpapasalamat ko nalang na nakalibre ako ng hapunan, tipid din iyon sa gastusin ko. Lalo pa't kakarampot nalang ang pera ko ngayon dahil nagpadala ako kay Tiya Lucita kanina.Saglit akong nagpahinga at agaran din naghalf bath pagkatapos. Gusto ko ng matulog dahil alas onse na ng gabi. Kaya nang makapagbihis ng pantulog ay diritso higa agad ako sa kama.Kaso, akmang ipipikit ko pa lang ang mga mata ko nang makarinig ako ng sunod sunod na mahihinang katok sa labas ng pintuan ko."Ahaixt! Ano ba yan disturbo eh!" Nagmamaktol na napakamot ako sa ulo ko. Takang tinungo ko ang pintuan sa kung sino itong nangungulit ng ganitong oras.Ngunit, napaawang ako nang mapagbuksan at makilala ang taong nasa labas."Cole? Teka, a-- anong ginagawa mo rito? Gabi na ah!" Taka at nauutal na tanong ko.Nagpalinga linga pa ak
( Cole's POV )"Eto pa, ang sabi din sa 'kin ni Lyneth ay crush ako nung professor namin sa major subject. Kaya pag biglaan siyang nagpapaquiz ay ako palagi ang tinutulak ng mga kaklase ko na pakiusapan yung professor namin na huwag ng ituloy. At sa tuwing ginagawa ko yun, aba! pumapayag si sir. So ayun, saka ko lang narealize na baka nga crush niya ako hahaha."Tawang tawa ito habang nagkukwento. Namumula na ang maputi nitong mukha habang namumungay ang mga mata. At base sa salita nitong walang preno ay alam kong natamaan na ito sa tatlong baso pa lang na nainom na wine.Kanina pa kami nagkukwentuhan at kung saan na lumilipad itong usapan namin. Siya rin itong panay kwento while I'm just listening. At tama ang desisyon kong puntahan ito kanina dahil panandaliang nawala ang bigat sa dibdib ko ngayon. This woman made me smile even for a simple conversation like this.Nahawa ako sa tawa niya at tumungga ng isa pang baso. I know she's telling the truth. Kahit naman simpleng babae siya ay
[NOTE: This chapter contains sexual and matured content. Not intented for young, minor and senstitive audiences. Please be guided.]( Zelena's POV )Naipikit ko ang mga mata. Hindi ako nakakilos nang dumampi ang malambot niyang labi sa akin. Halos nagwala ang puso ko ng labis. Napakalakas ng dagundong nito na tila ba nakakabingi. Ramdam ko ang pananayo ng buong balahibo ko sa katawan. Napahawak ako sa dibdib niya ngunit wala akong lakas para itulak siya papalayo. Ni hindi ko man lang maramdaman sa sarili ko ang pagtutol. At alam kong hindi lang ito dahil sa impluwensiya ng alak. It's beyond that and I can't explain it.I didn't move at hinayaan lang siya dahil hindi naman ko marunong humalik. This is the very first time na nararanasan ko ang ganito."D--- Dawn,"He seductively uttered kaya bahagya kong naibuka ang bibig ko. At di na ako nakahulma nang maramdaman ang paglusob ng mainit niyang dila sa kailaliman nito habang marahan at banayad ang kagat na iginawad niya sa labi ko.Shit!
Conrad held my waist habang karga karga nito si Connor sa matipuno niyang braso. Lahat ng mga kasambahay nila sa mansyon ay nanlaki ang mga mata na halatang gulat na gulat at puno ng pagtatakang nakatingin sa amin.Nakakaasiwa man ang tipo ng titig nila ngunit di ko inaasahang mas malala pa ang magiging reaksyon ng dad niya at ng mommy ni Keron. Napaawang din si Keron nang makita kami pero ngumiti rin ito sa 'kin na ginantihan ko naman. Pero di ko napaghandaan ang biglaang pagtayo ni Lorraine sabay turo sa amin sa nanlilisik na mga mata.At ano namang ginagawa ng babaeng ito dito? Akala ko family dinner ito!"What is this Conrad!? Bakit kasama mo yang pobreng janitress ng hotel mo? At yang bata...." Puno ng gigil na asik ng matapobreng babae pero sinamaan ito ng tingin ni Conrad at puno ng gigil na pinagbantaan."Just fucking stop Lorraine! Kung wala kang respeto sa sarili mo, respetuhin mo ang mag ina ko." Buong loob na sambit ni Conrad.Irritableng umupo muli ang babae na kita na a
"Baby, may ipapadala akong box diyan sa tauhan ko. It's for you and Connor, susuotin ninyo ngayong gabi." Wika ni Conrad sa kabilang linya.Magmula ng umuwi kami ng San Agustin ay pumirmi na muna siya sa Maynila dahil may mahalaga raw na aasikasuhin. Habang kami nina Connor at Tita Charo ay dito na nanatili sa resthouse niya sa Batangas. Di na rin naman ako nag isip ng anupaman o nagbusisi pa dahil malaki naman ang tiwala ko sa kanya. At syempre halos oras oras naman itong nagtetext o di kaya'y tumatawag dahil namimiss niya raw kami sa bawat minuto. Medyo OA man pakinggan but maybe ganito lang siya magpakita at magparamdam ng pagmamahal na sobra ko namang na- aapreciate."Bakit? May okasyon ba? Anong meron ngayong gabi?" Nagtatakang tanong ko pero sa malambing na boses."Magdidinner tayo sa bahay. Dumating na kaninang umaga sina daddy. Gusto ko na kayong pormal na ipakilala sa kanila and please don't get nervous or afraid dahil nandito ako baby, I will always protect the two of you!"
At gaya nga ng mariing sinabi at pangako ni Conrad, pormal kaming humarap kami kina Tiyang. Sobrang nagwawala ang puso ko nang nasa harapan ng luma nilang bahay at naabutan si Tiyang na naglalabada. Mangha at gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "Ze---- Zelena?" Di makapaniwalang turan nito at pansin ko kaagad ang namumuong mga luha sa mga mata nito."Tiyang....."Emosyonal akong lumapit at kinuha ang basang kamay niya na dali dali niyang pinunasan bago ito inilahad sa akin at nagmano.Di ko mapigilan maging emosyonal habang nakatitig sa mukha nitong pinaglipasan na ng panahon. Marami na itong puting buhok sa ulo at kulubot na rin ang mataray nitong mukha.At di ko na napigilan ang sariling mapaluha nang ito na mismo ang kusang yumakap sa akin at una pang humagulhol ng iyak.Tahimik lang na nakatingin sa amin si Conrad na mababanaag din ang emosyon sa mga mata niya."Kumusta ka na pamangkin ko? Patawad! Sana mapatawad mo ako!" Humahagulhol na sambit ni Tiyang kay
Matapos namin kumain ng breakfast at nakapaghanda para tumungong San Agustin ay di ko inaasahan ang biglaang pagdating ni Tita Charo."Lala Charoooo!" Tuwang tuwa itong sinalubong ni Connor at ganoon din ako."Tita!" Kapwa kami napayakap sa kanya."Naku! Namiss ko kayong dalawa. Ang isang gabi ay para ng isang linggo." Emosyonal na sambit nito."Welcome po kayo rito. Feel at home lang po." Magalang na ani ni Conrad at nagmano kay tita na ikinangiti naman nito. Inutusan nito ang driver at isang tauhan niya na bitbitin ang malalaking bag na dala ni tita. "Ang dami mo namang gamit na dala ta." Wala sa sariling sambit ko nang mapuna ang mga ito."Hindi ko lang mga gamit iyan. Mga gamit yan natin, inutos daw nitong si Conrad ehh. Ibabahay na ata kayong mag ina. Nakipag agawan pa yan kay Keron para lang mapuntahan kayo nung gabi." Salaysay ni tita kaya napamaang akong nakatingin sa lalaking napakamot pa sa ulo niya na parang nahihiya."Total naman nakahanda na ang paglipat ninyo kaya ipina
Dahil sa sinabi niya ay halos nabuhay ang diwa ko sa buong magdamag. Paano ba namang hindi? Conrad was talking about marriage and building our own family. Para akong nanaginip. Napakabiglaan ng lahat at di ko aakalaing iaalok niya ang ganoon kaseryosong bagay.Dahil lang ba talaga ito kay Connor? O baka may mas malalim pang dahilan?Napapikit ako sa sariling kaisipan at marahang tinampal ang umiinit na pisngi ko dahil sa pagiging ilusyonada. Dahil kahit magdeny pa 'ko, alam ko sa sarili kong umaasa ako na minamahal pa rin ako ng puso niya gaya ng naunawaan ko sa mga sinabi niya kanina.At ang kaba, takot at pag aalinlangan ay napawi lahat sa isang iglap lang. Mahirap man magtiwala ngunit sa salita pa lang niyang iyon ay parang nanumbalik ang lakas kong ipaglaban ang naudlot na pagmamahalan namin noon. Unti unting napapawi ang kaduwagan at takot ko para sa kaligtasan ni Connor dahil nagtiwala at kumakapit ako na poprotektahan kami ni Conrad gaya ng pangako niya.Dahil sa sobrang daming
"Aba'y oo naman! Di lang yun, ipagluluto rin kita ng paborito mong kakanin nang matikman din nitong maganda mong asawa. Ano nga ulit ang pangalan mo iha?" Inosenteng tanong ni Manang na walang ka alam alam sa nangyayari."Uhmmm Zelena po Manang." Tipid na sagot ko lang at iniwas na ang mga mata sa mapanuksong lalaki."Aba'y kaygandang pangalan, kasing ganda mo. Naku! Kung ako sa inyong dalawa, hangga't bata pa kayo eh mag anak kayo ng marami nang sa gayun dadami ang magagandang lahi ninyo." Ngiting ngiti na turan ni Manang na sinang ayunan naman ni Conrad.Gosh! Inaasar ba ako ng lalaking ito? Kaya naman para makaiwas na sa pang iinis o kung anumang pantitrip niya ay minadali ko ang pag ubos sa pagkain ko at nauna ng tumayo sa kanila.Hawak hawak ko ang dibdib nang makalabas ng kusina. Kokomprontahin ko talaga siya ngayon kung bakit niya iyon sinasabi. Anong klaseng pantitrip ba ang gusto niya. Hindi na nakakatuwa dahil yung puso kong marupok ay umaasa na naman.Upang pakalmahin ang n
Kita ko ang nag uumapaw na kagalakan at kasiyahan sa mga mata niya nang aminin kong siya ang ama ni Connor at nabuo ang bata noong nagkakilala kami sa San Agustin, kung saan siya nangupahan ng halos dalawang buwan lang. Na ganoon lang kami kadaling nagkapalagayan ng loob at nagkaroon ng relasyon. Ngunit ganoon din kabilis na naglaho ang masayang ala ala namin na magkasama nang bigla na lamang siyang nawala sa ere na parang bula. At yun pala ay naaksidente siya ayon na rin sa kwento ni Jonas.Kita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Sobra din siyang nagulantang sa narinig."So it's all for real? And I am using the name Cole Perez? Kaya pala may time noon na nilapitan ako ng magkaibang babae at tinawag sa ganyang pangalan. But why? Bakit nagpakilala ako sa ibang katauhan? " Garalgal ang boses na tanong niya.Marahan lang akong tumango at di rin naitago ang pagiging emosyonal. "Siguro nagpanggap kang ibang tao dahil ayaw mo ng balikan ang buhay mo bilang isang Conrad Lexus Farris. Kw
( Zelena's POV )"Nasaan tayo?" Ito ang unang tanong ko sa kanya matapos magising mula sa mahabang pagkakatulog. Dahil sa labis na katahimikan namin sa biyahe matapos ang emosyonal na sagutan kanina ay di ko namalayang nakatulog na pala ako. Maging si Connor ay mahimbing at malalim na rin ang tulog."Batangas." Tipid na sagot niya na tutok na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.Napalunok ako ng mariin habang tinitingnan ang tinatahak naming daan. Sa dami ng punong kahoy ay alam kong malayo na nga kami sa Maynila.Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero isa lang ang alam kong sigurado, kinakabahan ako ng sobra ngunit di ko rin maikakaila ang kakaibang galak sa puso ko.Ganoon pa man, kailangan kong manatiling pormal at kalmado sa harapan niya. Alam kong mapag uusapan na namin ang lahat tungkol sa nakaraan dahil wala na naman akong takas pa. Ngunit hanggang doon lang din iyon. Hindi na ako aasa pang manunumbalik pa kami sa dati kahit na may anak kaming mag uugnay sa 'min. Itinatak ko
( Conrad's POV )"Papa! Papa!"Nagulat ako nang makita ang isang batang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa isang fastfood.At nang tuluyan itong makalapit at magpang abot ang mga mata namin, ay nakaramdam ako ng bolta boltaheng di maipaliwanag na emosyon sa puso ko.Di ko magawang ialis ang mga mata sa mukha ng inosenteng bata na alam kong napakapamilyar sa 'kin at nakita ko na noon! Fuck! It's because I saw my old self to him, when I was a kid just like his age. Na hanggang ngayon ay nakatago pa ang larawan kong iyon sa wallet ko."Who is he? Damn! Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa batang ito?" My mind shouted. I want to touch and caress this kid's face.At mas lalong nagwala ang damdamin ko nang tarantang lumapit ang ina ng bata.Fuck! It's Zelena....Of all woman ay siya pa talaga!? Kaya mas lalo lang namuhay ang kuryosidad ko. I can't even blink habang nakatutok ang mga mata sa mag ina. Ni hindi ko na halos marinig ang sinasabi ni Zelena dahil sa pagwawala ng damdamin ko.Para la