Nakatitig siya sa aking mga mata nang banggitin niya ang mga katagang iyan.
"W-what?" Nagpakurap-kurap akong nakatitig rin sa kaniya. Hindi siya umiimik. "T-then what do you want me to do? You'll dump me?" Gusto ko mang lumuha, pero pilit kong pinipigilan ang sarili. "SIMOUN, MAY ANAK TAYO-"
"I SAID NO." Tumaas ang kaniyang boses kaya napahakbang ako paatras. Bigla na lamang siyang namula sa galit. Ang aking mga tuhod ay nanginginig na tila ba unti-unti akong nawawalan ng lakas. Iyong mga tingin niya ngayon, ngayon ko lang ito nakita. Nakakuyom ang kaniyang kamao at umiigting ang kaniyang panga habang nakatitig nang galit sa akin.
"I-is this the real you, Moun?" I murmured, out of nowhere.
Nakatitig pa rin siya sa akin. Makikita ko sa kaniyang mata ang mga luhang parang pinipigilan niya pero ang kaniyang mukha ay parang nag-aalab sa galit.
"W-hy? Are you really getting married? Totoo bang may fiancè ka?" wala sa kanituan kong tanong.
Ilang sandali pa bago siya nagsalita. "It's none of your concern."
"It is. I am now carrying your child–"
"Then yes. I'm getting married next week. That is why I cannot accept that child," saad niya dahilan upang tuluyang mawalan ng lakas ang aking mga binti. Mabuti na lamang at nakakapit ako sa door knob sa aking likuran.
Tumalikod siya at naglakad papalapit sa kaniyang kuwarto.
"Then at least answer me," wika ko kaya napahinto siya sa paghakbang. "Did you only see me as your partner in bed? Did you really... never love me?”
Pero hindi siya sumagot bagkus ay nagpatuloy lamang sa paglalakad at pumasok sa kaniyang kuwarto. Naiwan akong lumuluha. Hindi ko na mapigilan ang sariling humagulhol.
Perhaps, that was a ‘yes.’ He really never love me. I was the only one who felt this stupid affection.
“Silly you, Beatrize!”
_
My father dumped me.
The father of my child dumped me.
My school will probably dumped me, and my friends too.
Dahil lang sa kamaliang ito, nasira ang buhay ko.
Now I have nothing to do, but to run away. Maybe, it would be better if I’ll leave this place.
Sinunod ko ang utos ni mom. Bumiyahe agad ako papuntang probinsya ng Negros Oriental.
Mula sa airport sa Dumaguete City, halos tatlong oras ang biyahe sa bus papuntang Jimalalud, isang maliit na lungsod ng probinsya kung saan doon naninirahan ang mga magulang ni mommy.
Mula sa highway, kailangan ko pang maglakad ng ilang metro upang makapunta sa bahay nila lola. Ngunit may isang malaking problema. Maputik iyong daan. Katatapos lang kasi umulan. Dala-dala ko iyong malaking maleta ko at ang bigat naman kung bubuhatin ko ito. Idagdag pa itong puting sapatos ko.
“Hay, kapag minamalas ka nga naman.”
Napabuntong-hininga na lamang ako. Ito rin ang isa sa mga problema ko rit sa probinsya eh. Hindi naman sa maarte ako, sadyang hindi lang talaga ako sanay maglakad sa mga ganitong daan.
Nagsimula na namang pumatak ang ulan. Samantalang ako ay hindi pa rin alam kung ano ang gagawin.
“Hay ano ba ‘yan!”
Binuhat ko nalang iyong maleta ko. Mabigat pero kaya ko namang buhatin. Hindi ko nga lang kayang buhatin nang matagal. Nakailang hakbang pa lamang ako, tumigil agad ako. Palakas nang palakas na rin ang ulan.
Tumingin ako sa sapatos ko na unti-unti nang nababalot ng putik. Hay, buhay probinsya nga.
“Miss, ako na bubuhat niyan,” biglang wika ng isang lalaki sa likuran ko kaya lumingon ako.
Nagulat na lamang ako nang makita siyang walang damit pang-itaas at basang basa na rin. Tumatabon na iyong kaniyang buhok sa kaniyang mata.
Sa nakikita ko, guwapo siya, moreno, at matipuno ng pangangatawan.
“A-ah,” nagpakurap-kurap ako nang mapagtangtong natulala ako saglit. “Ah, hindi okay lang. kaya ko naman-“
Binuhat ko ulit iyong maleta ko pero nabitawan ko ulit dahil dumulas sa kamay ko.
Lumingon ko ulit doon sa lalaki na ngayon ay nakangiti. “Ako na,” aniya at humakbang papalapit. Umatras ako nang buhatin niya ang aking maleta. “Mabigat ‘to para sa’yo. Halika.” Nag-alok siya ng kamay.
“Ah, hindi okay lang. Kaya ko naman maglakad-“
“Sinungaling. Halata namang nagdadalawang isip ka kung hahakbang ka ba o hindi.”
Hindi ako natapos sa pagsasalita nang siya na mismo humablot sa kamay ko. Sumunnod na lamang ako sa kaniya. Naglalakad kami sa ulan habang magkahawak ang kamay. Iyong isang kamay niya ay ginagamit niya sa pagbubuhat ng maleta ko. Basang-basa na rin ako.
“Saan ba punta mo?” tanong niya habang palingon-lingon sa akin habang naglalakad kami.
“Ah, doon lang sa unahan. Sa bahay ni lola Terya,” sagot ko naman habang maingat na humahakbang.
“Ah, kay lola Terya lang pala. Malapit na tayo roon. Hindi na rin masyadong maputik iyong daan malapit sa kanila,” aniya.
Nang makarating kami sa malaking bahay nila lola, sarado iyong gate ngunit nabuksan ng lalaking kasama ko.
“Paano mo ‘yan nabukasan?” tanong ko sa kaniya. Nakakapagtaka naman na alam niya kung paano buksan ang bahay na hindi kaniya.
“Ah, tinuruan ako ni lolo Siloy,” sagot naman niya saka binuhat ulit iyong maleta ko. Sabay na kami pumasok.
Nang makarating kami sa main door, siya na ang kumatok.
“Tao po? Lola Terya, lolo Siloy?”
Ngunit walang sumasagot.
“Lola, andiyan po ba kayo?” tawag ulit ng lalaki kong kasama kina lola ngunit wala pa ring sumasagot. Lumalakas pa rin iyong ulan. Siguro ang hindi sila makarinig.
Niyakap ko na ang sarili ko dahil sa ginaw. Kanina pa talaga ako giniginaw sa totoo lang.
Mabuti na lamang at bumukas na ang pinto sa wakas.
“Bea, apo? Diyos ko po. Anong nangyari sa inyo at basang-basa kayo ng ulan?” bulalas ni lola Terya nang makita niya kami ng lalaking kasama ko. “Hali kayo, pasok. Mga batang ‘to talaga.”
Nauna akong pumasok. Sumunod naman iyong lalaking kasama ko.“Magbalot muna ako,” aniya ni lola Terya habang inaabutan kami ng tuwalya. Binalot ko agad sa katawan ko.
“Bea, bakit hindi ka tumawag pagbaba mo sa bus? Nasundo sana kita ng payong.”tanong ni lola sa akin.
“Ah, hindi ko po naisip tumawag eh,” sagot ko naman. Ayaw ko rin naman magpasundo pa kina lola. Matanda na rin siya.
“Ikaw talagang bata ka. Dalaga kana ang palpal mo pa rin mag-isip,” saad ni lola na kinangiti ko. Ganiyan talaga magsalita sa akin si lola simula pa noong bata ako. Palagi talaga niya akong tinatawag na palpal, minsan tanga. Kasi nga daw hindi ako nakakapag-isip ng mabuti kapag nasa problema ako.
Sa tingin ko nga ganoon pa rin ako hanggang ngayon. ‘Yong mga desisyon ko, ako lang din ang nasasaktan.
“Teka po. Paano niyo po nalamang dadating ako?” tanong ko naman kay lola. Hindi naman kasi ako tumawag sa kanila na uuwi ako.
“Mamaya na tayo mag-usap. Maligo muna kayong dalawa.”
Tumingin naman ako doon sa lalaki kong kasama.
“Isa ka pa, Marco. Ano na naman ginagawa mo habang umuulan?” tanong ni lola sa kaniya. Marco, iyan yata ang kaniyang pangalan.
“Alam niyo na po lola,” nakangiting wika nitong lalaking si Marco.
“Ikaw talaga kahit anong pagalit ko sa iyo. Maligo na nga kayong dalawa at magtitimpla ako ng kape niyo.”
Nagkatinginan muna kami ni Marco saka kami sabay na humakbang.
“Nakahanda na ang kuwarto mo sa taas, ija,” pahabol ni lola sa akin.
Umakyat na ako diretso sa taas. Pagkapasok ko sa aking kuwarto, nakahanda na nga ang kama ko. Inilibot ko ang aking pangingin at nakita ang mga litrato ko noong bata pa ako. Pati rin pala ito ay narito pa rin. Pati rin iyong litrato ni mommy noong dalaga pa siya nasa lamesa pa rin. Ito kase kuwarto ni mommy noon tapos naging akin kapag bumibisita ako dito.
Pagkatapos ko maligo, sinuklay ko ang aking buhok habang nakatingin sa salamin. Tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan ko dahil nasa baba pa mga gamit ko.
Habang nakatitig sa repleksyon ko, bigla ko nalang naalala si Simoun. Napatigil ako sa pagsusuklay at tumulala sa repleksyon ko.
I gave my body to him. I gave my everything. Ginawa niya lang pala akong panakip-butas. Now, that his girlfriend is back, he dumped me that easy.
I don’t know how long will it take for me to move on, but I swear, I’m not going to see him again. If he can’t accept his child, then I can. I will raise my child alone. And I will not let my child meet his father.
He said it clearly. He cannot accept my child. That means denying his rights as a father.
Dinalhan ako ng damit ni Marco sa taas kaya nang matapos akong magbihis, ako ay bumaba at dumiretso sa kusina upang magkape. Nandoon na rin si lolo. Nagmano muna ako sa kaniya bago ako umupo sa tabi ni Marco. May baso na ng kape na nakapatong sa mesa sa harap ko.Purong kape, kape na mula mismo sa giniling na mga coffee beans, hindi komersyal. Simoun used to love coffee like this. Gusto niya iyong timplang isang kutsarang kape at isang kutsarang asukal sa isang baso ng kape niya. Dahil lang din sa kaniya, natuto akong uminon ng ganitong kape. Noon ako ay hindi mahilig. “Naku! Ija, hindi pala ikaw umiinom ng kape-“ “Ah, okay lang po.” Pinutol ko ang pagsasalita ni lola. Aabutin niya sana ang baso ng kape ko ngunit natigilan siya nang magsalita ako. “Umiinom na po ako,” ngiti ko. May pagtataka na tumingin si lola sa akin. “Ganoon ba? Akala ko ay hindi ka pa rin umiinom ng kape,” usisa niya. Ngumiti lamang ako saka humigo
Nagising ako dahil sa pamumukaw ng tinig ng mga tandang. Inuunat-unat ko ang aking mga kamay at paa bago bumangon. Tumingin ako sa bintana na iyong kurtina ay nagbagong-kulay dahil sa liwanag mula sa bagong sikat na araw sa labas. Bumaba ako sa kama saka lumapit sa bintana at hinawi iyong kurtina. Sumalubong sa akin ang malamig at sariwang hangin, makulay na kalangitan, at malawak na hacienda. “Huh? Lalo yata ‘tong lumawak ah,” pagtataka ko. Dati kasi, ito lang lupang katabi nitong lupa nila lola ang tubohan. Ngayon, tatlong beses yata ang laki. Kung dati, mga tubo lang ang mayroon, ngayon may mga alaga na ring hayop sa unahan. “Woah.” Hindi ko mapigilang mamangha sa lawak ng lupain nila. Alam kong malawak itong lupain nina lola pero mas na ‘tong nakikita ko. “Sino kaya may-ari nito?” Nakakapagtaka naman. Napakayaman siguro nila. Dito kasi sa probinsya, kapag malaki lupain niyo, parang considered kayo as mayaman. Kung doon sa maynila, ang kayamanan mo ay nakabase sa laman ng ba
“Papang, alis na kami,” paalam ni lola kay lolo nang makalabas kami ng bahay.Ako naman ay lumpit kay lolo na nagdidilig ng lahalam. Nagmano muna ako sa kaniya, “Alis na po kami, lo.”“Oo, sige. Mag-ingat kayo,” aniya.“Opo, lo. Kayo rin.”Patungo kami ngayon ni lola sa tabo sa baranggay. Magtitinda kami roon. Nakasanayan na kasi ni lola na magtinda ng banana cue at kamote cue tuwing Huwebes sa tabo. Ngayong nandito ako, sasamahan ko si lola sa pagtitinda. Dala ko iyong mga paninda namin. Dala naman ni lola iyong mga paper bag. Maraming suki si lola kaya hindi kami nawawalan ng mga mamimili. “Ay Diyos ko, muntik ko na makalimutan.” Lumingon ako kay lola nang bigla na naman niyang tawagin ang Panginoon. “Bakit po, la?”“Si mareng Silya, may order pala siya na kamote cue,” natatarantang asal ni lola. “May natira pa naman po eh, ilan po ba order niya?” Binilang ko naman ang mga natirang kamote cue. “May anim pa po.”“Lima lang naman iyong sinabi niya. Sabi ko kasi idadaan ko nalang s
Nagising ako na kulay puti ang nakikita.Nang ilibot ko ang aking paningin, nakita ko si Marco, nakaupo sa katabing kama nitong hinihigaan ko. Nakayuko siya habang nakahilamos sa kaniyang mukha ang kaniyang dalawang palad. Samantalang nag-aabot naman ang kaniyang siko at tuhod.“Nasaan ako?” walang lakas kong usisa.Agad na nagtaas ng tingin si Marco nang magsalita ako. Tumayo siya saka lumapit sa akin at nag-aalalang tinignan ako. “Kamusta? Okay ka lang?” tanong niya.Tumango naman ako. “Anong nangyari? Bakit ako nandito?” pagtataka ko. Nasa hospital yata ako.“Hinimatay ka kanina nang sumakit ang tiyan mo,” kuwento ni Marco. Tumingin ako sa kisame at nag-isip. Naalala ko na. kanina pagkatapos kong kumain ng mangga, sumakit ang tiyan ko. Nang sinabi naman ni Marco na nagdudugo ako, nataranta ako. At hanggang diyan lang ang naaalala ko. Dito na ako nagkamalay.“Tungkol doon sa…sabi ng doctor. Totoo ba?” Mula sa kisame, napunta ang paningin ko kay Marco nang magtanong siya. Hindi ko
Marco granted my request. He didn’t ask me anything related to the father of my child. Pati sina lolo at lola rin. Kahit minsan hindi nila ako tinanong tungkol sa pagbubuntis ko o sino ang ama ng dinadala ko. Kahit minsan man lang hindi kami nagkausap tungkol sa bagay na iyan. Hindi ko alam kung may sinabi bang iba si mommy sa kanila. Hindi ko na rin kasi nakakausap mga mmagulang ko. They didn’t called. Natatakot na rin akong tumawag dahil baka hanggang ngayon ay galit na galit pa rin si dad sa akin. Lumipas ang ilang buwan, inalagaan ko ang aking anak na nasa aking sinapupunan. Sinuportahan naman ako nina lolo at lola. Si Marco, naging mabuti kong kaibigan. Minsan nagseselos ako sa kanila ni Siera. Palagi siyang gumagala sakay kay Siera samantalang ako ay bawal. Lalo na ngayong walong buwan na akong buntis, nahihirapan na akong maglakad-lakad o gumala-gala sa hacienda. Medyo mabigat kasi tiyan ko. Masakit rin sa likod kasi para akong palaging nakaliyad. Kaya napadalas tambay ko s
Pagkatapos ng apat na taon, nagtapos ako sa kolehiyo. Ngunit kasabay ng pagkamit ko ng diploma ay ang pagpanaw ng aking anak. He was diagnosed with Hypoplastic Left Heart Syndrome. Doctors cannot identify the certain cause, but it could be either of the two—genetic or dahil sa severe tress ko sa pagbubuntis.If it was genetic, hindi iyon galing sa akin. Walang history ang pamilya ko ng heart defect. Sabi ng doctor, marahil ay nagmula sa ama. I was on my eight months of pregnancy when my doctor said that there is a problem with my baby’s heart. Noong nagbigay silang ako sa aking anak, binalaan ako ng doktor.Seems like my world turned upside down. Hindi ko alam kung saan ilalabas lahat ng galit at hinanakit. Minsan naitatanong ko na lamang sa langit kung anong malaking kasalanan ang aking nagawa upang ako ay parusahan nang ganito. Tinanggap ko ang pagiging ina sa aking anak kahit walang ama. Tinanggap ko ang pagtakwil ng aking mga magulang sa akin. Pinilit ko ang sarili kong mamuha
I’m on my way to my second job interview today. Medyo kinakabahan pero kaya pa naman. Maraming trabaho ni-applyan ko at may dalawa nang nag-reject sa’kin. Mahirap nga talaga ang maghanap ng trabho kapag fresh graduate ka. Karamihan kasi sa mga kompanya, mga impleyadong may job experience ang hanap. Kung tutuusin naman, hindi kami magkakaroon ng job experience kung hindi nila kami tatanggapin gayong mga fresh graduate kami. “Heto po manong. Salamat po.” Inabot ko sa driver ng taxi ang pamasahe ko at saka lumabas. Tumingala ako sa isang mataas na gusali na may nakalagay na H.A.S Food. Ito ‘yong kompanyang naghahanap ng Food Technologist. BS in Food Technology graduate ako kaya tumpak sa akin ang trabahong ito. ‘Yon ay kung papasa. Malaki pa naman ang gusaling ito, siguro malaking kompanya rin ito. Nakakadagdag kaba. Pero wala nang urungan pa. Nandito na ako at disperada akong magkaroon ng trabaho. “Let’s get in on, Beatrize! Good luck!” _ Sa wakas natapos rin ang kaba ko! Pumalit
Katatapos ko lang maligo at tinutuyo ko na ang aking buhok gamit ang tuwalya. Tuwalya lang dahil wala akong blower. Hindi na ako iyong dating Beatrize Causalle na medyo rich kid na medyo maganda. Ako na ngayon ang Beatrize Causalle na tipid na sa pera at wala pang trabahong napasukan. Tatlong rejection na natanggap ko. “Hay,” napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa aking repleksyon sa salamin. Suot ko ang oversize white t-shirt ko at tangging panty lang ang suot sa lower part ng katawan ko. Wala naman akong appointment ngayong araw kaya tambay lang ako rito sa bahay. Maluwag naman itong apartment na nabili ko. Sakto lang sa isang tao. Elevated ang kama ko nang dalawang hakbang lang naman. Katabi ng kama ko ang working table ko, elevated rin of course. Sa ibaba naman ginawa kong sala, tapos kusina at dining area, at may comfort room din.Isang kwarto lang talaga itong apartment ko pero sakto lang ang espasyso para sa isang bahay para sa isang tao. May nabili na rin
Hot, sweet, and wild. That’s what comes up in my mind. Other than drinking, maybe we could use this wine into something else. Hinanda ko ang bote ng wine at nilagay ko ito sa bedside table. Katabi naman ng bote ang glass ni Simoun na may marami nang nakalagay. Ang glass ko naman ay bitbit ko habang nakaupo sa kama. Hinihintay ko nalang na lumabas siya sa banyo. Syempre, nakaposisyon na ako. Naka-angat ang ibabang bahagi ng suot ko upang makita ang aking hita. Hindi nagtagal, bumukas na ang pinto ng banyo at iniluwa si Simoun na naka bathrobe na kulay puti. Tinutuyo niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya. Nang lingonin niya ako, agad akong ngumiti. “Cheers?” anyaya ko.Kumunot ang noo niya. “What are you doing?” Pinaglandas ng kaniyang titig ang aking katawan mula sa paa paangat sa aking ulo. “Umiinom.” Inangat ko ang aking baso na may lamang maraming wine at sumandal sa headboard ng kama. Uminom lang ako ng kaunti at ang ibang laman, dahan-dahan kong binuhos sa aking dibdib.
Natapos nang gamutin ni Simoun ang sugat ni Raphael. Nilalagyan na niya ito ngayon ng band aid.“It’s done,” saad niya nang matapos.“It doesn’t hurt tito,” matapang na wika ni Raphael.“Still next time, you have to be careful, okay?”Tumango ang bata. “Opo, tito.”“Very good.” Umayos ng tayo si Simoun.“’Yong parents niya, kailangan natin siyang ibalik,” ani ko.“Tumawag nalang tayo ng security at manatili muna rito,” suhestyon niya.I think, it’s way better. Kaysa maghanap rin kami, at maghanap rin ang kaniyang mga magulang. May chance na magkatagpo kami, ngunit may chance ring lalayo lang kami lalo.Tatawagan ko na sana ang security number ng place nang may babaeng biglang sumigaw.“Raphael, anak!” Tumatakbo ang babae papalapit sa aming gawi. Kasunod naman sa kaniya ang isang lalaki. “Mommy, daddy!” sigaw ni Raphael. Ang kaniyang tuta ay tumatahol ring sinalubong ang mag-asawa.“Anak, where have you been? Alalang-alala kami ng daddy mo sa’yo.” Nang makalapit, agad na yumakap ang
We went to church together, we pray, and light a candle for our son. We will visit him soon sa death anniversary na niya. Hindi pa pwede ngayong wala pang one year. Lumang paniniwala ‘yan ng mga nakakatanda na nasunod ko mula sa kanila ni lola. “Hindi ba tayo uuwi?” tanong ko nang mapansing ibang ruta ang tinahak ni Simoun. “Too early to go home. Saturday date muna tayo,” aniya. And he just made me draw a smile on my lips. The Simoun Hord that I know now is far away different from the Simoun I know four years ago. He was my professor, now he’s my boss. He was just my sex partner, now he’s my boyfriend. I only knew few of his life details before, now we’re fighting together in a battlefield. Time passes quickly. At hindi ko inasahang babalik pa rin ako sa piling niya ngayon.Pumunta kami sa isang highland park. Dito masarap maglakad-lakad dahil sa maganda ang view at malamig ang hangin. Naglalakad kaming magkahawak ang mga kamay. Maraming mga tao, kadalasan couple, may mga pamil
Yes, we’re now dating for real. And that’s what makes his fake father threaten him to be banned from the country again.I haven’t seen his father lately. Sabi rin naman ni Simoun, hindi niya ito madalas na nakikita. Marami raw itong pinagkaka-abalahan, maliban sa kompanya.He finally told me everything about his fake father and about his parents death. It wasn’t just an accident. It was planned.As for now, his fake father is building strong alliances with the criminal organizations and some powerful politicians. Nakuha na nga niya ang lahat na pag-aari ng kaniyang kapatid, gahaman pa rin siya sa kapangyarihan.Kaya nahihirapang gumalaw si Simoun upang kalabanin ang pekeng ama dahil sa malakas na koneksyon nito, both underground and in public. And as of now, he’s still under his fake father’s control.Good thing that his fake father not yet banned him, threat palang. Pero kung mangyari man, things will fuck up to the worst point.I’m not ready for that point, but it feels like Simoun
Perhaps it’s time to accept fate and move on from the past. He almost broke me, but it wasn’t his fault. Siya rin, he suffered a lot…more than what I have been.Perhaps it’s time to forgive him and start over again. I may not know what lies tomorrow ahead, but I wanna live today, and move on from yesterday. Nang magising ako, tulog pa si Simoun. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako sa kusina upang maghanda ng agahan. I haven’t prepared breakfast for us simula nang tumira ako rito. Today will be my first day. Niluto ko lang ang kung anong pwedeng pang breakfast na nakita ko sa loob ng fridge. Pagkatapos kong magluto, hinanda ko na ang mga pagkain sa mesa. Nang matapos na akong maghanda. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “Perfect,” saad ko. Tumalikod ako upang lumabas ng kusina nang…“Ay langya!” gulat kong asal nang makita si Simoun na nakatayo sa may pintuan. “K-kailan kapa diyan?” Naka cross sa kaniyang dibdib ang kaniyang mga braso at nakahilig
“Simoun once become a university professor. She was his student,” wika ni Richmond na siyang sumurpresa kay Valeen. “W-what?” Pagtataka niya. She didn’t know such thing.“Nang tumigil siya sa pagdo-doctor, naging professor siya. That woman Beatrize happened to be his student,” kuwento ni Richmond. “I-ibig sabihin niyo po uncle, kilala niyo ang babaeng ‘yon?” Kilala lang ni Valeen si Beatrize bilang isa sa mga naging babae ni Simoun. Wala siyang alam sa ibang impormasyon tungkol sa dalawa. “Not that much. Her father is a lawyer and her mother is a small business owner. Just one of Simoun’s woman from before.” Iyan lamang ang alam ni Richmond na impormasyon tunglkol kay Beatrize.“And what is that professor and student thing, uncle?” pahabol na tanong ni Valeen.“He was her college professor, when we arranged Simoun’s marriage with the Lopez’s hier.” Valeen’s jaw dropped. “Nasa New York siguro ka nang mga panahong ‘yon,” dagdag ni Richmond. Valeen was once a nurse. Kasama niya sa
Valeen left, without bidding a farewell word. And it feels like I won the battle. Ang sarap sa pakiramdam manalo sa isang argumento. Napapanginti ka nalang talaga nang todo. Well not until nagsalita si Simoun. “What was it again?” Napalundag ako nang mapansing ang lapit ko pala sa kaniya. Ngayon ko lang napansin kasi kanina abala ako sa pakikipag-argumento. “Ang alin?” Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. “’Yong mga pinagsasabi mo. We have been what?” ang ganda ng ngiti niya. Tila ba may nangyaring maganda o may ginagwa akong maganda. We have been sleeping together, we had sex, we’re living together. Iyan ang mga pinagsasabi ko kanina na hindi ko na kayang sabihin ulit ngayon. “Ginawa ko lang ang papel ko bilang fake fiance mo,” ani ko at dumistansya nang kaunti mula sa kaniya. “And you were talking like the real one.” Eh sino ba naman ang hindi? Nilalait ako kaya ipaglalaban ko ang sarili ko. “Shut up. Hanggang dito nalang ako.” Tumayo na ako upang umalis na. baka hum
“You’re not freaking serious Moun, right?” “I am freaking serious, Bea!”Nagtatalo kami rito sa loob ng sasakyan kasi ang sabi niya, papasok kami sa trabaho na magkasama. It will surely create a huge mess. “Hanggang dito ba naman magpapanggap akong fiance mo? Ano sa tingin mo iisipin ng mga tao sa’kin?” pakikipagtalo ko.“You were already exposed to the media, Beatrize. Imposibleng wala sa mga tao diyan sa loob ang nakaalam sa balita. And if you don’t want to pretend, why not try to be real then?” saad naman niya. “I’m dead serious, Moun!” babala ko. “And so I am. You are now my fiance. No turning back!” At binuksan na niya ang pinto bago pa man ako makasagot. Bumaba siya mula sa driver’s seat at saka umikot naman sa passenger’s seat upang pagbuksan ako ng pinto. Narito na kasi kami sa harapan ng kompanya at nakikipagtalo ako kanina pa kasi ayaw kong magkai-issue’ng kasama siya. But he insist kaya wala na akong magawa ngayon. Pagpasok palang namin sa loob, nasa amin na ang aten
Hanggang sa ako ang nagdesisyong basagin ang katahimikan. “Narinig ko ang usapan niyo,” ani ko habang nasa kalawakan pa rin ang tingin. Wala siyang respond kaya dinagdagan ko ang aking sinabi. “Do you have something to tell me?” Lumingon ako sa kaniya. I met his tired eyes. I can see it, the way he look at me. He did not speak. He just look at me, unemotionally. I can’t read any emotions from his eyes. “I mean…I don’t want to assume pero, were you talking about me?”diretso kong tanong. Gusto ko lang naman malinawan. I was once said that I don’t want to get involved with him again, but I’m already here…in his place, getting involve in his life.“Yeah,” maikli niyang sagot. I’m not surprised. I’m getting more curious. “Bakit? May kailangan ba akong malaman?”Humugot siya ng malalim na hininga. “No. I was just wondering if you can trust me again.” I was a bit surprised by his words. “Alam kong sinisini mo ako sa pagkamatay ng anak natin.” But his second sentence literally caught m